Share

CHAPTER 7

“Babe, where are you? I’ve been calling you all day.” Cooper sensed irritation on Elise’s voice. Pinutol ng tawag nito ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.

“I was busy.”

“Can you come over?”

“Why?”

"Why?! Are you serious? I told you birthday ni Manni and we are supposed to attend together. I ended up going here alone and made excuses for your absence. Come over and take me home!” Nanggagalaiti na ito sa kabilang linya.

He turned around the corner and directly go to Manni’s house. Isang actress din ito at bestfriend ni Elise. Pagdating sa bahay nito ay pumasok siya at hinanap ang girlfriend. Pagkakita ng babae sa kanya ay lumapit agad ito and kissed him on the lips.

“Oh well! Elise’s boyfriend is here.” Excited na pahayag ni Manni.

Ipinakilala niya si Cooper sa iba pang mga bisita doon. Elise is so proud habang naka-abrisyete sa braso ng lalaki. Sino ba ang hindI maging proud? She is holding the hand of the most sought-after bachelor of the country. Maliban sa napakagwapo at napakakisig nito ay napakayaman pa. Buhay-prinsesa siya kung ito ang mapapangasawa niya at wala na siyang balak pang pakawalan ito. Tinawagan niya ito para sunduin siya coz she also wants to boast around her friends that she got a very handsome and a very rich boyfriend.

“Elise, can we go home now? I’m tired.” Bulong ni Cooper dito.

“Mamaya na, Babe. Let’s enjoy muna. It’s too early pa.” Paglalambing nito sa kanya. She seductively kissed him and slightly bit his lip.

Dati kapag ganito ang ginagawa ni Elise, he felt ignited. But now, he simply brushed her off and walked slowly to the door.

“Hey, Babe! Where are you going?”

“Elise, I’m tired. If you don’t wanna go home, I’ll go ahead. Dala mo naman ang sasakyan mo so mauna na ako. Gusto ko na magpahinga.”

Sensing that he is serious, nagpaalam si Elise sa mga kasamahan at umalis kasama siya. Habang nasa sasakyan niya ay panay ang paglalambing nito pero wala siya sa mood.

“Why don’t we come to my place since ayaw mo pumunta ako sa bahay mo.” Kahit kailan wala siyang dinalang babae sa kanyang bahay kahit sa condo niya. Nakailang palit na siya ng girlfriend pero never niyang dinala sa place niya.

“I’m tired.”

“Tatanggalin ko pagod mo, Babe. You want me to massage you?” Nanunuksong pahayag nito sabay patong ng isang kamay sa kaliwang hita niya at hinimas-himas iyon.

“I’m sorry. Im not in the mood right now. I just wanna go home and sleep.” Walang ganang sagot niya. Hindi man lang siya apektado sa ginagawa ng babae.

“What is wrong with you?!” Galit na ito.

Hindi na siya sumagot. Hinatid niya ito sa condong tinutuluyan nito. Pagkababa nito ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Hindi na niya hinintay na makapasok ito sa entrance ng building.

Okupado ni Zyon ang isip niya buong araw. Remembering her, he slowly pulled over to the side of the road, pulled out his phone and checked on his F******k dummy account. Kim hasn’t accepted him yet. So, he canceled the request and type on Zyon’s name instead. His hands are sweating habang naglo-load pa ang search results.

Natigilan siya nang makita ang mga pictures ng babae. Ang babaeng tiniis niyang hindi makita kahit picture man lang sa loob ng limang taon. She was way more beautiful now, sexier and her looks, beyond compare. Lumamlam ang kanyang mga mata at hindi napigilan ang pag-init ng mga sulok niyon. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng mga luha habang hinahaplos ang larawan ng dalaga sa screen ng phone niya. Bumaha na naman ang alala niya ng dalaga.

On the next Friday after his first visit sa lounge, Cooper came again. He then requested the same song, gave the same amount for the tip pero sa ilalim ng papel na sinulatan niya ng request song niya he added some notes.

