Share

Chapter 5

"Maaaaa!!" sigaw niya habang itinatayo ang ina na ibinalibag ng kanyang step dad.

"At bumalik ka pa talagang peste ka dito ha?" sigaw nito sa kanya.

"Pa-papa tama na po.. maawa po kayo kay mama," hawak niya ang kanyang ina sa braso.

"Bitawan mo yang mama mo, kung ayaw mong ikaw ang samain saking peste ka!" bulyaw pa nito ,"lumayas ka sa pamamahay ko!"

"Hindi ako aalis dito, hanggang hindi ko kasama ang mama ko!" sagot niya sa lalaki.

"Aba't mayabang ka na nga palang talaga?" ngumisi pa ito, "Kung barilin kaya kita ngayon?" kinuha nito ang baril nito saka itinutok sa kanilang mag ina.

"Umalis ka na, Jillian!" utos ng mama niya sa kanya.

"Pa-paano po kayo?" nag aalala niyang tanong sa ina.

"Ako na ang bahala sa sarili ko! wag mo na akong alalahanin!"

"Pe--pero..."

"At anong pinagbubulungan niyong dalawa dyan ha? hindi ka aalis Jillian ha?" nanlalaki na ang mata nito at sinisipat na siya ng baril.

"Anak! umalis ka na, sige naaaa!!" pakiusap ng kanyang ina sa kanya na itinutulak siya palabas.

"Ano ha? chupi!! ilang beses na kitang iniligaw, nakakabalik ka pa rin? shoooo!" para siyang manok na binubugaw ng amain.

"Mama!!" hindi niya maiangat ang paa. Natatakot siyang pagtalikod niya, bigla na pang itong mapatay ng amain niya.

Pulis ito, kaya malakas ang loob na kung ano ano ang gawin. Noong maging 18 na siya, pinalayas siya nito sa bahay, dahil matagal na daw siyang naging palamunin. Ayaw nito ng anak. Nakukulele daw ito kapag maingay. Kaya sa tuwing malalaman nitong nabubuntis ang mama niya, ipinapalaglag yun ng lalaki, hanggang matanggalan na ng matres ang mama niya, kakapalaglag ng baby sa sinapupunan.

Dalawampung taon ang age gap nito at ng mama niya. Sadyang mainitin ang ulo ng step dad niya. Naalala pa niya noong bagong dating sila doon sa bahay nito, madaming ayaw ang lalaki.

Bawal ang malikot

Bawal ang maingay

Bawal ang tamad

Bawal ang maarte sa pagkain

Bawal lumabas

Lahat na lang ay ipinagbawal nito. Hindi na lang sila nagrereklamo.

Maganda ang mama niya, marami pang lalaki ang nagkakagusto dito. Ang step dad naman niya ay parang si Max Alvarado ang datingan, kaya minsan, niloloko ng iba na sila ay beauty and the beast.

Nagtangka na silang tumakas noon, subalit sadyang maraming galamay ang step dad niya. Natutunton sila, saan man sila magpunta. Kaya ng paalisin siya nito nung mag 18 na siya, mas pabor sa kanya iyon. Nag aral siya habang nagtatrabaho. Average lang ang kanyang talino, pero magaling siya sa computer, kaya information Technology ang kanyang course.

Grumaduate siya mag isa lang. Hindi siya pinuntahan ng mama niya dahil hindi ito pinapayagan ng asawa nito. Binigyan siya ng konsiderasyon ng step dad niya na dalawin ang mama niya, subalit ngayong araw, wrong timing siya, mukhang lasing ito.

Pinapahid niya ang kanyang luha habang lumalabas ng gate ng mamataan niya ang kotseng naghatid sa kanya kanina.

Bumaba si Mac mula sa loob, sinalubong siya nito at inalalayang makasakay ulit ng kotse.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya dito. Kinuha niya ang laylayan ng kanyang palda at pinunasan ang luha niya.

"Nakalimutan mo ang bag mo," sagot nito sa kanya, sabay abot sa kanya ng bag.

"Pasensiya ka na, hindi ko na din naalala."

