Share

Instant Mommy
Instant Mommy
Author: Danixxie_

Chapter 1

ELLE'S POV

"Hoi, Jackson!" Tawag ko sa kaibigan kong walang ginawa kundi mag kalat dito sa pamamahay ko.Wala sila Mama kaya kami lang nandito.Actually dapat ako nga lang kaso dumating ang mga yawa sa buhay ko.

"Pulutin mo nga yang balat ng chichiryang pinagkainan na, ipapalamon ko sa'yo yan!" Agad n'ya naman pinulot yun at dali-daling itinapon sa basurahan.Dumako naman ang tingin ko kay Mark dahil nagkakalat din s'ya.

"YES MA'AM!" Saad n'ya at sumaludo sakin bago itapon yung kalat n'ya. "Nadala na sila sa'yo, Elle" Natatawang saad ni Ericka, kaibigan ko rin.Aba dapat lang ipapalamon ko talaga yang mga kalat nila sa kanila.

"Naalala ko tuloy nung siniksik ni Elle sa bunganga ni Jackson dati yung balat ng orange na nakakalat sa lapag." Natatawang kwento ni Sam.Lima kaming magkakaibigan at saaming lahat ay sa'kin sila pinakatakot.Pagsinabi ko kasi sa kanila ang isang bagay ay gagawin ko talaga ng hindi nagdadadalawang isip.

"Yoko ng maulit yun promise." Saad ni Jackson habang may hawak ng walis.Aba ayos ah. "Very Good ka ata ngayon." Saad ko bago i-pat yung ulo n'ya. "Good Dog." Biro ni Mark kaya nakatanggap s'ya ng batok muna kay Sam.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan hanggang sa naisipan na nilang umuwi, mabuti pa nga dahil wala ng maligalig.Maya-maya pa ay dumating na rin ang mga magulang ko kasama ang panget kong Kuya.Wala nga yung mga kaibigan ko, pero nandito yung kapatid ko.Wala na kong naging peaceful day dahil sa mga kumag na 'to.

"Psstt Pstt Pstt" Panggugulo ni Kuya habang paikot-ikot sa'kin.Nu nanamang trip neto. "Panget mo" Sabi ko sabay tulak sa kan'ya.

"Kung panget ako eh ano ka pa?" Tumawa naman s'ya dahil sa kakornihang sinabi ng walang kwenta n'yang bibig. " 'Di mo ba 'ko na miss??" Saad n'ya bago yumakap sakin na parang bata.YUCKKK!!

"Kadiri ka naman!Mandiri ka nga sa sarili mo!" Saad ko habang tinutulak s'ya palayo sa'kin. "Naku naman, Elle!Hayaan mo na yang Kuya mo, naglalambing lang yan." Nakangiting saad ni Mama kaya lalo akong nandiri.Ano??Naglalambing??Yuck!

"Wala ka bang jowa?Dun ka maglambing, kabanas naman neto eh!" Nakakunot noo kong tinanggal yung kamay n'ya sa pagkakayakap sa'kin at naisipang lumabas ng bahay. "H'wag kang susunod sa'kin, Lucas Gutierrez!" Sigaw ko at rinig na rinig ko rito sa labas ang mapangasar n'yang tawa.

Gusto n'ya lang talaga akong lumabas ng bahay eh noh.Ayos din strategies n'ya eh.

Naglakad lakad na lang ako at naisipang bumili sa convenience store.Nagutom ako kakahandle ng magugulong panget sa buhay ko.Bumili ako ng Instant noodles at Instant coffee.Agad ko yun binayaran at syempre ay dito na rin ako kakain.Nang matapos na 'kong kumain ay lumabas na 'ko ng convenience store.'Di pa ko nakakalimang hakbang ng may biglang kumulbit sa'king matandang babae.May bitbit s'yang paninda n'ya at sa tingin 'ko ay nagawa s'ya ng bracelet.

