TILA napako sa kinatatayuan si Cassandra base sa pagkakatitig ni Ian sa kaniya. Ang sinagot din nito sa tanong ng kasama nitong babae ay tila punyal na tumarak sa kaniyang d****b. Paulit-ulit pa rin sa pandinig niya ang malamig na boses nito na tila namemorya na niya.
Sakit, pagkabigo at kalungkutang nadarama ni Cassandra ay tila naghalo-halo habang nilulukob nito ang kaniyang buong pandama. Namanhid siya.
Mabuti na nga lamang na hindi siya nakagawa ng kahihiyan sa sarili habang nasa loob ng lobby ng kumpanya. Bagaman at nais niyang pumalahaw ng iyak at magwala roon habang ipagsigawang buntis siya at si Ian ang ama ay nanaig pa rin sa kaniya ang kahihiyan. Nasa mabuti pa rin siyang despusisyon na wala siyang karapatan sa lalaki. Hindi rin kasalanan nito na nakabuo sila ng bata na nasa sinapupunan niya.
Dahil doon kung kaya mahinahon siyang nakalabas sa lugar na iyon. Wala ring mababakasang kahit na anong emosyon ang kan
Five years later...“CASS, tawag ka ni Ma’am Goza, go to the HR department before you leave daw!” habol sa kaniya ni Lanie, isa sa mga katrabaho niya sa Brilliant Skincare Company kung saan isa siyang assistant supervisor.Nang maka-graduate si Cassandra at makapanganak ay agad siyang naghanap ng trabaho sapagkat naubos na ang ibinigay na salapi ni Ian noon sa kaniya. Kinakailangan na niyang maghanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay silang mag-ina.Mabuti na nga lamang na umaayon pa rin sa kaniya ang pagkakataon nang ma-hire siya sa bagong tayong beauty company, ang Brilliant Skincare. Dahil sa taglay niyang ganda at hubog ng katawan, na main product ng company kung saan ipinapakita nito kung paano mo alagaan ang iyong body skin to make it young and fresh all the time, kaya madali siyang na-hire as a model and a promotional strategies.Hindi rin naman naglaon, dahil sa sigasig niya sa trabaho kung kaya na-promote siya bilang
HINDI pa rin makapaniwala si Cassandra sa kumakatok na oportunidad sa kaniya ngayon.“Are you interested, Cassandra?” Paulit-ulit sa kaniyang isipan ang tanong na iyon ng kaniyang senior supervisor na si Mrs. Goza.Tila siya lumulutang habang naglalakad sa pasilyo ng Brilliant Skincare Company. Mahigpit din ang hawak niya sa papeles na ibinigay sa kaniya ni Mrs. Goza kanina. Pag-uwi niya mamaya sa kanilang bahay ay pag-aaralan niya iyon upang makabuo siya ng proposal na isa-submit niya sa kaniyang superior bukas.“Oh, my gosh!” tili niya nang makalabas na siya sa opisina nito. “Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nananaginip?” kausap pa niya sa sarili habang sapo ang dalawang pisngi.“Hi, Cass, ang saya mo yata?” nakangiting tanong naman sa kaniya ni Jason. Hindi pa pala ito umaalis doon at hinihintay siya.Halata rin sa mukha ng binata na may i
“CASS, tawag ka ni Ma’am Goza sa office niya,” tawag kay Cassandra ng kasamahan sa trabaho habang abala siya sa harapan ng sariling computer.Bagama’t ang pinaka-focus niya ay ang promotional candidacy about their new branch company ay hindi pa rin niya pinababayaan ang trabaho niya bilang assistant supervisor.“Okay, thank you, Lanie,” tugon niya rito bago nagpasyang tumayo na upang pumunta sa office ni Mrs. Goza.“Do you think she got the proposal sponsor she’s been aiming for?” narinig niyang bulong ni Chell kay Lanie, isa rin sa mga katrabaho nila.“Do you think it’s possible to achieve those?” sarkastikong singit naman ng katabi nilang si Nica.Napatingin ang dalawa rito bago ngumisi nang malapad ang tatlo na animo iisa ang iniisip.“Sa tingin ko pinatawag siya ni Ma’am Goza para bawiin sa kaniya ang ‘participation candidate’ niya
DIRETSO ang tingin at hindi kumukurap si Cassandra habang papasok sa office ni CEO Ian Ramos. Pinipilit niyang magpakatatag upang hindi bumigay ang kaniyang kalooban at upang hindi siya magtangkang tumakas sa harapan nito.Samantalang si Ian ay kampante lamang na nakaupo sa sariling swivel chair habang hinihintay na makapasok nang tuluyan ang dalaga sa harapan nito. Walang mababakasang emosyon ang mukha ng binata.“G-good morning, S-Sir CEO. I’m from B-Brilliant Skin... care Company,” nanginginig ang boses na pakilala ni Cassandra nang tuluyang makalapit sa binata.Alam ng dalaga na hindi lang ang boses niya ang nanginginig ng mga sandaling iyon kundi ang buo niyang katawan. Ramdam niya ang kabog ng kaniyang dibdib na sinabayan pa ng lamig ng aircon ng silid na iyon. Nangatal siya.Tumayo naman si Ian at lumapit sa kaniya. Pagkatapos ay nilampasan siya nito. Napapikit siya nang mari
HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Cassandra ay wala pa rin siya sa sarili. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kaniya sa araw na ito. Ang pagkikita nila ni Ian kanina ay tila isang ilusyon lamang ng kaniyang isipan. Sino ba ang mag-aakalang sa haba ng panahon ay muli silang magkikita ng binata?Laking pagtataka pa ni Cassandra na inalok siya nitong magtrabaho rito. Ang layo sa alaala niya kung paano siya nito balewalain noon. O marahil ay mababa lang ang tingin nito sa kaniya noon dahil sa trabaho niya sa club?Napabuga ng hangin si Cassandra bago nagpasya nang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ang bahay nilang iyon ay ang dating barung-barong na tinitirhan nila ng kaniyang ina, na hindi naglaon nang makaipon siya ng pera ay pina-renovate niya at pinalakihan. Pinasemento na rin niya ang mga dingding nito at sahig. Pinagawaan pa niya ng dalawang kuwarto para sa kanila ng anak, at ang kabila naman ay sa kaniyang ina.Pagpasok ni Cas
SAMANTALA, tahimik na umiinom ng rum si Ian sa gilid ng cruise ship habang nakasandal sa railings at nakatanaw sa madilim na karagatan. Nagpunta siya sa lugar na iyon upang mag-unwind at upang makalimot na rin sapagkat maghapong si Cassandra lamang ang umuokupa sa kaniyang isipan.Sa tuwing naiisip niya ang dalaga ay tila nais niyang puntahan ito sa kumpanya kung saan ito nagtatrabaho, ikulong sa kaniyang mga bisig at hagkan hanggang sa makuntento silang pareho.Subalit kailangan niyang magpigil dahil siguradong hindi iyon gugustuhin ng dalaga. Maliban pang alam niyang hindi na siya nito natatandaan pa.Nakadalawang baso na siya ng alak na iniinom nang mapabaling sa mga bagong dating na customer ng cruise ship. Sikat at dinarayo ito lalo na ang ship restaurant and bar ng barko. Madalas siya roon lalo na kung kinakailangan niyang mag-isip at lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula pa sa karagatan.Habang
HINDI na namalayan ni Cassandra kung ilang minutong magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Ang tanging umuokupa sa kaniyang isipan ay ang rumaragasang damdamin na kaytagal niyang tinikis sa mahabang panahon.Ilang beses niyang sinabi sa sarili na wala siyang nararamdaman sa binata at tanging trabaho lamang ang namagitan sa kanila noon. Subalit sa isang halik lamang nito ay agad nalusaw ang pader na iniharang niya sa kaniyang puso at malaya niyang tinanggap ang halik at haplos ng binata.Nang buksan ni Ian ang butones ng suot niyang jeans at ibaba ang zipper niyon ay napahigit ng hininga si Cassandra. Muling naglakbay ang kamay ng binata sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan, kung saan ang hangganan ng bagong karanasan ay muli niyang malalasap at ang ibayong kaligayahan ang tangi niyang mararamdaman.Hindi man aminin ni Cassandra ay inaasam-asam niya ang sandaling iyon. Noong unang may mamagitan sa kanila ng lalaki. Hinahanap-hanap niya ang
IBINAGSAK ni Cassandra ang sariling katawan sa sofa nang pagdating niya sa kanilang tahanan. Tila naubos ang lahat ng lakas niya sa katawan sa maghapong pagtatrabaho sa kumpanya ni Ian.Isang linggo na siyang paroo’t parito sa Ramson Electronic at Brilliant Skincare Companya. Nakakapagod ang haba ng biyahe dahil nagco-commute lamang siya. Gayunman ay tila mas napapagod siyang harapin ang binata at ang pasensya niya para dito ay nasa hangganan na.Ginagawa talaga siya nitong alila at inuutusan ng kung ano-anong wala namang saysay na animo ba ay nang-iinis lamang. Subalit ang mas nakakainis ay ang hindi siya makakontra sa gusto at ipinag-uutos nito dahil palaging ipinangba-blackmail ay ang kontratang hindi pa nito pinipirmahan.“Nakakainis!” matinis na tili niya at ilang beses na sumipa sa ere upang maalis lamang ang inis na kaniyang nararamdaman.Pagkatapos ay muli niyang inalala ang isang linggong kalbaryo na natamasa niya mu