Share

Pagkababae

Nang magising si Sabelle na walang kahit na anong saplot sa katawan ay doon lang sya natauhan. ngayon lang nya narealise ang pagkakamaling nagawa nya. ngayon nag-sink in sa kanya ang lahat na hindi dapat sya pumayag na makipagtalik sa taong hindi naman nya kilala at lalong hindi nya pa nakikita.

Agad nyang inilibot ang kan'yang paningin. iniisip nyang iniwan na sya nito matapos syang gamitin kaya laking tuwa nya nang makita nya itong payapang natutulog. iyon nga lang hindi nya ito kayang harapin.

"Hindi. Hindi p'wedeng ganito. Ayoko syang harapin." dali-daling pinulot ni Sabelle Ang kan'yang mga nagkalat na damit sa sahig. mangiyak-ngiyak sya habang sinusuot Ang mga ito. Ang pagkirot ng kan'yang pagkababae ay nagpapaalala sa kanya ng katangahan na nagawa nya kagabi. ngayon nya pinagsisihan Ang lahat. dumagdag pa sa inis nya ang hindi nya makita-kitang underwear nya.

Nang makapagbihis sya at papalabas na sana ng pinto at sya namang may mga pumasok. mga kapwa nila mag-aaral na Kasama rin nilang nag-party.

"Bulaga!"

"aha! mukhang pinagod mo ng husto si Nikko, ah. Nikko, gumising ka r'yan! huyy!"

"Hindi. Mali kayo ng iniisip! walang---walang...."

halos lamunin ng lupa si Sabelle matapos na magtama ang mga mata nila ni Nikko. Ngayon ay maliwanag na nyang nakita ang mukha nito. she can't stand straight. Panay Ang kantyaw sa kanila ng mga barkada nito ngunit Hindi nya iyon inintindi. sinisisi nya si Nikko sa pamamagitan ng tingin.

"guys lumabas na kayo. walang nangyari sa amin ni Sabelle. natulog lang kami. huwag nyo nga kaming pag-isipan d'yan." pagtatanggol ni Nikko.

"Wala? talaga? eh ano 'yung nasa leeg ni Sabelle? ano 'yan? nasurot?" pagtutukoy sa chikinini na mayroon si Sabelle sa leeg.

"at Saka ano ito? bakit nasa tabi mo ang panty nya?" Hindi nakalusot sa mga barkada ni Nikko Ang panty ni Sabelle na nakuha malapit sa kanya. iniladlad pa ng Isa sa mga kaibigan nya Ang kulay itim na panty na punit. "mukhang hardcore ang galawan kagabi, ha!"

Hindi alam ni Nikko kung paano ipagtatanggol si Sabelle. Wala syang matandaan sa nangyari. all he cares is about Sabelle's dignity. bilang babae ay nakakahiya ang nangyari. pulang-pula Ang mga mata nito at walang magawa si Nikko.

Dahil sa matinding kahihiyan ay nag-walked out na lang si Sabelle. Hindi na Kasi nya ma-take Ang pang aasar ng mga ito. tiyak na Ang baba na ng tingin ng mga ito sa kanya.

napahilot na lamang ng sintido si Nikko.

Samantala, mag-isa na lamang na umuwi si Sabelle. hilam ng luha Ang kan'yang mga mata na sumakay ng bus pauwi sa Maynila. blangko ang isipan nya habang nasa byahe. Panay lamang Ang luha nya.

Ang lalaki Kasi na nakakuha ng kan'yang babae ay parang wala lang. para itong walang pakialam sa kanya. ikinaila ang nangyari habang natatawa pa. parang ayaw na nyang humarap sa tao ngayon.

Pag-uwi nya sa kanila ay umakto sya ng normal. nagmano sya sa kan'yang Ina at pumasok sa kan'yang kwarto.

"saglit lang, Sabelle. may nangyari ba?" tanong nito. Hindi Kasi nakalagpas rito Ang oaglakad nya ng ika-ika.

"N-nay?" sagot naman nya sa may pinto.

"Ang Sabi ko may nangyari ba Kako kagabi? bakit ganyan ka maglakad?"

napalunok ng mariin si Sabelle. "iyon po ba? na-natalisod po kasi ako kagabi sa party. na-ugatan yata." pagsisinungaling nya.

"ahh, kala ko kung ano na. kinabahan ako at baka Kako isinuko mo na Ang Bataan sa Bataan." pagtutukoy ng Ina nya sa kan'yang pagkababae.

