Share

Chapter 3

Mica Rodriguez POV

Nangyari na nga ang plano namin ni lola.

Kilalang-kilala na ako bilang Mica Rodriguez, ang anak ni Marco Santillan na binaliwala niya mahigit labing-walaong taon.

Hindi magtatagal ay magagawa ko na lahat ng mga plano ni lola.

Isang linggo na ang lumipas noong makuha ni Marco Santillan, ang walang kwentang ama ko, ang DNA test result, madami na nga ang nangyari sa buhay namin.

Ang kanyang asawa na si Jasmine ay mukhang hindi pa rin niya tanggap ang mga nangyayari pero pasensyahan na lang dahil kailangan niyang mag-adjust kasama ang kanyang anak sa aking paghihiganti. Magiging masaya sila mama at lola kapag naiparanas ko sa walang kwentang ama ko ang sakit na dinulot niya noon sa’min.

In-enroll niya ako sa isang sikat na school at alam kong mga matatalino at mayayaman lamang ang dapat nandoon. Binilhan niya rin ako ng mga bagong damit at iba pang mga kakailanganin ko sa school. Binigay niya lahat kahit hindi ko sinabi sa kanya ang mga iyon.

Pagkatapos niya akong bilhan ng mga gamit, sinama niya ako sa kanilang company. Ito ay pagawaan ng mga mamahaling wine at perfume. Kilala ang kanilang kompanya bilang SV Company. Sikat dito sa Pilipinas kaya hindi maikakaila na sikat din ang may-ari nito.

Pinagamit na rin niya sa’kin ang kanyang apelyedo. Mabilis niya itong napalitan dahil ganoon naman talaga, kapag may pera ka, madali mo lang makukuha lahat ng gusto mo.

Pinakilala niya ako sa kanyang mga empleyado. Kita ko sa kanyang mga mata na ang saya-saya niya, walang bahid na pagpapanggap. Nasaksihan ko rin kung gaano siya nirerespesto ng kanyang mga empleyado.

Habang naglalakad ako papuntang sa kanyang office, isang boses ng lalaki ang narinig ko.

‘’Excuse me…”, isang boses na hindi ko pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Alam kong sinundan at hinahabol niya ako pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa maabutan niya ako humarang na siya sa aking daanan.

‘’Anak ka ni sir Marco, diba?’’, nakangiting tanong niya sa’kin.

‘’O…’’, biglang tigil ko sa pagsagot nang maalala ko ang kanyang mukha.

Siya ang lalaking sumunod sa’kin noon na nakapulot ng folder ko at siya rin ang nagnakaw ng picture ko.

‘’Bakit?’’, natatawa niyang tanong sa’kin.

Tinadyakan ko siya at sapat na ang lakas ko para mapaupo siya sa sakit.

‘’Ikaw ang nagnakaw ng picture ko!’’, naiinis na sabi ko sa kanya.

Tinawanan lang niya ako at pilit niyang inaayos ang kanyang sarili.

‘’Picture mo?’’, naguguluhang tanong niya.

‘’Oo, ninakaw mo!’’, hahampasin ko pa sana siya pero mabilis siyang nakailag. ‘’Ibalik mo sa’kin ang picture ko!’’

Patuloy pa rin siya sa pagtawa na parang iniinsulto niya ako.

‘’Una sa lahat, hindi ko ninakaw ang picture mo…’’

‘’Sinungaling!’’, sabat ko at akmang hahampasin ko siya ulit pero mabilis niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

‘’Pangalawa, bakit naman ako magkaka-interesado sa picture mo?’’, tanong niya sa’kin at sapat na ‘yon para matulala.

Bakit nga ba siya magkakainteresado sa picture ko?

Sino ba ako?

‘’At ang panghuli, huwag ka kasing nagmamadaling umalis. Nahulog mo ang picture mo nang kunin mo sa’kin ang folder’’, kuwento niya at sumeryuso siya sabay binitawan niya ang mga kamay ko.

Hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

Gusto kung maglaho sa harapan niya.

Nasaktan ko pa siya nang dahil lang sa pamimintang ko.

Mayat-maya pa ay may kinuha siya sa kanyang wallet at iniabot niya sa’kin

Hindi ko ito agad kinuha kaya nilagay na lang niya ito sa upuan malapit sa kinatatayuan ko at saka umalis.

Nahiya ako sa sarili ko.

Mabuti na lang dahil walang tao sa hallway na iyon bukod sa’min.

‘’Mica…’’, tawag sa’kin mula sa aking likuran habang naglalakad sa loob ng mall.

Familiar ang boses na iyon sa’kin kaya bigla akong napatigil pero hindi ko siya nilingon.

Siya ang lalaking pinagbintangan ko na nagnakaw sa picture ko. Nahihiya ako dahil nasaktan ko siya kanina.

‘’EJ pala…’’, nakangiting sabi niya sabay iniabot niya ang kamay niya sa’kin nang harangan niya ako s daan.

Hindi ako umimik.

Nahihiya talaga ako sa nagawa ko sa kanya.

Ilang segundo ang lumipas ay pilit pa rin siyang ngumingiti kahit napapahiya siya sa ginagawa niya.

