Share

Chapter 6

Pagkatapos nang nakakaboring kong araw sa bahay ni Paul ay nandito ngayon ako sa School ni Aiden para sunduin s'ya.Nagpalitan kami ng cellphone number ni Paul kanina at nireplyan n'ya 'ko na baka alas otcho na raw s'ya makauwi dahil busy daw sa working place n'ya.Ewan ko kung anong trabaho ng kumag na 'yon pero mukha namang big time dahil naka pagpundar s'ya ng napaka gandang bahay at sasakyan.

"Aiden!" Tawag ko sa pangalan n'ya nang makita 'ko 'sya na naglalaro kasama yung mga kaklase n'ya.Masayang tumingin at tumakbo sa'kin si Aiden pero 'di ko s'ya nayakap kasi biglang hinablot ng babaeng nasa harapan ko ngayon si Aiden.

"Sorry, Ma'am.Pero parents lang po ang dapat kumuha sa bata." Saad nung babae kaya na pa-kurap ako ng ilang beses.Mahigpit nga pala rito, bigla kong nakalimutan.

"She's my Mommy po." Saad ni Aiden na sumingit sa ginta namin.Hahawakan ko na sana kamay ni Aiden pero inagaw yun nung babaeng nasa harapan ko.

"No, Aiden.Si Daddy mo dapat yung magsusundo sa'yo diba?" Saad nung babae sa bata na hawak hawak n'ya.

"Miss, alam ko po na mahigpit kayo rito pero ako po talaga yung Mother ni Aiden." Kalmado kong saad.Medyo naiinis na 'ko ah.Umayos ayos ka.

"Pasensya na pero ngayon lang kasi kita nakita, and as far as I know wala ng Mother si Aiden.Kaya 'di mo pwedeng kuhanin yung bata ng basta basta lang." Mahabang saad neto na ikinairap ko ng palihim.Sasapakin ko na 'to tamo.Naiinis na talaga ako.

"Pasensya na ren pero ako talaga yung Nanay n'ya at wala kang magagawa ron." Saad 'ko bago hawakan yung kamay ni Aiden.Nagulat naman ako ng bigla s'yang tumawag ng security.Lakas ng amats ng babaeng 'to ah.

"Ma'am, pasensya na po pero makakalabas na po kayo." Sabi ni Kuyang guard habang pinipilit akong lumabas.Syempre 'di naman ako papayag na basta basta na lang akong mapahiya dito 'no.

" 'Di ako lalabas hanggang 'di ko kasama yung anak ko." Pinagdiinan kong saad sa kanila.Pansin ko naman na naiiyak na si Aiden sa nangyayari kaya tinulak ko si Kuyang Guard at pumunta kay Aiden.

"It's okay, Baby.May kinaklaro lang sila.Don't cry ah." Saad ko at yayakapin sana s'ya ng biglang ilayo nanaman sa'kin ng babaeng 'to si Aiden.

"What's your problem??!I already telled you thatl trespassers are not allowed there!....Here!!Stop being annoying!Stop pretended that you and him are mother and son!" Sigaw n'ya sa'kin.Medyo na bobo ako sa english n'ya kasi tangina ano daw?Yabang yabang mag english mali mali naman.

"Should I ask you too?What's your problem den ha?!Hatdog!I already telled you too! You..that me...me is...me is his Father!ha?...Mother pala!Kala mo ikaw lang marunong mag english ah!" Mas bobo kong saad sa kan'ya.Feel ko kasi pag gago rin ako mag english dun n'ya ko maiintindihan eh.Kinginang 'to hinahamon ako ng pabobohan.

"Parating na raw po si Sir.Ahn." Saad ng isang gwardya.Talagang inistorbo nyo pa yung isa ah.Mukha ba kong con artist para 'di n'yo paniwalaan?!

"Mommy!" Tawag ni Aiden sa'kin habang namumula ang mga ilong at mata.Tignan n'yp ginawa n'yo sa baby ko!Pinaiyak n'yo huhu

"It's okay, Baby.Mommy's here.Uuwi na rin tayo okay?Let's just wait for Daddy." Nakangiti kong saad sa kan'ya.Kita ko naman s'yang tumango at ngumiti rin sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag.Good boy naman ng baby na yan.

