Share

CHAPTER 3: Aula was brought to Nicolo's Condo

Halos limang araw na si Aula sa condo unit ni Hanz Nicolo ang lalaking sumagasa sa kanya. Hindi siya tuloy makakain ng maayos dahil sa kalagayan niya dahil may benda pa siya sa kanang braso.

Lintik kasi ang lalaking 'yon hindi nag-iingat! Kung nag-iingat lang ito hindi magiging ganoon ang kahihinatnan niya para tuloy siyang baldado kahit sa paglakad niya'y paika-ika pa rin siya. Napasama tuloy siya sa Manila ng wala sa oras!

Naki pagtalo pa ito sa kanya noong nasa ospital sila dahil sa pagpilit nitong uuwi na pero syempre ki-nonsensya niya ito na hindi siya maaaring umuwi sa kanila na ganun ang lagay niya. Hirap na nga sila sa buhay tapos magiging palamunin pa siya at mag paasikaso!

Napilitan tuloy ito na dalhin siya sa Manila at ipa-obserba siya sa magaling na doktor kung masama pa ba ang lagay niya pero sa awa ng maykapal minor fracture lang ang nangyari sa kanya.

Ang ginawa niya nung nangyari ang aksidenteng 'yon on instinct tumalon siya sa harapan ng kotse sabay tulak niya ang kariton palayo bago pa man masagasaan 'yon. Pero dahil sa lakas ng pag preno napa-subsub siya dahilan para magdugo ang noo niya!

Oh, di ba mas mahal pa niya ang kariton!

Ang buong akala niya swerte na siya sa araw na 'yon dahil naparami ang benta niya nagkamali pala siya. Bwisit talaga dapat hinayaan nalang niya 'yong kariton na mabangga wala sanang masamang nangyari sa kanya!

At kung sakali mang mabangga ang kariton pwede naman niyang ipabayad iyon sa lalaki ng malaking halaga para hindi na siya sumama sa Manila.

Parang nagkatotoo tuloy ang nabasa niya sa dyaryo! Paano kung natuluyan siya? Nanghilakbot tuloy siya sa isiping iyon.

Sa tingin naman niya hindi naman masamang tao si Nicolo, ngayon lang niya napansin ang lalaki na ito pala yung sikat na artista. Pero kahit na wala siyang interes sa mga kagaya nito! Kung sa TV mukha itong santong gwapito na tinitilian pa ng mga die hard fans na kababaihan pero hindi alam ng mga ito na masungit si lalaki!

Aminado siyang magandang lalaki ito pero never siyang na attract sa mga kagaya nito.

Tumawag siya sa kanila para ipaalam na naaksidente siya at nasa mabuti siyang kalagayan pero ang lagay napasama tuloy siya sa kanyang inay!

Nakipagtanan daw siya sa lalaki at hindi daw niya natiis ang tinatagong kalandian.

Huwag na huwag na daw siyang uuwi sa kanila dahil kalat na kalat na daw na nakipagtanan siya!

Samantalang ang kanyang itay at kapatid naniniwala ang mga ito sa kanya. Nagpadala siya ng pera sa mga ito na binigay sa kanya ni Nicolo malaki din 'ang pinadala niya diyes-mil teh! Para sa kanila sobra na 'yon.

Mula sa banyo lumitaw ang anyo ni Nicolo na katatapos lang nitong maligo at pinupunasan nito ang buhok na basa pa gamit ang tuwalya. Sanay na siya tuwing nakikita itong ganoon ang lalaki nung una nag-aalinlangan pa siyang tignan ito sa ganoong ayos pero kalaunan hindi na.

Wala itong pang itaas na damit at naka boxer short lang ito. Maganda ang hubog ng katawan nito at may anim na abs Ano kaya ang lasa 'nun? Sabi nila pandesal daw 'yon pwede kayang tikman? Kung ipaalam ko kaya sa lalaki ipapatikim kaya nito? humagikhik siya sa isipin na iyon.

"Anong ngingiti-ngiti mo diyan?" kunot noo na tanong ni Nicolo.

"Huh, meron ba?" painosenteng sagot niya gusto tuloy niyang sabihin dito ang iniisip niya kanina.

"Huwag mo nga akong lukuhin, pinatira kita dito hindi para maging baliw."

Nagdikit ang kilay niya sa sinabi ng lalaki. "Wala nga di ba, ikaw ang baliw na makulit tsaka obligado mo naman talaga ako dito hangga't hindi ako gumagaling." inirapan lang siya nito, iiling-iling itong nagtungo sa kwarto nito.

Suplado! anang isip niya.

