Share

KABANATA 6

Muntik na akong hindi makatulog kakaisip sa babae ni Kuya na kahit sa klase ay naiisip ko. Gusto kong hatakin ang oras at umuwi na agad. Gusto kong makita si Kuya at magtanong kahit alam kong wala itong ibibigay na sagot. 

"Ano bang trip ni, Ma'am? Feeling major," bulong ni Erica.

Masama ang tingin nito sa unahan lalo pa't binubuklat ni ma'am ang mga pinasa naming folders. Laman ay ang project na pinagawa niya.

Ni hindi ko tinanong kung anong output namin.

"She's checking it," bored kong sagot bago humikab.

Kung hindi lang ako mapapagalitan ay ni-drop ko na sana ang subject na ito. Boring ang lesson, boring pa ang teacher.

"Ano ba naman kasing naisip ni ma'am? Ang layo ng marketing strategy sa subject n'yang Art Appreciation. Lutang ba siya?" inis niyang bulong ulit.

"Wala siyang maisip, that's the truth," diing gatong ko, "Maybe, she forgot her course outline."

"Agree, sister!" mahinang sigaw niya.

Kinunutan ko siya ng noo at hindi nagustuhan na sister na naman ang tawag niya.

Sorry for her, but I don't accept her as my sister-in-law. Hanggang kaibigan lang.

"Miss, Erica!"

Sabay pa kaming napabalikwas sa upuan ni Erica sa biglaang tawag ni ma'am.

"P-o?" kinakabahang tanong nito.

Kahit ako ay namawis ang kamay at kumabog ang d*bdib. Kung pagagalitan kami ay pangalawang record ko na sa kanya.

Huwag naman sana!

Ayaw ko naman na guidance ang isalubong kay Kuya.

"What is your contribution into this project?" taas kilay na tanong nito.

Dumoble ang kaba ko sa tanong. Sa tingin ko ay iyon ang umiikot na tanong sa klase. Kung hindi masagot ni Erica ay lilipat sa akin ang tanong.

Namawis ang noo ko at nanlamig ang kalamnan ko.

"Ano po, M-a'am." Liningon niya ako ngunit umiling ako.

Hindi ko din kasi alam ang sasabihin. Wala naman kasi akong ibang ambag kundi pagkain.

"What?" inip na tanong ni Ms. Salonga.

"Puro suggestions lang po, Ma'am," mabilis na sagot niya at mabilis ding umupo. Takot na dumagdag ang tanong.

"What about you, Ms. Abellana?"

Para akong tinirikan ng kandila sa pagbaling sa akin ng tanong. Nanginig ang kamay ko at lalong kumabog ang d*bdib ko. Nangatal ang dila ko at para akong lalagnatin sa kaba.

Pwede ko bang sabihing pagkain ang ambag ko?

"Ms. Abellana. I'm waiting."

Liningon ko si Ma'am at lalo akong kinabahan sa inip na hitsura nito.

Bakit kasi hindi ka kasing talino ng kuya at mga magulang mo, Heaven?!

Ako yata ang ampon.

Nabasag ang kaba ko sa pagtunog ng cellphone ni ma'am. Sumenyas itong sandali sa kamay bago kinuha ang cellphone.

Natigil sa ere ang kaba ko at nakatitig sa cellphone niya. Pinapanalangin ko na lang na tapusin na niya ang klase.

Napakurap ako sa pagbaba nito ng cellphone at pag-ayos sa bag. Ang mga labi ko ay unti-unting kumukurba pangiti sa naiisip na aalis na siya. Natikom ko lang ulit pagbaling nito sa akin.

"Sorry for that. Let's continue this next week. I was called for an urgent meeting. Bye, class."

Tuluyan na akong nangiti at Napabuga ng hangin. Gusto ko pang pumalakpak sa tuwa.

Save by the phone call!

Lalo pa akong ngumiti sa pag-alis ni ma'am sa classroom.

Ang swerte naman!

Bumalik ang pagkasabik ko sa pag-uwi ni Kuya. Gusto ko na ulit hatakin ang oras at umuwi agad.

"Grabe si ma'am! Akala ko mapapahiya na ako," si Erica na naglilipstick.

Buti nga siya at nakaisip ng sagot. Samantalang ako ay walang maisip.

"Uuwi ka na ba?" dagdag na tanong nito.

"Sana. May hinihintay lang akong tawag."

Hinihintay ko ang tawag ni Kuya, Kung malapit na siya sa bahay at kung pweding daanan na lang niya ako sa school.

"Kanino? Sa kuya mo?" naringgan ko ng tuwa ang boses niya kaya naman sinimangutan ko.

