Share

CHAPTER 3

Nagsimula na silang magtrabaho. Tiniis niyang hindi ma-distract sa kagwapuhan nito. He's too catchy to be ignored yet she managed to keep her distance from him. Natawa pa siya dahil nagmukhang linta si Jemma sa kaaaligid dito. Minsan naman ay naiinis siya sa tuwing nagpakawala ito ng napakatamis na ngiti sapagkat nahihirapan siyang iiwas ang kanyang tingin lalo na sa mapula at mamasa-masa nitong labi.

Her heart pounds so fast everytime he's near especially when she smells his manly scent. God knows how it drives her mind crazier. Naghuhurumentado naman ang puso niya sa mga pagkakataong inilalapit nito ang mukha sa kan’ya kapag may ipinapakita ito sa hawak na bondpapers. Tuloy, nadedemonyo ang kanyang isipan dahil hindi maiwasan ng kanyang mata na mapagawi sa kumikibot nitong labi.

Nagliligpit na sila ng gamit nang magtanong ang assistant niya. “Miss Miles, saan tayo magdi-dinner mamaya?” 

“Doon na lang tayo sa sikat na beach dito, Jem. Ang alam ko maganda raw roon ‘pag gabi dahil may live band at live shows. Chill tayo do’n kahit one bucket lang ng stallion.” Umandar na naman ang pagkalasinggera niya.

“Gosh, madame! I am so tired, as in super-duper tired!”

“Kaya ‘yan.”

 

Pagdating nilang dalawa sa nirentahang apartment ay agad na humilata sa kama si Jemma. Maging siya ay napadapa na rin at yumakap sa malambot na unan sa labis na pagod sa katawan. Tila doon sya humugot ng kaluwalhatian mula sa nakakapagod niyang trabaho buong araw. 

“Mga twenty minutes muna, Jem. Pahinga na muna tayo sandali, saka na ako magsa-shower.” Hindi niya alam kung narinig ba nito ang kanyang sinabi gawa nang pagkasubsob ng mukha niya sa unan. 

Lagpas isang oras na nang bumangon siya. Dali-dali siyang nag-shower at kumuha ng dalawang pampalit na damit. Ginising na rin niya si Jemma. Napabalikwas pa ito nang marinig kung anong oras na. 

Pagdating nila sa resort ay agad silang nag-check in doon. Ang malakas na tugtog ay maririnig sa paligid at nagkalat ang mga babaeng naka-two-piece bikini swimsuit at hindi alintana ang lamig sa gabi. Men are wearing jammers, others were trunks and briefs. They were all holding cocktail glass and bottle of beer while dancing. 'Yung iba ay mukhang may amats na. 

“Grabe, sarap naman sa mata rito. Para tayong nasa Bora.” Tama nga naman. Para silang nasa summer party sa Boracay. Ang dami pang gwapo sa paligid, bunos na iyong pagkahantad ng magagandang built ng katawan ng mga ito.

She was wearing a white crochet mini dress in top of her black two-piece swimsuit. Hinayaan niyang ilugay ang kanyang mahaba at bagsak na itim na buhok na may iilang strips ng highlights upang bahagyang mainitan ang batok dala ng malamig na simoy ng hangin sa gabi. Ang kasama niyang si Jemma ay ‘di rin nagpakabog sa suot na outfit. 

Kumain na muna sila sa open restaurant ng resort. Nang matapos ay napagpasyahan na nilang magpainit. Habang naglalakad papalapit sa nagkukumpulang mga tao ay sumasayaw na sila ni Jemma. May live band doon. Pumwesto sila sa bakanteng mesa at nag-order ng maiinom. Ito ang na-miss niya lalo na kapag babad siya sa trabaho. Minsan kasi sa loob ng ilang buwan ay trabaho-bahay na lang ang naging routine niya sa araw-araw.

“Orayt! Para sa boylet na bibihagin ko mamaya! Cheers!” Napahalakhak siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi boring na kasama itong assistant niya. Nakakasabay ito sa mga jokes at trip niya sa buhay.

“Cheers!” sigaw rin niya. Halos hindi na sila magkarinigan dahil sa ingay ng paligid. 

“Ateng! Ang laki!” Tumili ito habang turo ang isang lalaking naka-brief. Tantiya niya ay Fil-am ang lalaking tinutukoy nito at tila walang pakialam sa paligid. Nag-e-enjoy lang ang lalaki habang sumasayaw hawak ang bote ng isang mamahaling inumin.

Hindi na nakatiis si Jemma, tumayo ito at lumapit sa gawi ng lalaki. Naiiling na tinungga niya ang bote at nakangising pinagmasdan ang mga ito. Hanggang sa ‘di sinasadyang napagawi ang kanyang tingin sa kabilang mesa. Para siyang binuhusan ng isang bucket ng ice cubes nang makita ang lalaking nakaupo sa mesa habang nakapatong ang isang babae. Naka-two-piece swimsuit lang din ito at yakap-yakap ng lalaking lunod na lunod sa pakikipaghalikan. Iyon ay walang iba kun’di si Engr. Villafuente.

Walang pakialam ang dalawa sa paligid. Paano ba naman kasi, sarap na sarap ang mga ito sa ginagawa. Kakaiba rin pala ang lalaking ito. Tama nga talaga ang warning ng kanyang boss na matinik ito sa mga seksing babae. ‘Di nagtagal ay umalis ang babaeng kandong nito at bumalik sa pagsasayaw. Ngising-ngisi naman ang hudyo habang pinagmamasdan itong papalayo. 

Bahagya siyang tumalikod upang ikubli ang sarili. Muntik pa siyang mapamura nang bumalik sa mesa nila si Jemma upang muling kumuha ng bote. Pinandilatan niya ito at agad pinaupo. 

“Why?” Nagtaka ito sa inakto niya. 

“Huwag kang maingay, nandito siya,” she said gritting her teeth. 

“Ows? Sino?” Inilibot nito ang paningin sa paligid. Napapikit na lang siya nang makitang nagliwanag ang mukha nito at agad na tumayo. Nahampas niya nang mahina ang mesa nang marinig niya itong nagsalita mula sa kanyang likod. “Engr. Jeffry! You are also here!” maarte nitong sigaw. 

“Oh, Jemma! You're alone?” sagot ng baritonong boses

“A big no, Engineer! Actually, I’m with someone.”

“Really? Who?”

Palagay niya ay nakatingin na ang dalawa sa kanya. Bigla siyang binalot ng kaba. Ayaw niyang ibuka ang mga mata. Tinabunan niya ang mukha ng kanyang mga palad habang ang dalawang siko niya ay nakapatong sa mesa.

“Can I join in your table?” Muli ay narinig niya itong nagsalita sa kabilang table. 

‘Nalintikan na! Lagot ka talaga sa aking bakla ka. Babalatan kita nang buhay bukas kapag pumayag ka!' sigaw ng utak niya.

“Why ofcourse, sir! Basta ikaw.”  Masayang-masaya ito.

Narinig niya ang boses ng mga ito na papalapit nang papalapit sa gawi niya. Pigil ang hiningang nakiramdam siya sa paligid. Hanggang sa isang baritonong tinig ang biglang nagsalita sa kanyang tabi.

“Hi, Miss Architect! Can I join you here?” He's asking in a low husky voice. 

Her shoulders automatically dropped na tila ba natalo siya sa isang pustahan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status