"No... way..." napatitig si Bea kay Dawn.
And he was serious. Really serious.
"H-How... why... did you..." madaming tanong si Bea para kay Dawn, pero di nya alam kung ano muna ang itatanong kay Dawn.
Malungkot lang na napangiti sa kanya si Dawn at inabot ang letter na hawak nya kay Bea. "Tsaka ito nga pala yung letter ni mama na binigay nya sa'kin, kasama ng box na 'to. Hindi ko mabasa ng maayos sulat nya kasi hindi na maayos ang kalagayan nya nung 8 pa lang ako, parang nastroke sya, sinulat nya daw ito sa akin noong mag-t-ten na ako. At sinabi nya sa akin na basahin ko ito pag nag-eighteen na ko, pero nito ko lang nakita yung box eh."
"Si Audrey, n-nastroke?"
"Yeah... sana mabasa mo, di ko kasi maintindihan eh."
Nang basahin ni Bea ito, hindi nya din maintindihan ang sulat. Magulo ang pagkakacursive nito, pero sinubukan nya pa rin intindihin. She tried to ma
BEATRIX POINT OF VIEW"Oy! Beaaaaa!""Mmm...""Bea gising naaaa!""5 more minutes, please...""Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First da
Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya."Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang
Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop."D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa.""Eheheh sorry." Aniya."Ano ba kasing bibilhin mo dito?""Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?""Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.Napa-irap lang ako.Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."Natawa ako. "Yeah, alam ko."
Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.Paano ako nahanap ni Dawn?Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at pap
Kapos hininga si Audrey ng pumunta sya sa ospital para bisitahin ang matalik nyang kaibigan na si Bea. Dali-dali kasi syang pumunta doon dahil sa nareceive nyang mensahe mula sa mga nakatagpo sa kaibigan nya. "Nasaan na si Bea? Asan na yung kaibigan ko!?" Pasigaw nyang tanong."Ah, kayo po ang kamag-anak ni Mrs. Salazar?" Tumango na lamang sya sa tanong ng nurse. Wala din kasing ibang mapaghihingian ng tulong si Bea kung'di sa kaibigan nyang si Audrey. Nang madala na sya sa morgue, matinding kaba ang nararamdaman ni Audrey para sa kaibigan nya.Ang tanging iniisip nya ay sana hindi nga ito si Bea, ngunit nanlumo sya sa sunod na sinabi ng nurse sa kanya. "Di na po namin maipapakita sa iyo ang asawa ni Mrs. Salazar, unrecognizable na po kasi ang mukha nya dahil sa aksidente. Pero macoconfirm na din po yung identity ng nila pag nakita mo na po si Mrs. Salazar."
Napabuntong hininga lang si Bea habang nakatanaw sa labas ng bintana ng coffee shop na kung saan sya nagwo-work. Nagbibilang na lang sya ng mga taong dinadaan-daanan lang yung coffe shop. Yun lang ang magawa nya since wala namang costumer.Napasulyap lang sya sa phone nya at napasimangot, naisip nya na halos parehas ang coffee shop at ang phone nya. It's both empty. Ano bang aasahan nya sa phone nya eh wala naman syang ka-text."Siguro dapat na tayo mag-close ngayon Bea." Sabi sa kanya nung boss nya na galing sa kusina."Ah, sige po sir.""...you know, you should find another job Bea." Nagulat sya sa nasambit ng boss nya."Ha? Bakit po sir?"Napa-iling si Andrei ng mapatingin sya sa paligid, "Kita mo namang walang katao-tao dito, hindi na kumikita ang coffee shop."Nataranta si Bea sa narinig, mawawalan sya ng trabaho? Hindi pwede. Yun la
She felt weird walking with a stranger.Kanina kasi ay nagpumilit itong magpasama para nga makita ang bestfriend nyang si Audrey. Hindi nya magawang mapatingin sa kasama nya, and she was stiff like a rock. Kinakabahan sya sa lalaking kasama nya. Madami na kasi syang naiisip na masama.Paano pag-isang hitman ang kasama nya at si Audrey ang target nya? Paano pag-kidnapper pala ito at si Audrey ang gusto nitong i-kidnap? Or worst! Paano pag isa ito sa mga ex ni Audrey na balak maghiganti?Ni-ready nya lang ang phone nya sa bulsa nya para makatawag sya kagad ng 911 kung sakaling may mangyaring masama."Sorry, i didn't introduced myself yet. My name's Dawn." Aniya.Kumunot noo ni Bea sa narinig. "Ano? Down? Pangalan mo Down?"Natawa ito sa kanya, "No, no... it's Dawn. D-A-W-N.""Ahh... okay." She just shrugged. She thought it was a weird name,
Aalis na sana si Bea ng pigilan sya ni Dawn, pagkatingin nya kay Dawn ay seryoso nitong sinabi na..."Samahan mo ko papunta kay Audrey."Natigilan si Bea panandali sa narinig bago makapag-react sa sinabi ni Dawn."Dude, i think i've help enough. Sana maintindihan mo na may sarili din akong buhay, may mga kailangan din akong unahin. Tsaka nasa Benguet sya at two weeks pa bago sya umuwi, maghintay ka na lang."Umiling si Dawn sa kanya."N-No, i can't... t-two weeks is too long...""Edi ikaw na lang mag-isa pumunta sa kanya. Kaya mo na sarili mo.""I'm sorry, but i didn't grew up in Philippines. I'm from America, kaya please, tulungan mo ako."Napabuntong hininga si Bea sa pangungulit ni Dawn."Sorry din, hindi talaga kita matutulungan. Alam mo namang graduating na ako, at kailangan kong ayusin ang p