Nagintay kami rito para kay Paul at sa wakas after twenty minutes nandito na rin s'ya.Nakita ko s'yang bumaba ng kotse at dali daling pumunta sa'min.

"Good afternoon, Mr.Ahn.Sorry po dahil na abala po yung work n'yo.Kung hindi kasi nagpanggap na nanay ni Aiden yung isa jan ay hindi 'to mangyayari." Pagpaparinig n'ya sa'kin.Ready na sana ako manuntok ng babae pero napatigil ako kasi bigla akong hinigit ni Paul sa kan'ya.

"She's my wife, Aiden's Mom.She's not pretending, Ms.Galang." Pagsasampal ni Paul ng katotohanan dito sa babaeng 'to. I mean..oo nagpapanggap ako, pero 'di lang naman ako noh!

"T-talaga po.Pasensya na p--"

"Daddy!Inaaway n'ya po si Mommy." Sumbong ni Aiden habang nakaturo yung hintuturo n'ya kay ano Galang.Tsk.Galang pa naman sure name mo tas wala kang man lang ka-manner manner.

"Pasensya na po talaga, Mr.Ahn." Saad ni Ms.Galang habang nakayuko.Ikaw kasi ih, ba't nyo pa kasi tinawag 'tong lalaking 'to.Mas cold pa 'to sa yelo eh.

"I hope na hindi na ulit mangyayari 'to.Please, excuse us." Saad ni Paul bago tumingin sa'kin pati kay Aiden.

"Are you okay?" Tanong n'ya sa'kin sabay halik sa pisnge ko na ikinalaki ng mata ko.Teka wala 'to sa usapan ah?! "Anong ginagawa mo" Bulong ko sa kan'ya sabay ngiti sa kan'ya bago kay Aiden.

"Just act normal." Bulong n'ya rin sa'kin bago ngumiti rin.Galing neto umacting promise.Pwede na pang Hollywood.

"Let's go home." Saad n'ya sabay buhat kay Aiden.Habang karga n'ya si Aiden sa kabilang kamay n'ya ay hawak n'ya naman yung kamay ko gamit yung isa pa n'yang kamay.Nuks multitasking.

Tahimik lang kami na nakarating sa bahay at pinaglinis ko muna si Aiden ng katawan.Excited si Aiden nung pinaglinis ko s'ya.Siguro iniisip n'ya na matutuloy yung alis namin.

"Babalik ka na ba sa trabaho mo?" Tanong ko ng bigla s'yang tumayo sa pagkakaupo n'ya rito sa sofa. "Nagaya si Aiden na mag Mall diba?Magpapalit lang ako ng damit." Saad n'ya sabay akyat papunta sa kwarto n'ya.

"Mommy, I'm ready po!" Saad ni Aiden sabay takbo sa'kin.Napangiti naman ako kasi mukhang excited at sobrang saya n'ya ngayon. "Matutuloy po ba tayo?" Tanong n'ya na ikinatango ko.Tumalon talon naman s'ya kaya napatawa ako.

"Are you that excited?" Tanong ko sa kan'ya na ikinatango n'ya.Cute naman ng anak n'ya, sarap iuwi.

" 'Di ka po ba magpapalit ng clothes?" Tanong sa'kin ni Aiden kaya napatingin ako sa suot ko.Kaya pala napagkamalan akong nagpapanggap dahil sa suot ko.I mean okay naman yung suot ko.Basta!

"Magpapalit ako after ni Daddy." Saad ko sa kan'ya.Nasa kwarto din kasi mga damit ko yoko naman pumasok basta basta noh.

"Excited na po talaga ako!" Saad ni Aiden at halata ngang 'di na s'ya makapagintay dahil 'di na rin s'ya mapakali.Kung siguro nandito yung totoong Mommy ni Aiden, for sure mas excited at mas masaya s'ya ngayon.Nasaan na kaya s'ya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status