In the novel "I Am in Love to a Womanizer," 30-year-old emerging writer Liezel-Anne Narisma finds herself entangled in a complex web of past love and unforeseen connections. Liezel was given a break when a big entertainment company offered her to make her novel into a TV series. Liezel's professional journey collides with her personal history when her ex-boyfriend Benedict Sarmiento, part owner of the agency that caters to the production's props and set. Benedict, a dedicated man with a clandestine past, discovers that the show's TV series eerily mirrors his own life. As it slowly unfolds, old wounds resurface, and Liezel becomes an unexpected anchor for Benedict's ex, Kathy Jones, a married woman with whom he had a relationship and the reason for his and Liezel's falling out as lovers. Amidst the complexities, a surprising revelation forces Benedict and Liezel to confront their shared history, paving the way for an uncertain future.
view moreTaong 2006. Labing isang taong gulang na ako nuon. Umuwi na ng Pilipinas si nanay at nagtayo ng munting negosyo. Graduate na si ate Pam at si ate Cath. Nagtatrabaho si ate Pam sa Munisipyo at si ate Kath ay naging guro sa isang elementary school. Si ate Ger ay walang hilig mag aral bagkus nagtayo ng talyer at nag negosyo. Graduation ko nuon sa elementarya at sobrang saya ko sapagka’t andun sila lahat pati si ate Kath. Nagniningning mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila ng ma receive ko diploma ko. Sa loob loob ko, ilang taon nalang, yayayain kong pakasal sa akin si Ate Kath.Nasa restaurant kami ng tanghaliang iyun. Munting salu salo sa pag diwang ng aking pagtatapos sa elementarya.“Bunso! Anong plano mo ten years from now?” Tanong ni ate Ger.“Pakasalan si ate Kath.” Wala akong atubiling sinagot iyun. Natahimik lahat sa aking sagot at si ate Kath, bahagyang namutla.“Uyy, nagbibinata na aming bunso. Me crush ka pala ke ate Kath mo, haha!” Medyo nininerbyos si ate Pam na biniro
Sino ba si Katherine Cabrera-Jones? Gaano ba sya ka espesyal sa akin? Tanda ko pa taong 1996 nuong si nanay ay pumunta sa Hongkong para maging domestic helper. Maaga kaming naulila sa ama, nasa dalawang taon lamang ako. Madami kaming pinagdaanan na hirap na mag anak at makailang beses na din kaming iniwan ni nanay para lamang mabuhay kami. Hindi na siya matanggap sa Japan sapagka’t overage na daw siya. Tanda ko pa iyak ng iyak ako nuon. Limang taon pa lamang ako. Walang magawa si ate Pam kundi ang amu in ako habang pinupunasan niya ng malamig na tubig na may alcohol si ate Ger. Nilalagnat na naman si ate Ger. Labing dalawang taon na si ate Ger at si ate Pam ay labing anim. Kami lang tatlo sa bahay. Dalawang taon na si nanay si Hongkong at umuuwi siya tuwing pasko lamang at isang linggo lamang mamalagi sa amin. Nakatira kaming magkakapatid sa Mahogany Street sa Pasig. Simula ng umalis si nanay ay naging ina at ama namin si ate Pam. Karamay namin ang mga kapitbahay namin na tumutulong
