Share

KABANATA 4

"Erica, are you a woman?"

Kagabi pa ako hindi matahimik kakaisip no'n. Isama pa ang lasing na itsura ni Kuya sa video.

"What? Of course!" Sinara nito ang lipstick at binalik iyon sa bag niya.

"How did you say so?" kunot-noong tanong ko.

"Paano ba? Wait." Tumingin ito sa itaas at tila may inalala, "You know what, Heavs?"

Lumapit ako at naging interesado sa sagot niya, "What?"

Linapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong na nakapagpalaki sa mga mata ko.

"I lost my virginity with my last ex."

Namilog ang mga mata ko, "Baliw ka ba? Hindi pa kayo kasal!"

"That's trendy. Ayos lang iyon, may proteksyon naman," nakangusong sagot niya.

"Kahit na. Paano kung mabuntis ka? Anong ipapakain mo sa anak mo? College ka pa lang."

I don't know ah. Hindi naman ako against sa mga batang ina pero dapat na alam natin ang ginagawa natin. Lahat ng bagay ay may consequences. Kahit kaya mong gumawa ng bata kung wala ka namang pambuhay ng bata, huwag na lang.

At the right age, pwede siguro. Kung kaya mong humawak ng responsibilidad. Well, I salute those who can really stand on their own feet. May isip at diskarte.

"May condom nga. Iwas buntis. Pero ngayon nagpa-implant ako para safe." 

Pinakita pa niya ang bandang loob ng braso niya. Tinuro niya ang parang maliit na stick ng lollipop.

"Pinayagan ka?"

"Tsk. Kaya ng pera 'yan. Suhol lang."

"I can't believe you, Erica." Napailing na lang ako sa kanya.

Ano bang ginagawa niya sa buhay niya?

"That's makes me a woman. Palibhasa, neneng ka lang. Masarap kaya." Ngumisi pa siya.

"What the he—" Tinakpan niya ang bibig ko at lumingon-lingon pa sa paligid. Nang walang nakatingin ay binitiwan na niya ako, "Tapos pinapantasya mo si Kuya? No way!"

"Ayos lang 'yan. Kapag kami na ng kuya mo, ipapatanggal ko. Sabihin ko bumibilis yung heartbeat ko at hinahigh blood ako."

"Ano?! Nababaliw ka na ba?"

"Hindi syempre. Matino pa ako mag-isip. Pagdating kay kuya mo, kailangan mabuntis agad. Para madaling mapikot."

"I won't allow that," masungit kong tugon.

"Malamang, gusto mo eh," bulong niya.

Gusto ko pa sanang sumagot at linawin ang isip niya ngunit nasa loob na ng classroom si Ms. Salonga.

Pinagawan kami nito ng grupo nito. Nagsitayuan ang mga kaklase ko habang kami ni Erica ay nanatili lang sa pwesto namin.

"Taray ni ma'am. Hindi kasi nasulyapan si Rigel ko," ingos ni Erica.

"Rigel mo?" kunot-noong tanong ko.

"Hindi. Rigel mo?" diin nito bago umirap sa akin.

"Hm. Pwede bang makigrupo sa inyo?" si Aldrin. Kasama nito si Lisa at Paul.

"Sure. No problem." Nilahad ni Erica ang tatlong upuan na nasa unahan namin bago kumindat sa akin.

Anong balak niya?

"Settle down. I want you to create a marketing strategy on how to promote a ballpen," si Miss Salonga.

"What?! Ballpen, Ma'am?" eksaheradang tanong sa unahan.

"Yes. You deserve this degree if you can market a ballpen."

Non-sense.

Ngayon pa lang gusto ko ng magshift ng ibang program.

"Kaasar. Ballpen lang?" inis na sitsit ni Erica bago uminom sa iced tea niya.

"I think madali lang iyon, but the working time isn't. Kailangan natin magsleep-over," Aldrin suggested.

"Hindi pwede samin. Kulang sa guestroom," si Paul na kumagat sa burger niya.

"Tsk. Doon tayo kila Heaven. Para naman masulyapan ko si Rigel ko—"

"Wala si Kuya—"

"Gwapo ang kuya ni Heaven no?" putol ni Lisa sa akin.

"Yeeees. Sis, off limits. Sa akin na," si Erica na umiling kay Lisa.

"Pa-share naman!" nguso ni Lisa.

Gusto ko silang irapan. Ni hindi nga sila kilala ni Kuya.

"Girls, tama na. So, kila Heaven tayo?" gulong tanong ni Paul.

"Fine. Bukas, sa bahay." Tumayo ako at sinuot ang bag ko.

Tinalikuran ko sila at lumakad patungo sa gate.

