Rinding-rindi na si Aula sa mga sigaw at putak na naririnig niya mula sa labas ng bahay nila. Parang umalog-alog pa ang yaring kawayan na bahay nila dahil sa mga reporter at mga marites na nakiki-usosyo at walang tigil na pinagbabayo ang pintuan nila.
"Miss, Aula we need your statement about you with the two famous actors from different Tv stations.""Lumabas ka naman ng bahay ninyo Aula, kahit konting statement lang ang marinig namin sayo!""Aula, sikat ka na!"Iyon ang mga putak na naririnig ni Aula mula sa labas!Jusme! Ang aga-aga binubulabog siya ng mga reporter!Wala kasi ang kapatid at mga magulang niya mag-isa lang siya sa bahay nila!"At ano naman ang gusto niyong marinig sakin!? Wala akong alam diyan! Pag nasira lang tong bahay namin malalagot kayo sakin!" sigaw din niya pabalik."Aula, panoorin mo ang press-conference ni Nicolo sa TV, now na!" sigaw ng isa sa labas.Binuksan naman niya ang TV sa sala nila at totoo nga si Nicolo nandoon na at naka-upo mukhang marami na itong nasabi na hindi niya naabutan."I know this will upset her, please huwag niyo sana siyang guguluhin. Wala siyang alam sa nararamdaman ko..." paki-usap ni Nicolo.Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito!Hindi niya alam kung kikiligin siya, maiinis, magagalit or watsoever! Pero ang nararamdaman niya ay inis! Inis dahil pinuputakte siya ng mga bubuyog sa labas.Pero kinikilig siya kasi mahal pala talaga siya ni Nicolo!"Aula panood naman kami!" sabi ng isa sa labas.Dahil mabait siya binuksan naman niya ang pintuan at bintana nila."Hep! Diyan lang kayo huwag na huwag niyong ipapasok ni katiting ng daliri ng paa niyo sa loob!" babala niya sa mga ito habang ang ilan pinutakte ng flash ng camera ang mukha niya!"Siguraduhin niyong maganda ang mukha ko diyan!" sabi niya sa mga ito sabay irap at muling pinagpatuloy pagnood ng presscon ni Nicolo."Aula, I know you're watching it now, gusto ko lamang sabihin sa'yo na totoong mahal kita..,""Eh, ano ngayon kung mahal mo ako!? Sira-ulo kang Nicolo ka pag natuluyan lang 'tong bahay namin ipapabayad ko 'to sayo!""Kahit kilig na kilig ka naman diyan!""Totoo nga ang chismis na sina Aula at Nicolo ay magkarelasyon!""Uwian na may nanalo na!"Sigaw ng mga bubuyog sa labas."Hoy, magsitigil nga kayo! Walang katotohanan iyang sinasabi niyo!""Aula ano ngayon ang masasabi mo sa sinabing iyon ni Nicolo!?" tabing ng isang reporter."Kahit isang paragraph lang magsabi ka naman!"Tumayo siya at pinamaywangan niya ang mga ito."Heto lang ang masasabi ko a, HINDI KO PAPATULAN ANG NICOLO'ng 'yan! I*****k niyo diyan sa mga tabloid! Hala, magsilayas na kayo!" bugaw niya sa mga ito."Aula ilipat mo sa kabilang istasyon si Tyron nagbibigay ng statement!"Kinuha naman niya ang remote at binuksan at inilipat sa ibang istasyon na kung saan si Tyron nagpa-presscon."Yeah, sure, I am willing to marry her and willing to spend the rest of my life with her.""Ha!?" gulantang na sabi niya. Ano ba ang nangyayari sa dalawa!?Yong isa umamin na mahal siya at 'yong isa naman handa siyang pakasalan!Parang gusto na niyang himatayin!Bago pa nakapagsalita si Aula napatingin siya sa dereksyon sa pintuan nila dahil malakas na kumalabog iyon at kamuntikan nang tumama ang paa niya sa pinto nilang yari sa kawayan, na ngayon nasira na at nakabulagta ang mga reporter sa sahig!Dali-dali niyang kinuha ang itak at nilaitan ang mga ito."Magsilayas kayo!!!!!!""LIBRA, iwasan ang magbigay ng masamang komento upang walang makasagupa at makaaway. Mas higit na dapat pag ukulan ang paligid upang makaiwas sa anumang sakuna ngunit maging maswerte ang araw na ito dahil makakatagpo mo ang lalaking magmamahal sayo ng tunay. Bagay na maging matahimik ngayon dahil kung magsalita may masamang mangyayari maswerteng kulay itim, pula, berde