Baka kasi makisabit pa siya sa sasakyan.

"Hindi. Kay Daddy ang hinihintay ko," pagsisinungaling ko.

Nawala ang ngiti nito at umasim ang mukha. Sinara pa ang lipstick niya bago nagsalita.

"Sayang! Akala ko mami-meet ko na ang Rigel ko hmp!"

I rolled my eyes. Nakakainis talagang pilit n'yang inaangkin si Kuya. Kuya ko iyon! Hindi naman kanya.

"Maghanap ka na lang ng ibang makaka-s*x mo," balewang mungkahi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at mukhang na-eskandalo sa sinabi ko. Lumingon-lingon pa siya sa paligid bago ako linapitan. Mabuti na lang at walang nakatingin.

"Heaven?! Coming from you?! Pero may irereto ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Hindi na ba ako pweding magsabi ng bulgar na salita? Atsaka anong irereto? 

"What do you mean?"

"Baka naman may knows ka na pwede diyan? You know naman, hindi pa pwede ang kuya mo."

"Ganoon ka ka-uhaw sa tawag ng laman?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nawala ang ngiti niya at kinagat-kagat ang hinlalaking daliri niya.

"Meserep eh," kibit balikat at mahinang sagot nito.

Napailing ako at inis na iniwan siya doon.

I can't believe she's really thirsty for that!

She just gave me another reason to not accept her as my future sister-in-law. Hindi kailangan ni kuya ng babaeng pariwara—sorry to say pero ganoon ang tingin ko sa kanya ngayon.

Ang kailangan ni kuya ay matinong babae!

Malapit ko na siyang itakwil bilang kaibigan!

Hindi iyon mawala sa isip ko at natabunan ang tungkol sa babae ni Kuya. Naghintay ako sa harap ng gate na salubong ang kilay. Ni hindi ko nga napansin na nasa harap ko na ang sasakyan niya at nakatayo na siya sa harapan ko. Naninitig at binabasa ang hilatsa ng mukha ko.

"What happened?" banayad n'yang tanong bago kinuha ang bag ko at binuksan ang passenger seat.

Umiling ako at pumasok na lang agad sa sasakyan niya. Nawala ang excitement ko at napuno ng katanungan ang isip ko.

"Spill it."

Liningon niya ako ng isang beses bago pinaandar ang sasakyan niya.

"Kuya, is it really possible for a girl to crave for something dirty?"

Hindi ako matahimik doon kaya naman tinanong ko na.

Hinarap ko siya ngunit madilim ang tingin nito sa daan. Akala ko ay hindi ako sasagutin ngunit bumuka ang bibig niya.

"Maybe. You girls are human too. Just like us who have needs. Ganoon din kayo."

Tumikwas ang kilay ko at naisip na baka ganoon din siya kay Erica, madalas na naghahanap ng ka-s*x o constant f*ck. O baka naman one night stand siya lagi at trip ang virgin?

"Lagi ka din bang naghahanap ng maikakama mo?" walang pagdadalawang isip na tanong ko.

Napahawak ako sa bintana sa biglaan n'yang preno. Gulat ko siyang tinignan at nakitang namumuti ang hawak niya sa manibela at matalim ang tingin sa daan.

"Are you that curious? Are you doing it with a man? Are you looking for a constant fuck? Hindi ka ba makapaghintay na akong bahala sa'yo?" sunod-sunod at galit nitong tanong sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at natiklop ko padikit ang mga binti ko sa init na naramdaman. Bakit ba ang laki ng epekto ng huling tanong niya at parang lalagnatin ako?

Sumagi din sa isip ko ang kama habang nandoon kaming dalawa at ginagawa ang sinasabi niya.

Uminit ang paligid ko at napapaypay ng sarili. Ramdam ko ang basa sa kaselanan ko kaya naman gusto kong kutusan ang sarili ko lalo na't umiinit ang eksanang nasa utak ko.

Ako na nasa ilalim niya habang sumisigaw ng ungol sa bawat paggalaw niya sa loob ko. Marahas, nakakapantirik ng mata at nakaka-uhaw—

What the heck?!

Nababaliw ka na, Heaven!

Kuya mo 'yan. Kahit hindi kayo magkadugo ay kuya mo pa rin 'yan!

Pinukpok ko nang marahan ang ulo ko sa bintana upang mawala ang naisip ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sumagi sa isipan ko.

"What's happening to you? Tama ba ako ng hinala? You're doing it with a man already?!" mahina ngunit galit niyang tanong kaya naman napatigil ako.