"naku, Hindi Po, inay. malabo po iyon."

"mabuti naman kung ganoon. tandaan mo graduating ka pa lang. huwag ka munang mag-boboyfriend. Ang mga lalaki sa una lang 'yan mga magagaling. kapag nakuha na nila ang gusto nila sa 'yo ay basta ka na lang iiwan. Saka mamili ka ng lalaking deserving sa 'yo anak. maganda ka at matalino. ayokong kung sino-sino lang ang mababalitaan Kong nanlilugaw sa 'yo. Sige na. matulog ka na at mukhang puyat na puyat ka."

"opo, nay. Salamat po!"

pagkasara ng pinto ay doon na sya napahagulgol. she lost it all. maging Ang tiwala ng magulang nya ay mawawala na rin once na malaman nito ang tunay na nangyari sa Bataan. and she can't bare it.

Ayaw maalis ng mukha ni Nikko sa kan'yang isipan. Ang lalaking sumira ng kan'yang pagkababae.

Kinabukasan,

Hindi lumabas ng kwarto si Sabelle. Hindi rin sya sumabay kumain sa kan'yang magulang. buong Araw syang Hindi makakain. nakatingin lamang sya sa cellphone nya at iniintay ang tawag ng kaibigan nyang si Pam.

"Girl, nasaan ka ba? balitang balita ka sa school. kalat na kalat na ang nangyari sa inyo. please, huwag ka munang papasok hanggang Hindi humuhupa ang issue. tiyak aasarin ka lang nila. si Nikko kinakaila pa rin ang nangyari. fuck boy talaga. Manang mana sa bestfriend nyang si Mart." chat ni Pam.

ibabalibag na sana ni Sabelle ang cellphone nya ng biglang may nag-notification sa kan'yang F******k. friend request iyon Mula Kay Nikko Alferes. Ang lalaking nakauna sa kanya.

kahit na naiinis at nagagalit sya rito ay Hindi nya maintindihan Ang sarili kung bakit nagawa nya pang i-stalked ang profile nito. She admits na cute ito kaya Hindi nakakapagtaka ba babaero nga ito. sino ba naman ang babaeng tatanggi rito? Ang kaibahan nga lang, napapayag sya nito kahit na Hindi pa nya ito namumukhaan. ganu'n kalupit ang nangyari.

Hindi na binasa ni Sabelle ang chat sa kanya ni Nikko dahil para sa kanya ay wala namang silbi kung babasahin nya pa iyon. kahit pa mag-sorry pa ito o ano, Wala ng magbabago.

samantala.

Alam ng Ina nya na may Mali sa anak. buhat Kasi ng umuwi ito Mula sa Bataan ay parang may kakaiba na rito. bukod sa pag-ika nito ay halatang may pinagdadaanan dahil maghapon itong Hindi kumain at lumabas ng kwarto kaya naman gumawa na ng aksyon ang kan'yang Ina. imbes na tanungin si Sabelle ay nagtungo ito sa university na pinag-aralan ng anak at nagtanong tanong. hinanap nito si Pam at Ang iba pa nitong mga kaibigan.

"Wala po. Hindi po namin alam. nagtataka nga po kami at Hindi sya pumasok kahapon." pagkakaila ng mga ito.

"opo. baka po masama lang ang pakiramdam ni Sabelle kaya ganu'n."

Okay na sana at kumbinsido na ang Ina ni Sabelle. umuwi ito ng kanilang Bahay ng walang alalahanin at inisip na baka nga masama lang ang pakiramdam ng anak ngunit ang Hindi nito pagdalo sa araw ng graduation nito kung saan cum laude pa naman ito ay ang malaking pinagtaka ng Ina. alam nyang matagal itong inintay ng anak ngunit bakit hindi ito umattend.

"Anak, ano ba talaga ang problema mo? may iniiwasan ka ba sa school nyo? bakit Hindi ka umattend sa espesyal na araw na alam kong pinaka aantay mo? may kaaway ka ro'n, anak? may nanakot ba sa 'yo?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Daisy sa kan'yang anak.

"oo nga, anak. ano ba ang nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman ganyan, ah? bakit ayaw mong magsabi? baka matulungan ka namin." Ang ama naman na si Junior ang nagtanong.

kahit anong pilipit nila kay Sabelle ay wala pa rin silang nakuhang sagot mula rito. no choice na tuloy sila kung hindi magtungo muli sa eskwelahan nito para magtanong.

