Share

Chapter 3

Kasama ni Sebastian si Fate ngayon at papunta sila sa tagpuan nila ni Vien. Napili nilang lokasiyon ay ang katabi ng pinag tatrabahuan ng kaniyang kaibigan para hindi na ito lumayo pa.

"BRUHAAAA!" Tawag ni Vien kay Fate habang papalapit ang mga ito sa kaniya. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na hindi s'ya sumipot sa interview kahapon. Sobra ang kahihiyan na natamo n'ya dahil maraming beses n'yang pinagtakpan ang kaibigan. Sinabi pa nito na may dysmenorrhea si Fate kaya hindi makakapunta.

"ANO NA? BASTA-BASTA MO NALANG ITATAPON ANG MGA PANGARAP MO PARA LANG SA LALAKING 'TO?" Sermon ni Vien ng makalapit sa kaniya. Lumapit ito kay Fate at bumulong.

'Saan mo nabingwit 'yan? Ang gwapo pa tsaka parang mayaman. Matutupad na ang pangarap mo dahil sa kaniya.' Bulong nito at humagikgik pa.

"Bii s'ya si Sebastian, tauhan s'ya ng lalaking nagpakidnap sa'kin. Sebastian, si Vien, best friend ko." Pagpapakilala nito sa dalawa.

"What do you mean na nakidnap?" Doon nga'y ikinuwento ni Fate ang nangyari. Parang hindi nila kasama si Sebastian kung pag usapan nila ang mga ito. Panay naman ang sulyap nito sa relo dahil halos mag dadalawang-oras na itong nag uusap at wala pa rin maayos na impormasiyon s'yang nasasagap.

"So, ibig sabihin ba nito hindi ka uuwi sa bahay mo? Hindi mo madadalaw sila tita?" Tanong ni Vien. Nag aalala ito para sa kaibigan dahil baka pahirapan s'ya ng mga kumidnap sa kaniya; kahit pa sinabi n'ya na mag luluto lang naman s'ya.

"Ewan ko lang."

"Ayy! Oo nga pala bii, anong kompanya ang pinagpasahan mo ng manuscript ko na THE LAST SEASON OF US?" Tanong ni Fate. Saglit namang nag isip si Vien bago sumagot.

"Sa pagkakaalala ko...Wanderer Entertainment, Lumiyo Publishing House & Company at N & L. Bakit mo natanong? Magpapasa ka ba ulit sa kanila? Naku Fate, 'wag mo ng ituloy. Masasayang lang ang effort mo." Tugon ni Vien.

"Hindi na ako magpapasa do'n. Besides, kawalan nila 'yon dahil sinayang nila ang isang tulad ko." Then she rolled her eyes.

*/PEEEP

Napalingon silang lahat dahil sa bumusina. Alam na alam na agad nina Fate at Vien kung sino ang lulan nun.

"Diba si Liandra Faye Anderson 'yon?" Rinig nilang tanong ng ibang tao na nakakita sa babaeng bumaba mula sa sasakyan.

"Nandito na naman ang attention seeker mong kapatid Fate." Saad ni Vien sa kaibigan. May nakakatandang kapatid si Fate at 'yon nga ay si Liandra. Baliktad naman sila ng kapalaran sa buhay; ang ate n'ya ay isang sikat na artista at modelo, maraming nagkakandarapang mga lalaki sa kaniya dahil sobrang ganda, sexy at magaling sa halos lahat ng bagay.

Lumapit ito sa kinaroroonan nila.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Fate sa kapatid. Hindi kasi uso sa kaniya na tawagin siyang 'ate' dahil walang sino mang kapatid ang mangangahas na agawin ang boyfriend n'ya ng harapan.

"Galing ako sa bahay mo pero wala ka raw kaya pinuntahan kita dito. Alam ko naman kasing mahilig ka makipag chismisan." Sakto lang ang boses nito na silang dalawa lang ni Vien ang makakarinig. Lumayo kasi si Sebastian dahil may tumatawag sa kaniya.

