Share

Chapter 8

Lola's POV

Nagising na naman ako na nasa loob ng kwarto ko sa ospital. Nakaramdam ako ng pagkislot ng sakit na pumipintig sa sentido ko. Matapos niyon ay napasimangot ako, lalong lalo na nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni JD. Tila may dumaan na malaking pison sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Literal na napahawak ako sa aking dibdib nang dahil doon.

Ganito na kaagad ang epekto sa akin ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kanina sa set. Kung masyado lang ba akong sensitive ngayong araw o dahil sa nilalagnat ako.

Ever since that time that I was left by biological mother, I've never thought that those episodes would be this fatal to me. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. Although I have some anxiety attacks kapag sobrang nag-aalala ako sa isang sitwasyon. Pero hindi pa nangyayari sa akin ito na may isang sitwasyon na nagpapaalala sa akin sa nakaraan and make it look like the greatest nightmare of my life. This is the very first time that I have encountered this. At nang dahil dito ay nag-iiba na rin ang mood ko. I've been too sensitive with words lately.

And one of those trial was JD's words.

Hindi ko kaagad namalayan ang aking paligid. Masyado akong abala sa pagsisiyasat sa dahilan ng mood ko ngayon, saka ko lang napansin na may isang matipunong kamay na nakahawak sa braso ko na kasalukuyang nakahawak sa aking dibdib. Awtomatikong napalingon ako sa may-ari ng kamay na iyon at natigilan. Kumurap-kurap pa ang mga mata ko sa kanyang harapan. Namamalik-mata lang ako, 'di ba? Si JD pa rin ang nasa tabi ko, 'di ba?

Pero bakit? Bakit hanggang ngayon ay narito pa rin siya? He should be doing his shoots and schedules for today. It seems like I am occupying this hospital the whole day and that means kanina pa narito si JD at binabantayan ako? Parang may mali.

He has told me a lot of harsh words earlier. Halos hindi ko masikmura ang lahat ng iyon. Hindi ko matanggap. He had a nerve to tell me those words and then be here with me all day as if nothing happened.

Nakakaloka naman ang lalaking ito. Pinaglalaruan niya ba ako?

"Are you okay? Where does it hurt? Okay ka lang ba?" sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong antok at pag-aalala. Pupungay-pungay pa ang kanyang mga mata. He even squinted with the light by the window.

Gosh. Isa ito sa kahinaan ko. Ang ganitong gesture niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman ang ganitong emosyon. I somehow feel mushy inside of me which is something that I hate the most. Being so weak. Pero hindi ko rin mapigilan ang magtanong sa sarili ko. Isa na naman ba ito sa palabas niya? Is he doing this because of my plans to ride on his fame? Totoo ba talaga na alam na niya ang pakay ko sa kanya? What if it's the case then? Paano pa ako magtatagumpay sa mga plano ko? Paano makakapaghiganti si Scarlet? At paano pa ako magiging maugong na naman sa showbusiness kung gayong bistado na niya pala ako?

At bakit ba ako naaapektuhan? Wala naman akong dapat na ipag-alala dahil kung nagpapanggap man siya, mas nagpapanggap ako ngayon. Everything around us are all lies. And we already know that we're doing this because of publicity. Purely business. No strings attached. Iyon ang rules ko bilang isang Social Climber.

If I want to make it on top, I should stop feeling so mushy in front of him just because he's making this kind of face. It's just natural that a man can be like this. In movies, actors can really make it look like everything around them are real. Kaya bilang isang artista, alam ko na dapat ang pagpapanggap sa nagpapakatotoo. At ang nakikita ko ngayon ay isang pagpapanggap na kailangan kong iwasan na paniwalaan.

Tama, Lola. Huwag kang papaapekto sa pinapakita sa'yo ni JD. This is all a part of his show. His plans on bringing you down. And remember, hindi ito ang lalaki na magbibigay sa'yo ng seryosong relationship. This is all just a game. Never be deceived! paalala ko sa aking sarili. Ha! I will never be deceived. Never!

Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang nasa isipan ko at kaagad na winakli ang kanyang kamay. "Anong ginagawa mo rito? Aren't you supposed to be busy with your schedules? Nagsasayang ka ng oras dito? Hindi ka ba hinihintay ni Gaia?" I scoffed at the last sentence that I asked. Yes. I sounded bitter and like a real jealous fiancee. Wala akong pakialam. Galit pa rin talaga ako sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ako magiging okay hangga't ganito at masama pa rin ang loob ko sa kanya.

After I brushed him away, suddenly I saw a glint of disappointment in his eyes. I was quite surprised. It felt so genuine but later, I shrugged off that very thought. From how he is positioned seemed like he's from his crouching position before he touched me. May bakas pa ng gusot na kumot na bumakat sa mukha niya. From this view, I felt like I'm seeing the flawed sides of his. Seeing him unguarded and innocent somehow warmed my heart. It felt like I am just a normal person seeing a man with this kind of behavior. From this point of view, simplicity seemed to be quite good than being in the spotlight.

"You should be thankful that I caught you right away. Kung hindi, baka nabukulan na ang ulo mo kanina. Instead of thanking me, this is what I get..." he hummed and looked away sa anyong nagtatampo.

Luh. Feeling jowa naman nito! I rolled my eyes internally.

Gano'n pa man ay napaiwas ako ng tingin. Lihim akong napahiya nang dahil doon. Matapos niyon ay namayani nang saglit ang katahimikan sa pagitan namin.

Afterwards, narinig ko siya na tumikhim. "Nasalat kita kanina. Inaapoy ka ng lagnat. Why did you remove your IV kung alam mong mainit ka pa? Stubborn woman. Ganito ba talaga katigas ang ulo mo? Lagi mong ginagawa ang mga bagay na hindi pwede. Sinasadya mo talaga ang lahat ng 'to para pansinin ka ng lahat. Attention seeker..." nang-uuyam niyang sabi sa akin.

Napanganga pa ako at napahawak muli sa aking dibdib. "A-anong sabi mo? Sinasadya ko 'tong lahat?" Marahas akong napabuga ng hangin. Ngayon ay nagpamaywang na ako at nilingon siyang muli. "May saltik ka ba? Ang sabi mo sa akin may lagnat ako, tapos ngayon sasabihin mo na nagpapanggap lang ako. Paano ba magpanggap na may lagnat kahit na mainit na mainit na talaga ako? At saka, ano bang alam mo tungkol sa akin at kunh makapagsalita ka ay akala mo kilalang kilala mo na ako? You don't know me. You just know my name but you don't have the right to put words on my mouth!"

"Then, why did you say that we're engaged to be married at my own birthday party? Ano bang purpose mo kung bakit mo iyon ginawa? Ah, alam ko na... you did that because you want me, right? Hindi na bago sa akin ang kwentong 'yan, Miss Lee. I've bedded dozens of it-girls and I know that they want me simply because I'm their dream guy. Pangarap ng lahat na maikama ako o makatabi mam lang ako ng isang gabi. So, how are you so different from them? Mali ba ako sa sinabi ko?"

Napatawa ako nang sarkastiko dahil sa sinabi niya. Oh, yes. He is damn right about what he said. Siya na ang manghuhula! Siya na ang magaling! I want him but not because I'm into his bed games, not because I want to touch him. I want him because he is famous! He is the perfect man for me to ride on. What I after is his fame, not his cave-wrecking crotch! "First of all, hindi ko alam na birthday mo iyon and clearly I didn't mean to really ruin that party. Kung alam ko lang e 'di sana hindi ko na ginawa! I would've done it in other days. Second, ang conceited mo namang lalaki! Sino namang may sabi sa'yo na type kita? Sinong may sabi sa'yo na gusto ko na maranasan ang magka-vhajayna lock at madala sa ospital dahil sa pakikipagtalik? Excuse me, Mr. Vhajayna Lock, I am not that kind of woman! Ibahin mo ako. You know why I did that? Mahilig akong mangolekta ng lalaki. You can search the internet, dear. You can know that in every project, lahat ng nagiging leading man ko ay nakakarelasyon ko. No one dares to refuse the great Lola Lee. And you?" Agad ko siyang dinuro matapos kong sabihin ang napakamahabang litanya ko na iyon, "You're just one of the collections that I want to have. It's not about having intimacy. It's about publicity. Hindi ka pa ba sanay sa kalakaran ng showbusiness? Dapat alam mo na ganito ang mangyayari every time you accept a new project and with a new partner," pagtatapos ko sa aking mahabang eksplenasyon sa kanya. Nakapamaywang pa ako at inirapan siya.

