Share

CHAPTER 2: Meeting the arrogant man

"Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo. Nahihibang ka na ba!?" galit na galit na wika ni Romulo pagkatapos sabihin ng anak na hindi talaga ito pipirmi sa Tarlac dahil hindi daw doon ang buhay nito kundi sa Manila, where in a toxic place!

"You heard me dad and you can't force me!" mariing wika ni Nicolo sa ama nito. Ang buong akala niya kung ano na ang nangyari dito that he was badly sick and dying! What the hell! Napaluwas tuloy siya ng wala sa oras.

"Ano sa tingin mo makukuha mo sa pag-aartista? You're wasting time!" prenteng sagot nito habang nakaupo.

Knowing his dad magagawa nito ang gusto nito sa ayaw man o sa gusto niya alam niyang tuma-timing lang ito.

Matagal na din niya na hindi ito nakita, four years maybe?

He greeted his teeth medyo nainsulto siya dun, "Huwag niyo na lang pakialaman ang trabaho ko sa Manila."

Napansin niyang wala na ang mga litrato ng mommy niya na nakadisplay sa living room. Tuluyan na nga nitong ibanaon sa limot ang mommy niya!

"Alam mong nag-iisa kitang anak Hanz at ngayon kita kailangan sa negosyo ko I can't handle them anymore at gusto kong ikaw ang mag alalay sa mga iyon." seryosong sabi nito.

Tinatawag lamang siya ng Hanz kapag seryoso ito.

His screen name in showbiz was Hanz Nicolo. He never included his dad’s surname Bernales.

Ngumisi siya, " Baka nakakalimutan niyo nandyan lang si Samuel." ang tinutukoy niya ang anak ng madrasta niya sa ibang lalaki.

"He couldn't make it. Wala siyang kaalam-alam sa agrikultura at ikaw ang inaasahan ko sa bagay na 'yan." seryosong muli na saad nito.

His dad is a multi-Billionaire! They comes from a wealthy family, and they had the biggest exporter of Rice, Tobacco, vegetables, corn, fruits and owner of a biggest farm in Tarlac. They had company that is authorised by customs and government authorities to send goods from one country into another.

Well, ano nga ba ang ginagawa niya sa magulong industriya na kinabibilangan niya?

Nicolo graduated with a Bachelor of Science in Agriculture in America when he was twenty-four to follow in his dad’s footsteps and he went back to San Jose Tarlac to mourn his mother's death due to complications. And just within two months after his mother's burial, his dad immediately found another woman.

He got angry about it and thinks that his dad already had an affair while his mother fights from her disease. And that led him to have a fragile relationship with his dad. He immediately went to Manila and stayed with one of his prominent friends and he grabbed the opportunity when someone offered him to become a model/actor because of his good looks.

And by that, he wanted to insult his father. And when his father knew the industry he was pursuing he got angry. He often calls him to go back to Tarlac to manage their businesses but refuses.

After four years, of not seeing with each other dahil umiiral ang pride nila pareho.

Nicolo went back to his father in Tarlac because he heard the news that his dad was badly sick. And when he was there in Tarlac he found out that he was faking it!

At himala hindi niya nadatnan ng hapong iyon ang bago nitong pamilya.

"Why not? Anak niyo naman na siya." pang iinsulto niya rito sa edad nitong fifty eight medyo pumayat na nga ito at lumalalim na ang gitla sa noo nito na sa tingin niya'y tumanda pa lalo ito kumpara sa edad nito. Bagama’t hindi pa rin maitatago ang kagandahang lalaki ng kanyang ama.

Malamang ganun din ang hitsura niya kapag tumanda siya.

Nicolo is described as "tall and foreign-looking," with dark, ash brown hair and light hazel eyes, which he inherited from his father's eyes, a half Italian.

"Pag isipan mong mabuti ang sinasabi ko sayo pag ako napuno sayo makakalimutan kong anak kita."

Napangisi siya sa sinabi nito. "Go, on matagal ko na rin naman kayong nakalimutan kung hindi ko lang nabalitaan ang walang katotohanan sa inyo that you're sick and dying, atleast I am very pleased meeting you again my dear father!" sarkastikong saad niya.

Namumula na ang mukha nito sa galit.

"Wala kang utang na loob iyan ba ang natutunan mo sa Manila ang pagiging bastos!"