"Kung nandito ka lang para insultuhin ako, mas mabuti nalang kung umalis ka na." Matapang n'yang hinarap ang kapatid n'ya ng taas-noo.

"Aren't you happy to see me?" Kunyari ay nagtatampo ito para makuha ang simpatya ng mga tao.

"Hoy, kung sino ka man na kinakausap ni Ms. Liandra, dapat maging masaya ka at magpasalamat dahil ang isang sikat na kagaya n'ya ay pinapansin ka." Sabat ng isa sa mga taong naroroon. Palihim na napangiti si Liandra dahil madali n'ya lang nakukuha ang mga gusto n'ya. At dahil 'yon sa artista s'ya.

"Manahimik ka, wala kang alam dito! Kung hindi lang s'ya artista, ipagtatanggol n'yo pa kaya s'ya?" Sabat ni Vien. S'ya na ang sumagot para sa kaibigan dahil alam n'yang hindi 'yon iimik.

"Ikaw naman Liandrang impakta, bumalik ka na sa lungga mo. Asikasuhin mo ang inagaw mo baka maagaw din ng iba dahil sa kapabayaan mo. Hmp! Tara na nga Fate." Pag kasabi n'ya nun ay agad n'yang hinila si Fate paalis. Naglakad-lakad silang dalawa.

"Vien, 'wag mo ng uulitin 'yon ha." Napahinto naman si Vien sa paglalakad dahil sa sinabi ni Fate.

"H'wag kang maging malambot masyado Fate. Dapat nga ay ikaw pa ang galit dahil Ikaw ang inagawan eh."

FATE'S POV

Oo, galit ako kay Liandra but still, kapatid ko pa rin s'ya. Alam kong gusto rin nila mama at papa na maibalik namin ang closeness naming dalawa noong mga bata pa kami. Pero paano? Paano namin maibabalik kung s'ya ang dahilan kung bakit nawala sa'kin ang childhood lover ko, ang boyfriend ko at ang lalaking nangako na ako lang ang mamahalin n'ya habang buhay.

F

L

A

S

H

B

A

C

K

"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong nang batang lalaki na may dala-dalang cotton candy.

"K-kasi ninakaw ang balloon ko." Pag susumbong ko sa batang kaharap ko ngayon.

Tumingin-tingin naman s'ya sa paligid. Hinahanap n'ya siguro kung sino ang nagnakaw sa balloon ko.

"Nandun oh! Nasa taas na." Mas lalo akong humagulgol dahil hindi ko na maibabalik sa'kin ang balloon ko.

" H'wag ka ng umiiyak. Ito oh cotton candy sa'yo nalang."

"S-salamat */hik/" Pasasalamat ko sa gitna ng mga hikbi.

"Alam mo ba yung balloon mo ay naglalakbay na 'yon sa mundo. Tapos pag may madaanan s'yang bata na umiiyak ay nagkakaroon ito ng magic." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Talaga? Anong magic?" Namamangha kong tanong. Grabe hindi ko alam na may magic pala ang mga balloon.

"Kapag nakikita s'ya ng mga batang umiiyak, bigla silang sumasaya." Ang galing naman nun.

"Wow. Sana kung sino man ang batang makakita sa kaniya ay hindi na maging malungkot hehe." Sabi ko at kinain yung cotton candy.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ng batang lalaki sa'kin.

"Fate, ikaw?"

"Jerome. Alam mo gusto kitang maging kaibigan."

"Talaga? Sige friends na tayo."

***************

"Alam mo Jerome, gusto ko maging isang sikat na manunulat 'pag laki ko." Kasalukuyan kaming nasa playground ngayon.

"Ako ang pinakauna mong taga-hanga. Pag dating ng araw mag papa-autograph ako sa'yo hahaha." Napatawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Sige ba. Basta may bibilhin mo ang lahaaaaaaaaat ng libro ko haha."

