Share

CHAPTER 8

Miyerkules. Cooper was waiting for Jason in the bench. He was making sketches on his pad when he noticed the girls on the other bench. They were whispering with each other while looking somewhere. Sinundan ng tanaw niya ang tinitingnan ng mga ito. And he was literally dumbfounded nang makita ang babae na naglalakad papuntang entrance ng department nila. She was holding a piece of paper while seriously walking. Lahat ng nadadaanan nito ay sinusundan ito ng tingin, mapa-lalaki man o babae. Ang mga lalaki ay puno ng paghanga samantalang ang mga babae ay inggit ang mababanaag sa mga mata ng mga ito.

“She must be a transferee. She’s really pretty huh.” Puna ng isang babaeng estudyane. Sumang-ayon naman ang katabi nito.

“Business Ad din yata.”

Si Cooper naman ay parang ipinako sa kinauupuan. He rubbed his eyes.

“Am I seeing things?”

“You are not. Whew! Pare, ang ganda ng transferee! She is like a goddess, bro. Parang gusto ko na tuloy araw-araw pumasok.” Nakatawang pahayag ng binata.

Ngunit nagulat ito at tahimik lang si Cooper. Kung hindi pa pumalakpak si Jason sa harap ng mukha niya ay hindi siya nakakilos.

“Pare, siya yung babaeng sinasabi ko sayo.” Mahinang sambit niya.

“What? Yung babaeng kamo in-love ka?”

Mahinang tango lang ang sagot ni Cooper.

“Wow naman, Cooper! Napaka-swerte mo naman. Paano?” At kinuwento niya ang pagpunta niya sa music lounge last Friday. Napapalatak ang kaibigan.

“You selfish bastard! You made your moves without telling me?” At tumawa nang malakas si Jason.

Pero naputol ang kanilang usapan nang makita ang grupo ni Terrence na palapit sa dalaga. Sikat ito sa school dahil ball captain ito ng basketball team nila. Halatang gustong magpa-impress ng lalaki kay Zyon. Tumayo siya at balak sana niyang lapitan ang dalaga pero bigla siyang hinawakan ni Mandy. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito.

“Hey, Fiance. Let’s get to know each other more. Why don’t you treat me for lunch?”

“Mandy, please may lakad kami ni Jason and stop loitering around me.”

“Im not! Come on now.” At hinila siya nito papuntang canteen. Wala na siyang nagawa. Binaklas niya ang kamay na hawak nito at naglakad papuntang canteen pero ang kanyang mga mata ay nakatingin sa entrance ng department nila. Nakita niya ng samahan ni Terrence si Zyon papuntang dean’s office.

Habang kumakain sila daldal ng daldal si Mandy. She is telling Cooper what she likes and dislikes as if he cares. Ang paningin naman ng binata ay nakasentro sa pagkain lamang pero ang isip niya ay kay Zyon. Masaya siya at last abot kamay na niya ang babae dahil iisang school na sila at same course pa. Ngunit hindi siya natutuwa sa kaalamang maraming lalaki ang interesado dito. Mahihirapan ata siya. Napabuntung-hininga siya sabay tingin kay Mandy.

Masaya ang babae na kasama siya. She was so proud that she wants everybody to know that he is with her. Si Cooper naman ay naiirita sa babae. Kaya minadali na niya itong matapos sa pagkain. He took his phone and texted Jason.

While waiting for Mandy to finish eating, he saw Zyon entered the canteen. Nawala ang bigat sa kanyang dibdib nang makitang mag-isa na lang ito at hindi na nakabuntot si Terrence. Lahat ng mga tao sa canteen ay nakatingin dito. She walks like a model with those long legs. She was wearing a mini-skirt na umabot hanggang kalahati ng hita nito at mini blouse na umabot sa waistline ng kanyang mini skirt. Kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito, flat stomach, at ang pinaka-asset nito, ang mapuputi at mahahabang legs.

