Share

buhay may asawa

SABELLE CORTEZ POV

TODAY, I AM NO LONGER SINGLE. Ngayon ay kasal na ako at mamaya ay hindi na matutulog sa bahay kung nasaan kami nakatira. Simula ngayon ay alam kong hindi ko na magagawa ang nga bagay na nagagawa ko dati.

Nasa huli naman talaga ang pagsisisi pero eto na, e. kasal na ako kay Nikko Alferes at hanggang ngayon ay iniisip ko kung paanong set-up mayroon kami.

pareho kaming walang feelings sa isa't-isa ngunit heto magsasama na kami sa iisang bubong. plano kong kausapin sya mamaya pagdating namin sa---

saan nga ba kami titira?

Nasa Reception pa lang kami ay gustong-gusto ko na syang tanungin. Si Nikko. Sa lahat kasi ng Ikinasal ito 'yung Literal na hindi plinano. basta na lamang kaming isinalang sa isang laro na parehas kaming walang alam.

habang kumukuha ako ng Tiempo para kausapin si Nikko tutal ay tapos na naman ang salu-salo dito sa Reception ay bigla akong nilapitan ng inay. niyakap nya ako ng mahigpit wariy ito na ang huli naming pagkikita.

'Sabelle, anak, ma-mimiss kita." wika nya na parang mangiyak-ngiyak. Nasa likod nya ang itay kaya dito ako napatingin. nangusap ang aking mga mata sa kanya.

"anak, hamu at dadalawin ka namin. wala, e. ganun talaga. kasama iyan sa pinasok mo. ang tumira kasama ang asawa mo. magpakabait ka roon, Sabelle, ha." sabi naman ng itay.

Dito na nasagot ang tanong na dapat sana ay itatanong ko kay Nikko. so, iyon pala, doon pala kami titira sa bahay nila Nikko.

"alam ko anak na mahihirapan kang mag-adjust sa buhay na pinasok mo. hwag ka sanang magtanim ng galit sa amin ng itay mo. anak, naipaliwanag ko na naman sa 'yo ang lahat."

hindi na ako sumagot sa sinabing iyon ng inay. kusang tumulo na lang ang mga luha ko. pakiramdam ko ba'y nabigo ko sila. hindi ito ang buhay na pinangarap nila sa akin. masyado pa akong bata. ang dami ko pang gustong gawin. hindi pa ako sawa sa pagkadalaga.

maya maya ay lumapit sa amin ang ngayo'y asawa ko ng si Nikko. napabitaw tuloy kami sa pagyayakapan ng inay.

Gamit ang panyo ay pinasan ni Nikko ang mukha ko na may luha. natulala ako sa ginawa nya. he's Cute! sa ginawa nyang iyon ay pa-simple akong napahanga.

"iho, ikaw na ang bahala sa anak namin. h'wag mo syang sasaktan. mahal na mahal namin iyan. mahalin nyo ang isa't-isa. andito lang kami kung kailangan nyo ng tulong. Ipinagkakatiwala namin sa 'yo ang ka isa-isa naming anak kaya pakaingatan mo sya." sinserong sabi ng itay sa aking asawa.

"h'wag po kayong mag-alala, hinding-hindi ko po magagawang saktan ang anak nyo. mamahalin ko po sya ng buong-buo. iingatan at pahahalagahan. Alam ko po ang pinasok naming ito kaya ipinapangako ko po sa inyo na hindi nyo pagsisisihan ang nangyaring ito. gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para pasiyahin ang anak nyo." Sagot naman ni Nikko.

para akong nangapal ang mukha sa aling mga narinig. yes, kinilig ako. bakit ba parang unti-unti nang nawawala ang inis ko sa lalaking ito. Bakit parang ang bilis? i mean, bakit gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi nya ngayon although alam kong sinasabi nya lang iyon para hindi na mag-alala ang magulang ko. Bakit kaya ganon?

"sige. Kung ganoon, mauna na kami. ikaw na ang bahala sa anak namin." muli ay niyakap ako ng aking inay at itay. "anak, uuwi na kami. 'yung mga ibinilin namin sa 'yo, ha?"