Kinagat niya ang mansanas na binalatan niya kanina at muli na naman siyang napahagikhik dahil sa itsura nito kanina pero kagyat siyang natigilan dahil hindi niya malunok ang kinagat niyang mansanas. Nakailang lunok na siya pero ayaw pa ring pumasok hanggang sa nabilaukan na siya! Halos magtubig na ang mga mata niya sa kakaubo.

"Tubig , arrgh tubig, tubigggg!" saklolo niya sa kung sino man ang pu-pwedeng makatulong sa kanya ng mga sandaling iyon, hindi naman siya makatakbo sa kusina dahil nakasaklay pa siya at may benda pa ang kanang braso niya!

"Tulong! tulong" sigaw niya, kailangan niyang maalis ang bumara sa lalamunan.

"H-Heeeelp!" muli niyang sigaw at dun na niya natawag ang pansin ng binata.

Putek! Kailangan pa pala niyang mag-English para makatawag pansin.

"Why? What's wrong with you? Kung makasigaw ka diyan para kang nasa palengke!" galit na sabi nito nang makalapit nakasuot na ito ng sando na puti at pero naka boxer short pa rin ito.

"Pa-pag...kain" Itinuro niya ang kanyang bunganga dahil hindi na siya makapagsalita. Tila nandiri naman ito sa ginawa niya.

"You what!? Are you crazy sobrang kabastusan naman ng iyong ginagawa, Aula! At gusto mo pa talaga na kainin ang akin pag hindi ako makapag timpi palalayasin na talaga kita!" nahintakutan nitong sabi.

Grabe! Ano na pinag-sasasabi nito?

Umiling siya habang paubo-ubo pa rin na hawak ang leeg halos mapa-upo na siya sa sahig, tinuro niya ang mansanas na naitapon niya kanina sa di kalayuan sa kanya at nakita nito iyon.

Mukhang alam na nito kung bakit siya humihingi ng tulong hindi na ito nagdalawang-isip inakay kaagad siya kahit namimilipit na sa sakit ang braso niyang may benda pa rin dahil nasagi nito iyon, patungo na sila sa lababo at walang salitang niyakap ang sikmura niya patalikod dito para matanggal ang nasa lalamunan niya.

Kahit naiilang siya sa sitwasyon nila at nasasagi niya ang kung anong matigas sa likuran ng pang-upo niya wala na siyang pakialam basta ang mahalaga matanggal ang nakabara sa kanyang lalamunan!

Maya't maya natanggal na nga 'yong pagkalaki-laking kagat ng mansanas na di niya malunok-lunok kanina.

Binitawan na siya nito.

"Here, take this." Iniabot nito sa kanya ang isang basong tubig na kaagad niyang tinanggap at ininum. Sa wakas nakaginhawa na siya.

"Salamat."

"Grabe ka Aula, sobrang permisyo na itong ginagawa mo sakin para kang bata. Anong klase ng bunganga ba ang meron ka hindi ka marunong kumain!" nakasimangot siya sa sinabi nito.

"Sorry, naman!" nakipag titigan siya dito at agad itong nagbawi ng tingin.

"Pag inulit mo pa talaga 'yan hindi na ako magdadalawang isip na palayasin kita dito" sabi nito aalis na asana ito pero hinawakan niya ito sa braso.

"What?" ititadong sabi nito.

"Akayin mo ako papunta room wala akong dalang saklay, remember?" ka kamot-kamot ito sa ulo at halata ang iritasyon nito sa mukha at muli siya nitong inakay pabalik sa sofa pabagsak siya nitong binitawan.

"Aray, dahan-dahan naman!" reklamo niya hindi ito sumagot at iniwan na lang siya ng walang paalam.

"Nicolo!" muli niyang tawag bago siya nito tuluyang iwan.

"Ano na naman, Aula!?"

"Pakibuksan naman 'yong TV. Please!" sani niya sa namumungay ang na mata niya bilang pagmamakaawa.

"Inuutusan mo ba ko!?" hindi makapaniwala na tanong nito.

"May please, naman di ba? Atsaka kung tutulong ka na lang din sa kapwa mo, sabi nila lubos-lubusin mo na!"

"Sa tanang buhay ko wala pang nag utos sakin ng ganyan!?"

"Sigurado ka!? Artista ka lang hindi ka prinsipe! Sige na ang dami mong reklamo sige ka mamatay ako sa condo mo ng wala sa oras pag hindi mo na ibigay ang gusto ko."

Padabog nitong kinuha ang remote may kalayuan sa kanya at iniabot sa kanya.

"Salamat ulit" sabay ngiti dito at walang salitang pumasok ulit ito sa kwarto nito.

Sayang di ko natikman ang pandesal! anang isip niya sabay muling hagikhik.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status