asul, maswerteng numero 12... Marahas na ibinaba ni Aula ang hawak na dyaryo matapos mabasa ang horoscope niya. Mahilig kasing magbasa ng dyaryo ang tatay niya kaya may kung anong nagtulak na tignan iyon at saktong natapat sa kanya ang Horoscope Daily. "Grabe naman 'yan ! Kung anu-ano pinagsasabi, hindi ako naniniwala diyan noh! " sabay ikot ng eyeballs niya. Bakit naman siya magpapaniwala sa mga ganyang sabi-sabi nagmumukha lang siyang tanga as if never! Dahil naniniwala siya na ang tao mismo ang gumagawa o kumokontrol ng tadhana nila at hindi sa kung anong sabi-sabi diyan. "Aula! Mag kilos-kilos ka na diyan at na
"Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo. Nahihibang ka na ba!?" galit na galit na wika ni Romulo pagkatapos sabihin ng anak na hindi talaga ito pipirmi sa Tarlac dahil hindi daw doon ang buhay nito kundi sa Manila, where in a toxic place! "You heard me dad and you can't force me!" mariing wika ni Nicolo sa ama nito. Ang buong akala niya kung ano na ang nangyari dito that he was badly sick and dying! What the hell! Napaluwas tuloy siya ng wala sa oras. "Ano sa tingin mo makukuha mo sa pag-aartista? You're wasting time!" prenteng sagot nito habang nakaupo. Knowing his dad magagawa nito ang gusto nito sa ayaw man o sa gusto niya alam niyang tuma-timing lang ito. Matagal na din niya na hindi ito nakita, four years maybe? He greeted his teeth medyo nainsulto siya dun, "Huwag niyo na lang pakialaman ang trabaho ko sa Manila." Napansin niyang wala na ang mga litrato ng mommy niya na nakadisplay sa living room. Tuluyan na nga nitong ibanaon sa limot ang mommy niya!
Halos limang araw na si Aula sa condo unit ni Hanz Nicolo ang lalaking sumagasa sa kanya. Hindi siya tuloy makakain ng maayos dahil sa kalagayan niya dahil may benda pa siya sa kanang braso. Lintik kasi ang lalaking 'yon hindi nag-iingat! Kung nag-iingat lang ito hindi magiging ganoon ang kahihinatnan niya para tuloy siyang baldado kahit sa paglakad niya'y paika-ika pa rin siya. Napasama tuloy siya sa Manila ng wala sa oras! Naki pagtalo pa ito sa kanya noong nasa ospital sila dahil sa pagpilit nitong uuwi na pero syempre ki-nonsensya niya ito na hindi siya maaaring umuwi sa kanila na ganun ang lagay niya. Hirap na nga sila sa buhay tapos magiging palamunin pa siya at mag paasikaso! Napilitan tuloy ito na dalhin siya sa Manila at ipa-obserba siya sa magaling na doktor kung masama pa ba ang lagay niya pero sa awa ng maykapal minor fracture lang ang nangyari sa kanya. Ang ginawa niya nung nangyari ang aksidenteng 'yon on instinct tumalon siya sa harapan ng kotse sab
"Hi, Nico are you free tonight?" malambing na tanong sa kanya ni Lorraine Jimenez. Alam na niya ang ibig na sabihin ng tanong na 'yon ng starlet. Kasalukuyan siyang nasa photoshoot at breaktime nila. "Yeah, I'm free the whole night." nakangiting sagot niya. Matagal-tagal naman na din siyang walang sex life siguro isang buwan na. Pumulupot ang mga braso nito sa leeg niya dahil nakaupo siya. Nasa studio siya nang makita siya nito. "Hmn, really? Your place or my place?" sabay bulong nito niyon sa punong tainga niya na ikinagalit ng alaga niya. Papayag na sana siya na sa condo na lang niya pero may naalala siya, nandoon nga pala si Aula! Naiinis na siya sa presensya ng babaeng iyon. Nanlalambot siya tuwing nakikita ang mukha nito at nawawala ang galit niya dito kahit ilang beses na siyang badtrip dito, weakness pa naman niya ang mga ganyang klase ng mukha. Kung hindi lang maamo ang mukha nito at malamang pinalayas na niya ito. Bibigyan na lam
