Share

CHAPTER 2

Katatapos lang niyang mag-lunch break nang tawagan siya sa telepono ng kanilang Executive Director na si Sir Vince. Pinapaakyat siya sa opisina nito sapagkat may mahalaga raw itong sasabihin sa kan'ya. Mabilis ang kilos na tinungo niya ang elevator at pinindot ang numerong siyam. 

Nang marating niya ang palapag na kinaroroonan ng opisina nito ay agad niyang tinungo ang pinto na may nakapaskil na Executive Director's Office. Kumatok siya ng tatlong beses at pinihit ang siradura nang marinig ang sagot nito mula sa loob. Pagpasok niya ay nadatnan niya itong nakaupo sa harap ng computer.

“Magandang umaga po, Bossing.” Nakasanayan na niyang tawagin itong gano’n, na siyang nais naman nito sapagkat ayaw nito ng masyadong pormal.

Bahagya nitong itinaas ang tingin sa kan’ya at ngumiti. “Oh, ikaw pala iyan. Please have a sit, Arch Muñoz.” Arch for Architect. Umayos ito ng upo. 

"Salamat po.” Tumalima siya at umupo nang nakade-kwatro. Sa ganoong porma kasi siya komportable at hindi na rin siya nag-iilang dahil sanay na ang mga tao sa galaw niyang astigan, lalo na itong taong kaharap niya ngayon.

“I just want to inform you about the next project assigned to you. It'll gonna be far from here but sure enough to capture your excitement since the location is in Bohol. So close to your province,” nakangiti nitong saad.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. 

“Talaga, Bossing? Yes!” Sa sobrang saya niya ay naisuntok niya kanang kamao sa ere. Narinig niya ang pagtawa ng kausap at naaaliw na pinagmasdan siya. “Thank you po nang sobra!” Tuwang-tuwa siya sapagkat mabibisita na rin niya sa wakas ang kanyang nanay anumang oras.

Tumango ito. Ilang detalye pa ng proyekto ang kanilang pinag-usapan. 

“So, I guess you are very much ready to visit the site. Better start preparing your needed equipments now with your assistant and ring me a bell if everything is all set.” 

“I will, Bossing. Mauna na po ako.” Tumayo na siya at akmang tatalikod nang muli itong magsalita. “By the way, Miles. You will be working with the COO of J&J Engineering, si Engr. Villafuente. Pero hindi kayo magkakasabay sa paglipad pa-Bohol. Baka sa site na lang kayo magkikita. And I must warn you to be vigilant. Nangangagat kasi iyon, lalo na sa mga dalagang kasing ganda at seksi mo,” biro ng kwarenta anyos na lalaki na sinabayan ng pagtawa.

“Basta ba hindi bampira at walang rabis, Bossing, walang problema sa akin,” sakay niya sa biro nito. ‘Di nagtagal ay nagpaalam na siya. 

Habang naglalakad ay napailing siya sa huling sinabi nito. 

'Kung kasing gwapo at hot ba ni Jamie Dornan ang engineer na iyon ay kahit ako pa ang luluhod upang magpakagat,' pilyang saad ng isip niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang pagngisi.

Pagkalipas ng tatlong araw ay lumipad na sila sa Bohol at narating ang site. It took her two days to prepare the materials needed. Pagdating nila ng site ay sila pa lang tatlo ng foreman at ng assistant niyang si Jema, ang babaeng bersiyon ngunit Jimmy sa totoong buhay. Sinipat muna niya ang area at nang magsawa ay umupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga. 

"Jemma, ano na? Na-contact mo na ba ang paespesyal na mokong na iyon? Aba'y magdadalawang oras na tayong naghihintay rito, ah!” Malapit nang uminit ang ulo niya sa tagal ng engineer. 

“Oo nga po, ma’am, eh. Kanina ko pa nga rin po tinatawagan si sir pero hindi sumasagot,” segunda naman ng foreman. 

“Hay naku, Arch. Kapag iyon talaga hindi darating in thirty minutes, paniguradong tatadtarin ko siya ng halik mula sa ulo hanggang sa mga daliri niya sa paa!”

“Yucks! Kadiri ka. Pano kung nakatapak pala ‘yon ng ipot? ‘Di magmistula pang vacuum iyang bibig mo!” Minsan talaga ay dinadaig ng baklang ito ang mahalay niyang utak.

“Okay lang basta malaki at matigas 'yong kan’ya, 'yung braso I mean. Ay!" ani nitong tumili nang pagkalandi-landi. 

Napailing na lang siya at tumawa dahil sa itsura nito. Agad silang natigilan nang isang baritonong boses ang biglang nagsalita sa kanilang likuran.

“Therefore, I must apologize ngayon pa lang dahil five minutes mula nang sabihin mo iyon ay nakarating na ako.” Mababa ang boses nito. Hindi niya alam kung natuwa ba ito o nairita dahil sa takbo ng kanilang usapan patungkol dito. 

Magkasabay silang tatlo na lumingon upang tingnan ang may-ari ng boses na iyon. 

Her heart jumped when she saw the jaw-dropping complexion in front of her. So manly, from his broad shoulders down to his wide hips, back to his pompadour hairstyle, sharp jaw, and angular cheekbones. Hindi niya makita ang mata nito dahil sa nakatakip na tinted shades. Ang matangos nitong ilong ay mas nakadagdag sa kagwapuhan ng lalaki.

Habang tinititigan niya ito ay nagsimula na namang gumana ang kapilyahan ng kanyang utak. 

‘Dios ko po, Miles. Kay gwapong nilalang naman nitong nasa harap mo. Makalaglag panty, Inday! But I think it would be better if he looked down for a second, pour himself a drink, and bring the alcohol into his lips using his index finger and gaze at me seductively.’  

“Sir! Kayo na po pala ‘yan. Mabuti naman po at dumating na kayo. Kanina pa po kasi kami naghihintay rito kaya kung anu-ano na po ang pinagsasabi nitong si Jemma.” 

Mas lalo pa siyang natulala nang dahan-dahan nitong inalis ang shades na nakatakip sa mata nito. Nagmistulang nag-slow motion ang paligid. 

“Pasensya pala kung pinaghintay ko kayo rito. May importanteng bagay lang kasi akong dinaanan. I'm Jeffry Villafuente by the way.” Inilahad nito ang kamay na agad din namang tinanggap ng foreman. Pagkatapos ay kay Jemma na halatang tulala pa. Pagkatapos ay itinuon nito ang tingin sa kan’ya… nang matagal. Mula sa mukha ay ibinaba nito ang tingin sa kanyang katawan, specifically sa dibdib pababa sa beywang hanggang sa paa at pabalik. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang.

“Miles Muñoz.” Ginawa niyang pormal ang tono at pagsasalita. 

Ngumiti ito kaya nahantad ang maputi at pantay nitong ngipin. Kasabay ng magandang arko ng labi ay siya ring pagngiti ng mga mata nito. 

‘Diyos ko pong mahabagin, bakit n’yo naman po ako binigyan ng kasamang engkanto rito? Paano pa po ako makakapagtrabaho nang maayos kung ganito ka sagabal sa mata ang makikita ko sa araw-araw?’ litanya ng isipan niya.

Sumilay ang ngiti sa gilid ng labi nito. “Then, you must be Miles the architect, right?”

Tumango siya. “I am.” Binitiwan niya agad ang kamay na hawak nito at mabilis na tumalikod. Kailangan niyang itago ang kanyang reaksyon baka isipin nitong pinagpapantasyahan niya ito. Well, slight lang naman.

“Okay. Let’s start,” narinig niyang sabi nito mula sa kanyang likuran.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status