Share

Chapter 6

Mica Rodriguez Santillan POV

Kinuha ko rin ang libro ko at sinundan si Jaria. 

Lagi na lang niya kasi akong iniiwasan. 

Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, gusto ko lang naman maging kaibigan siya.

‘’Jaria….’’, tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad ng tinawag ko ulit siya at tinignan niya ako na parang naiinis.

‘’What…?’’

Hindi ako agad nakasagot sa kanya. 

Hindi ko alam ang isasagot ko at parang natakot ako sa kanya dahil parang wala siya sa mood na makipag-usap.

‘’Pwedi bang lubayan mo ako? Pwedi bang gumawa ka ng boundaries between us kahit dito man lang sa Academy? And please, huwag mo akong kakausapin…!’’, sabi niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. 

Wala rin naman akong isasagot sa kanya at kung mayroon man, hindi iyon matinong sagot at ayaw kong pati siya ay madamay sa paghihiganti ko. Naiintindihan ko siya kung bakit ayaw niya sa’kin, ako rin naman kasi ang unang nanggulo sa kanilang pamilya at hanggang ngayon ginugulo ko pa rin sila.

Lunch break namin nang lumapit ulit sa’kin si EJ habang mag-isa akong kumakain. 

Makulit, masayahing tao at mukhang wala siyang dinadalang mga problema sa buhay niya.

Sumabay siya sa’kin na kumain. 

Ang dami niyang kinukuwento sa’kin, sobrang kulit niya hanggang sa binanggit niya ang pangalan ni Jaria. 

Naging ex-girlfriend niya pala si Jaria Santillan ng dalawang taon at mahigit.

‘’Sayang naman ang two years and eleven months…’’, nanghihinayang na sabi ko sa kanya. ‘’Bakit pala kayo naghiwalay?’’

Hindi siya nakapagsagot agad. 

Hindi ko rin naman siya pinipilit na sagutin niya ang tanong ko. 

Tumahimik na lang ako at kinuha ang cellphone ko para ‘di mailang habang hinihintay siyang matapos kumain. 

Ilang saglit lang ay natapos na rin siyang kumain. 

Tahimik pa rin siya na parang may gusto siyang sabihin sa’kin kasu hindi niya masabi.

‘’Iniwan ko siya para sa ibang babae…’’, mahinang sabi niya. ‘’Hindi ko alam kung bakit pa ako naghanap ng iba. Ang alam ko lang, masaya rin ako sa bago ko noon,’’ tuloy-tuloy na sabi niya. ‘’Tapos lumipas ang isang buwan nang kami ay magbreak, nakita niya kami nya kami sa mall na magkaholding hands. Hindi ko alam na nasa mall rin pala siya that time. Hanggang sa nagmamadali siyang umalis. Wala eh, ang tanga ko’’, kuwento niya. 

Tumigil siya sa pagkukuwento kaya nag-isip ako ng itatanong sa kanya. 

Gusto kong malaman kung ano ang nakaraan nila ni Jaria baka sakaling may makuha akong impormasyon na pweding makasira sa pamilya ni Jaria. 

‘’Minahal mo ba siya noon?’’

‘’Oo naman’’, mabilis niyang sagot. ‘’Sobrang mahal ko siya pero ang tanga ko’’.

‘’Bakit ka nagcommit kung hindi mo kayang panindigan na siya lang talaga ang mamahalin mo?’’

‘’Wala eh, gago ako. Iniwan ko siya para sa ibang babae.’’

‘’Kayo pa ba ng babae mo hanggang ngayon?’’

‘’Hindi na. Nakipaghiwalay rin siya sa’kin tatlong araw ang lumipas noon. Hindi raw niya kayang makipagrelasyon sa’kin dahil hindi pa ako totally nakakamove-on,’’ kuwento niya. ‘’Tama naman siya, hindi pa nga ako nakakamove-on kay Jaria noon. Ang dami kong mistakes’’, ani niya.

Marami pa sana akong itatanong sa kanya pero nagmamadali na siyang mag-ayang umalis. Inihatid niya ako sa department namin ng walang imikan. 

Siguro may mga gusto pa siyang ikuwento sa’kin pero natatakot siyang sabihin lahat iyon sa’kin.

Nainis ako sa kanya dahil isa rin pala siya sa mga lalaking mahilig mang-iwan. Isa siya sa mga lalaking hindi marunong makuntento. Isa siya sa mga lalaking hindi dapat pagkatiwalaan.

Sinundo ako ulit ni daddy rito sa Academy. 

May binigay siyang paper bag sa’kin habang nakangiti ito. Kinuha ko at tinignan ang laman. 

Isang napakagandang sandals ulit, sobrang ganda at halatang mamahalin.