Naalimpungatan si Aula dahil pakiwari niya may mga matang nakamasid sa kanya. Nilinga niya ang paligid at hindi pamilyar na silid ang nakita niya. Nasaan ba siya? Anong nangyari sa kanya? Ang mga katanungang iyon hindi niya masagot parang ang tagal niyang nawala sa karimlan, ilang oras ba siyang nakatulog? Pakiramdam niya medyo nahihilo pa siya. Naalala na niya ang nangyari sa kanya, nilinisan lang naman niya ang condo unit ng impakto na si Nicolo. Natanggal na ang benda sa kanyang braso at naigagalaw na niya iyon ng maayos, maging ang kanyang mga binti hindi na siya gumamit ng saklay. At alam niyang okay na siya. May tatlong linggo na siya sa condo unit ng lalaki at bilang kabayaran na rin sa tulong nito kaya naisipan niyang mag linis-linis ng todo sa kusina, banyo at sa salas! Hindi niya malinis-linis ang kwarto ng lalaki dahil naka lock iyon. Aba isang linggo na din itong wala sa condo nito! Baka nga inaamag na 'yon! So back to the story, ayon na nga pagkatapos niyang m
Matapos maligo at mag bihis ni Aula ay kaagad siyang lumabas ng silid at baka mainip na si Nicolo at ihahatid pa naman niya ito sa kinapaparadahan ng kotse nito."Ate tignan mo ito," sabi ni Angelo nang makalabas siya at ipinakita nito ang magazine sa kanya.Tinignan niyang maigi ang nasa larawan sa magazine at ang lalaking naka-upo sa kanilang sala.Tumagal masyado ang tingin niya sa lalaking nasa larawan na ang tanging suot lang ay briefs!"Ate huwag mong masyadong titigan baka mamaya niyan tuklawin ka!" natatawang tudyo sa kanya ni Angelo."Paano akong tuklawin niya ei, hindi naman buhay!" "Kuya, hindi daw buhay sabi ni ate. Ipakita mo nga sa kanya ang buhay na buhay at makamandag mong alaga nang matuklaw si ate!" natatawang sabi ni Angelo.Binatukan niya ito. "Saan mo nakuha itong magazine na'to huh, Angelo? Bakla ka siguro noh!? Bakit ka meron nito!" bulyaw niya sa kapatid na hinawakan nito ang nasaktang ulo. Tinignan niya si Nicolo na naka-ekis ang mga binti na naka-upo sa upua
Nicolo was busy arranging things for his pictorial later. He is often busy because his schedule is always full.He needed rest. May negosyo din siyang itatayo."Humanap ka na kasi ng bagong P.A mo,"Suhestyon ni Kalil sa kanya.Umiling-iling siya nagtanda na siya sa mga sunod-sunod na ginawa sa kanya ng mga hinired niyang P.A.Wala ng ibang ginawa ng mga ito kung hindi ang pagnakawan siya. Mayroon pa 'yong nagamit niyang brief itinakas ng sira-ulong PA niya.At alam ni Kalil ang mga iyon. "Do you think that is still a good idea?""Yes, bro...you look stress nakakasama iyan sa pagkalalaki." natatawang biro nito."Paano naman nasama ang pagkalalaki ko diyan?""Look at me bro. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko." sabay tingin sa assistant nito.Napangisi siya. "Loko ka talaga,"Tinapik siya nito sa balikat. " Sige bro, alis na kami." paalam nito at tumango na lang siya.Babaero din talaga si Kalil at hindi nalalayo sa kanya. Pati PA nito pinatulan.Tumayo na din siya at kinuha ang kanyang
Abalang-abala si Aula sa pag-aayos ng mga gamit ni Nicolo sa maleta nito dahil katatapos lang ang pictorial nito sa mens magazine. Gusto tuloy niyang pagsisihan sa pagtanggap sa trabahong iyon dahil napakamaselan nito sa pagdating sa susuutin nito. Naiinis na siya sa kasesermon nito. Ayaw na ayaw nito ang kahit konting gusot lang at dapat makinis at makintab ang damit nito!Tinitiis na lang niya ang ugali nito kaya pa naman niyang magtimpi.Sa dalawang linggon na niyang pagtatrabaho kay Nicolo ay walang araw na hindi sila nag bayangan. Tuwang-tuwa naman ang loko kapag naasar siya nito. Ang usapan nila ni Nicolo ay kada buwan siyang piperma ng kontrata dito. Iyon kasi ang ibinigay nito sa kanya at titignan daw nito kung maganda ang performance niya. Pero mabuti na din iyon kasi hindi nga rin niya alam kung matatagalan pa niya ang ugali ng hambog na 'yon!Nang ipagpaalam siya nito ng mga mga magulang niya ay kaagad pumayag ang mga ito.See? Ni hindi man lang nag dalawang-isip ang mga m