Share

Kabanata 5

Para s'yang batang hinihila ni Allison.

"A-ano ba! Where the hell are we going?" inis na tanong ni Laurise.

Huminto si Allison sa baba ng tree house na itinayo nila noong mga batang paslit pa lamang sila.

"Bakit ba?" anas n'ya at 'di makatingin ng diretso sa kaharap.

"Happy birthday!" bati nito.

Hindi man tingnan ni Laurise ang binata ay mukhang masayang itong binati s'ya.

"It's just that? I'm going back-" 

Napatigil s'ya nang muling hawakan ni Allison ang braso n'ya. Tiningnan n'ya ito dahilan para magsalubong ang mga mata nila na minsan lang nangyayari dahil sa pag-iwas n'ya palagi sa binata.

"I-i have a gift for you," naaalarmang sambit ni Allison.

Nakaramdam ng kakaibang kaba amg binata ng mga oras na 'yon.

Inabot ni Allison ang isang rectangle red box kay Laurise.

"Para saan 'to?" punong pagtataka na tanong at tingin ng dalagita.

"Birthday gift, My little Laurise!"Nakangiting tugon ni Laurise.

"Let me open it."

Kinuha ng binata ang maliit na kahon at binuksan.

Nangingislap ang isang heart pendant gold necklace nang itaas ni Allison.

This is the second of the most beautiful she had seen in this world, the first is the one who holds it.

Napatingin ang binata kay Laurise.

"Isn't beautiful?" alangang tanong ni Allison dahil hindi n'ya mahulaan ang reaksyon nito.

Nangilid ang mga luha ng dalagita dahil sa sobrang saya.

"It was beautiful!" masayang bulalas ni Laurise.

Isinuot ni Allison sa kanya ang kwintas at nang makaharap ay inayos naman nito ang ilang hibla ng kanyang buhok.

"Thank you, but isn't too special?" tanong n'ya at tumingin dito.

"What do you mean?" nagmamaang-maangan na balik tanong ng binata.

"I mean, we're not friends!" seryosong tugon n'ya habang nakatingin sa mga mata nito.

Ibinaling ni Allison ang tingin sa kalmadong dagat, nakasilip doon ang maliwanag na buwan, mahinang paghampas lamang ng alon ang maririnig at ang malamig na simoy na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat.

"Allison," tawag ni Laurise.

"Lagi naman akong may birthday gift sa'yo a," pinakaswal ni Allison ang pagsagot ngunit kahit s'ya ay 'di malaman ang itutugon dito.

Napatango ang dalagita pero 'di kumbunsido sa narinig.

"Sa tingin ko masyadong espesyal ito at 'di ko matatanggap," mapait na sabi ni Laurise.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Allison kasabay ng pagharap sa kanya.

"It won't be a big deal kung chocolates katulad ng dati mong gift ang natanggap ko mula sa'yo at 'di ito," malungkot n'yang dugtong at inalis ang kwintas.

"What the?" ins na tanong nito.

Inabot ni Laurise ang kwintas.

"It's for you, bakit mo binabalik?"

Nagtiim ang bagang ng binata saglit dahil sa galit.

"Bakit kwintas?" tanong muli ng dalaga.

"Cause you're special," seryosong tugon ni Allison at tinitigan si Laurise.

"Alli-"

Gustong n'yang maluha sa narinig mula sa binata. Hindi s'ya makapaniwalang espesyal s'ya dito.

"Y-you're my little sister," agap ni Allison.

Parang tinamaan ng toneladang bato si Laurise.

Hindi inaasahan ng dalagita ang isinagot nito o mas tamang sabihin na hindi n'ya gusto at matanggap ang narinig sa lalakeng lihim n'yang pinapangarap.

Marahas ang ginawang paghinga ng binata dahil sa pinipigilang nararamdaman. Lalo na nang makita ang pagkadismaya ng dalagita sa huling tinuran n'ya.

"That's why I call you, My Little Laurise Ann," labas sa ilong na dugtong ni Allison.

