“I Become A Concubine” follows the story of two sisters, Ramielle and Roxanne, who love to read historical novels. One day, when they finished a particular book about an empress who met an unfortunate fate, they started thinking of the possibilities that could happen if they were inside the book. Suddenly, they heard a voice asking if they wanted to give it a try; to live inside the book. Before they could even answer, Ramielle’s surroundings turned black as she realized that she was falling into the void. Ramielle woke up, confused, in a room strange to her. She then realized that she was actually inside the book. What surprised her more is that she is Shen Sheng Ling, the antagonist of the novel and the favorite woman of the emperor who caused the unfortunate fate of the empress in the story. Meanwhile, her sister, Roxanne, became Baturu Ilha, the confidant of the empress. Now that they are inside the story, they will try everything to change the outcome of the story and save the empress from her unfortunate fate.
View MoreEPILOGUE[This is only a work of fiction.]"Emperor Ju-Long or Ju-Long Huang Di was the sixth emperor of Qing dynasty. Born Hongchi, he ruled China after the death of his father, the former emperor. He was the third son of Empress Dowager Lanxiaoyi, the empress of the former emperor."Sinulat ko ang buod ng tinuturo ko sa board upang may sundan ang mga estudyante ko."Some historians say that he only ruled for 9 years. Some say that he ruled for 10 years. Even his age when he died is unknown to them. They don't also know what is the cause of his death.""Ma'am," pagtataas ng kamay ng isa kong estudyante. Tumango ako upang sabihin na pwede niya nang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. "Some historians said that he was poisoned by one of his concubines.""Yes. Because, when they checked his preserved body again, they found some signs of poisons," tugon ko. "What's your name?""My name is Wang Sile, Ma'am," sagot ng lalaki kong estudyante."It seems like you studied in advance, Wang
CHAPTER 50THIRD PERSONIlang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at
CHAPTER 49ZHEN GUI FEI"Niangniang, nandito po si Baturu Chang Zai," wika ni Ying Gugu.Napabuntong-hininga ako. "Papasukin mo siya.""Niangniang," bati sa'kin ni Baturu Chang Zai pagkapasok at sandaling tumungo. Binigyan naman siya ni Ying Gugu ng mauupuan."Gugu, maaari mo ba kaming iwan sandali?" Magalang niyang tanong dito.Tumingin naman sa'kin si Ying Gugu upang humingi ng sagot. Tumango naman ako at sumenyas na maaari niya kaming iwan. Pagkaalis niya ay sumunod ding umalis ang iba pang mga tagapaglingkod."Ano na?" Asik niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?""Sabi ko na nga ba't 'yan na naman ang dahilan kung ba't ka nandito.""Magdadalawang linggo na simula nang mamatay ang empress," wika niya. "'Di ka pa rin nakakapagdesisyon?""'Di gan'on kadali magdesisyon," tugon ko. "Lalo na't ang buhay ng emperor ang pinag-uusapan natin dito.""Mahal mo pa ba siya?""Hindi sa gan'on–""Kung gan'on ay anong pumipigil sa'yo?" Tugon niya. "Ayaw mo pa bang matapos ang kwentong 'to? 'Di ka pa ba
CHAPTER 48ZHEN GUI FEI"Niangniang," bati sa'kin ni Zhu Gonggong. "Nais po ng emperor na malaman n'yong nasa may bayan na po ang mga rebelde. Ngunit 'di n'yo raw po kailangang mag-alala dahil handa ang palasyo sa magiging pag-atake nila.""Naiintindihan ko, Zhu Gonggong. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa harem.""May isa pa po, Niangniang.""Ano 'yon?""Hangga't 'di pa raw po humuhupa ang rebelyon, 'di raw po maaaring lumabas sa palasyo niya ang empress. Kapag tapos na raw po ang laban, ipapataw na ang mga parusa."Napataas ang kilay ko. "May sakit ang empress. Kahit pilitin ko pa siya, 'di rin siya lalabas. Sabihin mo sa emperor na 'wag siyang mag-alala.""Maraming salamat, Niangniang," tugon ni Zhu Gonggong. "Mauuna na po ako."Pagkalabas ni Zhu Gonggong, lumapit sa'kin si Ying Gugu na may dalang tsaa at panghimagas. Nilapag niya ang mga dala niya sa tabi ko. Kumuha ako ng isa, ngunit imbes na kainin ay tinignan ko lang ang panghimagas na hawak ko."Ayaw n'yo po ba, Niangniang?"
