Naging awkward sa paligid. Hindi ko na siya matingnan. Lumala pa ang imagination ko.Ano bang pakiramdam kung nasa ibabaw ko siya at sakop ang buong katawan ko? Para akong sinasakal matapos maisip na gumagalaw siya sa itaas ko kasabay ng magaspang na ungol.Mabilis kong naipagdikit ang mga hita sa naisip. Umiwas ako ng tingin sa sobrang kaba. Hindi na rin ako nagpumilit na matulog doon at nagrequest na lang ng ice cream.Hindi rin naman ako nagtagal doon. Ni hindi nga namin pinag-usapan ang galit ni Daddy sa kanya."Umuwi ka na," pilit niya sa akin noong ihatid niya ako pabalik.Tatlong bahay lang ang layo mula sa mansion. Ayaw ko pang umuwi ngunit gabi na."Pasyal tayo bukas, Kuya.""Brat, I'm busy."Ngumuso ako at nagpapaawang kumurap sa harap niya. Lalo lang akong nagiging suwail kapag hindi pinagbibigyan.Umungol siya at marahan akomg tinulak palayo sa kanya."Matulog ka na lang bukas."Wala akong nagawa sa desisyon niya pero hindi naman ako sumusuko.Gaya ng plano ko sa sabado, i
"Wala ako sa apartment."I've been calling him since last night. Ni hindi nakatulog kakaisip sa librong dala ni Manang Karing. Hanggang ngayon namumula ang mga pisngi ko sa nabasa.Fine.Binasa ko.Unang page lang ng first chapter. I felt like a sinner, so I stop."Huh—""Brat, nasa Tarlac ako."Kalahati lang ng mukha niya ang nasa video call habang ang kalahati ay kita ang lugar. May iilang puno may mukhang bahay pero hindi bato at hindi rin kahoy. Basta built-in kahon."I know." Maliit akong nanguso.Halata namang nasa probinsya siya. Doon ko rin na-realize na hindi na siya mananatili sa siyudad, hindi siya mabubuhay kung mananatili lang siya sa maliit niyang apartment. Kailangan nga naman n'yang kumita at maghanapbuhay. Hindi na siya konektado sa pera ni Daddy.Bahagya akong nalungkot sa kaisipang kailangan na niyang magpagod para lang mabuhay. Ganoon din malamang ako kapag naka-graduate na. Hindi naman pwedeng lagi na lang umaasa sa magulang.Though the company is waiting for me,
Hindi ko mapigilang ngumiti na kahit pa nakataas ang kilay sa akin ni Erica ay hindi ko magawang sumimangot.Hindi ako sanay na mahiwalay kay Kuya nang matagal. I'm his clingy baby Heaven. Pero dahil nangako siya ng dinner ay nawawala ang lungkot ko at hindi maiwasang masabik. Nakalimutan ko na nga ang pagkapahiya sa kanya mula sa video call."Para kang baliw," ingos ni Erica.Pabagsak pa niyang nilapag ang pinasuyo kong sandwich at bottled water."Sorry. Magkano pala?"Inirapan niya ang pagdukot ko sa wallet at tinabig iyon nang marahan."Huwag na. Kwento mo na lang kay Rigel ko."Kahit ang marinig sa bibig niya ang pangalan ni Kuya ay hindi ko ikinainis."Thanks. Wala kang lakad mamaya?"Hindi niya ako sinagot. Binubuklat niya ang bag niya at tila may inaayos sa loob no'n."Wala kang hook-up?" ulit na tanong ko.Ngumisi lang siya ngunit hindi pinansin ang tanong ko."Here! Read these, Heavs."Tuwang-tuwa pa siya na ilapag ang tatlong libro galing sa bag niya. Lahat pa ng mga iyon ay
Hindi ko pa siya agad natawagan pagkauwi. Hindi niya sinasagot. Ngayong gabi na lang ulit."Hindi ka na ba talaga babalik?"Nakadapa siya sa higaan niya at walang pang-itaas. Nakatagilid pa ang ulo paharap sa camera, nakapikit pa. Lalo lang tuloy bumibigat ang kalooban ko sa kakaisip na ayaw niya akong kausapin."Hm."Simpleng ungol niya bilang pagsang-ayon ngunit hindi nag-abalang idilat ang mga mata."K-uya. B-umalik k-a."Tumakas ang isang hikbi sa bibig ko ngunit hindi siya natinag."Shut it, Brat. Buhay pa ako. Huwag kang umatungal diyan."Nagtakip pa siya ng unan kaya naman lalo akong naluha. Kaya lang mukhang hindi niya ako haharapin kung iiyak pa ako.Pinunasan ko ang luhang tumakas at pinigilan ang hikbi ko. Kinalma ko ang sarili ko bago siya ulit binalak na kausapin."Paano 'yong apartment mo, Kuya?" inayos ko ang boses ko, walang bakas ng iyak.Marahan niyang tinanggal ang unan bago bahagyang dinilat ang kaliwang mata niya. Ngumiti ako nang malapad. Nagbabakasakaling dalawa
