Mckenzie Sandoval, a well known Multi- Billionaire, was in trouble right now. Ang hinihintay niyang si Tamara, ay tumawag sa kanya, bandang alas otso ng gabi, na hindi daw ito makakarating sa hotel. Naghanda pa naman siya ng marriage proposal para sa babae, na wala ng ginawa kundi magtravel, para sa singing career nito.
Naiinis siya, kaya uminom siya ng uminom. Nagtira lang siya ng panlakad niya pauwi sa kanyang unit. Ang akala niyang si Tamara na nakahiga sa kanyang kama, ay ibang babae pala. Hindi niya akalaing makikipagsex siya basta sa isang taong hindi bayaran.Paglabas niya ng banyo, gutay gutay na ang cheque na ginawa niya para dito, at nakita niya ang mantsa ng dugo mula sa kabirhenan ng babae. Kaya pala napansin niya kagabi na nahihirapan siyang angkinin ito, at bahagya pang napaigik habang ginagawa niya ang kanyang kamunduhan. Dahil si Tamara ay ilang ulit na niyang naangkin.Napansin niya ang gamit ng babae sa side table. Ang bag, cellphone at wallet nito. Pati na ang kalahating bahagi ng salamin na pansabit sa tainga ay naroroon. Binuklat niya ang wallet nito, may pera doon,marahil ay bagong sahod ito. Kinuha niya ang I.D ng babae."Jillian Purisima, twenty five na pala yun, akala ko college student lang," kinutinting niya ang iba pang laman ng wallet nito, may ID ng lalaki doon, "Brent Cruz? baka ito yung sinasabi ng babaeng yun na boyfriend. Malamang, sa address na ito pumunta si Jillian. Loka loka talaga, walang kadala dalang pera. Baka gulong gulo ang isipan.Nagbihis na agad siya agad upang masundan ang babae. Familiar naman siya sa lugar na pinuntahan nito. Binati siya ng mga nadadaanan niya. May isang lalaking sumalubong sa kanya."Sir, tumawag po si ma'am Tamara, pasensiya na daw po kayo kung nagkaroon siya ng biglaang lakad. Hindi daw po kasi kayo sumasagot sa tawag niya." pagbabalita nito sa kanya."Okay lang, sanay naman akong iniindiyan niya ako eh," sagot niya dito."Kapag tumawag po ulit, ano pong sasabihin ko?""Sabihin mo pumunta na ko ng impiyerno!" saka niya tinalikuran ang bell boy na walang nagawa kundi mapakamot na lamang sa ulo.Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang kotse upang hanapin ang babae. Malamang na naglalakad na lang ito ngayon.Ilang minuto din niyang binaybay ang kahabaan ng high way na iyon. Maluwang ang kalsada doon, dahil medyo yayamanin ang mga nakatira. Open area lang iyon at pwedeng daanan, subalit bawal ang mga nagtitinda sa mismong kalsada. Hinanap niya ang address ni Brent Cruz, madali niya lang itong nakita. Hindi siya bumaba ng sasakyan, pinanood niya ang isang babaeng itinulak at pinagsarahan ng gate ng isang babae.Ito ang babaeng hinahanap niya, si Jillian Purisima. Pinanood niya kung ano ang gagawin nito. Umupo ito sa harapan ng gate nina Brent saka umiyak. Nakaramdam siya ng habag para sa babaeng iyon. Marahil ay ipinagtabuyan ito kaya ganoon ang hitsura nito.Pinanood niya ito ng mga ilang minuto pa. Bababa na sana siya at bibigyan ito ng panyo, ngunit tumayo na si Jillian. Sinulyapan pa nito ang bahay nina Brent, saka tuluyang umalis sa harapan ng bahay.Parang wala ito sa sariling naglalakad. Pinanood lang niya ang babae habang papalayo. Nakakasagi na ito ng mga kasalubong. Naaawa na siya dito, kaya pinuntahan niya ito.Gulat na gulat pa si Jillian ng hawakan niya ito sa kamay."Ano ba! bitiwan mo nga ako!" hinila nito ang kamay mula sa kanya. Hindi siya nagsasalita, hinila niya ulit ito, ngunit nagpipiglas ang babae. "Tigilan mo sabi ako eh! sisigaw ako dito!" pananakot nito sa kanya."Sumigaw ka, wala akong paki.""Raaape!!! kidnapper!!! tulooong!!"Nagtigilan ang mga taong naglalakad. Bigla siyang kinabahan ng maglapitan ito sa kanilang lahat..