Share

Chapter 7

THIRD PERSON'S POV

Nasa may sala sina Sebastian at Xavier ng makita nila si Fate na pumasok sa pintuan.

"Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni Sebastian. Napahinto naman si Fate sa paglalakad. Nanatili s'ya sa kinaroroonan n'ya habang nakayuko. Namumugto kasi ang kaniyang mga mata at ayaw n'yang makita nino man.

"O-okay lang. Papasok na ako sa kwarto." Saad nito at nag paunahan sa pagpaalis. Nanatiling walang imik si Xavier habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa dinaanan ni Fate. Naninibago siya dahil hindi ito maingay.

"Fate and I will be out tomorrow." Nabaling ang atensiyon ni Sebastian sa kaniya. Binigyan s'ya nito ng makahulugang ngiti.

"We'll be attending her sister's engagement party." Dagdag nito.

"Balita ko inagaw daw ng kapatid n'ya ang boyfriend ni Fate. Kaya may alitan silang dalawa hanggang ngayon. Paniguradong hindi pupunta si Fate dahil makikita n'ya ang ex boyfriend at kapatid n'ya na masaya."Komento ni Sebastian.

"That would be great. Besides, her ex-lover is now the new CEO of one of the companies that under our observation. We might find some clues." Saad ni Xavier at ininom ang isang tasang tsaa nito. Balak n'yang gamitin si Fate sa mga susunod na hakbang lalo na'y masasabing emotionally unstable s'ya sa ngayon.

5 hours later...

Kumatok si Fate sa labas ng opisina ni Xavier. Tamang-tama ang pag dating n'ya dahil kakatapos lang ng meeting nito sa iba pang shareholders ng kompanya. Pinapasok s'ya nito at pinaupo sa upuan na naroroon sa harap ng mesa ni Xavier.

"You will come with me tomorrow." Saad nito at iniabot ang isang paper bag sa kaniya. Puno naman s'ya ng pagtataka.

"Ano 'to? Saan tayo pupunta?" Sunod-sunod nitong tanong. Binuksan n'ya ang paper bag at bumungad sa kaniya ang isang golden dress.

"Para saan 'to?" Muling tanong nito.

"I'm invited to a party. I want you to come with me."

"Ikaw pala ang invited eh bakit kailangan pa akong sumama?"

"As I said, I want you to come with me."

"Tapos susuotin ko 'tong damit na 'to?"

"Try to eat that dress then tell me what does it taste." Pilosopong sagot ni Xavier sa tanong ni Fate. She burst in laughter.

"AHAHAHA nice joke. Hindi ko alam na ang tindi mo palang mag joke Xavi. You should have joined a comedy contest, I'm pretty sure that you'll win." Mapanuksong wika ni Xavier. He just gave him a cold shoulder.

"Ito naman hindi mabiro. Anong oras ba tayo aalis?" Ibinalik n'yang muli ang dress sa paper bag at tumingin kay Xavier.

"3 in the afternoon. By 1:30 tomorrow you can start preparing yourself. You know, girls really consume a lot of time." Napaismid naman si Fate. Tumayo na s'ya at nag simulang ihakbang ang mga paa papunta sa labas.

FATE'S POV

Nandito na ako sa kwarto ngayon at isinusukat ang dress na binigay sa'kin ni Xavi. I can say that it suits me really well. I'm planning to put a light make up on my face...

hmm perfect!

Pakiramdam ko ay isa na ako sa mga Disney Princess dahil sa suot ko. Ang ganda ko talaga. I am adoring my beauty when I heard a knock on the door. Ng buksan ko 'yon ay tumambad sa'kin si Sebastian. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa tsaka ngumiti.

"You're gorgeous." He commented. I smiled upon hearing his complement. I do really love receiving compliments lalo na sa mga malilit na bagay. I felt that my hard works and feelings are validated.

"Thank you." Pasasalamat ko sa kaniya.

"Pinapatawag ka na pala ni boss. Kanina ka pa n'ya hinihintay sa kotse." Automatiko akong nataranta ng marinig ko 'yon. Lagot na naman ako nito. Sumunod ako kay Sebastian papalabas sa mansiyon. Then there he is...standing in front of the car.

"I told you to prepare at 1:30." Ayan na naman mag sisimula na naman s'yang mag sermon. Ang sakit-sakit na sa taenga. Akala ko kapag manatili ako rito ay makakaligtas ako sa bunganga ni Vien—which is sobrang na mimiss ko ngayon—, pero mas malala pa yata si Xavi kung mag sermon eh.

"Hindi ko kasi namalayan ang oras." Sagot ko sa kaniya. Pumasok na s'ya sa kotse kaya sumunod din ako. Nasa harapan silang dalawa—si Sebastian ang mag mamaneho—, samantalang ako ay naiwang mag isa sa likuran.

