Share

Chapter 16

>xvi<

Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito. 

"Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."

Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na. 

"Sa tingin mo ba, mag-aaksaya ako ng panahon ko para sundan ka dito at alamin kung saan ka nakatira kung wala akong pakialam sayo?"

Mas pinili kong manahimik at hindi pa rin tumingin. Ayokong magsalita dahil baka maipagkanulo ko ang sarili ko at hindi ko na mapigilan ang mga luha sa pagragasa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko siya sa mismong likuran ko at magsalita malapit sa aking tenga. 

"Sa tingin mo, bakit mag-aabala pa akong hintayin ka dito?"

Napasinghap ako pagkadinig noon. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hinintay niya akong makauwi?

"I have been bothered for the past months and years wondering why you keep on slipping through my head since the last time I saved you from that maniac..." bulong niya. "when you were just one of those random girls I used to ignore all the time."

Nahigit ko ang hininga kasabay ng mga paru-parong bigla na lamang nagsiliparan sa tiyan ko. Was he--? Pero kanina lang kung makalait siya wagas, tagos hanggang buto tapos ngayon-- hindi. Pinaglalaruan lang niya ako. Malabong pareho kayo ng nararamdaman Dominique, gumising ka.

"Hindi ba't sinabi ko na sayong iba nalang ang paglaruan mo? Huwag na ako?" pinilit kong manatili sa realidad bago pa nya ako mapapaniwala ulit. 

"Nang magkita tayo ulit hindi ko sukat akalain na sa ganoon pa na sitwasyon. You almost got stabbed in the chest right before my eyes if I was seconds late," he sighed heavily as if struggling from something painful. "Knowing that you tried to fight because of stupid things makes me want to wring your neck. I badly wanted to see you but not in the way like that. I almost killed that snatcher. He’s just lucky, he got the chance to run away."

Naalala kong muli ang nangyari pati na ang nakakatakot niyang mga mata ng mga oras na iyon. His eyes gleamed with fear and fury. He seemed like he cares alot for me at ang hamak kong puso, nakakita na naman ng pag-asa. Humohopia na naman. Hindi na nadala. Nasaktan na nga ginugusto pang umasa. 

"Don't fall in love with me. Iyon ang sinabi mo sa akin bago ka umalis ng ospital baka nakakalimutan mo."

"Yeah. I haven’t forgotten that I told you that. That was the time that I got scared of what you can be. Of what you will mean to me. And the fact that we were actually worlds apart made it more complicated."

Akala ko tanggap ko nang hindi kami pwede dahil magkaiba nga kami ng mundo at halos aksidente lang nang magkakilala kami pero bakit nasasaktan pa rin ako lalo na't sa kanya nanggaling. Akala ko immune na ako sa sakit, hindi pa pala.

"Kaya nga umalis ka na," taboy ko sa kaniya. Bakit ba ayaw pa niyang umalis? Hindi ba niya alam na mas lalong nakakadagdag ng sakit ang presensya niya.

"Sorry. But I can't. Not now that I finally have the guts to pursue you after all those years."

Natigilan ako pagkadinig sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? Akala ko ay wala ng ikakakabog ang dibdib ko pero mayroon pa pala at mas doble pa. Simpleng salita lamang ang sinabi niya pero bakit parang gusto ko nang magdiwang gayong hindi pa nga ako nakakasiguro kung tama ako ng dinig. Hindi ba ako nagkakamali? Posible ba? 

Wala sa loob na humarap ako sa kanya para lang mamulat sa kakaunting distansyang natira sa pagitan namin. Hindi ako makahinga. Lumipat sa mga mata niya ang tingin ko. Kitang-kita ko roon ang kasinserohan niya sa mga binitawang salita. Totoo ba ito? 

"A-anong si-sinabi mo?" magkandautal kong tanong sa kanya. Gusto kong ulitin niya ang sinabi nya. Kahit gaano kasakit ang magiging katotohanan, gusto kong maniwala. Na maaari pa rin itong maganap sa realidad dahil kung nananaginip lang ako ay ayoko nang magising. 

Sumilay ang maliit na ngiti mula sa pinkish niyang labi na nagpatulala lalo sa akin. Kahit kailan yata ay hindi ako makakahuma sa kagwapuhan ng isang ito. Idinikit nya ang noo sa noo ko. Muntik pa akong mapaigtad ng maramdamang muli ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. 

"I wanted to take back what I’ve said before ," aniya habang walang puknat na nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ang init ng hininga nyang tumatama sa mukha ko at nakakasiguro akong isang maling galaw ko lang magkaka-first kiss agad ako. Tila ako nilulunod ng abuhin niyang mga mata. He was holding my gaze intensely that made my knees turn into jelly. 