Mag aalas tres na ng madaling araw ay dilat pa rin mga mata ni LA. Nasa labas pa rin si Ben at nakatingin lang sa kanya. Naka dalawang bote ng siya ng 500 ml na beer ay hindi din siya dinalaw ng antok. Nauna nang natulog kuya niya kaya’t bukod sa mga guwardiya sa labas ng set ay dalawa na lamang sila ni LA ang gising. Call time nila ay alas tres pa ng hapon kaya’t okay lang na hindi muna siya matulog. Ngunit si LA, alam niya ay maaga ang call time nito para sa second shoot ng umagang iyun. Tavares at Bread ang pinapatugtog niya at minsan ay napapakunot ang nuo nito. Minsan ay tumatawa at kung minsan ay malungkot. Iba iba ang expression ng mukha niya habang nag ta type. Sa tagal nilang magkasintahan ay ngayon lamang niya ito nakita ng ganitong expression ng dalaga. Nuon pa man ay iniisip ni Ben ano ang tumatakbo sa isip ng nobya. Alam niyang nuon pa ay nagsusulat na ito ngunit ni sa hinagap ay hindi niya akalaing may mapapansin sa kanyang mga sinulat - at kuwento pa man din nila. Hindi
Naging regular niya na pasahero si LA hanggang sa ligawan niya ito. Limang buwan ang hinintay ni Ben bago siya sinagot nito. Nagka covid-19 at madaming naghirap. Hirap sa pinansyal at takot lahat sa sakit. Si LA ay nag work from home at si Ben ay tuloy sa raket. Kalagitnaan ng taong 2020 ay nagbukas ang isang entertainment network ng talkshow at napasali sina Ben sa nabigyan ng trabaho. Kung minsan ay walang raket ngunit nakakaraos ang kanilang pamilya. Madalas nagtutulungan silang dalawa hanggang sa unti unting naging maayos ang lahat at si Ben at ang kuya niya ay nakabalik na sa dati nilang trabaho at mas napaayos pa sapagka’t nagkaroon sila ng pang matagalang gigs sa mga tv shows.Si Ben ay mahilig lumandi sa ibang babae. Madalas nagkakaroon ito ng sexual encounters with other women at alam iyun ni LA."Tatlo lang rules ko, mahal. Una, iwasan mong magkasakit. Pangalawa, iwasan mong ma inlove. At ang pangatlo, huwag si Merlinda". Ganuon ka simple ang hiling ni LA ngunit alam ni Ben
Pangalawang gabi ni LA sa studio at parang gusto na niyang mag give up. Hindi niya akalain na mas pressured pa siya dito kumpara nuong gumagawa pa lamang siya ng nobela. Of course, ginawang TV series, eh. Nakatingin siya sa kanyang maliit na salamin sa harap habang nagta type. “Hindi ba, LA ito ng pangarap mo? Ba’t ka now nag iinarte? Isa pa, naka sign ka na ng contract. Pede kang mademanda sa kaartehan mo. Tapos wala kana work na mababalikan pa. So, wala ka choice kungdi sundin ang pressure. Haaay makakalbo ako nito. Parang si Ben, malapit na din makalbo yun. Wala na ngang bangs pero napakababaero pa rin. Para na ngang paliparan ang noo, eh. Haaysss tama na, LA. Ben ka ng Ben as if naman me pakialam pa yung tao sayo. Di ka na mahal nun, okay? Pumangit ka kasi tas tumaba tapos pumangit pa ugali mo. Tsk!" Sabi nito sa sarili. "Buti nga at pumayat ako. Pinapayat ng tadhana.” Sambit uli nito sa sarli. Napatingala si LA habang nakasandal sa monoblock chair na provided ng studio sa kanya
Dating Supervisor sa isang Mall at nobya ni Ben si Merlinda Sta. Maria o Merlie. Dati itong may kinakasama at may isa itong anak na lalake sa Cavite ng umusbong ang pag iibigan nila ni Ben. Supervisor siya sa housekeeping nuon at si Ben ay isa sa kanyang mga tauhan. Nakagawian na niyang tikman o makipagtalik sa kanyang mga lalakeng tauhan ngunit iba si Ben. Nang maging sila ni Ben ay hindi na ito masyadong umuuwi sa kanyang tahanan at laging may dahilan. Ilang beses itong nagbuntis kay Ben ngunit lgng nakukunan sapagka’t may tumor ito sa matres. Kalaunan ng iwan nito ang pamilya para sumama sa isang marino ay iniwan din nya si Ben. Sumama siya kay Greg Del Espiritu upang manirahan sa Cabanatuan. Kahit pa magkalayo sila ay panay ang komunikasyon nila at pag nagkikita sila sa Maynila ay may nangyayari sa kanilang seksuwal. Paminsan ay si Ben ang pumupunta sa Cabanatuan kasama si Rachel Estupido ang isa nilang bestfriend na nagtatrabaho din sa Mall. Hindi ito sikreto Rachel at tulad ni Be