Tumayo siya mula sa pag ka kaupo. "Wala rin namang ipi-nagbago ang Manila dito at wala kong interes sa kayamanan niyo ipamana niyo nalang sa iba ang kung anong meron kayo in fact gumagawa na ako ng sarili kong pera, kalimutan niyo na rin na naging anak niyo ako." pagkasabi niyon walang lingon-likod na iniwan ito.

Naririnig pa niya ang pagtawag nito sa kanya na galit na galit ang boses. Nilisan niya ang villa, alam niyang matagal na naman siyang aapak doon at kung aapak man siya malamang—iwinaksi niya ang masamang isipin. Kahit papaano ama pa rin naman niya ito.

Bago niya lisanin ang lugar may kung anong nagtulak sa kanya na puntahan ang bagay na iyon. Tinungo niya ang garahe at nakita niya ang kanyang kotse na regalo pa ng yumao niyang ina at alaga pa rin iyon na kung sino man ang lumilinis niyon.

Matagal na niyang hindi ginagamit iyon simula nung lisanin niya ang lugar.

Pinaandar niya ang sasakyan tama nga siya umaandar pa. Iyon na lang muna ang gagamitin niya at ipapakuha na lang niya ang sasakyan niya sa tauhan ng daddy niya kinabukasan.

Binuksan ng guard ang gate at umalis na sa lugar na iyon.

Goodbye, my dearest father!

Ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na 'yon. Mahal na mahal naman niya ang ama but that was before!

Okay lang naman sa kanya ang mag-asawa ito pero ang tanggalin lahat ng alaala ng kanyang ina sa bahay na iyon 'yon naman ang hindi niya kayang matanggap.

Nasa ganoong pag iisip siya nang sa pagliko niya saktong may papatawid sa bandang gawi niya at mabilis siyang nagpreno ngunit huli na dahil nabangga na niya ito!

Bumalandra ang katawan nito sa harapan ng kanyang kotse pati na rin ang mukha nito sa sa salamin ng kotse!

Kitang kita niya ang mukha nito sa harapan. Babae ang nasagasaan niya! Shocked was written on his face. Shit! sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakasagasa at sa tao pa! He couldn't move on his butt!

Maya't -maya kumilos ang babae pero dahil sa ginawa nitong pagkilos gumulong ito pababa ng kotse dahilan para bumagsak ito sa sementadong daan!

Sumigaw ito at doon lang siya natauhan!

Shit, kapag nalaman ng media ang bagay na 'to tiyak laman na siya ng usapan kinabukasan!

Hindi na siya nagdalawang isip at dinaluhan ito!

"Aray ang sakit!" d***g nito kahit nagtatalo ang dilim at liwanag hindi pa rin maitatago ang dugo sa noo nito na ikinatakot niya. He hated blood!

"Teka, saan ba kita dadalhin." natataranta na siya hindi na niya alam ang gagawin!

"O, sige dalhin mo ako sa morgue! Ipa-embalsamo mo pa ako para hindi naman mag-amoy ang bangkay ko! Pagkatapos ideretso mo ako sa kabaong para naman paglamayan nila at pagkatapos ng limang araw ihatid mo na ako sa sementeryo! Tanga ka ba talaga!? Syempre sa hospital! Kung ikaw lang din ang papatay sakin puwes ngayon pa lang makonsensya ka na!" nagulat siya sa tabas ng dila nito babaeng tao!

Hindi na niya pinansin ang nag aalburuto nitong galit kaagad niya itong binuhat at dinala sa loob ng kotse napapa-ngiwi pa rin ito sa sakit.

Natataranta lang naman siya dahil sa dugong nakita niya kaya hindi siya makapag-isip ng maayos.

Hindi naman ito mabigat kaya hindi siya nahirapan ipasok ito sa likod ng kotse. Tinatahak na nila papuntang hospital naririnig pa niya ang mga hikbi nito.

"Stay calm, okay?" hindi na niya narinig ang mga hikbi nito hanggang sa narating nila ang pinakamalapit na hospital.

Isinuot niya ang hoody jacket niya at itim na shades dahil baka may makapansin sa kanya.

Binuhat niya ulit ito na ikina-alimpungatan nito nakatulog pala ito siguro dahil unconscious stage pa rin ito.

"Doc, emergency, please!" sigaw niya agad sa lalaking doktor at agad namang silang inasikaso ng doktor.

