Share

Kabanata 4

"16 years old na ako at senior highschool na," sagot ng dalagita habang pinipilit maging kalmado.

"Fine, now tell me where is he?" tinatamad na balik tanong ng binata.

"Hindi ko alam!" natatarantang tugon ni Laurise at mabilis na umakyat sa kwarto.

"Sungit mo talaga!" natatawang habol ni Allison.

Mabilis na sinarado ni Laurise ang pinto at sumandal doon. Hinabol n'ya ang hininga.

Naramdaman ng dalagita ang pag-init ng magkabilang pisngi. Masyadong malakas ang epekto ni Allison sa kanya. 

Bakit hindi naman?

Si Allison Bien Villacorta ang pinakagwapong lalake sa lugar nila.

He got the perfect looks at laging nangunguna sa pwesto ang pangalan nito sa tuwing may mga pagsusulit.

Total package! Pero alam n'yang walang patutunguhan ang nararamdaman n'ya para dito. Nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya at 'di na'yon hihigit pa.

"Ready ka na?" tanong ni Yohan habang sabay na naglalakad palabas ng locker room.

"Oo," maikling sagot ni Laurise.

Ilang buwan din nag-ensayo ang dalagita para sa araw na ito. Isa s'ya sa lalaban para sa Seniors Archery team sa kasalukuyang School Sports Event.

Napatigil si Allison nang makitamg papalapit ang team ng Seniors sa open ground. Natuon ang mata ng binta kay Laurise. Kaswal na naglalakad ito suot ang simpleng baby blue shirt at sweat pants na uniporme ng mga manlalaro.

Doon lamang n'ya natitigan ang nakababatang kapatid ng kaibigan. Matangkad si Laurise kaysa sa mga kasing-edad nito sa tingin n'ya ay 'pag tumabi ito sa kanya ay hanggang balikat n'ya ito, balingkinitan ang katawan, singkit ang mga matang tila kagigising lamang at ang mapupula nitong labi.

"Allison, are you okay?" tanong ni Xyrile Garcia who is he currently dating ngayon fourth year college na s'ya.

"Y-yeah, I'm good!" balik-wisyo ni Allison.

Ilang minuto lamang ay natapos na ang mahabang introduction at nagsimula na ang kompetisyon.

"Laurise!" tawag mula sa likod ng dalagita.

Lumingon si Laurise at napangiti kung sino ang mga nasa likod at nakaupo sa bleachers.

"Akala ko ba 'di kayo manonood?" natatawang tanong n'ya kay Devie, Jess at Myca.

"Magagawa ba namin sa'yo 'yon?" sambit ni Jess.

"Salamat," maikling tugon ni Laurise sa mga kaibigan.

"Break a leg!" habol ng mga ito.

Bago pa s'ya tuluyang humarap ay nahagip ng mga mata n'ya si Allison na kasalukuyang din nakaupo sa mataas na bahagi ng bleachers katabi sa kanan si Lawrence at sa kabila naman ay isang mestisang babae.

"So what? Hell I care!" pasimple n'yang bulong n'ya sa sarili.

Napaismid ang dalagita at itinuon ang mata sa mga naglalaro sa harapan.

Iisipin n'ya na lamang mamaya na si Allison at 'yong babae na katabi n'ya ang patatamaan n'ya para makakuha ng perfect 10 points.

"Si Laurise na!" excited na bulalas ni Lawrence at bahagyang binangga ang braso ng katabing si Allison.

"Why are we here? Can we just leave now?" maarteng tanong ni Xyrile.

Hindi na pinansin ni Allison ang katabi.

Inilagay ni Laurise ang arrow sa archery recurved bow at itinaas. Nagsimula ng itutok sa center ring para agad makakuha ng 10 points.

Pigil ang paghinga ni Allison habang pinanonood ang dalagita.