Isang content writer si LA sa Ortigas. 30 years old, tubong Pasig din at kasama niya sa bahay ang mommy niya, ang kapatid na babae at ang pinsan niyang babae. Simula ng nawala sa sakit na cancer ang ama nila sampung taon na ang nakaraan ay tulong tulong silang mag ina para ipagpatuloy ang buhay. Wala siyang panahon sa pag ibig pagka’t focus siya sa buhay niya at sa kanyang pamilya. Nuong dumating si Ben sa buhay niya, lahat ay nabago. Nagkaroon siya ng inspirasyon at lalong bumuti ang takbo ng buhay niya. Sabi nga niya, lucky charm niya si Ben. Magka edad sila at si Ben ang unang nakarelasyon ni LA. Masasabing medyo may pagka boring ang buhay ng dalaga at ang binata lamang ang nagbigay ng kulay ng kaniyang mundo. Sa 3 and a half years nilang magkasintahan, hindi ito masasabing perpekto sapagka’t may mga panahong hindi siya binibigyan ng panahon ni Ben. Iniisip niyang siguro naniniguro lamang ang isa sapagka’t umiiwas siyang magkasakit ng covid kaya puro sila video call na lamang o di
Paano nga ba nagsimula? Paano ba sisimulan ang kuwento nila? Taong 2019 nang makilala ni Benedict si LA. Alas nuwebe ng umaga ng Miyerkules. Buwan ng Mayo kaya’t kahit umaga palang ay mataas na ang sikat ng araw. Nasa pilahan ng motor si Ben, nagbabakasaling may mag book sa kanya . Alas singko pa lang ay anduon na siya ngunit sadyang matumal. Tatlo pa lamang ang kanyang nasasakay. Nagpa part time rider ito pag walang projects. May asawa na ate Pam niya at si ate Ger niya ay may partner na babae na may anak. Freelance setman pa lamang si Ben nuon kasama kuya Rick niya na dating kababata at asawa na ng kanyang ate Pam. Hindi sapat kung minsan kinikita ng kuya niya at may dalawa na silang mga anak na babae sina Marjorie at Marigold. “Ben, suportahan mo si Stefanie. Ano ka ba?” tumawag bigla si Rachel kay Ben habang naghihintay ito pasahero. “Rachel walang wala talaga ako these days, eh. Sobrang tumal. Walang kumukuha sa amin na network. Bukod sa pagfi freelance rider tumatanggap na nga
Excited na lumabas ng kuwarto niya si LA. Nakalimutan niya ang oras sapagka’t biglang naging abala na siya sa pagsusulat ng script. Pati hapunan ay nakaligtaan na niya. Naalala niya nuong sila pa ni Ben ang hilig niyang kumain nuon kaya’t ang taba niya. Iyun ata ang isa sa dahilan kung bakit siya iniwan. Sumagi na naman sa isip niya si Ben. “Kailan ba ako makaka move on?” Tanong nito sa sarili. Dali dali siyang lumabas ng kuwarto. “Saan ang shoot?” Tanong nito sa isa sa mga tao sa set. ‘Straight lang po tapos kaliwa.” Turo sa kanya ng isang lalakeng may dalang martilyo. “Salamat po.” Bitbit nita ang kanyang thermos at napatakbo na siya. Pagka liko niya pakanan ay nagsimula na ang shoot. Nagulat siya sa set up ng lugar at biglang may lungkot na sumalubong sa kanya. Ang lugar na pag iinuman ng kanyang karakter na sina Benedict, Kuya Rick at Jeck ay napakapamilyar sa kanya. Gabi ang setting. Kuhang kuha nila ang lugar pati, ang ambiance at pati ang bahay. Ang mesa na laging binababa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.