"You should have set an alarm clock."

"Oo na. Tama ka na. Ngayon ay napatunayan kong mali ang paniniwala ng karamihan na puro tama ang mga babae. Ikaw ang mag papatunay do'n." Marahas naman s'yang lumingon sa'kin at sinuklian ko lang s'ya ng ngiti. I know he's short tempered pero wala akong pakialam.

"Here." May inabot na naman s'yang paper bag sa'kin. Binuksan ko 'yon at tumambad sa'kin ang isang pares ng itim na sandal—mga 4 inch ang takong.

"Para sa'kin 'to?" Nililinaw ko lang dahil baka pinapaiinggit n'ya lang ako, diba?

"Isn't obvious?"

"Kalma ka lang Xavi. Naninigurado lang naman 'yong tao eh." Isinuot ko na 'yon. Hmm. In fairness, komportable s'ya sa paa.

Tahimik namin tinahak ang daan sa pupuntahan naming party. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako kanina. Lumabas na kami sa kotse at bumungad sa'kin ang hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"B-bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Xavi. Umalis na si Sebastian dahil tatawagan nalang daw s'ya mamaya 'pag uuwi na.

"I told you that I was invited here." Inosente nitong sagot.

"Bakit ka naman nila iimbetahin? Kilala mo ba sila?" Sunod-sunod kong tanong. Nandito kami ngayon sa engagement party nina Liandra at Jerome. Hindi ako makapaniwala dahil pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kanila pero tadhana naman ang gumagawa ng paraan na mapalapit ako sa kanila.

"I am a shareholder on Jerome's company. Why? Did you know them?" Tanong nito. Hindi nalang ako sumagot at sumunod sa kaniya.

"Good evening ma'am and sir." Bati ng dalawang tao na nasa labas. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila. Pinagbuksan nila kami at sa puntong 'yon ay nakita kong nasa harapan silang dalawa—masaya. Napatigil sila ng pumasok kami sa loob. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Jerome. He became more handsome than when we were kids.

Bahagya akong hinila ni Xavi papunta sa unahan dahil doon lang ay may bakanteng upuan. Bumaba silang dalawa para salubungin kami.

"Hi Sis!" Bati nito at nakipagbeso sa'kin.

"Akala ko na duwag ka na." Bulong nito sa'kin. Naramdaman kong ngumiti s'ya ulit.

"Buti naman at nakarating ka Fate." Saad nito sa'kin at kunwaring masaya s'ya ng makita ako.

"Hi Mr. Collins. I'm glad you made it. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng kapatid ng fiance ko."

Fiance Ko...

Fiance Ko...

Fiance Ko...

Parang tinarak na naman ang puso ko dahil narinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kaniya. Napahawak ako ng mahigpit kay Xavi. Tumingin naman s'ya subalit ibinalik n'yang muli ang atensiyon kina Jerome at Liandra.

"Yeah. Fate and I are friends. I never thought that she's your sister Ms. Liandra." Sagot ni Xavi. Ngumiti naman ang kapatid ko. She likes it. Yung tipong nasa kaniya ang atensiyon ng lahat. Pinaupo nila kami sa bakanteng upuan na naroroon. Umakyat ulit sila sa stage. Pa simple kong iginala ang mga mata ko at doon nga'y nakita ko sina mama at papa na nakatingin din sa'min. They seemed to be worried.

"Thank you for giving us some of your precious time Mr. Collins." Sabi ni Jerome.

"Let me repeat my promise, my beloved Liandra. The world is huge yet here we are; magkasama ulit tayo. Hindi ko inakala na sa loob ng mahabang panahon ay hahantong tayo sa ganito. Babawi ako sa mga taong ipinagkait sa atin ng panahon. Yung mga pangako ko noon ay tutuparin ko ngayon. It's funny pero sinunod ko lahat yung mga sinabi mo. And you know what? It really worked. Pinapangako ko sa'yo at sa harap ng maraming tao na ikaw lang ang natatanging babaeng mamahalin ko. Ikaw lang ang babaeng hahanap-hanapin ko sa bawat pagmulat ng aking mga mata. Ikaw lang ang babaeng gustong mayakap at makatabi hanggang sa pag tanda. Hindi ko alam kung bakit mas pinili mo ang maging artista kasi naalala ko dati na hindi mo naman hilig 'yon but still, I'm here...nandito lang ako para suportahan ka. I love you, Liandra." Lahat ng tao ay nag palakpakan samantalang ako...ito, pinipigilan ang mga luha na nais kumawala sa mga mata ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
drop
Naka lock yung 8...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status