"opo. tatandaan ko po. ma-mimiss ko po kayo, 'nay, 'tay." At muli na namang tumulo ang luha ko.

Nang makaalis na ang mga magulang ko at mga bisita namin at tanging kami na lang ni Nikko ang naiwan ay kinuha ko na ang pagkakataon para tanungin sya. "ammm.... s-saan nga pala tayo titira? i mean, gusto ko na kasing magpahinga, e."

he grab My waist. touches My hair and answer My question sweetly. "wifey, for now sa amin muna tayo titira habang wala pa akong nakukuhang trabaho. mainam na rin doon dahil nandoon si Inay. matutulungan nya tayo. para rin hindi ka mainip habang naghahanap ako ng trabaho."

"sa tingin mo magkakasundo kami? nahihiya kasi ako sa inay mo sa nangyari. Alam kong masama rin ang loob nya. Baka hindi nya ako gusto---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang takpan nya ang bibig ko gamit ang kanyang hintuturo.

"sshhh... hwag mong isipin 'yan. mabait ang inay ko. tiyak na magkakasundo kayo. ang sabi nya sa akin, basta mahal ko, mahal na rin daw nya."

"m-mahal?" pag-uulit ko. "mahal nya ako?" sa isip-isip ko. hindi ko na ata kinakaya ang lalaking ito.

"yes, wifey. Bakit? sa tingin mo ba papakasalan kita ng wala-wala lang? Sab, I love you, since we're high school. i have secretly crush on you. Ang suplada mo kasi kaya na totorpe ako." pagtatapat nya na ikinawwindang ko.

so, kung matagal na pala syang may gusto sa akin... ibig sabihin... "i-ibig bang sabihin sinadya mo 'yung nangyari sa atin? plinano mo bang lahat 'yon?"

"ofcourse, No! Like what ive said, that was not intentional. Alam kasi nila na may gusto ako sa 'yo at panay ang tingin ko sa 'yo noong gabi na 'yon kaya sila na ang gumawa ng paraan para makalapit ako sa 'yo. lasing ako no'n kaya Game naman ako, iyon nga lang, hindi ko alam na may masama pala akong nagawa sa 'yo. im so sorry, Sab."

ngayon ay unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat. habang nag-kwekuwento sya ay hindi ko magawang mainis. Ang sabi nya ay matagal na pala syang may lihim na pagkagusto sa akin bagay na nagpakilig naman sa akin. Ngayon lang kasi may nagtapat ng nararamdaman sa akin.

"kung ganoon, dapat nilagawan mo ako. dapat pumormal ka! hindi, e. yung ginawa mo sa akin--- yung ginawa mo sa akin shortcut, e."

hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng Mata sa mata. "look, Sab. gaya ng sabi ko kanina, hindi ko sinadya 'yung mga nangyari. i respect you since Day 1 that i realised that i have feelings for you. panliligaw? ang dami kong beses na plinano 'yon. but what will we do now? you're my Wife now. Ngayon na lang ako babawi sa 'yo? okay lang bang ligawan kita araw-araw?" sabay ngiti at kindat.

its Like OMG! bakit abot-abot ang kilig na nararamdaman ko ngayon? yes, ganito naman daw kapag bagong kasal kaso iba kasi yung sa amin at mali yatang ganito ako nagiging kabilis na ma-inlove kay Nikko.

paano na lang kasi kung hindi ito totoo?

bago pa mamaga ang mukha ko sa sobrang kilig, buti ay tinawag na kami ng tita ellen. ng mommy nya. tapos na raw ang oras na binayaran namin dito sa restawran at kailangan na raw naming umuwi.

sa tricycle ay hawak-hawak pa rin ni Nikko ang kamay ko at panay ang halik. first time kong maranasan ito at pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ko.

"wifey, napaka ganda mo. ang suwerte ako kasi ikaw 'yung binigay ni Lord sa akin na makakasama habang buhay." sambit nya na may pagpiga pa sa kamay ko.

napa singhap ako hindi dahil sa pagpiga ba ginawa nya. napasinghap ako dahil sa sinabi nya na pang habang buhay. malapit na tuloy akong maniwala na mahal nya nga ako.

