Share

biyenan

KINABUKASAN

Late nang nagising si Sabelle dahil sa napuyat at na pagod sya sa ginawa nila ni Nikko kagabi. Nagising sya dahil sa ingay ng bunganga ng biyenan nyang si Ellen.

"Aba, baligtad na pala ang panahon ngayon. Lalaki na pala ang nag-aasikaso sa babae? Aber hindi naman yata tama 'yan. Huwag mong sanayin ng ganyan. Gising-gisingin mo nga 'yang asawa mo. Gising ba ng matinong babae yan? Hindi ba naturuan ng ina nya 'yan kung paanong makisama kapag nasa ibang bahay?" Pag bubunganga ni Ellen. Ang tinutukoy nya ay ang manugang nyang si Sabelle.

"Inay, hinaan mo naman 'yung boses mo at baka magising si Sab. Baka marinig ka nya."

"At tinamaan na nga ng lintek. Hoy, Nikko! Hamong marinig nya. Hindi sya prinsesa rito. Hindi mayaman ang napangasawa nya. Turuan mo yang gumising ng maaga at ipaghanda ka ng almusal hindi ikaw pa Tong nagluluto para sa kanya. Mahiya naman sya." Ngayon lang narinig ni Nikko ang ina na magbunganga ng ganito. Lingid naman sa kaalamanan nya kung saan ito nan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status