‘’Sorry…’’, bigla kong sabi sa kanya nang tumalikod siya at akmang aalis na. ‘’Sorry…’’ pag-uulit ko nang magpatuloy pa rin siya sa paglalakad.

Lumingon siya sa’kin na walang emosyon sa kanyang mukha.

Ilang saglit lang ay bigla siyang hindi nakapagpigil sa pagtawa.

Hindi ko siya maintindihan.

‘’Anong trip mo?’’, naiinis na tanong ko sa kanya ng mas lalo pa siyang natawa.

‘’EJ’’, pagpapakilala niya ulit sa’kin sabay abot ng kanyang kamay.

Nakipag-shakehands ako sa kanya at ewan ko ba, parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya at napunta sa kamay ko.

‘’Mica pala... Sorry ah…’’, pag-uulit na sabi ko.

Ngumiti lang siya sa’kin na ang ibig sabihin niyon ay ayos lang sa kanya.

‘’Ilibre mo lang ako ng milktea at burgers’’, sabi niya sabay turo sa isang burger shop.

Humakbang na siya at sabay hila ng aking kaliwang kamay. Ni hindi pa nga ako sumang-ayon sa gusto niya eh.

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa marating namin ang shop. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinanggihan na hawakan ang kamay ko.

Um’order na siya ng milk tea at burgers.

Ang dami niyang orders at hindi ko kayang samahan siya para ubusin iyon.

Limang milktea at limang burgers.

‘’Mag-order ka na rin ng sayo…’’, masayang sabi niya sa’kin.

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Mag-order ako ng akin?

So, siya lang uubus ng mga in-order niya?

Teka lang…

Tapos ako magbabayad?

‘’Isa pong milk tea, ate’’, pilit na ngiting sabi ko sa babae.

Tinignan lang ako ni EJ at parang mas lalo pa siyang natatawa.

Sa dulo kami pumewesto ni EJ para kumain.

Teka lang, siya lang pala ang kakain, sasamahan ko lang. Tahimik lang siyang kumain at bilang ko talaga na dalawang burgers lang ang naubos niya at isang milktea.

May lumapit din sa’min na isang waiter para iabot sa’kin ang bill. Bigla akong napalunok nang makita kong humigit kumulang na isang libo ang babayaran ko. Limang daan lang ang mayroon ako sa aking wallet.

‘’Keep the change na lang, boss’’, sabi ni EJ sabay abot ng kanyang pera sa waiter nang makita niyang kulang ang pambayad ko at pinatake out ang mga orders niya

Tinignan niya lang ako na nakangiti.

‘’Tara na?’’, nakangiting pag-aaya niya sa’kin. ‘’Ihahatid na kita sa sakayan’’, sabi niya nang hindi ako umimik.

Tumayo ako bigla nang alalayan niya akong tumayo.

Nauna na akong lumakad sa kanya at sinundan lang niya ako hanggang sa makarating kami sa waiting area ng masasakyan.

Ilang saglit lang ay may tinawag si EJ na mga batang kalye at iniabot niya ang mga takeout niyang burgers at milktea rito. Sakto namang may tumigil na taxi sa tapat namin kaya agad akong pumasok.

‘’Thank you, Mica’’, malakas na sabi ni EJ sa’kin.

Bigla na lang akong napangiti. At parang ang espesyal ng araw na ito para sa’kin.

Gabi na nang makauwi si mama galing sa sugalan at lasing ito.

‘’Asan ang lola mo?”, bungad na tanong niya sa’kin.

‘’Baka nasa kapitbahay lang po natin, mama. Sandali lang, tatawagin ko, ma,’’ sagot ko sa kanya habang patayo.

‘’Oyy Mica!’’, tawag niya sa’kin nang pupuntahan ko na sana si lola sa kapitbahay namin. ‘’Ito ang tandaan mo… Huwag na huwag mong papangaraping mamahalin ka ng ama mo’’, seryusong sabi niya.

Kahit lasing siya, alam ko na may mabigat talaga siyang dinadala sa dibdib niya. Ayaw niya lang sabihin dahil baka ayaw niyang may masaktan.

‘’Wala siyang kwenta, wala… wala!’’, mariing sabi niya sa’kin sabay piniktusan niya ako.

‘’Korek!’’, bungad naman ni lola sa may pintuan. ‘’Kapag napabagsak mo na ang pamilyang iyon, kakalimutan mo na siya dahil walang mabuting maidudulot ‘yon sa atin kapag nagtagal…’’, dagdag na sabi ni lola.

Sa totoo lang, noong kasama ko si Daddy kanina, parang ang swerte ko dahil may isa akong ama na tulad niya. Hindi ko naramdaman sa kanya na ayaw niya sa’kin. Kahit isang araw ko pa lang nakasama si daddy, parang hinahanap-hanap ko na ang kanyang presensiya. Pero mali, hindi dapat iyon ang maramdaman ko dahil manloloko siya at kailanman, manloloko pa rin siya. Hindi iyon maikukubli dahil saksi si mama at lola sa lahat ng mga panlolokong nagawa niya sa’min.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status