***************Nakaupo siya sa harapan ng police station habang pinapanood ang lalaki sa loob ng kulungan. Masama ang loob at tingin nito sa kanya. Parang sinasabi nito na humanda siya paglabas nito. Nakonsensiya naman siya."Totoo ba ang sinabi sayo ng lalaking iyon na magkakilala kayo, at naiwan mo lang ang gamit mo, kaya niya inihatid sayo?" tanong ng pulis sa kanya."Opo sir," nakayuko niyang sabi."Eh bakit ka tumawag ng rape? kung hindi naman totoo?""Nagulat po kasi ako sa kanya Nataranta po ako. Kayo po ba, may problema kayo, tapos biglang may humila sa kamay niyo, wala kayo sa sarili, hindi ba kayo magpapanic?" tanong niya sa mga pulis. Hindi nakapagsalita ang mga ito, bigla siyang umiyak, "broken hearted po ako ngayon! Pakiramdam ko po, basura na ang buhay ko, kayo po ba, magiging normal ang pag iisip kung magkatulad tayo ng pinagdadaanan ha? makakapag isip po ba kayo ng tama, ha?""Oo nga naman chief.. hindi natin kaya yun, "anang isang babaeng pulis na kaharap niya, "nararamdaman kita ma'am, ganyan din ang pinagdadaanan ko ngayon,"umiiyak din ito."Di ba po? ang tanging makakaunawa lang po sa akin, ay ang tulad kong sawi!" niyakap niya ang babaeng pulis."Oo nga po sir," sang ayon ng isang lalaking pulis na lumuluha na din, "kahit lalaki ako, apektado ako ng ganyang senaryo, masakit yan.""Oo nga.." sang ayon ng mga inmates."Mga tsismoso!" bulyaw ng pulis, "tumigil nga kayo dyan sa mga kaartehan niyo!" sigaw ng pulis."Bakit sir, hindi ba kayo nagdaan sa pagkabigo?" lumuluha niyang tanong "napakabato naman ng puso nyo kung hindi niyo mauunawaan ang kalagayan ko.""Naiintindihan na kita hija, sige na. Pakakawalan na natin siya, pero sa susunod, wag padalos dalos ng ginagawa ha? mag isip munang mabuti," suhestiyon nito sa kanya."Opo, pasensiya na po talaga sir, hindi na po mauulit," paghingi niya ng tawad dito."Eh, sino ba yang lalaking yan?" bulong ng pulis sa kanya."Manliligaw ko po yan sir.""Weeeh?" nagulat ang mga naroroon, "ang gwapong yan, manliligaw mo?""Opo, tingnan niyo, nasa sasakyan niya ang gamit ko. Wag na lang po kayong maingay, baka po marinig ng iba, sekreto po kasi namin yun." sagot niya sa mga ito."Anong gayuma ang ginamit mo? pahingi naman, gagamitin ko para bumalik ang boyfriend ko sakin," tanong ng isang pulis sa kanya."Trinidad! tumigil ka na nga. Pakawalan mo na ang lalaking yun ng makauwi na sila""Yes sir!""Shiiit! shiiit!!" pinupukpok niya ng mga kamay ang manibela, "all my life, hindi pa ako nakulong! peste!"Nakaupo lang ang babaeng kasama, saka tahimik na nakayuko. Hindi niya mawari, kung wala ba talaga itong pakialam sa kanya, o sadyang nagbibingi bingihan na lang ito. Inis na inis siya sa ginawa ng babaeng ito. Sa buong buhay niya, hindi pa siya naireklamo ng ganito! sobrang kahihiyan ang ginawa ni Jillian sa kanya.Kaya siguro ito iniwan ng boyfriend nito, kasi narealize ng lalaki na bobo ito. Pati pagtingin sa numero, bobo din. May mga babae pa palang nag iexist na ganito! pati hitsura nito, akala mo kakagaling lang sa bundok at bagong baba sa kapatagan na natututo pa lamang magbihis.'Kailan pa naging compatible ang floral na palda sa checkered na polo? ang buhok, parang matigas na alambre. Maputi nga ito, pero ang oily ng mukha, matigyawat pa ang noo.' bulong niya sa sarili. Bigla siyang kunilabutan, 'at ito ang nakasex ko kagabi? inang kupu!!'"Waaaaah!!" umatungal ito na par