“Don’t you dare lay your eyes on her!” Babala nang naiiritang si Mandy dahil kitang-kita nito ang paghanga sa mga mata niya. Dali-dali itong tumayo at inaya na siyang lumabas. Hinatid niya ang babae sa practice room nito. Cheerleader si Mandy ng peep squad ng school.

Dali-dali siyang umalis at hinanap ang babae ngunit hindi na niya ito nakita. Pumunta siya sa dean’s office, kumatok at pumasok. Ngumiti sa kanya ang dean, who happens to be her Tita Jane, kapatid ng kanyang ama.

“What brings you here, hmmmm?”

“Tita, you know that girl na transferee?”

“Ah, si Zyon?” Pilya ang mga ngiti ng tiyahin. “What about her?”

“Ahhhmmm, kasi nakita ko kanina at…..”

“Tumigil ka, Cooper. Utang na loob, huwag siya. Alam mo namang engaged ka na. Kung may balak ka kay Zyon, itigil mo yan. Anak siya ng bestfriend ko at ayaw kong paglaruan mo siya. She suffered a lot when she was young. Her mom died when she was 10 so it was not easy for her.” Seryosong tugon ng tiyahin.

“Tita, would you believe me if I tell you that I am in love with her?” Seryoso ding sagot niya.

Napatigil ang tiyahin sa balak sanang panenermon sa pamangkin. Nakita nitong seryoso ang binata. Ikinuwento ni Cooper ang pangayayari.

“I am happy na finally natuto kang magmahal, Cooper. Pero sana huwag si Zyon kasi kawawa ang batang iyan pag nagkataon na matuloy ang kasal mo kay Mandy. She may look tough but she is fragile inside. Baka magalit sa akin ang mommy niya at bumangon sa libingan kapag nalaman niyang sinaktan ng pamangkin ko ang anak niya.”

He sat quietly for a moment. Malungkot na inisip ang sinabi ng tiyahin. He won’t hurt Zyon of course but he is engaged. What can he do? It seems he will face a big family battle if he will try to pursue her.

Malungkot na nagpaalam siya sa tiyahin. Hindi niya alam ang gagawin. Zyon is near but yet so far. Pero kahit papano masaya siya sa mga nakuhang impormasyon sa Tita niya. 3rd Year ang babae sa kursong Business Administration, nag-iisang anak ng mayor ng Makati, top student sa pinanggalingang school at higit sa lahat, mabait at malambing.

So, mula noon, araw-araw na niyang inaabangan ang pagpasok ng dalaga. But he kept his distance. Gustong-gusto niyang lapitan ito but he remembered what her aunt said. So ang kaya lang niyang gawin ang palihim na sundan ang mga ginagawa nito at alamin ang kung sino-sinong umaaligid dito. Malungkot at mabigat ang dibdib na naglakad siya papuntang classroom nila. Nalaman niya na halos lahat ng mga lalaking capable sa campus nila ay umaaligid dito. Pinakapursigido si Terrence.

“Pare, why the long face?” Masayang bati ni Jason.

Hindi siya sumagot at patuloy lang na naglakad. Nagulat siya ng makitang makakasalubong nila ang babae.

“Hi, Zyon!” nakangiting pagbati ni Jason.

Tumingin lang ang babae sa kaibigan at patuloy na naglakad. Natulala siya nang tapunan siya nito ng tingin. Ganun ba talaga ang epekto ng babae sa kanya? Hindi man lang ngumiti ito at diretsong naglakad. Haaay! He is hopelessly in love with her!

“Pare, suplada daw yan. Ni minsan hindi ko nakitang ngumiti kaya yung gustong umaligid diyan ay nagdadalawang-isip. Pero, Coop, kapag siya maging girlfriend ko, iwan ko na ang bisyo ko. Hindi na ako iinom at mas lalong hindi na ako titingin sa ibang babae. Maiingggit sa akin ang lahat. Hahaha! She is a perfect girlfriend. Wala na akong hahanapin pa.” Parang nangangarap na sabi ni Jason.

Nakalimutan yata nito na in-love siya sa babae. Siniko niya it.

“She is mine, bro. Get lost!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status