"Are you sure you'll be okay here?" Si Mama.Ngayon ang alis nila pero mukhang ayaw na niya akong iwanan. Ngumiti ako upang ipakitang ayos lang. May backpack is ready. Pagkaalis nila ay aalis din ako.Alam ni Manang Karing na kay Erica ako sasama, hindi naman umapila."We'll call you on our free time. We just need to close this deal then we'll be back. Behave," paliwanag ni Daddy.Para bang alam niyang may plano kahit hindi ko sabihin. Malakas ang pakiramdam niya pero mas magaling akong magtago."Uhm. Sa bahay lang po."Ngumiti pa ako nang malapad upang makumbinse sila. Tumango si Daddy bago tuluyang sumakay. Kinawayan ko pa ang sasakyan nilang papa-alis.Nanghaba ang leeg ko kakatanaw sa sasakyan nila para lang makitang wala na iyon.Nang masigurong wala na nga ay mabilis akong pumanhik at nagmadaling magbihis. I wore my black mock neck tee partnered with my peach belted cargo pants. Puting sneakers lang at itim na cap.Kumpleto na lahat at driver na lang ang kulang. I dialed Erica'
Kahit inaasahan kong magagalit siya sa hindi ko pagsabi ay natakot pa rin ako. Napaatras at napaiwas ng tingin."Alam ba ng parents mo?"Umiling ako na kinamura niya.Wala ako ngayon dito kung alam nila."What about Manang Karing?" dagdag na tanong niya bago binuksan ang gate at kinuha ang bacakpack ko."Alam niya ay kasama ko si Erica." alanganin akong ngumiti matapos makita ang inis niyang reaksyon."Damn, Brat."Inirapan ko siya dahil sa sinabi nito ngunit sumunod din sa kanya. Diretsong akyat at papasok sa bahay niya.Maluwang naman ata iyon, may iilang gamit. Sala na may sofa set na kawayan. Isang pinto na sa tingin ko ay kwarto. Dalawang bintana."Sa susunod ay magsabi ka. Paano kung wala ako? Paano ka uuwi?"Napalabi ako nang malakas niyang ihagis ang bag ko at bag niya sa sofa. Tinalikuran pa ako at bumaba sa hagdan papuntang likod. Sinundan ko siya doon at natantong kusina iyon.Bato naman ang pader ngunit iilan lang ang gamit. May stove at mesa naman. Dalawang upuan at iilan
Nangamatis na yata ang mga pisngi ko sa hiya dahil sa komento niya. Nilaglag ko ang tuwalya mula sa buhok ko at iyon ang ginamit na pantakip sa dibdib ko. Di baleng mabasa na ang damit sa likod ko basta ba walang masabi si Kuya. Baka sabihin niya... inaakit ko siya. Hmp!"Happy?" inis kong angil.Nagtaas lang siya ng kamay at ngumisi. Nasalubong ko pa ang mga tingin niya na may aliw, kaibahan sa malalim niyang titig kanina. Sabay pa kaming napalingon sa sala matapos marinig ang mga katok sa pinakapinto.Tumikhim ako at napahawak nang mahigpit sa tuwalya."Huh. Ako na ang magbubukas," presinta ko.Tumango siya at hinayaan akong umakyat sa hagdan papuntang sala. Ngunit nasa gitna pa, lang ako nang pigilan niya ang braso ko.Umiwas siya ng tingin bago pinasadahan ng dila niya ang ibabang labi. Kinagat pa nito iyon bago nagsalita."Huwag mong sabihing magkapatid tayo. Ang alam ng mga taga-dito ay ulila ako at walang kamag-anak."Umawang ang mga labi ko at bahagyang sumakit ang puso ko. T
Sobrang hiya ko sa kanya. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niyang maliit na Rigel. Balak ba niyang... Magkaanak sa akin?Pinilit niya ring ibibili niya ako ng damit. Madami nga ang binili niya at may iilan pang pantulog. Naki-argumento pa akong hindi ko naman kailangan iyon dahil hindi naman ako nagdadamit sa gabi. Kaya lang ay pinaningkitan niya ako ng tingin. Halatang ayaw niyang gawin ko ang ginagawa ko sa mansyon.Dahil ba kaming dalawa lang dito at mabilis siyang matukso?"Try it. Hindi naman pwedeng habang nandito ka ay lagi na lang akong sa sala," rason nito.Napakurap at hindi ko inasahan ang sinabi niya. Gusto ba niyang ako ang matulog sa sofa at babalik siya sa kwarto niya?"Huh? Gusto mong makipagpalit at ako na ang matulog sa sofa?"Umungol siya, "That's not what I mean. Gusto ko ding matulog sa kwarto ko, which is my personal space... that you invaded," pagdidiin nito.Nabitawan ko ang hawak na thin sleep dress sa sahig sa sinabi niya. Natameme at hindi matanggap na