******************

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang, Jerome?" Malungkot kong tanong. Aalis na kasi sila bukas papunta sa States. Sinabi n'ya sa'kin na ipapagamot na raw s'ya ng mommy at daddy. May brain tumor s'ya stage 1 kaya kailangang operahan habang hindi pa lumalala ito.

"Babalik din ako, Fate. Babalikan kita. Tutuparin ko ang pinangako kung mag papa-autograph ako at bibilhin ko ang lahat ng mga libro mo. Higit pa ro'n, pinapangako kung ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko at papakasalan kita. Hintayin mo lang ako."

"Hihintayin ko ang araw na bumalik ka sa'kin Jerome. S'ya nga pala, pag bumalik ka rito may ipapabasa ako sa'yong kwento. Ginawa ko 'yon para sa'yo." Excited kong sabi sa kaniya. Plano ko palang gawin yung kwento. Hango 'yon sa totoong buhay...Buhay namin ni Jerome.

*************

Ilang taon na ang nakalipas. Maraming 'summer' ko na rin s'yang hindi nakikita. Pero taon-taon akong pumupunta rito sa playground kahit lumipat na kami ng bahay. Nagbabakasakali pa rin ako na makikita ko s'ya.

"Jerome, tapos ko na yung kwento na sinabi kong ipapabasa ko sa'yo...ikaw nalang ang kulang."

***************

I was 22 nang malaman ko na nakabalik ka na rito sa Pilipinas. Pagkatapos ng shift ko bilang isang part-time waitress ay dali-dali kitang pinuntahan sa inyo.

'Excited na ako na makita. I've been waiting for you every summer dahil it was our favorite season...tapos ngayon nandito ka na rin finally!'

I saw hum. Nasa loob s'ya ng bakuran. Nakabukas kasi ang gate nila kaya kitang-kita s'ya mula rito. Patakbo akong lumapit sa kaniya.

"JEROMEEEE YOU'RE BACK!" Sabi ko. Nawala naman ang mga ngiti ko ng makitang seryoso lang s'yang nakatingin sa'kin.

"Who are you?" Bigla naman akong nakaramdam ng kirot dahil sa sinabi n'ya. Pero baka...

"HAHAHA tigilan mo ako sa pag aarte mo Jerome, hindi na 'yan bebenta sa'kin." Hindi ako tumigil sa pagtawa not until...

"Faye?" I saw ate Liandra. May dala s'yang isang baso ng tubig at mga gamot.

"Babe, you know her?" Parang gumuho naman ang mundo ko dahil sa narinig. B-babe? Anong ibig n'yang sabihin?

"Oh I forgot to mention. Babe, this is Fate, my sister. Fate this is Jerome, my BOYFRIEND." Madiin talaga ang pagkakasabi nito sa salitang boyfriend.

"A-anong nangyayari ate? P-paanong—

"Look Fate, 'wag mo akong awayin sa harap ni Jerome. I don't want him to be stress. He's still recovering from the surgery." Palihim naman s'yang ngumiti sa'kin.

"Jerome ako 'to s-si Fate. Yung babaeng pinangakuan mo na babalikan at papakasalan." Hinawakan ko ang kamay n'ya pero laking gulat ko ng tinabig n'ya.

"Hindi kita kilala. At sa iisang tao lang ako nangakong papakasalan ko...and it's your sister, not you."

E

N

D

O

F

F

L

A

S

H

B

A

C

K

Since then, nagkaroon na kaming dalawa ng lamat. She always bullied me at kapag nandiyan si Jerome, nagiging maamong tupa s'ya at ako lagi ang pinagbibintangan.

I can't fight back. Walang nag tatanggol sa'kin not until I met my best friend. Buti pa s'ya at kaya n'yang lumaban, samantalang ako, ito, puro iyak lang ang nagagawa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
drop
Awesome po ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status