Share

KABANATA 3

Sa ilang araw na wala ang Kuya niya, sa pagluluto lang ang atensyon niya. 

"Sana pala pagluluto na lang ang kinuha mong kurso, Heaven," Komento ni Nay Karing. 

Napalabi ako at linabas ang tilapia. Gusto kong magluto ng loaded steam tilapia.

"Ayaw po ni daddy," sumbong ko.

Lumungkot ang itsura nito, "Bakit naman? Nakikita kong masaya ka kapag nagluluto ka."

Inagaw nito ang malaking tilapia sa kamay ko at diniretso sa sink.

"Kasi naman si Kuya, ayaw pang pumasok sa kumpanya," bulong ko na kinatawa nito.

"Iba din kasi ang hilig ni Rigel, Heaven."

"Ano po? Babae?" taas kilay na tanong ko.

Napatawa siya muli, "Hindi, Hija! Kubo."

"Kubo?" kunot noong tanong ko bago hiniwa ang carrots.

Muli itong tumawa bago nilagay ang isda sa malaking plato, "Tanungin mo ang Kuya mo."

"Nay!"

"Hindi ko na alam ang sagot d'yan. Kaya mo na 'yan."

Iniwan ako nito sa kusina na naiintriga. Ano ba kasing kubo?

Nilagay ko ang mga nahiwang carrots sa plato. Kinuha ko ang cellphone ko sa likod ng bulsa ng short ko at tinawagan sa video call si Kuya.

Sinandal ko iyon sa baso at hinintay na sagutin niya.

Sinimulan ko na rin maghiwa ng keso. Mas maraming keso, mas masarap. Tutok ang tingin ko sa ginagawa noong marinig ang pag-ubo niya.

Liningon ko ang cellphone. Nasa screen na ang mukha ni Kuya na inuubo-ubo.

"Ayos ka lang, Kuya?"

Tumango-tango siya, "Yes. Nabigla lang ako."

"Hm. May tanong pala ako." Maliit akong napanguso bago naghiwa ng lettuce.

"Spill it out."

Natahimik ako. Tama bang itanong?

Baka hindi ako makatulog kapag hindi ko tinanong.

Inayos ko ang lettuce sa plato at naghiwa ng white onion bago siya tinanong.

"Kubo daw ang gusto mo?" taas kilay na tanong ko.

Natigilan ito at parang namutla pa. Gumalaw ang mga labi niya ngunit wala namang salitang lumabas kaya tinanong ko siya ulit.

"Bakit kubo, Kuya? Balak mo bang tumandang binata at mag-ermitanyo sa kubo?" nakapamewang na tanong ko.

Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata.

"Brat! Nay Karing is just joking," gigil na sabi nito na kinalaki ng mga mata ko.

Naturo ko sa kanya ang kutsilyo na kinalaki naman ng mga mata niya.

"Wala akong sinabing si Nay karing ang nagsabi. Bakit alam mo?"

Kita kong lumikot ang tingin nito mula sa screen. Tumagilid ang ulo at napahawak sa batok niya. Kita ko pang napapikit siya nang mariin.

Umayos siya at nag-isang linya ang mga labi, "Don't stick your nose about it. Mag-aral kang mabuti."

"What? Bakit ba kasi kubo? Bakit hindi babae?" nakasimangot kong tanong.

"Gusto mong mambabae ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"That's not what I'm trying to imply!"

Nainis ako sa kaalamang marami siyang babae. Puminta pa sa isip ko si Erica at si Miss Salonga na nasa bisig niya.

What the heck, Heaven?

Marahas akong umiling at winaglit ang imaheng nabuo sa isip ko.

"Are you alright?"

"O-kay l-ang." Huminga akong malalim at natatarantang linagay ang sibuyas sa plato, "Ano bang meron sa Kubo? Ayaw sabihin ni Nay karing."

"Do not think too much. Call you later. Bye."

"Sandali—" inis na tinaktak ko ang cellphone ko noong makitang call ended na nga.

Kainis! Huli na nga tatakas pa.

Nakabusangot kong pinalamanan ang tilapia ng mga hiniwa kong sangkap. Binudburan din iyon ng pampalasa. Bago linagay sa steamer.

Hindi ko alam kung masarap. Wala ako sa mood at hindi ko nakuha ang gusto kong sagot. Naghanda din ako ng side sauce na sweet and sour mayo bago maghain.

"Hon, baka may ibang paraan," agad na panimula ni Mama noong nasa hapag na sila. Nilagyan din nito ng slice ng tilapia ang plato ni daddy.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Hindi din nila sinasabi sa akin. Maingat ang mga salita nila.

