Share

Chapter 6

FATE'S POV

Nakakulong lang ako ngayon sa kwarto na tinutulugan ko dahil wala akong pupuntahan o gagawin. Sayang lang at hindi natuloy sa pagpunta rito si Vien kahapon dahil kinailangan n'yang mag over time sa trabaho. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang laptop na nasa bag. Ilang araw na rin akong hindi nakakapagsulat.

Binuksan ko 'yon at dumiretso sa G Drive—dito ko kasi tinatambak lahat ng mga isinulat ko. Panay scroll lang ako hanggang makita ko yung kwentong isinulat para sa kaniya. Matagal na panahon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon binubura. Bukod kasi sa pagod at oras na ipinundar ko para lang matapos 'yon ay nagbabakasakali pa rin ako na balang araw ay magkakaroon ako ng pagkakataon na ipaba 'yon sa kaniya. Ayaw ko rin burahin 'to dahil para ko na rin kinalimutan ang mga alaala naming dalawa ni Jerome.

Nakita kong tumatawag sa cellphone ko. It's my mom. Sinagot ko 'yon at pinalakasan ang volume dahil panay sulyap ko pa rin sa bawat pahina ng kuwneto.

"Ma, bakit po kayo napatawag?" Bungad kong tanong sa kaniya. Narinig ko namang parang pinagpasa-pasahan ang telepono sa kabilang linya.

"Hello? Mama? Papa?"

"Hello Fate? Anak?" Boses 'yon ni Papa.

"Bakit po Papa?"

"Fate, pumunta ka rito sa bahay. Matagal ka na naming hindi nakikita. Miss ka na namin anak." Sabi ni Papa.

"Pero pa, busy po kasi ako ngayon eh. " Ang totoo nyan ay baka nandoon ang kapatid ko. Ayaw ko muna siyang makita dahil alam kong kakawawain lang ako.

"Sige na Fate, pagbigyan mo na si Mama. Sobrang miss n'ya na ang kaniyang gummy bear." Sabi ni Mama. I missed that. Everytime kasi na nasa amin ako, she used to called me 'gummy bear'.

"Sige po ma, punta po ako diyan ngayon." Ng maibaba ko ang tawag ay agad akong naligo. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na sa kwarto. Kailangan ko munang mag paalam kay Xavi dahil baka isiping tumakas ako.

Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses.

"Come in." Pinihit ko ang door knob at sumilip sa loob. Nadatnan kong nag uusap sila ni Sebastian ngunit napatigil sila ng makita na ako.

"Where are you going?" Tanong ni Xavi.

"Magpapaalam sana ako kung pwede muna akong umuwi sa bahay namin. Pianapauwi muna ako ni mama eh. Pero promise babalik din ako mamaya."

"Okay." Agad naman akong umalis sa mansiyon baka magbago pa ang isip niya. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address sa kaniya. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin. I saw Liandra's Bugatti Veyron. Sinasabi ko na nga bang pakana 'to ni Liandra. Dinamay pa talaga sina mama dahil alam n'yang hindi ko sila matatanggihan. Aalis na sana ako ng biglang tumawag si Mama. Hayst. Hindi ko 'yon sinagot at inihakbang dalawang paa ko papasok sa bahay.

"Ma, Pa." Tawag pansin ko sa kanila. Niyakap ako ni mama.

"Halika Fate, kumain ka muna." Saad ni mama ng nakangiti. Sakto namang lumabas si Liandra mula sa kwarto niya at 'yon ang dahilan kung bakit napahinto kami ni mama.

"Buti naman at nandito na ang magaling n'yong anak mama." Sa tono palang nang boses ay alam ko ng may hindi magandang mangyayari. Liandra used to bully me simula ng inagaw n'ya sa'kin si Jerome. I don't what happened pero hindi naman s'ya ganon dati. Wala rin magawa sila mama dahil hindi rin naman s'ya nakikinig sa kanila.

"Anong kailangan mo?" Direkta kong tanong. Pa simpleng hinawakan ni mama ang braso ko.

"Wow! Look at yourself Fate. Saan ka humuhugot ng tapang sa lagay na 'yan?" Mapang insulto niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Oh well, gusto kitang iinvite sa engagement party namin ni Jerome." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Lahat ng mga alaala namin ni Jerome ay bumalik. Simula kung paano kami nagkakilala at nagkahiwalay.

"A-ano? Anong ibig mong sabihin?"

"I pity you. Akala ko ba matapang ka kanina? Bakit ngayon parang nalunok mo na ang dila mo? Sabi ko, I'm inviting you to our engagementy. I want you to be there."

Engagement party? Ni Liandra at Jerome? Pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan. Gusto ko ng umalis pero ayaw makisama ng mga paa ko. Ako dapat 'yon ehh...para sa'min 'yon. Jerome is my first love and I'm hoping to be his last. Paano na yung mga pangako n'ya sa'kin? Yung mga pangarap namin sa isa't-isa? Ang sakit-sakit...ako ang nauna, ako ang pinangakuan, ako ang naging karamay n'ya sa mga panahong kailangan n'ya nga kausap pero bakit gano'n? B-bakit unti-unti n'yang tinutupad ang mga pangako na 'yon sa iba? Ang mas masakit at sa k-kapatid ko pa?

_____________

"I'll miss you Fate." Saad ni Jerome habang nakahawak sa mga kamay ko.

"C'mon, don't be so dramatic. Tsaka magkita pa naman tayo diba?" Sa totoo lang ay gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko dahil ayaw ko s'yang maging mahina.

"Oo naman. Never kitang makakalimutan. But I can't help myself na h'wag mag alala kasi malalayo tayo sa isa't-isa ng mahabang panahon." Nahimigan ko ang lungkot sa boses n'ya.

"Ganito nalang. Look at the sky everytime you misses me. Distansiya lang ang malayo sa'tin pero nasa iisang langit pa rin tayo...nasa iisang mundo. Palagi mo rin isipin na as long as nasa puso mo ako, hinding-hindi ka mag-iisa kasi nandito lang ako."

____________________

"It's him!" excited itong dumungaw sa bintana at kumaway sa baba. Agad kong pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Naririnig ko ang bawat mga hakbang n'ya, na naging dahilan sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. The moment na makapasok s'ya ay agad na nagtama ang mga mata namin. I saw his eyes; it's different. Binaling n'ya ang kaniyang atensiyon kay Liandra. Niyakap n'ya ito while Liandra smiled at me.

Kailangan ko ng umalis. It's heartbreaking seeing them together; happy and in love. It should be me...that should be me.

Hindi na ako nakapagpaalam kay mama dahil bigla na akong umalis while holding my tears. Pumara ako ng taxi at saktong pagpasok ko sa loob ay doon pumatak na nga ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Mas lalo pa akong umiyak ng marinig ang kanta na pinapakinggan ni manong driver.

🎶

(That Should Be Me by Justin Bieber)

That should be me, holding your hand

That should be me, making you laugh (yeah)

That should be me, this is so sad

That should be me

That should be me (ooh)

That should be me, feeling your kiss (feeling your kiss)

That should be me, buying you gifts (buying you gifts)

This is so wrong

I can't go on (I can't go on)

'Til you believe

That that should be me

That should be me (no)

Para akong mawawalan ng hininga dahil sa iyak. Alam kong napansin yun ni manong driver pero hindi n'ya ako inistorbo. Crying silently is like torturing me in h-ll. I saw Sebastian's number flashes on my screen. Hindi ko 'yon sinagot. For the meantime, I want a peace of mind.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status