"Ija, bilhin mo na 'to.Magbibigay 'to ng swerte sa'yo." Saad ni Nanay at ipinakita sa'kin ang bracelet na may pendant na hugis Cloverfield.Ilang beses na 'kong na scam ng ganto kaya medyo dalang dala na 'ko.

Nakatingin lang ako sa hawak n'ya at nagdadalawang isip kung magpapascam ba 'ko o ano eh. "Hindu ako nagbibiro, Ija.Nagbibigay talaga 'to ng swerte."Saad n'ya ulit at mukhang kinukumbinsi n'ya talaga akong bumili.

"Magkano po ba 'yan?"Alanganing tanong ko. Mukhang mapapabili pa tuloy ng wala sa oras ah.Kasalanan 'to ni Kuya Lucas!Grrr.

"Bente pesos na lamang sa'yo, Ija." Saad ni Nanay kaya ginora ko na lang.Mukhang napapagod na rin si Nanay kakakumbinsi sakin kaya sige na nga.Papauto na lang ulit ako sa halagang bente pesos.

"Pagsuot mo yan puro swerte ang papasok sa buhay mo." Saad ulit ni Nanay pagkatapos ibigay sa'kin ang bracelet.Sige po, Nay.Magiging uto-uto po ako para sa kasiyahan n'yo.

"S-Sige po.Ingat po kayo."Saad ko at nauna nang maglakad.Baka mamaya may mangalok ulit sa'kin jan eh, kaya mabuti pang umuwi na lang ako.

Gabi na at alas dos na ng madaling araw pero eto at gising parin ang diwa 'ko.Ano kayang pwede kong gawin bukas?What if mag shopping ako?Kimmy, wala pala 'kong pera.What if mag hanap ako ng trabaho bukas?Try ko kung swerte ba talaga 'tong bracelet ni Nanay na bente pesos lang.Una pa lang 'di na kapanipaniwala lalo na nung dinrop ni Nanay yung presyo. " Makatulog na nga." Saad ko at umayos na ng higa para matulog.Sisigawan nanaman ako ni Mama pagnakita n'ya kong gising pa kaya mabuti na't matulog na lamang.

『••✎••』

Kasalukuyan akong nandito sa Coffee Shop.Kakatapos ko lang mag libot libot para humanap ng trabaho but sadly wala na raw silang available na slot.Tch.Pa-post post pa kayo ng NOW HIRING eh wala rin naman palang available, tatanga eh kainis.

"Si Elle ba yun??"

"Alen?Yung may utang sayo??" Napatigil naman ako kakahigop ng kape ko dahil narinig ko ang napakaganda kong pangalan.Gago, nandito ata si bruha.Umutang kasi ako nung isang araw kay Trisha, 'di ko parin nababayaran ngayon kasi 'di pa ko binibigyan ulit ni Papa ng allowance.Nasira ko kasi yung isang lamesa sa school at ayoko naman na malaman yun ng magulang ko dahil for sure grounded ako ng ilang buwan nan.Kaya nanghiram ako kay Trisha pambayad sa nasira ko hehe.

"Baka namamalik mata ka lang, Trish?" Rinig kong tanong ng isa pa n'yang minion.Makalabas na nga ng Coffee Shop na 'to, wala pa kong pambayad sorry.Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan ng coffee shop at napatigil ng tawagin ni Trish yung name ko.Haha lagot...

"Let's talk, Elle!" Sambit ni Trisha at naramdaman kong papalapit na sila kaya agad akong tumakbo papalabas.NAURR WALA PA 'KONG PAMBAYAD.ANONG LET'S TALK?!PAPABARANGGAY MO LANG AKO!

Naiiyak akong tumakbo papalayo kela Trisha dahil wala nga akong pambayad huhu.'Di naman literal na iyak, nu ako tanga.Tumingin ako sa likod 'ko at tama nga ako dahil hinahabol parin nila ako.Lumiko ako ng daanan at dali daling tumakbo sa mga nakaparadang kotse sa gilid gilid.Napatigil ako dito sa kumikintab na kotse na 'to at tintry buksan yung pintuan.Laking gulat ko kasi bumukas eto.

