Share

Chapter 37

Pinagmasdan ko siyang pumikit nang mariin sa harapan ko. Maging ang gulat ni Daddy sa likuran niya ay hindi nakatakas sa mga mata ko.

“Ikakasal na kami ng Daddy mo,” aniya na ikinakunot ng noo ko.

Gulat at nanggagalaiti akong lumingon kay Daddy na ngayon ay para bang nakahinga na nang maluwag mula sa sinabi ng babae niya.

“Ano?” natatawa kong tanong na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Tama ang narinig mo, Hershey,” ngisi niyang sarkastiko na ikinapunit ng puso ko. 

Dagliang namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang nakangiti na tila ba demonyo sa harapan ko. Para bang tuwang-tuwa siya na nasasaktan ako ngayon sa harapan niya. Para bang nasisiyahan siya ngayong nakikita niya ang sakit na rumehistro sa mukha ko ngayon nang sandaling marinig ko ang sinabi niya.

“Ikakasal na kami ng Daddy mo,” dagdag niya kasabay ng pagpapakita sa 'kin ng singsing na naka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status