Basta ang nakikita ko ay problemado si Daddy. The great Avier Abellana is problematic. Malalim ang pagkakakunot noo niya at hindi maipinta ang itsura. Isang linya ang labi at tila malayo ang iniisip.

Unang beses ko siyang makitang ganito. Ni hindi nga niya ako n*******n kanina sa ulo. Pinipilit lang siyang kumain ni Mama.

"I don't know, Myra. You know what is our current situation. Anong saysay na pinag-aral kung hindi niya din naman gagamitin!" tumaas ang boses ni Daddy na nakapagpa-atras sa akin. Tumunog ang upuan ko na kinalingon nila.

Awang ang mga labi ko at bahagyang nanlalaki ang mga mata.

Napabuntong hininga nang marahas si Daddy bago umiling at pinisil ang noo sa pagitan ng mga kilay niya.

"Sorry, Heaven baby. Akyat ka na muna sa taas, may pag-uusapan kami ng Daddy mo." Hinawakan ni Mama ang kamay ko at kinumbinse akong umakyat.

Kahit ilag at nagulat ay tumango ako at mabilis na lumabas ng kusina.

"Avier! Maghunos-dili ka nga! Huwag kang basta nagagalit. Anong malay mo at hindi pa talaga handa ang bata," dinig kong sigaw ni Mama.

Napahinto ako sa hagdan. Nakatayo lamang ako doon at nakikinig sa usapan nila.

"Myra! Ilang taon ng graduate! Pero ano? Hindi makaapak sa kumpanya."

"Then so, pabayaan mo. Alam mo namang parehong iba ang hilig nila."

"Hindi ako bulag. Pero kailangan din natin sila. Pinaghirapan ko ang kumpanyang iyon. Iyon din naman ang nag-paaral sa kanila, pero ano? Ayaw nila?" may halong hinanakit ang boses ni Daddy. Malungkot at tila nawawalan ng pag-asa.

Hindi ko na tinapos at naninikip ang dibdib na umakyat ako. Ngayon lang sila nagsigawan. And I am very sure now, they are talking about the two of us—their children.

Naligo ako upang maalis ang bigat ng damdamin ko. Hindi ko naman masisisi si Kuya na ayaw niyang pumasok sa kumpanya. Ako na totoong anak ay hindi interesado doon.

Matapos kong mag-blower, agad kong tinawagan si Kuya. Nilingon ko pa ang sarili ko sa screen bago sumandal sa headboard ng kama. Hanggang balikat lang ang litaw ko sa screen. Binitiwan ko pa ang cellphone sa bedside table.

"Yes, Heaven?" Malamyos ang boses niya at mapungay ang mga mata. 

Natigilan ito matapos makita ang ayos ko. Humikab pa ako upang ipakitang inaantok ako. Dinig ko sa background ang ilang boses ng mga lalaki. Maaaring kaibigan niya.

"Shot muna, Rigs." Nakita kong inabutan ito ng shot glass ng lalaking ang kamay ay may tattoo.

Kinuha niya iyon at mabilis na ininom. Nakatitig lang ako sa kanya at sinundan ng tingin ang paglunok niya. Hindi ako makatiyempo kung paano ko sasabihin ang problema sa bahay.

Namumula nang bahagya ang tainga niya. Epekto iyon ng alak sa kanya.

"Kuya," pinalungkot ko ang boses upang malaman niyang may problema.

"Yes, Baby?" imbis na pag-aalala ay ngisi ang sinagot niya. Iba yata ang dating sa kanya na kinakunot ng noo ko.

Lasing na ba?

"Sinong ka-video call mo?" gumalaw ang camera at mukhang pilit tinignan ang screen nito.

Leeg na niya ang nakalitaw sa screen ko. 

"Ano ba, Callisto! You're being too nosy," singhal niya sa kausap.

May tumawa sa background at nagsabi ng cheers.

"Si Heaven ba 'yan? Init ulo ah," rinig kong sabi ng isa na kinalaki ng mga mata ko.

Kilala nila ako?

"Of course, for the love of his life. A forbidden love."

Ano daw? Hindi ako makasabay sa sinasabi nila.

Kapatid ako at hindi girlfriend niya! Gusto ko sanang sabihin iyon.

"We're not related, so shut the fuck up, Dude. Isusumbong kita kay Avyanna."

Sa sinabi niya ay sumikip ang dibdib ko. We're not related? Dahil hindi kami magka-apelyido?

