Share

Chapter 6

"Ano ka ba naman Jillian!" bulyaw ng kanyang supervisor habang hawak ang isang folder, "bakit halu-halo itong ginawa mo dito? sana, isinegregate mo muna bago mo ifinolder! wala ka talagang silbi!"

"Sorry po sir.. Madami po kasing nagpapagawa ng files sakin," nakayuko niyang sabi.

"At bakit ikaw ang gagawa ng mga files? may ipinapatapos ako sayo hindi ba? kayo, kaninong files ang ginagawa nito?!" Mataas ang tono nito at inilibot ang paningin, "wala bang sasagot sa inyo ha? hindi niyo ba kayang gawin ang mga trabaho nyo?"

Wala ni isa man ang nagsalita. Waring ayaw madamay sa galit ng kanilang bisor.

"Sir, akin po yan.." maarteng sabi ni Arcelli, "kasi naman po, kahapon pa yan, hindi niya natapos."

"Sayo ba to?" malambing na tanong ng bisor, oh, sige na, "saka bumulong sa babae, "kita ulit tayo mamaya."

"Ano pong gagawin ko ngayon sir?" tanong niya.

"Malamang, uulitin mo to! alangang ako ang gumawa niyan! All of you, back to work!" ibinagsak nito ang folders sa harapan niya, "tapusin mo na yan ha!"

"Opo," napakamot na lang siya sa ulo. Hinubad niya ang salamin para ayusin ang scotch tape na nakadikit sa pansabit sa tainga. Hindi pa siya nakakabili ng bago, dahil kinailangan niya ang pera pambigay sa nanay niya. Humingi daw kasi dito ang step dad niya, wala itong naibigay.

Nag unat muna siya ng mga kamay, saka inumpisahan ang trabaho.

"Jillian, nasaan na yung ipinapaprint ko sayo?" tanong ni Eunice sa kanya.

"Sorry, may ipinapatapos pa kasi sakin si sir Ben. Aayusin ko muna ito bago ko gawin yung sayo."

"Wala akong pakialam kung kanino man yang tinatapos mo. Nauna akong magpagawa sayo ah."

"Jillia, yung ipinapatype ko sayong files? pang thesis ko yun," tanong ni Arnold sa kanya. "Babagsak ako kapag hindi ko yun naipasa."

"Jillian, yung ipinapa photo copy ko sayo okay na ba?"

"Yung files na isesend sa hr?"

"Asan na ang folder?"

"Jillian..."

"Jillian"

"Jillia!!"

"Magsitigil nga kayo!" sigaw niya, "ano ako?robot? puro kayo Jillian, ito, Jillian, asan na yung ano, Jillian, iphoto copy mo! puro na lang ako? wala ba kayong kamay para magtrabaho?" Natahimik ang lahat sa sinabi niya, "ikaw Eunice, malaki pa ang sahod mo sakin pero wala ka ng ginawa kundi magchat at uminom ng milktea, tapos lagi mong sumbong sa jowa mo, palagi kang pagod. Wow, nahiya naman ako..

Ikaw naman Arcelli, ang bobo mo naman magtype, nakapasok ka dito? sana, sa tuwing ginagapang mo si sir Ben, nagpapaturo ka na rin mag aral magtype, ng hindi puro s**o mo ang malaki at may laman, pati sana utak!

Ikaw Arnold, akala mo, muchacha mo ko! ito po sir ang thesis mo, salamat sakin, makakapasa ka. Wala ka ng ginawa kundi magpagawa. Pareho naman tayong sumasahod kahit OJT ka pa lang.

Kayong lahat, hindi niyo ako katulong!!! hindi niyo ako alipin! wala na kayong ginawa kundi utusan ako ng utusan!! ano kayo? mga dugong bughaw? ipinapasa sa alipin ang trabaho? mahiya naman kayo no!"

"Hoy!!" itinulak ni Eunice ang ulo niya, " anong ngiti yan parang pang demonyo? Parang kakainin mo kami ng buhay ah."

Napatingin siya sa paligid. Bumalik na siya sa reyalidad. Sana, ganun lang kadali pagsabihan ang mga ito, parang yung nasa panaginip niya lang.

