Share

Chapter 32

Wala akong nagawa kundi ang lihim na pagmasdan ang paulit-ulit na paglipad ng isang berdeng paru paro na malapit sa lugar kung saan man ako nakaupo.

Kanina pa itong naglilikot sa halamang nasa gilid ko at wala naman akong nagawa kundi palipasin ang oras sa kakatunghay sa kanya.

Nagkalat ang mga papel sa mesang kaharap ko. Wala pa man ako sa kolehiyo pero heto ako at tila ba sinasanay na ang sarili sa pagguhit ng kung ano-anong infrastraktura. Sa pagguhit ko na lang din nililibang ang sarili ko, nang sa gano'n ay hindi ko maisip ang mga bagay na naghahatid sa 'kin ng labis na takot.

Hindi naging maganda ang usapan naming dalawa ni Mama kagabi. Pagkatapos niya kasing ipaalam sa 'kin na may trangkaso siya ay siya pa ang kusang tumawag ng katulong upang palabasin ako. Hindi naman ito 'yung tipo ng pambubugaw sa isang tao. Para bang pinalabas niya lang ako dahil ayaw niyang mahawa ako sa sakit niya. Hindi ko rin naman siya magawang sisihin dahil mukha ngang matindi a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status