"h-habang buhay?" pag uulit ko.

"oo, di ba, nagsumpaan tayo kanina?"

"oo--pero..."

"Sab, My wifey, alam kong duda ka sa akin. alam kong masyado kitang nabigla, but... gusto kong malaman mo na sa lahat ng bagay na pinangarap ko, ikaw 'yung pinaka gusto kong d*****g. i love you, wifey ko." hinalikan nya ako habang nasa tricycle pa kami. i did not respond to that Kiss dahil nahihiya ako at nasa likuran lang ng tricycle ang nanay nya. masyado pa lang clingy itong napangasawa ko at hindi pa ako sanay sa ganito.

pagdating namin sa kanila ay pumasok na kaagad ng kwarto ang ina nya at tanging kaming dalawa na lamang ni Nikko ang naiwan sa sala nila. napansin siguro nya na pinakikiramdaman ko ang nanay nya kaya kinuha nyang muli ang atensyon ko. "tara na muna sa kwarto? alam kong pagod ka kaya ma-mahinga ka muna." hinila na nya ako papasok sa kwarto nya at pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay kaagad nya akong ipinako rito. sobrang lapit ng mukha naming dalawa at sobrang lakas rin ng tibok ng puso ko. naaamoy ko rin ang kanyang menthol na hininga bagay na nagpapaakit sa akin.

"N-nikko..."

"sshhh... just let me, wifey."

pumikit na lamang ako dahil akala ko ay hahalikan nya ako. sobrang lapit kasi ng mukha namin. mga ilang segundo ko ring inantay na lumapat ang labi nya sa akin ngunit nang mainip ako ay muli kong iminulat ang mata ko at nakita kong may tinatanggal syang kung ano sa aking buhok.

"kanina ko pa gustong alisin 'Tong langgam na may pakpak na 'to sa buhok mo." sabi nya.

para akong napahiya sa aking sarili. inexpect ko pa talagang hahalikan nya ako?

"ahh, hehehe. langgam. hehe" sabi ko na lang.

alam kong kapwa kami nagpapakiramdaman dito sa loob. ganoon pa rin, magkatapatan pa rin ang mga mukha namin at wala akong ideya sa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"ahh... mauna ka ng mag-shower?" pag iiba nya ng usapan.

"shower?" kung bakit iba kaagad ang pumasok sa isip ko.

"oo, shower. mas ma-pepreskuhan ka ku g bagong ligo ka matutulog. buksan ko lang 'yung aircon."

pagkaabot nya sa akin ng tuwalya ay kaagad na akong nagtungo sa maliit na banyo nya dito sa loob ng kanyang kwarto. maayos naman ang bahay nila kesa sa bahay namin. hindi mayaman, hindi mahirap. saktuhan lang. kumpleto rin ang gamit dito sa loob kaya kahit magkulong ako maghapon dito ay tiyak kong hindi ako maiinip.

samantala.

after kong maligo ay lumabas na kaagad ako ng banyo. kaagad sumalubong sa akin ang lamig ng aircon na nagpatayo ng balahibo ko. nakatapis lang kasi ako ng tuwalya kaya dumagdag pa ang kakaibang tingin ng asawa ko sa akin.

narinig ko ang malalim nyang paghinga. "ahh---ako naman ang maliligo." dali-dali nya akong tinalikuran.

ako naman ay naiwang nakatunganga.

wala nga pala akong damit dito. ano ang susuotin ko?

inantay ko na lamang na matapos na maligo si Nikko. pagkalabas nya ay nagtama muli ang aming mga Mata. "Sab? bakit?" kunot ang noo nya.

"k-kasi, wala nga pala akong damit dito. wala akong susuotin." napakagat ako sa aking daliri. i heard him cursed Under his Breathe.

"damn! Stop doing that! i might... i might..."

i dont know what he is saying. nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga na sa malambot nyang kama. nahawi ang nakatapis kong twalya at litaw ang kalahati ng dibdib habang sya naman ay hawak ako sa magkabila kong kamay at nakadagan sa akin.

ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto.

"Sabelle!!!" sigaw ng pamilyar na boses sa akin.

ja hjky. ggh h h u u j j i

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status