Share

Chapter 5

Jaria Santillan POV

‘’Daddy, nakalimutan ko pala ang ID ko sa library. Magtaxi na lang po ako’’, sabi ko kay dad nang sunduin niya ako sa Academy kasama si Mica.

Hindi ako nagpunta sa library dahil hindi naman totoong naiwan doon ang ID ko.

Mabuti na lang dahil nakasalubong ko si Avon. Pauwi na siya pero niyaya ko siyang mamasyal muna sa mall.

Madali lang naman siya mapapayag lalo na kapag ililibre ko siya.

Sa Great Day’s Restaurant muna kami pumunta ni Avon dahil nagugutom na kami.

Habang papasok na kami sa restaurant na ‘yon ay bigla akong hinila ni Avon.

‘’Yung daddy mo at si Mica…’’, bulong niya sa’kin habang hinihila pa rin niya ako.

Nakita ko nga sina daddy at Mica. Ang saya nilang kumakain sa favorite restaurant namin ng family ko. Ang saya ni daddy at ngayon ko lang siya nakita na ganito, hindi siya ganoon kasaya noong kami ni mommy ang kasama niya doon na kumakain.

‘’Jaria, actually, hindi pa naman ako gutom eh. Tara, bili muna tayo ng shoulder bag natin’’, yaya niya sa’kin.

Tahimik kong sinamahan si Avon na bumili ng kanyang shoulder bag.

Avon is a very good friend kahit minsan ay OA siya.

Nagseselos ako kay Mica dahil parang ninakaw na niya lahat ng oras ni daddy para sa’kin.

Okay naman ako sa setup namin ni daddy noong wala pa si Mica kahit malimit lang siyang magbigay sa’kin ng time but then dumating si Mica ay lalo akong sinampal ng katotohanan na hindi ako mahalaga kay daddy.

Isang araw, sinundo ako ni mommy sa Academy, kakain daw kami sa labas kasama si daddy.

Mabuti na lang dahil tapos na ang klase ko kaya excited akong pumasok sa van ni mommy.

‘’Susunod daw si daddy mo, may tinatapos lang siya sa office niya’’, sabi ni mommy nang nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng van para hanapin si daddy.

Pagkarating namin ni mommy sa Great Day’s Restaurant ay sakto naman ang pagdating ni daddy.

Si daddy na ang nag-order ng kakainin namin.

Ilang saglit lang ay pumunta na si daddy sa table namin habang hinihintay ang orders naminn.

Si mommy lagi ang nag-oopen ng topic na mapag-uusapan habang kumakain kami.

Tipid lang sa pag-share ni daddy sa kuwentuhan pero okay na rin yun, naging masaya naman kami kahit papaano.

Sanay naman na ako sa ganitong setup, ‘yong ‘di mo mawari kung nasisiyahan ba talaga si daddy kapag kami ang kasama niya o napipilitan lang siya.

Pagkatapos namin kumain, dumaan muna kami sa isang mall para puntahan ang bagong bukas na shoe store.

Bumili ako ng bago kong sandals pati na rin si mommy.

Si daddy naman, bumili siya ng rubber shoes niya at nakita kong may binili rin siyang sandals.

‘’Daddy, para sa’kin ba yan?’’, nakangiting turo ko sa binili niyang sandals.

Umiling si dad. ‘’Kay Mica’’, nakangiting sagot niya sa’kin.

Understood naman ng para kay Mica ang sandals, hindi ko na dapat pa siya tinanong.

‘’Kakabili mo lang ng sandals niya before nagstart ang klase then bibilhan niyo po na naman?’’, hindi ko napigilang tanong ko.

Hindi agad nakasagot si daddy sa tanong ko hanggang sa nagyaya na si mommy na umuwi na sa bahay.

Naiinis ako kay daddy dahil ‘di man lang niya ako kayang bilhan ng sandals samantalang kay Mica, lagi niya itong binibilhan.

Yes, may sarili akong ATM at kahit anumang oras ay mabibili ko lahat ng gusto ko pero iba pa rin ‘yong siya mismo ang bibili para sa’kin.

Unti-unti kong napagtanto na mas mahal nga ni daddy si Mica.

Isang umaga, habang hinihintay ko ang driver namin para sunduin ako rito sa mall at ihatid sa academy, may isang tinig akong narinig na nagpabagao sa aking mood.

Masaya ako kanina pero dahil sa familiar ang boses na narinig ko ay bigla akong nainis.