"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sayo but knowing na nililigawan ka ni Loki, gusto ko na siyang bugbugin. Lalo na noong makita ko kayong magkalapit sa may counter at noong hinatid ka niya. Damn. I wanted to crush his face and wring his neck," dire-diretchong pagtatapat nito. Maya-maya pa ay pumikit ito at humugot ng malalim na hininga. Nang magmulat ito ng mata ay ako naman ang nahigit ang hininga sa nag-uumapaw na emosyong naroroon."This feeling is too strong, Dominique, that I can't hold back any longer."

I was speechless. Gusto ko na yatang suntukin ang sarili ko para matauhan ako. Totoo ba talaga ito? Hindi ba nga't may girlfriend sya? 

"Iyong babaeng kasama mo noon sa restaurant, girlfriend mo iyon di ba?"

"Ellisana has never been my girlfriend. She's just a friend. There's nothing to be jealous of," anito na may munting ngiti sa labi. 

Pero hindi pa iyon sapat para maniwala akong totoo ang mga sinasabi nya sa akin. Oo, gusto ko nalang sanang maniwala sa kanya dahil malaki ang posibilidad na mahal na nya ako base sa mga sinabi niya pero hindi dapat ako magpakakampante. 

"Alam mo ba ang mga sinasabi mo, Marione? Hindi kaya wala ka lang mapag-trip-an kaya ako ang napili mo?"

Napalis ang ngiti sa mga labi niya at bahagyang dumistansya sa akin. Tinapunan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin saka tila naiinis na hinagod ng kamay sa buhok. 

"You don't believe me, do you?"

"Hindi ko alam," maang na sagot ko. Well, totoo naman na hindi ko alam. Naguguluhan na ako.

"After what I just confess, you still don't believe me? Tingin mo pinaglololoko lang kita at pinagtitripan?"

"Hindi ko alam. Ang hirap paniwalaan, Marione. One moment you're caring then cold the next. Baka- Baka naghahanap ka lang ng past time. Ng mapaglilibangan. Hindi ba't ganun naman talaga kayong mayayaman?"

He stared at me in disbelief. His eyes suddenly flashed a tint of anger but blinked it back immediately. 

Tumawa sya ng pagak. "If your assumptions are true, then why do I have to waste my time doing all the effort?"

Tila may bumara sa lalamunan ko bago ko pa man din iyon masagot. Hindi na maganda ang daloy ng usapan at unti-unting nagbabalik ang sakit. Kailangan ko na siguro itong tapusin. 

"Baka na-challenge ka lang sa akin kaya mo ako sinundan. Magkaiba ang mundong ginagalawan natin. Mayaman ka, mahirap lang ako. O kaya wala ka ng maisipang paglaruan. "

Kahit masakit pinilit kong sabihin dahil maaaring totoo iyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Kung totoo man iyon at aaminin niya, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa panibagong bugso ng sakit. 

Napapitlag ako ng dahan-dahan nyang inangat ang ulo ko. "Look at me." Utos niya pero umiling lang ako. "I wanna see your eyes," malambing niyang turan pero nanatili pa rin akong nakapikit. Hindi nya kinontra ang sinabi ko kaya marahil ay totoo. 

"If you didn't open your eyes, I'll kiss you," banta niya na agad namang nagpamulat sa mga mata ko. Baka kasi totohanin nya, maeskandalo kami dito. Madami pa namang tambay sa may kanto hindi kalayuan dito. 

Muli namang bumalik ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "Sayang," bulong niya na nagpakunot sa noo ko. So, gusto niya pala akong halikan. 

Pinagdikit niya ulit ang mga noo namin at ngayon ay pati ilong. Napakasarap sa pakiramdam na ganito sya kalapit pero hindi dapat ako masanay. 

"Yes, i am an assh*le. But I can never do that to you." 

"Lahat ng sinabi ko sayo ay totoo pero kung hindi mo pa iyon kayang paniwalaan sa ngayon, okay lang. Gagawin ko ang lahat para maniwala ka."

"Marione--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinatahimik niya ako gamit ang daliri niya. Agad akong kinilabutan nang bumaba ang tingin niya sa labi ko saka marahan iyon dinama ng daliri nya. Masarap sa pakiramdam at nakakaakit pero nakakakaba. 

"I want you. And I will do everything just to make you mine."

Ang mga salitang iyon ang nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko. Ang nagpalaho sa mga bagay sa paligid at kami lang ang natira. Ang nagbigay ng magaang pakiramdam na animo ay lumulutang ako sa ere. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status