Napayakap ako sa kanya bigla. 

Hindi ko kasi inaasahan na bibilhan niya ako ulit ng sandals. 

Kumain kami sa kanyang paboritong restaurant. 

Sobrang saya niya. Sincere siya at alam kong masaya siya kasama ako.

Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo. Ganito pala ang pakiramdam ng may isang ama kasu hindi ko alam kung hanggang kailan ang lahat ng ito dahil alam kong iiwan ko rin si daddy dahil isang palabas lang naman ang lahat.

‘’Kumain ka na, anak. Gusto mo bang subuan pa kita?’’, pabiro niyang sabi sabay tawa ni daddy. 

Hindi ko pa kasi nagagalaw ang mga pagkaing in-order niya para sa’kin.

Huminga ako ng malalim. 

‘’Dad, ganito pala ang pakiramdam ng may isang ama…’’, sabi ko sa kanya. ‘’Yung pakiramdam mo na may nagmamahal pala sayo, hindi ka binabalewala, at pinaparamdam sayo na mahalaga ka bilang anak’’, patuloy na sabi ko. 

Hindi ko nalang namamalayan na may bumabagsak na pala na luha ko. 

‘’Alam mo dad, ngayon ko lang naramdam lahat ng ito at sana puro saya na lang lahat, sana wala ng masasaktan, sana ganito na lang lagi…’’

Tumayo siya at niyakap niya ako sabay sabing, ‘’hanggat nandito ako, hanggat kaya ko pa, hindi na kita iiwan, lahat ng pagkukulang ko sayo noon, sisikapin kong punan lahat iyon ngayon…’’

‘’Kain na tayo, dad…’’, nakangiting sabi ko. ‘’Ang drama natin ngayong gabi,’’ pabirong dagdag ko sa kanya hanggang tumawa nalang kaming pareho. 

Ang sarap sa pakiramdam lahat ng mga sinabi niya sa’kin. Sana ganito na lang lagi. 

Nakita ko sa kanyang mga mata na naluluha na rin, ramdam ko talaga na mahal niya ako at sincere siya sa mga sinasabi niya.

Sa isang buwan na magkabonding kami ni daddy, hindi ko naramdaman sa kanya na napipilitan lang siya. Ramdam ko talaga ang pagiging responsible niya bilang ama. 

Nakita ko si Jaria na nagmamadaling umalis. 

Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko na lang nang may nagsabing ‘’naaksidente ang mommy ni Jaria…’’

Dali-dali kong hinabol si Jaria para samahan siya pero nakaalis na sila ng driver niya kaya nagtaxi na lang ako at sinundan namin ang kotseng sinasakyan niya. 

Sa hospital nagtungo si Jaria kung saan sinugod si Tita Jasmine, nakita ko si daddy na hindi siya mapakali at naiiyak habang si Jaria naman ay panay na ang iyak. 

Ang daming tanong ni Jaria sa kanyang daddy pero wala siyang makuhang sagot.

Naalala ko tuloy si lola noong nag-aagaw buhay siya. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko noon, hindi ako mapakali, iyak lang ako nang iyak. 

Ilang oras ang nakalipas, habang naglalakad ako sa hallway ng hospital, nakita ko si Jaria na nakaupo at mag-isa. 

Ang lungkot ng mukha niya, sobrang lungkot kaya nilapitan ko siya. 

‘’Okay ka lang ba, Jaria?’’, tanong ko sa kanya habang hinawakan ko ang balikat niya para sakaling maibsan ang kanyang lungkot.

Mabalis siyang tumayo. 

‘’Simula noong dumating ka sa pamilya namin, unti-unti nang nasasaktan ang pamilya ko! Ikaw ang punot-dulo nang lahat ng ito… Kung hindi dahil sayo, maayos sana ang pamilya ko!’’, mariing sabi niya sa’kin. 

Ramdam ko ang inis niya sa’kin. 

‘’Wala naman akong ginagawang masama. Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ni daddy. Ang maramdaman na may nagmamahal sa’kin…’’, sagot ko sa kanya.

‘’Walang magmamahal sayo! Ikaw ang bunga ng pagtataksil ni daddy at kailanman hanggang ilusyon mo na lang na mahal ka ni daddy pero sa totoo niyan, ginagamit ka lang niya!'’, sagot niya sa’kin. 

Napatigil ako sa sinabi niya. 

Tama siya.

Hanggang ilusyon ko na lang na mamahalin pa ako ni daddy. 

‘’At ito ang tatandaan mo, darating din ang araw na masasaktan ka at kapag nangyari yun, alam kong hindi mo kakayanin kaya ngayon pa lang, mag-isip ka na!’’, galit na pagbabanta  niya pagkatapos ay umalis na siya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status