Hinarap ko siya at pilit nilabanan ang sensansyong nararamdaman sa kanya. Ngunit natatakam lamang ako sa umiigting niyang panga. Halatang matigas iyon, at marasap h*likan o hawakan.

Pero hindi nga pwede!

Tumikhim ako at inayos ang buhok ko. Iniwasan ko siya ng tingin at tuwid na tinignan ang daan.

"Of course not. Sabi mo hintayin kita diba? Atsaka ikaw at ako ang naisip ko. Mukhang ayoko sa iba. Natanong ko lang dahil ganoon si Erica" tuloy-tuloy ko iyong sinabi hindi alintana ang titig niya.

Kumunot ang noo ko sa hindi niya pagsasalita. Liningon ko pa siya at nakitang nakatitig lang siya at salubong ang kilay. Doon ko lang natanto ang sinabi ko.

Anong ikaw at ako? Sinabi ko ba talaga? Akala ko ay nasa isip ko lang!

Uminit ang magkabilaang pisngi ko. Para ko na ring inamin na pinagnanasahan ko siya!

Tumikhim siya at pinaandar ulit ang sasakyan.

"Who's Erica?" lihis niya sa usapan.

Nakagat ko ang labi ko at inayos ang isipan ko.

Matino na ang usapan, Heaven.

"Kaibigan ko. Tinatanong kung may irereto ba ako sa kanya."

Nilaro ko ang bag ko at ayaw na siyang tignan. Ayaw ko na matukso ulit. Masyado na akong nagkakasala.

"She's bad influence. Layuan mo. Anyway, may pasalubong ako sayo." Tinuro nito ang ilang supot at papaerbag sa likod.

Halos magningning ang mga mata ko sa nakita. Kinuha ko ang isang bag at nakitang gawa iyon sa water lily.

"Saan ka ba galing, Kuya?"

Kinuha ko ang isang supot at humalimuyak mula doon ang amoy ng grilled suman. Natakam ako at nagbukas agad ng isa.

"Tarlac," tamad na sagot nito at mukhang ayaw pang sabihin kung saan siya galing.

"Hindi sa Laguna?"

Huling dinig ko kasi kay Daddy, sa Laguna siya nag-aral.

"Nope. Don't tell anyone."

Napatango ako at mabilis na inalis ang seatbelt pagkaparada niya sa sasakyan. Naunahan ko pa siyang bumaba at binuksan ang backseat upang makuha ang mga pasalubong niya.

Marami iyon.

Bumalik ang naisip ko kanina lalo pa't naisip kong para siyang sugar daddy ngayon.

Ano bang kapalit kapag may gift ang isang sugar daddy? Isn't it a rough s*x—

Shut it!

Mabilis akong naglakad pauna sa kanya at nahihiyang naiisip ko ang ganoon.

"Heaven! Hintayin mo ko."

Mabilis kong naiwaksi ang kamay n'yang humawak sa siko ko matapos maramdaman ang pagkapaso ko doon. Tila naglakbay pa ang init sa katawan ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kay Kuya?

Ang bad ko na.

"Tsk. Sinabi kong hintayin mo ko."

Nakagat ko ang labi ko sa pag-ikot ng kamay niya sa bewang ko. Na-estatwa ako at lalong nainitan. Matipuno ang braso nito at halos sakupin ang bewang ko. Tipong isang buhat lang nito ay kaya akong ibagsak sa kama!

Napasinghap ako. Wala na, talo na.

Natameme ako at hinayaang sumunod sa kanya ang katawan ko. Nasa ganoon kaming ayos matapos masalubong sa sala si mama at daddy na matalim ang tingin sa kamay ni kuyang nakahawak sa bewang ko.

Si mama ay nag-aalala ang tingin na pinupukol sa amin. Ako ay nalilito habang si kuya ay kalmado lamang.

Ang hindi ko maintindihan ay ang galit na awra ni Daddy. Para bang ang laki ng kasalanan namin sa kanya.

Na-sense niya bang natukso ako kay kuya?

"Dad—"

"Shut it, Heaven. Lumayo ka at gusto kong kausapin ang kuya mo."

Sa takot na balingan ako nito ng galit ay umatras ako at lumapit kay mama. Naiwan sa ere ang kamay ni kuya. Sinundan lamang ako nito ng tingin ngunit hindi tinawag.

"Explain these!"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagtayo ni Daddy at paghagis niya ng mga papeles kay kuya sa mukha. Na-estatwa ito at nalilitong tinanaw ang mga papel.

"Dad—" tawag nito.

"Don't call me that, Rigel! Pinag-aral kita pero anong ginawa mo?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status