Bumagsak ang tingin ko sa palad ko na nanginig. Hindi ba niya ako tanggap bilang kapatid? Pero tanggap ko siya.

"How long is your temper, man? Ngayon pa lang mukha ka ng tempted. Frustrated? Can't touch your sister—" 

"Shut it! Diyan na muna kayo."

Hindi niya pinatapos ang sinasabi ng kaibigan niya. Kita kong tumayo siya at nahagip pa ng camera ang mesa nila.

"Sige, solohin mo! Wala namang aagaw diyan. Binakuran na ang kubo eh." Tumawa pa sila.

Kumunot ang noo ko matapos marinig ang kubo na naman na iyon.

"Don't mind them. Why did you call?"

Napokus ulit ang camera at tingin ko ay umupo siya. Hindi ko na dinig ang mga kaibigan niya.

Bumalik sa isip ko ang kanina. The problematic look of my Dad and the care and love I saw in my Mama's eyes for Daddy.

Nalungkot ako matapos maalala ang sigawan nila Mama.

"May problema si Daddy, Kuya," hindi ko maiwasang maluha noong gumuhit sa isipan ko ang pagod na itsura ni Daddy.

Sumerysoso siya, "Problema? Saan?"

Natitigan ko siya at nakitang nag-aalala ang mga mata niya matapos makita ang naluluhang mga mata ko.

I feel like a useless child. Ni hindi makatulong sa magulang. Puro sariling kagustuhan ang iniisip. Puro pagluluto. Walang kahit na anong koneksyon sa negosyo namin.

"He's having problem with us. Pumasok ka na sa kumpanya, Kuya. Tulungan mo si Dad."

Natahimik ito at napaiwas ng tingin. Kita ko pang umigting ang panga niya. 

"I don't think I can do that."

Bumagsak ang mga balikat ko at nanginig ang kamay ko. Lalong nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Gusto kong bawasan ang problema nila, Kuya. Kaya lang hindi pa ako graduate."

Tumikhim siya at umiwas ulit ng tingin, "Manghihingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Huwag ka ng malungkot," suyo nito.

"Bakit hindi ka na lang pumasok sa kumpanya?" kunot noong tanong ko.

"Not now, Heaven. How's your day?" lihis nito sa tanong ko na kinairap ko.

"There. Brat ka na ulit." Ngumisi ito sa kabilang linya.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan, "Kuya! Hindi ako Brat!"

"Talaga ba? What are you then?" taas kilay na tanong niya.

"I'm a tame woman," proud kong sagot.

Hindi siya agad sumagot at naningkit lamang ang mga mata. Kitang kita niya ang alon ng adams apple nito na tila napalunok.

"Not yet a woman, Heaven. And not yet tame also. You are a lady, for now," paos nitong paliwanag.

Sumimangot ako at sinamaan siya muli ng tingin.

"Nineteen na ako. Legal na," I reasoned out.

"Very much legal. I can't wait," bulong niya pero hindi ko masyadong narinig ang dulo.

"Ano ba ang depenisyon mo ng woman, Kuya?"

Ayaw niya sa argumento ko. Lagi naman.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin, "Not a good topic, Heaven."

"Iniwasan mo na ang kubo thing kanina, Kuya. Sagutin mo naman ang tanong ko ngayon."

"No. You go to sleep," pinal na utos niya.

Umiling ako at pinatigas ang itsura ko, "I'm waiting, Kuya."

Pinokus ko ang camera sa mukha ko upang ipakita na naghihintay talaga ako ng sagot niya.

Namungay ang mga mata niya. Lalo siyang nagmukhang lasing sa paningin ko. Matino pa naman siyang kausap kaya baka hindi pa.

"Hindi pweding sakin mo malaman."

"Bakit hindi?"

"I'm a man... with needs," mabigat niyang bulong.

Kumunot ang noo ko dahil malayo din ang sagot niya sa tanong ko.

Mali ata ako ng hinala. Lasing na ata.

"How do you define a woman nga?" inip kong tanong muli.

Napabuntong hininga siya at mukhang suko na. Napangiti ako nang wagi.

"You will be called a woman if you have tasted Heaven—"

"What?" naguguluhang tanong ko.

"According to my vocabulary, you are a woman if you have experience already the sexual intercourse."

Naiwan na nakaawang sa ere ang mga labi ko.

Anong klaseng vocabulary meron siya? Vocabulary ng lasing?

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hm. Don't go and play around with other boys just to be a woman. You are a lady... for now. Wait for me, I'll make you a woman... soon."

I got my mind blown to the core before he ended the call.

Ganoon ba siya malasing?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status