CHAPTER 47ZHEN GUI FEI"Niangniang," wika ni Ying Gugu. "Handa na po ang lahat ng pinahanda n'yo."Lumapit sa'kin si Yue at binigay ang lalagyan na may lamang kandila, panindi, at papel na may nakasulat na Shen Sheng Ling. Napatingin ako sa bintana. Bilog na bilog ang buwan."Magsuot ka nito, Niangniang," muling wika ni Ying Gugu bago ako suotan ng balabal. "Para 'di ka lamigin, Niangniang.""'Di ba talaga kami maaaring sumama, Niangniang?" Tanong naman ni Yue.Ngumiti ako. "Walang mangyayari sa'kin. 'Wag kayong mag-alala.""Sinong tao ba ang pupuntahan n'yo, Niangniang?" Tanong naman ni Ying Gugu. "Matagal na 'ko rito sa palasyo. Baka kilala ko siya.""Sundin n'yo na lang ang utos ko at manatili rito sa palasyo," tugon ko. "Mahalagang bagay 'to. 'Wag n'yong subukan na sumunod."Tumungo sila. "Naiintindihan namin, Niangniang."Umalis na 'ko sa palasyo at nagtungo sa may hardin. Habang naglalakad ay sinisiguro kong walang taong sumusunod o makakakita sa'kin. Mabuti na lang at binigyan
CHAPTER 46ZHEN PIN"Wala pa rin ba?" Naiinip na tanong ni Batkhaan Chang Zai habang hinihintay namin na papasukin kami ng empress para batiin siya. Ngunit ilang minuto na, wala pa rin."Maghintay lang tayo, Meimei," wika naman ni Zhi Pin.Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi ang bumuntong-hininga."Jiejie," tawag naman sa'kin ni Wei Meimei. "May alam ka ba kung ba't 'di pa rin tayo pinapapasok ng empress?""Wala rin akong alam, Meimei."Lahat kami ay napatingin nang makitang lumabas si Lu Momo.Tumungo siya sa'min. "Paumanhin sa abala ngunit 'di n'yo na kailangan pang bumati sa empress ngayon. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo. Simula rin ngayon, kanselado na rin ang pagbati sa empress tuwing umaga. 'Di n'yo na kailangan pang pumunta. Si Zhen Pin lang din ang maaaring maiwan ngayon upang makapag-usap sila ng empress.""Maaari ba naming malaman kung bakit, Lu Shan?" Tanong ni Zhi Pin."May sakit ang empress ngayon at pinayuhan siya ng mga doktor na 'wag munang p
tw: d**th//s**cideCHAPTER 45ZHEN PIN"Niangniang!" Sigaw ni Ying Gugu. "May sunog raw po sa palasyo ni Qiu Fei!"Napatayo ako. "Kumusta si Qiu Fei at ang prinsesa?""Ligtas si Qiu Fei, Niangniang," tugon nito. "Ngunit iba na raw ang kulay ng prinsesa nang nailabas ito. Dinala raw ang prinsesa sa Yikungong para gamutin.""Pupunta tayo sa Yikungong.""Masusunod, Niangniang," parehong tugon ni Yue at Ying Gugu.Madali kaming nagtungo sa Yikungong. Ngunit nang makarating, 'di na kami hinayaan pang pumasok ng mga tagapaglingkod. Sinabihan kaming maghintay na lang sa magiging balita."Yue," pagtawag ko. "May balita ka na ba kung anong nangyari kay Qiu Gui Ren?""Magtatanong po ako ngayon kung gusto n'yo.""Magmadali ka.""Opo.""Niangniang, kumalma ka lang," wika naman ni Ying Gugu. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Magiging maayos lang ang prinsesa. Magtiwala tayo sa mga doktor. Nasa loob ang emperor, 'di nila siya bibiguin."Tumango ako. "Sana nga, Gugu.""Jiejie!" Rinig kong tawag sa'k