"Send pic naman, Heaven!" dinig ko pang sigaw ni Erica na kina-irap ko.

Tsk. Baliw nga.

To: Kuya

Your fandom is getting handful.

Message sent.

Wala pang isang minuto ay may reply na.

From: Kuya

What?

Inis kong sinara ang phone ko sa reply niya.

Oo nga pala, he's not fanatic.

Binati ko ang driver namin. Tumango pa ito bago paandarin ang sasakyan.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Kuya iyon kaya agad kong sinagot.

"Hello? Bakit?" inis na tugon ko.

"Hindi ka na nag-reply," dinig kong napabuntong hininga pa siya, "Lets video call later. Pag-usapan natin 'yang fandom na sinasabi mo."

"Hindi—"

End call na ang tunog kaya naman mahigpit akong napahawak sa cellphone.

Bossy!

Pagkarating sa bahay ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Nagmadali pa ako papasok ng bahay.

Sa bungad pa lang ng pinto ay si Mama at Daddy na ang naririnig ko.

"Avier, hayaan mo muna ang anak mo," si Mama na pilit binababa ang hawak na cellphone ni Daddy.

"Makinig ka, Myra. If I find out that he's doing illegal, swear! Baka ako ang gumawa ng karumal dumal," inis nitong hinagis ang cellphone sa sofa na tumalbog pa pababa sa carpet.

"Don't you trust him? Kubo lang iyon, Hon." Hinagod ni mama ang likod ni Daddy na nakapikit.

"Sana nga kubo lang." Dumilat ito at nabaling sa akin ang tingin niya.

"Even you, Heaven. Subukan mo lang sumuway at itatakwil kita."

Natigil ang paa ko sa paghakbang. Nanlaki ang mga mata at kinabahan sa banta ni Daddy.

"What? I will never do that, Dad."

"Siguraduhin mo. Kundi, putol 'yang apelyido mo. Tignan ko lang kung madugtungan pa 'yan ng Kuya mo."

Tumalikod ito at iniwan akong naguguluhan.

"Hayaan mo muna ang Daddy mo at stress lang 'yon. Madami kasing problema sa kumpanya." Hinagod ni Mama ang buhok ko at hinalikan ako sa pisngi, "Kain ka na. Mauna na ako sa itaas, Heaven."

"Sige po. Good night, Ma." Humalik ako sa pisngi niya at hinayaan na siyang umakyat.

Tumuloy ako sa kusina at bagsak ang balikat na kumain. Dumaan pa si manang Karing, ngunit hindi nagkomento.

Hanggang sa pagligo ay iniisp ko pa rin ang sinabi ni Daddy.

Kahit ayaw ko naman sa kurso ko ay wala akong balak na sumuway sa kanila ni Mommy. At sa malamang ay hindi madudugtungan ni Kuya ang apelyido ko dahil para sa akin ay magkapatid pa rin kami.

Pinatuyo ko ang buhok ko bago kinuha ang lotion. Naglagay ako sa kamay at tiyan. Pilit ko ding inabot ang likod ko.

Natigil lamang matapos umilaw ang cellphone ko. Tumatawag sa video call si Kuya.

Mabilis kong sinuot ang roba bago sinagot ang tawag niya. Pinwesto ko ang cellphone at sinandal sa ibaba ng lamp shade.

"Hey!" bungad niya.

Ngumiti ako at tinaas sa kama ang binti ko. Naglagay pa ako ng lotion sa kamay ko at pinahid sa binti ko hanggang legs.

"What are you doing, Brat?!" 

"Naglo-lotion," irap kong sagot sa kanya.

"In front of me?" Tumikwas ang kilay nito. Isang linya din ang labi niya.

"Huh? Bakit? Lotion lang."

"Fine. Anong fandom ang sinasabi mo kanina?"

"Erica and Lisa are getting crazy over you." Sinulyapan ko siya at nakitang kumunot ang noo niya.

"And you are not?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya dahil sa sagot niya.

"Ano?" litong tanong ko.

"I mean, who's Erica and Lisa?"

"My classmates. Type ka, Kuya!"

"Pinapamigay mo ko?"

Hindi ko alam pero sa paningin ko ay hindi maipinta ang itsura niya.

Naisip ko din ang sinabi niya. Pinapamigay?

Sumikip ang dibdib ko matapos lumitaw sa imahinasyon ko si Erica at siya—doing that thing.

Lalo lang akong nagkaproblema matapos maalala ang sinabi ni Erica kanina. Lumalim lang lalo ang pagkakakunot ng noo ko.

No. Erase that. Ayaw ko siyang bayaw. Not Erica. Not Lisa, also.