"Maaaaa!!" sigaw niya habang itinatayo ang ina na ibinalibag ng kanyang step dad."At bumalik ka pa talagang peste ka dito ha?" sigaw nito sa kanya."Pa-papa tama na po.. maawa po kayo kay mama," hawak niya ang kanyang ina sa braso."Bitawan mo yang mama mo, kung ayaw mong ikaw ang samain saking peste ka!" bulyaw pa nito ,"lumayas ka sa pamamahay ko!""Hindi ako aalis dito, hanggang hindi ko kasama ang mama ko!" sagot niya sa lalaki."Aba't mayabang ka na nga palang talaga?" ngumisi pa ito, "Kung barilin kaya kita ngayon?" kinuha nito ang baril nito saka itinutok sa kanilang mag ina."Umalis ka na, Jillian!" utos ng mama niya sa kanya."Pa-paano po kayo?" nag aalala niyang tanong sa ina."Ako na ang bahala sa sarili ko! wag mo na akong alalahanin!""Pe--pero...""At anong pinagbubulungan niyong dalawa dyan ha? hindi ka aalis Jillian ha?" nanlalaki na ang mata nito at sinisipat na siya ng baril."Anak! umalis ka na, sige naaaa!!" pakiusap ng kanyang ina sa kanya na itinutulak siya pala
"Ano ka ba naman Jillian!" bulyaw ng kanyang supervisor habang hawak ang isang folder, "bakit halu-halo itong ginawa mo dito? sana, isinegregate mo muna bago mo ifinolder! wala ka talagang silbi!""Sorry po sir.. Madami po kasing nagpapagawa ng files sakin," nakayuko niyang sabi."At bakit ikaw ang gagawa ng mga files? may ipinapatapos ako sayo hindi ba? kayo, kaninong files ang ginagawa nito?!" Mataas ang tono nito at inilibot ang paningin, "wala bang sasagot sa inyo ha? hindi niyo ba kayang gawin ang mga trabaho nyo?"Wala ni isa man ang nagsalita. Waring ayaw madamay sa galit ng kanilang bisor."Sir, akin po yan.." maarteng sabi ni Arcelli, "kasi naman po, kahapon pa yan, hindi niya natapos.""Sayo ba to?" malambing na tanong ng bisor, oh, sige na, "saka bumulong sa babae, "kita ulit tayo mamaya.""Ano pong gagawin ko ngayon sir?" tanong niya."Malamang, uulitin mo to! alangang ako ang gumawa niyan! All of you, back to work!" ibinagsak nito ang folders sa harapan niya, "tapusin mo
Nagpatawag si Mckenzie ng biglaang meeting. Iyon ay pagkaalis ni Jillian. Nagulat ang mga naroroon sa angking kagwapuhan ni Mr. Sandoval, ang apo ni Madam Lishou na pinakamayamng babae sa mundo. Nasa kanyang tabi ang kanyang secretary at personal assistant na si Elmer. Hindi siya madalas magpakita sa mga empleyado niya, dahil iniingatan niya ang kanyang privacy. Madalas lang siyang naattend pag may big event like anniversary o may bisita. Nais na niyang putulin ang pang aapi ng mga taong ito kay Jillian na wala namang ibang ginawa, kundi ang sumunod. "Kumpleto na ba ang lahat?" tanong niya habang nakatayo sa kanilang mini stage na ginawa para lamang sa mga ganoong anunsiyo. "Opo, kumpleto na," sagot ni Ben. "May pabonus ata." Nagpalakpakan at nagbulungan ang mga taong iyon. Napangisi lamang siya. 'Ganito pala kakakapal ang mukha ng mga tauhan niya. Ang tatamad magtrabaho, pero gusto ng bonus. Itong supervisor nila, ang laki ng tiyan, wala atang masyadong ginagawa.' "Gusto ko lang