Bwisit! Hindi ko na sana iyan sasabihin pero natsa-challenge ako sa mga akusasyon niya. Ayaw kong umamin sa kanya na ang tunay na dahilan kung bakit ko siya nilapitan ay dahil gusto kong sumakay sa kasikatan niya at dahil sa inutusan lang ako na paghigantihan ang kaibigan ni Scarlet. Mas okay na ito lang ang alam niya na dahilan kung bakit ko siya nilapitan. This way, he'll shut his mouth and won't look at me like I'm some kind of a desperate woman begging for his touch. Hindi ako kaladkaring babae!

Nakita ko sa peripheral view ko ang pagkamangha na bumalatay sa kanyang mukha. Saglit lang iyon saka napalitan ng amusement. Then, he suddenly laughed. Duh! Alam ko na 'yan. Pahiya ka na sa lagay na 'yan! Bleh!

"So, no matter how girls view me as a s3x magnet, hindi ka talaga maaapektuhan kahit pa na magkasama tayo? Is that it?" He simplified my reasons with a small grin gradually and carefully plastered on his face.

Sa lagay na iyon ay napalunok na ako ng laway. The way he stares at me right at this very moment is starting to take over all the reasons for my difficult breathing and my attention. It seemed like he's starting to magnet my existence. My whole being started to crumble the mightiest protection that I have built within me.

Wait. What am I doing? Bakit hindi ako umiiwas sa papalapit niyang mukha?

JD slowly is approaching my area of responsibility. He slowly leaned forward nearing my face. Automatically, my reflex told me to flinch. Slowly and surely, I tried my hardest to flinch away from him. Unti-unti akong umatras hanggang sa naramdaman ko na lang na ang malambot na kama na ang nasa likuran ko. Wala na akong maatrasan pa. Napagtanto ko na nakabalik na pala ako sa pagkakahiga at ang kalahati ng katawan ni JD ay nakadikit na sa akin. Ang mukha na lang niya ang gahibla pa ang pagitan sa mukha ko.

I could feel his shaky breath fanning my cheeks. He smelled like minty apple. Nakakaliyo ang kanyang amoy. Gosh, this is the second time that he's been too near me. This time, mas nakalapit na siya sa akin at nasa punto na ako na wala na akong takas sa kanya.

I can't even dare to breath normally. Pigil-hininga kong tinitigan ang nang-aakit niyang mga mata.

S***a ka! Lumayo ka bago ko pa bawiin ang sinabi ko kanina! 'Wag kang maharot. Mapagpatol ako!

"Like if I do this, you still won't be affected? Is that what you are saying, Miss Lee? Even if I make you feel hotter than others have tasted me?" he asked huskily in the d@mn s3xiest way. He is looking at me intently. Afterwards, he slowly moved his gaze down to my lips.

Wala sa loob na napalunok ako nang dahil doon. Gosh, is he going to kiss me?

Napapikit ako na naman ako dahil doon. Hinintay ko lang na gawin niya ang gusto niyang gawin sa akin. Ilang segundo akong naghintay pero wala man lang akong naramdaman. I decided to open my right eye to peak at his face. Pero ganoon na lang ang ipinagtaka ko nang makita na wala na siya sa ibabaw ko.

Napamulat na ako ng dalawang mata. Wala sa loob na napanganga ako. Oh my gosh! Did he just leave me with that reaction on my face a while ago?

Pagkatayo ko ay doon ko namalayan na ako na lang pala ang natira sa loob ng kwarto ko.

Padabog akong napahiyaw at nagpapadyak sa kama.

Bwisit ka talaga, JD!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status