Tumingin si Laurise sa mga mata nito at kinuha ang kamay ng binata.

"You're not my brother, isa lang ang kuya ko at si Lawrence 'yon. Hindi ko tatanggapin ang kwintas na ito dahil wala naman dahilan," punong-puno ng kapaitang pahayag n'ya.

Nasundan na lamang ni Allison ng tingin ang dalagitang naglalakad palayo.

How he wished na sana masabi n'ya kay Laurise ang totoong dahilan sa pagbibigay n'ya ng kwintas. In fact, unang beses n'ya magbigay ng regalo sa isang babae kahit 'di na mabilang ang girlfriends ang meron s'ya.

But it would be unfair! She was just sixteen, napakabata pa n'ya.

"I don't deserved her, she was so fresh, young and innocent!" sigaw ng isip ng binata.

Pinilit kalimutan ni Laurise ang nangyari.

Allison could pick the most loveliest and sexy woman sa reputasyon na meron s'ya so how come na naisip n'yang may mas lalim pa na naramramdaman ito para sa batang katulad n'ya.

"Laurise!" Salubong ni Lawrence nang makalabas ng gate ng school.

Pinagmasdan n'ya ang kapatid, tensyonado ito at tila balisa.

Sinulyapan ni Laurise ang katabing si Allison.

"Kuya, what's wrong?" takang tanong n'ya.

Hinawakan ni Lawrence ang magkabilang kamay ng bunso bago itinuon ang mga mata sa mukha nito.

"Laurise, wala na si dad!" naiiyak na tugon ng binata.

Tigalgal ang dalaga sa narinig mula sa nakatatandang kapatid.

Naramdaman n'ya agad ang pagtulo ng mga luha.

Niyakap ni Lawrence si Laurise.

Napatingin si Allison sa dalagita na walang patid ang paglandas ng mga luha.

Gusto n'ya itong yakapin para kahit papaano ay mapagaan man lang n'ya ang nararamdaman nito pero alam n'yang hangal s'ya pag ginawa iyon.

Ilang linggong iniwasan ng binata na pumunta sa resort at puntahan ang kaibigan sa bahay nito para tuluyang makaiwas kay Laurise. Umaasa s'yang sa oras na hindi ito makita ay mawawala ang namumuong atraksyon sa dalagita.

Atraksyon na papunta na sa pag-ibig na ikinatatakot n'ya.

Naging mabilis ang pangyayari para kay Laurise.

Kasalukuyan s'ya ngayong nakaharap sa puntod ng yumaong ama na kahahatid lamang nila sa huling hantungan.

"Inatake ang daddy mo sa puso mo," malungkot na sambit ni Maricel habang magkahawak ang kamay nila.

"He's at peace now," tugon ni Lawrence habang nakatingala sa langit.

"Let's go home," yaya ng ginang.

"Ma, can I stay here for a minute?" tanong n'ya.

Naunang umuwi si Maricel, Lawrence at ilang nakipaglibing gano'n din ang mga kaklase n'ya.

Hindi umalis si Allison sa tabi ng kaibigang si Lawrence. Simula nang mailagak ang katawan ni Gordon sa isang chapel ay kasama na nila itong nagdalamhati.

"Ayos ka lang?"

Napatingin si Laurise sa katabi.

"That's a stupid question," hilaw na ngumiti si Allison.

"You can get through of this. I believe in you, Laurise!" dugtong nito.

Tinapunan n'ya ng tingin ang binata.

"How can I?" at 'di napigilan ang mga luha.

Hindi na napigilan ni Allison ang sarili na yakapin ng mahigpit si Laurise.

Ilang beses n'ya kinontrol ang sarili na hindi lumapit at iparamdam dito na bukod sa kaibigang si Lawrence ay si Laurise rin ang dahilan ng 'di n'ya pag-alis.

Sobrang bigat ng puso ng binata, dito man lang ay maipakita n'ya na nandito s'ya para sa kanyang little Laurise.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status