tw: d**ths//bl**dCHAPTER 44THIRD PERSON"Jiao Gui Ren," magmamadaling wika ni Yong Gui Ren habang palapit sa kaniya. "May kailangan kang malaman."Napatayo siya. "May nangyari ba?"Hinawakan ni Yong Gui Ren ang kamay niya. "Nakita ng isa sa mga tagapaglingkod ko kanina sa may hardin na pinagtangkaan ni Qiu Gui Ren ang buhay ni Zhen Pin. Ang sabi, dinala na raw si Qiu Gui Ren para iharap sa emperor."Nagsimula siyang mamutla. "Si Qiu Gui Ren?""Jiao Gui Ren!" Biglang sigaw ni Yong Gui Ren nang bigla siyang matumba. Agad siya nitong tinulungang makaupo. "Kumuha kayo ng tubig! Bilisan n'yo!" Utos niya sa mga tagapaglingkod."H-hindi 'to maaari...""Anong nangyayari, Jiao Gui Ren? Anong problema?""Hindi... hindi..." paulit-ulit niyang wika habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mukha niya.Hinawakan ni Yong Gui Ren ang magkabila niyang balikat. "'Wag kang umiyak. Sabihin mo sa'kin ang totoo. Anong nangyayari?""Inutos niya sa'kin... kung anong inutos niya sa'kin dati..." lumuluha ni
CHAPTER 43THIRD PERSON"Pagbati, Huang Shang," wika ni Jiao Gui Ren bago lumuhod sa emperor.Sinenyasan naman siya nitong tumayo. Pagkatayo ay agad na binigay ni Jiao Gui Ren ang dala niyang mga pagkain para sa emperor kay Zhu Gonggong. Magpapaalam na sana siya nang biglang magsalita si Zhu Gonggong."Jiao Gui Ren, malapit na magtanghalian ang emperor. Ba't 'di pa po kayo sumabay?" Wika ng eunuch."H-hindi na, Zhu Gonggong-""Sumabay ka na," wika ng emperor habang nagbabasa ng dokumento. "Malapit na 'kong matapos."Napapikit siya. "Masusunod, Huang Shang."Dahil dati siyang tagapaglingkod ay 'di rin siya nagdalawang-isip na tulungang maghain si Zhu Gonggong. Nang matapos ay umupo na siya sa tabi ng emperor."Patay na raw si Jing Chang Zai.""Opo, Huang Shang.""Anong tingin mo sa nangyari?" Makahulugang wika ng emperor.Napatigil si Jiao Gui Ren. "S-sa tingin ko...""Ba't 'di ka makapagsalita?" Tugon ng emperor. "Simple lang naman ang tinatanong ko."Sinenyasan ng emperor ang mga tag
CHAPTER 1"GOSH! BAKIT KAILANGAN NIYANG MAMATAY?! HUHUHU!"Sa sobrang inis ko ay kaunti na lang at maitatapon ko na ang cellphone ko."Ingay mo!" Reklamo naman sa akin ng kapatid kong si Roxanne."NAKAKAINIS KASI! MINAHAL LANG NAMAN NIYA 'YONG EMPEROR PERO HANGGANG SA DULO HINDI PA RIN SIYA PINANIWALAAN! NANIWALA SIYA D'ON SA MALANDING BABAE NA 'YON! BWISIT!""Sinabi ko naman kasi sa'yo na 'wag mo nang basahin 'yan, maiinis ka lang," sabi nito habang nag-s-scroll sa phone niya."Kung pwede lang na pumasok ako sa libro tapos sasapakin ko 'yong emperor, e!" Asik ko at kinuyom ang kamao ko."Yeah..." usal niya. "Tapos ay hindi ka na makakalabas sa libro kasi magagaya ka sa main character na pinugutan ng ulo.""HMP!" Pag-irap ko sa kaniya."Pero sa totoo lang, Ate Ramielle, ang tragic talaga ng buhay niya. Buong buhay niya minahal niya lang naman ang emperor, pero dahil lang sa kasalanan na hindi niya ginawa, namatay siya. Ang mas masakit pa sa part niya, mas pinaniwalaan ng emperor si Co...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments