Nagulat si Cooper nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Nanlalaki ang mga matang pumasok si Jason hawak ang kanyang tablet.
“Look at this news posted five minutes ago, Pare. I saw this sa post ng kaibigan ng kapatid ko na naka-tag siya.”
“Sabihin mo na. Wala akong panahon sa tsismis.” Patuloy sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya si Cooper.
“Tingnan mo kasi. Palibhasa wala kang social media accounts kaya hindi ka updated sa balita.”
“Anong mapapala ko? Andaming problema ng bansa, Pare. Busy ako kaya lumabas ka na.” Walang pakialam na tugon niya sabay taboy sa kaibigan.
“Can’t wait to treat you guys for this sumptuous news! Bumped our idol in the airport a while ago. Zyon is here! OMG! I soooo love her! Followed with heart emojis and the picture below.” Pagbabasa ni Jason sa post.
Natigil sa ere ang kamay ni Cooper na magta-type sana sa keyboard. He was stunned for a good 20 seconds. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tumingin sa kawalan. Nanatili siya sa ganyang posisyon mahigit kumulang 3 minutes.
“My God! She is so beautiful! No! Much much more beautiful now! Those legs! Wheeew! How can a woman be blessed with such a very nice pair of legs? If ako ang mapapangasawa ni Zyon, I will get an insurance for them for millions of dollars.” Napapalatak na pahayag ni Jason sabay sipol.
Hindi nakahuma si Cooper. Tumalim ang kanyang mga mata pagkarinig sa sinabi ng kaibigan na kung ito ang mapapangasawa ng babae. Gusto man niya tingnan ang picture na sinasabi ni Jason pero para siyang ipinako sa kinauupuan. Bigla siyang napipi sa hindi niya malamang dahilan. Siguro dahil hindi niya ini-expect na uuwi ito or makikita ito kahit sa picture lang. Wala siyang social media account dahil ayaw niyang makita ito. Alam niyang hindi niya kayang pigilan ang sariling i-stalk ito at makibalita sa buhay nito. As much as possible kapag nagbabasa siya ng newspapers, iniiwasan niya ang entertainment page at baka ang babae ang naka-feature. Ayaw din niya ng mga fashion magazines sa office niya para sa mga bisita. No newspapers, magazines, brochures allowed sa office niya.
Isang oras na yatang nakalabas si Jason sa opisina niya bago niya napansing wala na ito. Wala siyang nagawa buong maghapon. Nakauwi na ang lahat ng empleyado pati ang kaibigan pero nanatili pa rin siyang nakaupo sa swivel chair niya. Malungkot ang mukhang tumingin siya sa kawalan. Hanggang isang ideya ang pumasok sa isip niya.
Gumawa siya ng dummy account sa F******k. At sinearch and pangalan ng kapatid ni Jason na si Kim. Kilala niya ito at madalas siya sa bahay ng mga ito. Habang naglo-load ang account ay hindi niya mapigilang kabahan. Napatayo siya at naglakad-lakad saglit sa loob ng opisina. Pagbalik niya ay lumabas na ang profile account ni Kim. He scrolled down pero nagtaka siya at wala namang lumabas na post na sabi ng kaibigan. Damn! Tinawagan niya ang sekretarya at tinanong kung bakit ayaw magload ng post na kanina lang. Nahintakutan naman ang sekretarya at hindi alam ang isasagot dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng boss niya. Pasigaw na ipinaliwanag ni Cooper sa sekretarya ang tungkol sa f******k account na hinahanap at hindi makita ang posts.
“Boss, b-baka po naka-private ang account k-kaya po hindi ninyo nakikita ang posts.” Pautal-utal na paliwanag ng sekretarya. Takot na takot ito kay Cooper dahil suplado naman talaga ang aura nito lalo na sa opisina kaya kapag dumating ito sa opisina bawat umaga ay parang dinaanan ng anghel ang buong working area. Lahat tahimik at nakatutok sa trabaho.
“So ano ang gagawin ko?”
“P-pwede din po i-add ninyo y-yung account at pag in-accept na po kayo s-saka ninyo po makikita ang posts.”
“Miss Molina, huwag na huwag mo masabi-sabi ito sa iba lalo na kay Jason.” Iyon lang at pinatay na ni Cooper ang cellphone.
Hawak hawak naman ng sekretarya ang dibdib pagkatapos ng tawag. Takot na ni-replay sa isip ang usapan nila ng kanyang boss. Habang si Cooper naman ay desperadong napatingin sa screen ng laptop. Pagkatapos mag-isip ay bigla niyang pinindot ang ADD FRIEND button para kay Kim. Naglakad siya ulit ng pabalik-balik nang makailang beses bago binalikan ang laptop at ni-refresh. Pero hindi pa din niya makita ang post. Tinawagan ulit ang sekretarya.
“Miss Molina, bakit hindi ko pa din makita ang post?”
“S-sir, dapat po k-kasi i-accept ka po muna ng in-add n-ninyo.” Mahinang paliawanag nito.
Iyon lang at ibinaba ulit ni Cooper ang tawag. Inabot siya hanggang 10PM sa kahihintay na i-accept siya ni Kim pero wala. Madilim ang mukhang bumaba siya ng building at sumakay sa kanyang sasakyan. Magulo ang isip na umuwi siya. Kung kumalma lang sana siya at nag-isip nang maayos, pwede din naman niyang i-search na lang directly ang pangalan ni Zyon. Pero hindi na naisip ni Cooper iyon at gulong-gulo ang utak niya pati ang puso. At dahan dahang bumalik ang nakaraan………………
“It’s settled then, magpapakasal ang mga bata after graduation.” Masayang pahayag ng ina ni Cooper. Ang kanyang ina na si Mrs. Lin Tang Ayala ay isang purong Chinese. Ang ama naman niya na si Eduardo Laurel Ayala na isang shipping magnate ay half Spanish, half Filipino. Pag-aari nila ang malalaking tanker at cruise ships na bumibyahe internationally.Tahimik na nakikinig si Cooper sa usapan ng dalawang pamilya. Mababanaag sa kanyang mukha ang pagkainip at panay ang kanyang sulyap sa kanyang relo. May usapan kasi sila ng current girlfriend niyang si Kate na magkita sa hotel na iyon at kanina pa ito naghihintay sa lobby. Nakilala niya lang ang babae through a friend and they only talked through phone. Nasa Manila Peninsula sila para pag-usapan ang arranged marriage nila ng anak ng isang hotel heiress na si Mandy Uy. Pangiti ngiti naman si Mandy habang nakatingin sa binata. Matagal na itong may gusto sa binata simula nang maging classmate nito siya
Saturday night. Jason called him to meet at the bar. Excited ang boses nito.“Cooper Pare, just met these pretty ladies yesterday. Hot Pare, hot! We will go bar hopping with them tonight. Get ready. Huwag kalimutan ang mighty shield natin.” pahayag nito kasabay ng isang malutong na tawa.“Good for you. Pero pass muna ako. Just purchase yours at 7/11.” Tumatawa din na sagot ni Cooper. Alam niya ang tinutukoy na mighty shield ng kaibigan.“What?!” hindi makapaniwalang sigaw nito sa kabilang linya.“Yes, bro!” Magaan ang loob na sagot ni Cooper.“Since when?!”“Since last night.” At tumawa nang malakas si Cooper. Kahit siya ay hindi makapaniwala na nawalan na siya ng gana sa mga magagandang babae.“I don’t understand. Bakit?”“Anong bakit? Hahaha! Pare, I’
Dumiretso si Zyon sa hospital. Nasa ICU pa ang ama at comatosed. Umagos ang masaganang luha niya nang makita ang amang may mga nakakabit na mga tubo sa katawan. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng kanyang ama sabay halik dito. “Daddy! I’m so sorry!” Nagso-sorry siya para sa panahong hindi niya nakasama ang ama kahit humiling itong umuwi siya. Ang sakit sakit ng dibdib niya. Humahagulhol siya habang kinakausap ang ama. Dahang dahang inapuhap ng Tito Greg niya ang kanyang likod habang tahimik lang ito. “Cousiiiinnnn!” Nagulat na lang sila sa matinis na sigaw ng isang babae sa likod nila. Tumakbo ito palapit at niyakap siya nang mahigpit. Si Andrea or Andie na pinsan niya, anak ng Tito Greg niya. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Ito ang pinaka-close niya sa lahat ng pinsan. Niyakap niya ito at umiyak sa balikat ng babae. Maya-maya pa ay humihikbi na din ito. Nagkaiyakan silang magpinsan. After quite some time, hinila na sila ng Tito Greg niya sa isang room na
“Babe, where are you? I’ve been calling you all day.” Cooper sensed irritation on Elise’s voice. Pinutol ng tawag nito ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.“I was busy.”“Can you come over?”“Why?”"Why?! Are you serious? I told you birthday ni Manni and we are supposed to attend together. I ended up going here alone and made excuses for your absence. Come over and take me home!” Nanggagalaiti na ito sa kabilang linya.He turned around the corner and directly go to Manni’s house. Isang actress din ito at bestfriend ni Elise. Pagdating sa bahay nito ay pumasok siya at hinanap ang girlfriend. Pagkakita ng babae sa kanya ay lumapit agad ito and kissed him on the lips.“Oh well! Elise’s boyfriend is here.” Excited na pahayag ni Manni.Ipinakilala niya si Cooper sa iba pang mga bisita doon. Elise is so proud habang naka-abrisyete sa braso ng lalaki.
