Share

CHAPTER 10

Nakangiting pinagmasdan ni Miles ang ibinigay kanina ni Jeffry sa kanya na bracelet habang komportable siyang nakahiga sa kama. Hindi niya lubos akalain na maging siya ay naisip nitong bilhan niyon at ang mas nakakagulat pa ay siya ang naisipan nitong bigyan ng kapareha nito. Maliit, simple, at mura lamang iyon pero napakahalaga na para sa kan'ya ang ibinigay nito. Sabi nga nila, "It's the thought that counts". Ito ang kauna-unahang bagay na naibigay ni Jeffry sa kan'ya kaya pahahalagahan niya ito lalo pa't batid niyang walang kasiguruhan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagkakaibigan. Pinakamatagal na kasi ang sampung buwan ng kanilang pagtatrabaho na magkasama at kapag natapos na ang kanilang proyekto ay babalik na naman sila sa dati, balik trabaho na naman sa Maynila at muling itatapon sa lugar kung saan nakaabang ang susunod naman niyang assignment.

"Hala, hala! Ang ngiti mo, dai. Mapupunit na ang bibig sa lapad ng pagkangisi mo habang tinitigan ang accesory na iyan. Pati
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status