Share

Chapter 2

Irita akong nakaupo rito sa upuan habang tinatanong ng kung ano-ano ni Kuyang pulis na kumuha sa'kin kanina. "Ilang beses ko po bang sasabihin sainyo na WALA po akong kinukuha sa sasakyan n'ya." Kalmado pero may bahid paring inis na nananaig sa boses ko.

"Kung ganon ay nasa'n ang wallet ni Sir?" Tanong n'ya ulit sa'kin kaya napairap ako nang palihim.Bumuntong hininga at pumikit muna ako bago sumagot sa kan'ya para 'di ko s'ya masigawan.Mamaya tuluyan n'ya na kong itapon sa kulungan eh.

"Hindi ko po alam.Tsaka sabi ko naman po sainyo may humahabol lang po sa'kin kaya ako pumasok---"

"Hinahabol ka?Edi may atraso nga toh, Boss!"Epal na sabat ng manager ng lalaking may ari ng kotse.Tch.Bat may manager yan sino ba 'yan?

" WALA PO AKONG ATRASO." Pinagdiinan ko talaga bawat salita na binitawan ko sa kanila.Nakakaasar na ah.

"Na check ko na yung CCTV at dash cam sa loob ng sasakyan ko." Saad ng lalaking 'to na dinaig pa yung holdaper kung pumorma.Lakas din ng trip nito eh.

"Oh ano?May nakita ka bang kinuha k---"

"Confirmed.She stole my wallet." Saad ng lalaking 'to na ikinatayo ko sa pagkakaupo.ANO?!Tangina ng dash cam mo kung ganon.

"Pasensya na, Ms.Gutierrez pero hindi ka pa makakauwi." Saad ni Kuyang Pulis at poposasan na 'ko ng pinatigil s'ya ng lalaking naka holdaper na porma.

"No need, Officer.Pagbabayarin ko na lang po s'ya sa ginawa n'ya." Saad n'ya bago sinenyasan yung Manager n'ya na ilabas ako.Wag mong sabihing holdaper talaga sila??

"H-haha...di na kelangan, Boss.Sige, officer.Kulong nyo na lang po a--"

"I will call you later officer regarding this.Thank you for you time.Uuna na kami." Sabat n'ya ulit.Nooo nooo ayoko haha.

"Kuyang pulis, haha please po kulong n'yo na lang ak--" Naputol nanaman yung sasabihin ko ng hawakan ng lalaking 'to yung kamay ko at hinila ako palabas ng Police Station.

"Bitaw!Wala akong pambayad sa'yo!Ilang beses ko bang sasabihin na 'di ko kinuha yung--"

"Wala kang pambayad??Edi sana in the first place hindi mo na tinangkang nakawin yung wallet ko, 'diba?" Pagpuputol n'ya ulit sa sasabihin ko kaya sinamaan ko s'ya nang tingin.

"SABING 'DI KO NGA KINUHA!" Sigaw ko sa kanya ng gorang gora.Babangasan ko 'to tamo.Napatigil naman ako sa kinatatayuan ko ng marealize ko na pinagtitinginan na kami rito.

"Ganyan na ba ka agresibong tumanggi yung mga nagnanakaw this days?" Mapangasar n'yang saad na ikinatingin ko sa kan'ya ng masama. "Austin, I have to go.Tinatawagan ako ng company.Call me if something happen." Saad ng manager n'ya bago tumingin sa'kin.Excuse me??Oo pwede kong saktan 'tong amo mo pero 'di ko naman 'to papatayin!

Tumango lang 'tong lalaking 'to sa Manager n'ya at mukhang iniintay n'ya 'tong makaalis.Nang makaalis na yung Manager n'ya ay agad n'ya kong hinarap.'Di ko makita if naaasar ba s'ya naiinis ngayon o ano kasi nga daming nakaharang sa mukha n'ya.Insecure siguro 'to.

"I'm not insecure, woman.Sadyang ayaw ko lang na pagkaguluhan ako." Mahangin n'yang saad na ikinatawa ko ng sarkastiko.Kapal ng mukha ah.

"Hangin mo." Saad ko at tatalikuran na sana s'ya ng hilahin n'ya ko papunta sa sasakyan n'ya.Irita akong napatingin sa kan'ya habang hinahampas yung kamay n'yang nakahawak sa'kin.

"We need to talk." Saad n'ya bago pumasok sa sasakyan n'ya.Nu nanaman problema neto??Pumasok na 'ko sa likod ng sasakyan n'ya at naupo.Kita ko naman s'yang napatingin sa'kin kaya tinaas ko s'ya ng kilay? "Tinitingin mo jan?" Mataray kong saad.

"Dito ka sa harap ko umupo.I'm not you driver." Utos n'ya na ikinalaki ng mata ko.Hibang na ba s'ya?!'Di lang pala s'ya mukhang holdaper, manyak din pala s'ya.