Dumating si Jillian sa opisina, pagkalipas ng isang linggong bakasyon. Naipagawa na niya ang kanyang salamin. Masaya siyang pumasok sa building at binati ang mga naroroon. Nakapagpahinga talaga siya ng maayos. Pagpasok niya sa opisina, napansin niya ang kanyang lamesa. Malinis iyon, may bagong computer, bago ang upuan, at lumaki ang kanyang table. Nakasalansan ng maganda ang kanyang mga office works."Hi Jillian, bati ng ilan niyang kasamahan sa kanya. Iyong mga yun ay ang kanyang mga nakakausap sa opisina."Hi.. kumusta kayo? saan nanggaling ang table ko?" tanong niya."Naku, ipinaalis ni sir yung dati mong table, kasi ang pangit na daw, marami na daw tali, delikado daw kasi yun during working hours.""Sir Ben?" tanong niya."Wala na si sir, terminated na.""Oo, dahil sayo," si Arcelli iyon."Anong dahil sakin, kakapasok ko lang?" nagtataka niyang itinuro ang sarili niya."Basta, dahil sayo yun. Saka bilisan mo nga dyan, ang dami pang gagawin o? magpiprint ka pa." sabat naman ni Euni
"Miss Purisima, hindi ka ba tinuruan ng proper attire na pang opisina? ano yang suot mo? Mix and march ka ba kay mcdo? ang buhok mo, kelan ka ba huling nagsuklay, ha?" sita sa kanya ni Miss Coleen, ang bago niyang bisor. Isang linggo pa lang simula noong makaencounter niya ito, maraami agad itong puna sa kanya. Kesyo hindi daw ata siya naliligo, hindi niya ata nilalabhan ang kanyang mga isinusuot.Dahil ipinanganak siyang mahaba ang pasensiya, hindi niya na lang ito pinapansin, lahat ng masasakit na salita nito ay labas lang ng labas sa kabilang tainga niya."Hoy, kinakausap ka ni Miss Coleen, nakakahiya ka talaga" sulsol dito nina Arcelli, "Wala ka bang bibig?""Para talagang abnormal tong si Jillian," sabi pa ni Eunice, "hoy, kinakausap ka.""Nagti--tipid po kasi ako ma'am. Gusto ko pong magmasteral.""Wala akong paki sa kung ano ang gusto mo! yung gusto ko ang gawin mo!""Yaaaan.. sabi na sayo, wag kang masyadong mapapel. Buti nga sayo," magkasabay siyang iniwan nina Arcelli at Eun
Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng babae sa harapan niya. Hindi maaari. Hindi siya papayag ng ganoon na lang."Si--sigurado ka ba?" nauutal siya magsalita dahil sa labis na shock."Oo, galing na ko sa doctor kanina. Hindi ko rin akalaing mangyayari sa akin ito. Paano ako?" nangingilid ang luha nito.."Baka naman hindi sakin yan. Baka may iba pa, bukod sakin?" hindi niya alam kung patanong iyon o para saan ang sinabi niyang iyon, basta ang alam niya, hindi pa siya handa. Paano na ang mahal niyang si Danica? baka magalit sa kanya yun."Hindi ako kaladkaring babae, Mac, o kung Mac nga yang pangalan mo!" wika nito sa kanya. "Hindi naman ako mag isang gumawa nito, magkasama tayo hindi ba?" "hindi nga ako sigurado kung sa akin yan. Saka, may mahal na akong iba, ano ang sasabihin ko kay Danica kapag nalaman niyang magkakaanak ako sayo?" hindi na rfin niya malaman kung ano ang gagawin niya. "Kasalanan naman niya yun hindi ba? hindi ka niya sinipot. Kung dumating siya, hindi sana ako
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Iba ang kwartong iyon, hindi siya doon nakatira. Masakit ang kanyang ulo at kanyang katawan. Noon niya lang naisip na naaksidente pala siya. Agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Umiyak siya sa pag aakalang nawala ang kanyang baby. "Hija," boses ng isang matandang babae ang nagpagulat sa kanya lalo pa ng hawakan siya nito. "Sus maryosep! Lord!! Lord may multo!!" napapikit siya habang nananalangin. "Hija, totoong tao ako," sagot nito sa kanya. "Paa--paano po ako napapunta dito?" tanong niya sa matanda. "Muntik na kitang mabangga, buti na lang, magaling magpreno ang driver ko kaya hindi ka nasapul. Bakit ka kasi humahangos? bigla kang tumawid." wika ng matanda. "May tina--" "Good afternoon po," bati ng doctor.'Doc, kumusta na po siya?" tanong ng matanda sa doctor."Okay naman po siya madam. Pati po ang baby niya ay safe," nakangiting sagot nito."Buntis ka hija?" nanlaki ang mga mata ng matanda, "naku, mag iingat ka, mabuti na