"Hindi. Gusto mo ba?" inosenteng tanong ko.

"No, Baby," paos nitong bigkas habang ako naman ay napakurap.

Natural dito na tinatawag akong baby pero hindi ko maintindihan kung bakit iba ang dating niyon sa akin.

"Wala sila sa listahan ko." Maliit itong ngumuso at tila nagpipigil ng ngiti.

"Kuya, hindi na ako baby. Tsaka anong listahan? Ng mga babae mo?" Pinaningkitan ko siya ng tingin.

"What? Believe me, walang babae. Listahan ng kubo ang tinutukoy ko."

"Kuya, tao sila. Hindi kubo," tukoy ko kila Erica.

"I know. What I mean is, they are not my priority." Kita kong sumandal ito sa headboard at may inabot na kung ano.

"Unan ba iyon?" tanong ko habang binaba ang binti kong isa at tinaas naman ang isa. Iyon naman ang lalagyan ko ng lotion.

"Bakit?"

"Saan mo linagay?" kuryosong tanong ko.

Nakita ko kasing sa baba niya linagay.

"Don't mind that. Hindi ka pa ba tapos maglotion?" inip niyang tanong.

"Saan nga?" Tinaasan ko siya ng kilay at pilit sinilip sa screen ang unan kahit hindi naman kita.

"Heaven, umayos ka nga! Your boob is showing." Nakaiwas siya ng tingin habang ako ay mabilis na inayos ang roba ko.

"Fine. Kita ko naman sa baba mo linagay," bulong ko.

"Inayos ko lang. Bakit ba?"

"Wala. Akala ko kasi sa ano." Namula ang pisngi ko sa naisip.

Stop right there, Heaven.

"Ano—" Natigil siya matapos naming marinig ang katok sa kwarto ko.

"Wait lang." Tumayo ako at inayos nang mabuti ang roba ko.

Tumungo ako sa pinto. Binuksan ko iyon at ulo lang ang linabas ko.

"Daddy, bakit po?"

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. Nakapantulog na at mukhang hindi lang makatulog.

"I can't sleep. Gusto kong mag-sorry anak, sa sermon ko kanina. Am I not a good father?" Namungay ang mata nito at naluluha pa ata.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Wrong, Daddy. Mabuting ama po kayo. Naiintindihan ko naman po at may problema kayo."

"Thank you, anak. I am praying that I am making the right decisions. Pasensya na talaga." Ni-pat pa nito ang ulo ko bago ngumiti, "Good night, princess."

"Good night po."

Tumalikod na ito at bumaba. Sinara ko ang pinto at binalikan si kuya na nasa kabilang linya pa rin.

"Si Daddy ba 'yon?"

"Yes. Nasermunan kasi niya ako kanina. Malaki ang problema ni Daddy sa company, Kuya," malungkot kong kwento.

Umiwas siya ng tingin at hindi nagkomento doon. Bagkus ay iniba niya ang usapan.

"Ipakilala mo ako sa fandom ko."

"What?! Ayoko nga." Sumimangot ako at pinagkrus ang mga braso ko.

Ngumisi siya, "Huwag kang madamot, Heaven. I-share mo ko."

"Ayos lang sa'yo kahit hindi na virgin ang isa? May implant pa?" salubong ang kilay na sabi ko.

I know, nasisiraan ko si Erica. But I don't like the idea of sharing him to her.

"Who cares? Does not make her less of a woman."

Umiwas ako ng tingin matapos manikip ng dibdib ko.

"Ayos lang ba kahit magpa-implant ako?" kuryosong tanong ko.

"What the hell?! Tumigil ka, Heaven. Stop with your thoughts. Not because it is okay for others doesn't mean it's applicable to you."

Kumunot ang noo ko sa sudden outburst niya, "I want to experience it."

"The what? The implant or the deed?" nagtitimping tanong niya.

"Both?" hindi siguradong tanong ko.

Umiling siya, "No. Calendar method ang pag-aralan mo."

"What? I am just kidding, Kuya. Wala akong balak," pagpapakalma ko sa kanya.

"Good. Erase that thought and sleep," mariin niyang utos.

"Fine. Pero kapag si Erica, pwede?" bulong-bulong ko.

"Silly. Maybe she's knowledgeable."

"So what? I'm legal," laban ko pa.

"No. Protect your mind and protect yourself. Not all the time someone will save you. Isa pa, sinabi ko naman sa'yong ako na ang bahala sa kung paano ka magiging ganap na babae. Good night," parang galit na paalala pa nito.

Pinatay nito ang tawag at ayaw ng makinig sa protesta ko. Umawang na lang ang mga labi ko sa inakto niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status