Dito na nila napag alaman ang totoong nangyari. kung bakit ayaw magpapasok ng kanilang anak.

"ano? nakipag-one night stand ang anak namin? tss, kalokohan! matalino at desente Ang anak namin. imposible 'yang sinasabi nyo." talagang nagulat ang ama ni Sabelle sa nalaman. Hindi talaga ito makapaniwala dahil kilala nya ang anak nya higit kanino man. "sino ba ang nagpakalat ng mga tsismis na 'yan? kapag nalaman ko ay kakasuhan ko iyang mga Yan. paninirang puri iyan."

"oo nga! sino ba ang nagpakalat----" Hindi na natapos ng Ina ni Sabelle ang kan'yang sasabihin dahil biglang may sumingit sa usapan. Ang mga estudyante na nakakita Kila Sabelle at Nikko sa loob ng iisang kwarto.

"Hindi po tsismis 'yon. totoo po 'yon. Hindi lang po kami sigurado kung may nangyari talaga sa kanila pero totoo pong magdamag silang magkasama sa iisang kwarto. may kiss mark din po kasi si Sabelle. Hindi nyo po ba Nakita? pasensya na po."

Parang napahiya si Daisy sa narinig. "Hindi! iharap nyo sa akin ang lalaking tinutukoy nyong Kasama ni Sabelle noong gabi na 'yon. kung totoo man 'yan ay kailangan nyang managot. kakasuhan namin sya ng rape!"

"Wala po sya rito pero Nikko Alferes po ang pangalan nya."

Walang sinayang na oras ang mag-asawa. kaagad nilang hingi ang address ni Nikko at pinuntahan ito. Galit silang nagsisigaw sa labas ng bahay nito at Hindi sila tumigil hanggang hindi nila nakakausap ang kanilang pakay.

"ano po ba 'yon? bakit po? ano pong kailangan nila sa anak ko?" Ang Ina ni Nikko na si Ellen ang lumabas.

"ilabas mo 'yung anak mong rapist! gusto Kong panagutan nya ang ginawa nya sa anak namin."

"Teka! ano kamu? rapist? baka nagkakamali kayo ng ibinibintang sa anak ko. Hindi nya magagawa 'yon. magandang lalaki ang anak ko kaya malabo nyang gawin 'yon. Isa pa, babae Ang naghahabol sa kanya."

"mas lalo ang anak ko! malabong nakipag-one night stand 'yon sa anak mo. Matinong babae sya at pinalaki namin sya ng Tama. alam mo bang ayaw lumabas ng kwarto Ang anak. Amin dahil sa chismis na kumakalat."

"e kung matino dapat nag-isip muna sya bago pumatol sa anak ko. misis, lalaki 'ho ang anak ko, malamang nagpakita ng motibo 'yang anak nyo kaya gano'n. kinausap nyo ba muna ang anak nyo? unfair naman sa side namin kung kakasuhan nyo ng rape Ang anak ko, e ke guwapo nong Bata!" nakapamewang pa ang nanay ni Nikko.

tila napaisip Ang mag-asawa. may Punto nga rin ito kaya nga lang ay paano naman ang anak nila? nalagay na sa matinding kahihiyan.

"oh, Sige! ganito na lang. kung ayaw nyong kasuhan namin 'yang matulis nyong anak. pakasalan na lang nya ang anak ko! tapos Ang usapan!" Hindi rin alam ni Junior kung bakit nya nasabi iyon. Dala na rin ng pagkapahiya marahil at iyon na lang ang Nakita nyang solusyon--- upang iligtas Ang anak sa matindinding kahihiyan. napalunok tuloy si Daisy sa sinabi ng asawa. kinurot nya ito sa tagiliran. "huyy! nalalaman mo ba yang sinasabi mo? bakit ipapakasal?" pa-simple nitong sabi.

"k-kasal? aba, e, h-hindi p-pwede! bakit natin Sila ipapakasal? sa Inyo na rin nanggaling na one night stand lang ang nangyari. h-hindi. Hindi ako makakapayag!"

"ahh, gano'n? 'di bale, ipakulong na Lang namin iyang anak mo nang magtanda!"

"T-TEKA, sandali!"

Tila parang aatakihin si Ellen sa mga nangyayari. Kung kailan kasi aalis na lang ang anak nyang si Nikko ay saka naman nagkaroon ng problema. kung Hindi Kasi ito maareglo ay hindi rin makakaalis ng Banda ang anak. Wala silang ibang pagpipilian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status