"This way, sir" tinuro nito sa may pinakadulo na higaan at inilapag niya ang babae at hinawi ng doctor ang kurtina. Lumabas siya sa kinaroroonan ng dalawa.

"Aray! Ang sakit, ang leeg ko, ang ulo ko, ang balakang ko! Ang buong katawan ko sobrang sakit!" sigaw ng babae napangiwi tuloy siya sa kalagayan nito.

Hindi siya pwedeng magtagal sa ospital may importante pa siyang lakad sa Manila mamayang alas onse ng gabi!

Babayaran na lamang niya ang bill nito sa ospital. Ayaw na ayaw niyang magawi sa hospital only he could sees blood babaliktad lang ang sikmura niya pag nakakakita siya niyon! Kaya kung maari aalis na lang siya. Lumabas ang doktor.

"Doc, kamusta siya?"

"Kailangang e-examine siyang mabuti na maaaring may parte sa katawan nito ang nabaliaan. Kaya nga lang kulang kami ng facilities dito pero makukuha naman sa gamutan ang pananakit ng katawan niya, iyon nga lang kailangan pa rin siyang matignan ng mabuti."

"Ganoon ba. Pero magkano ang bill niya Doc, hanggang sa gumaling siya?" tanong niya ulit sa doktor na hindi pinansin ang sinabi nito.

"Hoy lalaki 'yan lang ba ang gagawin mo pagkatapos mo akong sagasaan! Napaka walang hiya mo naman! Punta tayo ngayon kay kapitan Rosco at ire-reklamo kita sa ginawa mo!" sigaw ulit ng babae.

Anong klaseng dila ba ang meron sa babaeng iyon? Napaka walang class kung magsalita. Malamang impakta din ang pagmumukha nito.

Hindi niya kasi naaninag masyado ang mukha nito kanina dahil papadilim na at sa kamamadaling mailigtas kaagad ito.

Pasalamat nga ito dinala pa niya ito sa hospital!

Hinawi niya ang kurtina na nakatakip dito.

Bumulaga sa kanya ang babaeng may maamong mukha, bilugan ang mga mata at matangos ang ilong! The woman was beautiful! Napakurap-kurap siya at nakipagtitigan dito at nagpalinga-linga sa loob.

Nasaan ang babaeng walang kadelakadesa kung magsalita hindi kaya namamalikmata lang siya?

Namangha siya sa nakikitang kagandahan ng babae habang ito'y nakahiga. Simple lamang ang suot nitong itim na T-shirt pero litaw pa rin ang kagandahan nito. Marami na siyang nakitang naggagandahang mga artista o modelo pero kakaiba ang babaeng nakikita niya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan! Nagulat ka ba dahil buhay pa ko! Pagba-bayaran mo 'tong ginawa mo sakin! Ipapakulam kita makikita mo!" nagising ang diwa niya ng magsalita ito. So ito nga talaga ang babaeng iyon?

Dapat turn off siya sa mga kagaya nitong walang finesse kung magsalita pero natatakpan nito iyon dahil sa makamandag na kagandahan nito!

Tumikhim siya. "I-I'm sorry hindi ko sinasadya," hinging paumanhin niya na-utal pa tuloy siya. Man anong nangyayari sayo!

"Hindi pa ba sinasadya sa lagay na 'yon? Halos mamatay na ko kanina. Lasing ka ba! Adik! Anong tina-take mo shabu! Marijuana! Rugby! Ngumunguya ka ng buwa noh? Hindi mo man lang makita ang daan na tinatahak mo binangga mo talaga ako!" Nagulat na naman siya sa lumalabas sa bunganga nito.

Putak ng putak na parang wala ng bukas! Goddammit!

Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naka engkwentro ng ganoong babae.

"Look, hindi lang ako ang may kasalanan dito, hindi ka rin tumitingin sa dinaraan mo."

Nanlaki ang mga mata nito, "Wow! Kasalanan ko pa ngayon palibhasa kasi de-kotse ka samantalang ako de-karitong tulak!" galit na sabi nito sabay hawak sa noong may benda.

God he couldn't help it but to admire her. May kung anong nagtutulak sa kanya na hawakan ang mukha nito pero nagpipigil lang siya.

Natigilan ito na tila may kung anong naalala kasabay nito lumaki ang mga mata nito.

"Ang kariton ko!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status