Miyerkules. Cooper was waiting for Jason in the bench. He was making sketches on his pad when he noticed the girls on the other bench. They were whispering with each other while looking somewhere. Sinundan ng tanaw niya ang tinitingnan ng mga ito. And he was literally dumbfounded nang makita ang babae na naglalakad papuntang entrance ng department nila. She was holding a piece of paper while seriously walking. Lahat ng nadadaanan nito ay sinusundan ito ng tingin, mapa-lalaki man o babae. Ang mga lalaki ay puno ng paghanga samantalang ang mga babae ay inggit ang mababanaag sa mga mata ng mga ito. “She must be a transferee. She’s really pretty huh.” Puna ng isang babaeng estudyane. Sumang-ayon naman ang katabi nito.“Business Ad din yata.”Si Cooper naman ay parang ipinako sa kinauupuan. He rubbed his eyes.“Am I seeing things?”“You are not. Whew! Pare,
Sinamahan siya ni Andie na magbantay sa Daddy niya. Hindi naman sila pwedeng pumasok ng ICU unless visiting hour. So, sa designated room ng mga bantay sila tumambay.“Insan, kumusta naman ang buhay mo sa Italy? Grabe! Successful ka na! Sikat na sikat ka.”“Insan, pinaghirapan ko kung ano ako ngayon. I fought my way up. Mabuti na lang at may magaling akong manager.” Malungkot ang mga ngiting tugon niya.“Ah. yung gwapong manager mo?” Kilig na sabi nito.Si Andie ay may sariling restaurant sa Makati. Dalaga pa ito. Maganda naman ang kanyang pinsan at ilang beses nang nagpalit ng boyfriend pero hindi pa nakakita ng mapapangasawa.“Yup! Kumusta ka naman pala?”“Eto, single ulit. Last week lang kami nagbreak ng pinaka-recent kong boyfriend. Nahuli ko eh. Ewan ko nga ba ba't hindi tumatagal ang mga relasyon ko.” Malungkot na sagot nito.“Ganyan talaga, insan. Hindi mo kasalan
Cooper saw the entire scene upon entering the canteen. Buti na lang at hindi nakabuntot si Mandy sa kanya. Nag-alala siya nang makitang namumula ang braso ni Zyon at mataas na ang boses ni Vanessa, kaya dali-dali siyang lumapit sa mga ito. Buti na lang at nasangga niya ang kamay ni Vanessa na akmang sasampal kay Zyon. “Don’t you dare hit her!” His protective instinct automatically kicked in.Matapos balaan Si Vanessa at umalis ito ay parang natauhan si Cooper. Tumalikod siya bigla na hindi man lang nilingon si Zyon. Nang makarating sa labas, natuliro siya. Naisip na balikan ang babae dahil nakita niyang namumula ang balat nito. Makinis at maputi ang babae so kitang-kita ang ebidensya ng pangyayari. Baka masakit ang braso nito at kailangan ng tulong. Akmang papasok siya ulit sa canteen nang mamataan ang naglalakad na si Mandy na parang may hinahanap. Kumubli siya sa gilid ng vending machine. Baka
Matapos ang insidenteng iyon ay naging maingat na si Zyon. She avoided every girl that she thought is disastrous. Araw-araw, inaabutan niya lagi si Cooper na nakatayo sa labas ng sasakyan nito. Naisip niya na baka hinihintay nito ang magandang babaeng nakita niyang kasama nitong kumain the first time she stepped her feet on the university. She felt sad thinking he is seeing someone. Pero paglabas niya sa sasakyan ay agad din itong umaalis at naunang pumasok sa campus. Minsan, hinabol niya ito dahil gusto niyang magpasalamat dito sa pagsangga sa sampal ni Vanessa pero hindi siya nito pinansin at mabilis na naglakad palayo.“Is he practically running away from me? What did I do?” Malungkot na tanong ni Zyon sa kawalan. She felt a light tingling sensation inside of her. She is excited to see him in school and feels sad if he ignores her.“Do I like him? Damn!” She scolded herself with the realization that she indeed likes him.