"Mukhang swerte nga 'to ah" Napatingin ako sa bracelet na suot ko bago pumasok sa kotse na 'to.Agad ko yun sinara at nagtago sa loob ng kotse.

Sumilip ako ng kunti sa bintana at nakita ko na paparating na sila Trish kaya nagtago ulit ako.

"Ba't nyo ba kasi ako hinahabol" Hinihingal "kong saad.Naknam pinagpawisan ako don ah.Nakarinig ako ng maraming yapak kaya todo tago ako.Sumilip naman ako ng marinig kong paalis na sila, kita kong lumiko sa sila sa kanan at tuluyang nawala sa paningin ko.

"Mission accomplished!"Masaya kong saad bago dahan dahang lumabas ng kotse.Sasara ko na sana yung pintuan ng kotse ng may biglang sumigaw sakin. Napatingin ako sa kan'ya at napakunot yung noo ko.Sino ka naman?

"What are you doing here?!" Sigaw n'yang tanong bago lumapit sa'kin. Problema neto?Ba't naka face mask, sumbrelo at sunglasses ka pa?Holdaper ka ba, Pre?

"Ha?" Tanong ko na parang 'di s'ya naiintindihan.Sino ba 'tong tukmol na 'to?Nagulat naman ako ng bigla n'yang buksan yung pinto sa driver's seat at tumingin tingin sa loob, hinalukay n'ya 'din yung sulok sulok.Hinampas ko s'ya dahil sa ginagawa n'ya kaya napatingin s'ya sa'kin. "H'wag kang gumalaw ng kung ano-ano jan!Baka dumating yung may-ari ng sasak--" Napatigil ako ng bigla n'ya kong hawakan sa pulsuhan ako at muntik ko na s'yang murahin ng kung ano-ano dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa'kin.

"Bitawan mo 'ko!" Utos ko sa kan'ya pero 'di n'ya ko pinapansin.Nagtaka ako kasi may kung ano s'yang tinitignan sa likod ko at parang sinesenyasan na lumapit sa kan'ya kaya napatingin ako don sa tinitignan n'ya.Nanlaki naman yung mata ko kasi may papalapit saming pulis.

Sumaludo yung pulis pagkatapos n'yang makalapit sa'min."Yes, Sir?" Tanong nung pulis kaya napatingin ako sa lalaking nakahawak sa pupulsuhan ko.H'wag mong sabihing...

"May nawawala sa mga gamit ko, Officer.Including my wallet na may lamang card and money.And I found this woman na mukhang kakalabas lang ng sasakyan ko." Saad n'ya kaya napakunot yung noo ko.S'ya may ari ng sasakyan na 'to?!Ay teka...teka...teka nga, inaakusahan n'ya ba 'ko?!

"Ma'am--"

"Hindi po ako magnanakaw, promise po mamatay man po s'ya!" Saad ko bago tumingin sa lalaking hawak-hawak parin ang pupulsuhan ko.Asa pa na kunin ko yang wallet mo, sino ka ba?

"Sumama ka na lang po, Ma'am.May mga ilang bagay po kaming itatanong sainyo." Sabi ni Kuyang Pulis at akmang kukunin yung kamay ko dito sa lalaking 'to kaya agad akong nagtago sa likod n'ya.

"What the hell are you doing?" Iritado n'yang bulong sakin.Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Hindi ako sasama!Wala akong kinuha jan sa sasakyan mo!Kahit hubadan nyo pa 'ko wala kayong makikitang wallet--ANO BA!!TEKA LANG KASI, KUYA!" Sigaw ko nang kunin n'ya yung dalawa kong kamay bago pilit na hinihila.

SAGLIT LANG KASI!!NAKNAM, makukulong pa daw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status