Mas kinakabahan pa s'ya sa katabing si Lawrence. Lalo lang humanga ang binata nang muling matitigan si Laurise. Cool na cool ito at hindi mababakas ang tensyon sa mukha at kilos.

Precise, prim and proper young lady.

Nagsigawan ang lahat matapos mabitawan ni Laurise ang arrow.

"10 points!" masayang sigaw at tumayo pa si Lawrence sa kinauupuan.

Tumayo at pumalakpak naman si Allison at pinanood si Laurise na nakikipag-apir sa mga kaklase habang matamis na nakangiti.

Para na naman s'yang na engkanto sa napakagandang ngiti ni Laurise.

Ngiting minsan lamang n'ya makita sa manipis na labi ng dalagita. Madalas kasi na blanko ang ekspresyon nito sa tuwing nakikita n'ya sa bahay nila o dito man sa campus.

"Congrat's!" Lapit ni Lawrence sa kapatid nang matapos ang laro kasalukuyan pa rin silang nasa open ground at nakikisalamuha sa iba't-ibang players.

"Salamat, kuya!" tugon ni Laurise at sinulyapan si Allison na katabi nito at seryosong nakatingin lamang sa kanya.

"C-congrat's Little Laurise Ann," pormal na bati nito.

Hindi mabasa ng dalagita ang eksprsyon sa mukha nito kung masaya ba o hindi na nanalo s'ya.

"Alli!"

Lumapit si Xyrile sa pwesto nila

Agad na umikot ang mga mata ni Laurise dahil sa napakalapit na presensya ng masamang espiritu.

Umankla agad ito sa braso ni Allison at ngumiti na tila ng iinggit at ng aasar.

"Nice game, Laurise. Kahit bata ka pa lang ay talagang magaling ka na sa Archery," may pahaging na saad nito at halatang binigyang diin ang salitang 'bata'.

"Tara na, Laurise!" yaya ni Yohan nang lumapit sa kanya at inabot ang isang bote ng tubig.

Kinuha ni Laurise iyon at tumingin muli kay Lawrence.

"Mauna na kami, Kuya!" sabi n'ya sa kapatid at agad na tumalikod.

Nakaramdam ng kakaibang inis at inggit si Allison sa kasamang lalale ni Laurise habang tinatanaw na lamang ito palayo.

Naglalakad si Laurise papasok ng bahay at nang buksan ang pinto ay napayuko ang dalagita nang makadinig ng malakas na tunog.

"Suprise!" sabay-sabay na salubong ng mga tao sa loob ng bahay habang hawak ang party poppers.

Napaangat s'ya ng tingin. Nakita n'ya ang inang si Maricel, Lawrence, Jess, Myca, Devie ang ilan pa n'yang kaklase at si Allison

"Happy 17th birthday iha at congrat's sa pagkapanalo mo kanina."

Niyakap ni Maricel ang bunso.

"Thank you,  ginulat n'yo ko a!" biro ni Laurise.

Doon n'ya lamang napansin na nakaayos ang loob ng tahanan. May mga iba't-ibang kulay ng lobo at punong-puno ng mga putahe ang ibabaw ng lamesa.

Habang nagkakasayahan sa loob ay napagpasyahan ni Laurise na lumabas na muna para tawagan ang ama na si Gordon na nagtatrabaho sa Australia bilang isang Engineer.

Nakaharap s'ya sa dagat habang kinakalikot ang cellphone nang biglang may humablot sa braso n'ya.

"A-allison!" gulantang ni Laurise at kung may anong sumirit na kuryente sa bawat parte ng katawan ng dalagita.

Ngumiti ang binata.

Doon lamang s'ya natauhan at agad na pumiglas sa pagkakahawak nito.

" Calm down," natatawang sabi ni Allison at binitawan ang braso n'ya.

"B-bakit ba ng gugulat?" nagkakandautal n'yang tanong.

Marahang hinila ng binata sa braso si Laurise.

"Shh.. come here," mahinang sabi nito at nagsimulang maglakad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status