“I’m yours, will you be mine?” He saw the shock on Zyon’s face upon reading the note. He smiled but felt sad nang makitang nakakunot ang noo ng dalaga.

Again, he waited outside the backstage but she never showed up. Umuwi ulit siyang malungkot.

Lunes.

“Coop, nabalitaan mo ang nangyari kay Amanda?” She is the girl from another department who recently flirted with him while he was sitting on one of the study nooks inside their school campus. She went up to him, introduced herself and chatted flirtatiously.

“Oh bakit? Anyare?"

“Sinabuyan daw ng asido ang mukha. Nasa hospital ngayon at sunog talaga ang mukha pati leeg. Hindi alam ng pulis ang motibo ng gumawa at wala silang suspect.”

Pagkarinig niya sa sinabi ng kaibigan ay kinabahan si Cooper. Hindi ba’t binalaan siya ni Mandy? Baka ito ang may pakana at nakita nitong nakikipagkwentuhan siya sa babae last week. Pagkauwi niya sa bahay ay tinawagan niya ang babae.

“Are you crazy? Mandy stop it!”

“Stop what? I won’t stop unless those bitches go to hell! I told you, you are mine!”

“I will tell the police.”

“If you have the evidence, go ahead!” And she hung up the phone.

Napatulala si Cooper. Hindi niya akalain ganito kasama ang babae. Is she a murderer?

Zyon slept like a log. She was tired. Ilang araw na din kasi wala siyang tulog bago pa umuwi sa Pilipinas sa sobrang pag-alala sa ama. Hapon na nang magising siya. She took a bath and nagbihis. She is going back to the hospital. Siya naman ang magbabantay sa ama.

“Ok ka na ba? Kaya mo na magpuyat mamaya?” Nag-aalalang tanong ng kanyang Yaya Marta pagkatapos niyang kumain.

“Opo, Yaya.” Nakangiting tugon niya sa yaya.

“Oh siya at hinanda ko na ang dadalhin mo. Pero kumain ka muna at inihanda ko ang mga paborito mo.”

Nagpasalamat siya sa yaya at dumulog na sa mesa. Natuwa siya nang makitang puro paborito niya ang inihanda ng yaya.

In order not to catch attention, she simply wore a pair of tight-fitting jeans and a loose shirt. Pero kahit ganyan kasimple ang suot niya ay hindi kayang itago ng kanyang kasuotan ang kanyang kaseksihan at kung sino siya. Pagdating sa lobby ng hospital ay naglilingunan ang bawat makakasalubong niya. She walked fast papuntang ICU.

“Si Zyon ba yun?” Tanong ng isang lalaking nurse sa kasama.

“Hindi ko nakita masyado eh. Naka-mask din kasi.”

“Tanungin natin si Claire. Nasa ICU ang duty niya ngayon. Alam ko kasi naka-confine si Congressman Mercado sa ICU. Ama niya yun di ba?”

“Ay oo nga. Sige itext mo daw.”

Pagkabasa ni Claire sa text message ng kasama ay nanlaki ang kanyang mga mata. Nasa harapan niya ang babaeng pinag-uusapan nila sa text.

“Hi Zyon!” Kilig na pagbati ni Claire. Fan siya ng modelo.

Lingid sa kaalaman ni Zyon, si Claire ay kinakapatid ni Cooper. Inaanak ang babae ng ina nito.

Kumaway lang si Zyon to acknowledge Claire’s greetings.

“Can I take picture with you?” nahihiyang tanong ng dalaga.

Napilitang pumayag si Zyon. Tinanggal niya ang kanyang mask at nagpa-picture kasama ang babaeng nurse. Ang hindi niya alam ay sinend ng nurse ang picture nila kay Cooper.

“Look who’s here!” Pagkakita ni Cooper sa sinend na picture ng kinakapatid ay nagulat siya. Pakiramdam niya lumundag ang puso niya sa saya. Pero nang makita ang lungkot sa mga mata ng modelo ay parang tinusok ng libo-libong karayon ang kanyang puso.

“Zyon….”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status