Sigurado akong si EJ iyon, ang ex kong iniwan ako.

Sana lang ay hindi niya ako napansin. Ayaw ko siyang makita.

Ilang saglit lang ay lumapit siya sa’kin na parang nag-aantay rin ng masasakyan.

Alam kong napansin na niya ako pero ayaw kong magpahalata na kanina ko pa siya napansin.

‘’Kamusta ka na?’’, mahinang tanong niya sa’kin pero dinig ng dalawang tainga ko.

Nginitian ko lang siya na ang ibig sabihin niyon ay okay lang ako.

‘’Pupunta ka rin sa academy?’’, tanong niya sa’kin.

Ang kapal ng mukha niya.

Parang walang nangyari.

Matapos niya akong iwan tapos ngayon, aastang parang walang nangyari?

Tumango lang ako sa kanya.

Ilang saglit lang ay tumawag si mommy sa’kin at sinabing kasama niya ang driver at papunta sila sa Tagaytay ngayon.

Ibig sabihin lang niyon na hindi ako maihahahtid ng driver namin papunta sa academy. Nakakainis naman.

Ilang minuto na rin ay magsisimula na ang first subject ko at mabuti na lang dahil may tumigil na taxi sa tapat namin ni EJ.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng taxi pero naunahan ako ni EJ at nginitian niya ako.

‘’Pasok na…”

Kalma.

Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob ng taxi.

Nang makaupo na ako ng maayos ay saka naman pumasok si EJ sa loob.

Napausog ako bigla.

Sa kanan ako nakaupo at sa kaliwa siya.

Tahimik lang si EJ.

Busy sa kanyang cellphone.

Hindi ko siya maiwasang tignan.

Ang amo pa rin ng kanyang mukha.

Hindi pa rin nagbabago ang kanyang haircut pero wala akong pakialam.

‘’Manong, bayad po namin’’, ni EJ sabay abot ng kanyang pera sa driver.

Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa kaysa makipagbangayan pa sa kanya.

Nang makuha na niya ang kanyang sukli ay agad naman niyang binuksan ang pinto.

Napaka-gentleman pa rin niya.

‘’Sorry kung nasaktan kita noon…’’, mahina at sincere na sabi ni EJ sa’kin nang makalabas ako ng tuluyan sa loob taxi.

‘’Tapos na iyon. I understand…’’, sagot ko at nginitian siya.

Naglakad na rin ako papunta sa department namin.

Hindi niya ako sinundan or hinatid man lang sa room namin gaya ng dati.

Sa totoo lang, galit pa ako sa kanya pero para saan pa ba at nangyari ang nangyari?

Kailangan ko na lang tanggapin na hindi siya para sa’kin dahil kung para siya saa’kin, bakit ang dali niya akong sukuan?

Kung mahal niya ako, bakit ang dali lang sa kanya na iwanan ako?

Tao lang naman ako eh.

‘’Oh my gosh! Ang sweet naman nila’’, kinikilig na sabi ni Violet habang tinitignan niya sina Mica at EJ na nakaupo sa loob ng gymnasium habang magkausap.

Niyaya ko si Violet na lumabas na lang kami ng gymnasium at pumunta sa library kasu hindi ko siya napapayag.

Mag-isa akong pumunta sa library.

Mas maganda na roon dahil tahimik, walang masyadong tao at malayo sa mga taong kinaiinisan ko.

Habang nagbabasa ako ng libro, may lumapit sa’kin sa table at tinabihan ako.

Paglingon ko sa kanya ay biglang kumulo ang dugo ko dahil si Mica ang nakitabi sa’kin.

‘’Pwedi bang lumipat ka sa ibang lamesa. Ayaw ko ng may katabi kapag nagbabasa ako’’, mahinahong sabi ko.

Ayaw ko naman kasing isipin niya na galit ako sa kanya at makita iyon ng mga tao sa loob ng library

Nginitian niya ako.

‘’Hindi naman kita iistorbuhin. Gusto ko lang kitang makatabi’’, sabi niya.

Hindi ko alam kung iniinis ba niya ako o sadyang makapal lang ang mukha niya para makipagsiksikan sa table ko.

Kinuha ko ang mga libro ko.

Akmang pipigilan niya sana ako pero nagpatuloy pa rin akong umalis.

Gusto kong saktan si Mica dahil sa kanyang mga inaasta pero hahayaan ko na lang kaysa naman ako pa magmukhang mali sa mga taong nakapaligid sa’min.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status