"Ah.. sige, gagawin ko na yan hehehe" napangiwi na lang siya sa mga ito. "Tatapusin ko lahat yan, isa isa lang kayo."

Nag alisan na ang mga ito sa harapan niya. Nagkanya kanya na ang mga itong trabaho. Dumami ng dumami ang nakalagay na folders at papers sa kanyang lamesa. Tatlong hilera na ito na halos matakpan na ang kanyang mukha.

Pagdating ng lunch break, kanya kanya ng alisan ang mga ito. Tatayo na sana siya ng pigilan siya ni Eunice.

"At saan ka pupunta?" tanong nito.

"Kakain na. Gutom na nga ako eh."

"Hindi ka kakain hanggang hindi mo natatapos yung ipinapagawa ko sayo."

"Pe--pero.."

"Anong pero pero? hoy pangit! wag ka na ngang nangangatwiran dyan at baka mabanas ako sayo ay isumbong pa kita kay sir Elmer!"

"Sino namang sir Elmer yan?"

"Yung nanliligaw sakin! boss yun dito no!"

"Pero gutom na nga ako! Kahapon pa ako dito. Hindi pa nga ako nakakauwi sa amin kakatapos ng mga trabaho niyo!"

"At sumasagot sagot ka na ngayon ha?" itinulak siya nito sa balikat. Napaupo siya.

May isang lalaking lumabas mula sa elevator. Agad itong lumapit sa kanya. Nilapitan din siya ni Eunice at inalalayang tumayo..

"Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.

"Naku, sir Elmer, natumba po siya, inaalalayan ko nga po siya, okay ka lang ba Jillian?" nag iinarteng tanong sa kanya ni Eunice.

"O--okay lang ako." sagot niya.

"Umuwi ka na Jillian," wika ni Elmer, "kailangan mong magpahinga, namumutla ka na."

"Naku sir, madami pa pong tinatapos si Jillian, hindi ba Jillian?" pinandidilatan siya nito.

"Ah, opo sir, madami pa po akong gagawin," sagot niya.

"No, magpahinga ka na. Parang kahapon pa ang suot mo, hindi ka ba umuwi?"

"Madami po kasi akong ginagawa."

"Alin ba ang table mo?" tanong nito.

"Yan po," itinuro niya ang lamesa na na puno ng paper works.

"Trabaho mo lahat yan?" nagulat ang boss sa tinuran niya.

"No po sir.." singit ni Eunice sa usapan," bale nakipatong lang po kami dyan, hindi niya po trabaho lahat yan."

"Asan ba si Ben?"

"Ohh, sir, narito po pala kayo, ano pong- meron?" napatingin ito sa tambak ng paper works sa lamesa niya, "hindi mo pa rin tapos lahat yan? kaninang umaga pa yan ah!"

"So, siya ang gagawa ng lahat ng yan?" nakakunot ang noo na tanong nito, "kahit isang linggo, mahihirapan siyang matapos yan! sige na, Jillian, umuwi ka na."

"Sir?" hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Umuwi ka na at magpahinga. Hayaan mong ang tumapos niyan ay ang mga dapat magtrabaho niyan. Hindi mo sakop yan. Ano bang trabaho mo?"

"I.T po ako, admin po."

"Oh, sige na Jillian, umuwi ka na, magpahinga. Dalawang araw rest day para sayo, with pay," wika nito.

"Pero sir, marami pa--" hindi na naituloy ni Ben ang sasabihin. Sumingit na agad si sir Elmer.

"Apat na araw na rest day pala para sayo, with pay."

"Si--sir bakit naman po--" si Arcelli iyon.

"Jillian, isang linggong rest day sayo, with pay! oh ano? sino pa ang kokontra? kaya kong dagdagan hanggang isang buwan ang rest day niya?" tanong nito. Tumungo ang lahat sa narinig kay sir Elmer. Tinitingnan siya ng mga ito ng masama.

"Bye guys, thank you sir Elmer.. Haist.. makakapag off din ng walang ginagawa, sa wakas!" wika niya na pasayaw sayaw pa bago lumabas. Kinawayan pa niya ang mga ito bago siya sumakay ng elevator.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
hay, Jillian. Sana all may rest day with pay ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status