"Bilisan mo ngang kumilos." Saad n'ya kaya sarkastiko akong tumawa sa kan'ya.Hibang na talaga s'ya. "Never akong uupo jan sa harapan mo.Manyakis." Saad ko bago s'ya irapan. "Masyado ka atang delusyonal.'Dito ka umupo sa passenger seat hindi sa lap ko!You're the one who's manyak here." Conyo n'yang saad na ikinaubo ko.Kung nilinaw mo sana 'diba?!

"Kung sinabi mo na yan kanina pa edi sana--"

"Ang daldal mo!Can you just go and seat here?" Inis n'yang saad kaya padabog akong bumaba ng sasakyan n'ya at pumunta ng passenger seat.Padabog ko rin na sinara yung pinto ng kotse n'ya kaya nakatanggap nanaman ako sa kanya ng sigaw.

"Ano bang paguusapan?Bilisan mo uuwi na 'ko." Nakasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin ngayon sa kan'ya.Nakakainis s'ya, sana alam n'ya yun.

Sasagutin n'ya na sana ako ng biglang may tumawag sa kan'ya.Napairap naman ako kasi lalong matatagalan yung paguusapan namin dahil sa tumawag.Dami mo kasing alam eh, epal ka.

"Hmm...I'm coming home.Just wait there, okay?I love you too."Sabi n'ya sa kausap n'ya sa telepono habang pinagtataggal yung mga nakaharang sa mukha n'ya.Girlfriend n'ya ata yung kausap n'ya.Maya maya pa ay binaba n'ya na yung tawag at tumingin sakin habang inaayos yung buhok n'ya.

"Wear your seatbelt. You're coming with me." Saad n'ya bago I-lock yung pinto at sinimulang mag maneho.Anong ginagawa n'ya?!!

"HOI, LALAKI!IBABA MO K-- ANO BA?!NANANADYA KA BA?!" Sigaw ko lalo ng bigla s'yang nag preno.Muntik na 'kong tumalsik kinginang yan.

" Wear your seatbelt, Ms." Utos n'ya sa'kin at parang iniintay n'ya pa 'kong gawin yun bago s'ya tuluyang mag maneho.Wala na 'kong nagawa kasi mukha s'yang aso na nagiintay ng buto sa amo n'ya eh.

"What's your Address?" Tanong n'ya sa'kin habang nakatingin parin sa daanan.Ba't parang bigla s'yang bumait?Sinabi ko na lang yung Address ko at tahimik na lang akong sumama sa kan'ya at iniintay na lang s'ya na maihatid ako sa bahay.Gentleman parin namna pala.

Nandito na kami sa labas ng bahay namin kaya tinanggal ko na yung seatbelt ko at nilingon s'ya. "Thank you sa paghatid--"

"Baba." Utos n'ya kaya napairap nanaman ako.Nasakit na mata ko kakairap ah.Bumaba na lang ako sa kotse n'ya at tinignan muna s'ya ng masama bago mag lakad sa gate ng bahay namin.Binuksan ko yung gate at nagulat ako dahil nasa likod ko na s'ya.

"Ano nanamang kailangan mo??" Irita kong tanong sa kan'ya pero 'di n'ya ko sinagot bagkos ay pumasok pa s'ya sa loob ng bahay namin ng walang pasabi sabi.Akalain mo yun, holdaper na nga, manyak pa tapos trespasser pa.San ka makakakita ng ganung tao sa panahon na 'yon?Syempre sa kan'ya mo lang makikita yun.

Nakita ko naman s'yang napatigil sa pagpasok sa bahay namin at ewan pero binalikan n'ya ko kaya nagtaka ako. "Natauhan ka na ba--" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla n'yang hawakan yung kamay ko at hilahin at papasok ng bahay.

"Hoi, Elle--" napatigil si Kuya sa pagtawag sa'kin ng makita n'ya yung lalaking kasama 'ko na basta basta na lang pumapasok sa bahay ng iba.Pansin ko rin na napatingin s'ya sa kamay namin kaya nagpanic ako.Aalisin ko sana yung kamay ko pero lalo pang n'yang hinigpitan yung pagkakahawak sa'kin.Adik ka ba??

"Nanjan na ba yung kapatid m-- " Napatigil si Mama sa pagsasalita ng makita n'ya rin kami.Misunderstanding ang lahat, no no.Mali ang iniisip n'yo.

"Good Afternoon po, I'm Paul Ahn." Pagpapakilala n'ya sabay mano sa Mama ko.Anong ginagawa n'ya??

"Magandang hapon rin Ijo--"

"I'm Elle's Fiance." Nanlaki naman mga mata ko sa sinabi n'ya.Gago ba 'to?Anong Fiance???May girlfriend ka tas fiance mo ko??Ginagago mo ba 'ko??

"Nice to meet you po...Tita." Pagpapatuloy n'ya bago maamong ngumiti kay Mama. 'Di ko maipagkakailang ang gwapo n'ya nga.Pero ano Fiance n'ya ko??Kelan pa?!Kahit gwapo ka, matangkad at mukhang mayaman ay hinding hindi kita papatulan!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status