"Mabuti pala at binalikan kita, anong nangyari sayo?"

"Pinalayas ako ng step dad ko."

"Napakamalas mo naman. Una, sa boyfriend, ngayon, sa step dad? saan ka kaya swerte?" tanong nito na nakatitig lang sa kanya.

***************************

"Jillian!!!!! coffee!" utos kay Jillian ng mga kasamahan, "ito ang pera."

"Coming!" sagot ng babae. Saka ito tuluyang nawala sa paningin niya.

Ngayon lang niya sinubukang pumunta sa department na yun, at panoorin ang mga empleyado niya. Nabasa niya sa ID ni Jillian na sa Sandoval Corporation ito nagtatrabaho. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang personality ng babaeng iyon, kaya minabuti niyang pumunta doon. Sa elevator na diretso sa loob noon siya dumaan upang hindi siya makita ng babae

Ang nakalagay sa ID nito, isa itong typist at admin, subalit sa nakikita niya, isa itong utusan ng lahat. Napansin niya ang pagbalik nito. Agad na sinalubong ito ng mga nagpabili.

"Sakin na lang to," inagaw ng isang lalaki ang kape na hawak nito. Walang ginawa ang babae kundi sumang ayon na lang.

"Jillian, paki print!"

"Jillian, pakilakasan ng aircon."

"Jillian, pakitype."

"Jillian."

"Jillian."

"Jillian."

Wala ng bukambibig ang mga tao doon, kundi pangalan ni Jillian.

"Wala bang mga kamay at paa itong mga ito at si Jillian ang masyado nilang pinapagod?" sabi niya sa sarili.

"Ano po yun sir?" tanong ng kanyang secretary.

"Wala yun.." sagot niya "Ah,Elmer, may itatanong ako sayo."

"Ano po yun?" lumapit ito sa kanya.

"Ilang taon na dito yun?"

"Yung maganda? si Arceli? type niyo?"

"Hindi, iyong nakasalamin?"

"Si Eunice? yung sexy na chubby? type ko rin yan sir."

"Hindi yun, yung katabi niya sa kanan!"

"Yung morenang matangkad? maganda din---"

"Shut up!" putol niya sa sasabihin nito, "yung si- si Jillian?"

"Jillian?" nangunot ang noo nito, "aaah, si Jillian Purisima?"

"Oo, siya nga!"

"Two years pa lang sir."

"Aaah!!"

"Type niyo?"

"Hindi no! may taste ako!"

"Akala ko type niyo eh, may kilala kasi akong albularyo."

"Baliw! magtrabaho ka na nga!" napaka intrimitido mo talaga!" pagtataboy niya kay Elmer. "so ,kahit pala dito sa opisina, binubully ka. Ano bang problema ng babaeng ito at nagpapaapak na lang basta basta."

Nakatambak ang paper works na ibinigay dito ng mga katrabaho.

Bandang tanghali, wala man lang nag ayang kumain dito. Nakita niya nang nilapitan ito nung isa at parang ipinaparush ang ipi apagawa nito.

"Nakakaawa pala talaga ang babaeng ito. Parang robot na lang na wala ng ginawa kundi ang sumunod na lamang sa mga utos." Tinawag niya si Elmer, "Ibigay mo sa kanya ang lunch mo. Hindi pa siya kumakain, tanghali na."

"Pe-pero sir.." ayaw sana nitong sumunod.

"Dadagdagan ko ang sahod mo next month."

"Ta-talaga ba sir?" napamulagat ito.

"Oo, basta wag mo lang akong kontrahin!"

"Sige sir ,dadalhin ko lang ito kay Jillian," nagmamadaling umalis si Elmer.

Kita niya kung paano ito iniabot ng lalaki. Itinaas pa ni Jillian ang pagkain na waring inaalok siya. Para siyang tangang kumakaway na akala mo makikita siya sa labas.

"Siguro, nagiguilty ako, kaya ako ganito sa kanya. Wala ng makakaunawa sa kanyang iba, maliban sakin. Sana maka move forward na agad siya." wika niya sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status