Agad niyang tinungo ang bahay ni Brent. Pagbaba niya ng taxi, nagmamadali siyang nagdoir bell sa gate.
"Miss! miss!" tawag ng taxi driver sa kanya."Bakit po?" sagot niya dito."Nagtatrabaho din ako, magbayad ka!" paangil na sagot nito sa kanya."Ay, oo nga pala." nakakuha siya sa bulsa niya ng 150 pesos, "magkano po ba?""175 pesos.""Pa--pasensiya na po kayo, naiwan ko po ang-- ang bag ko sa hotel, 150 lang po ang pera ko," nahihiyang iniabot niya sa driver ang hawak na pera."Naku!! pag minamalas ka nga naman! akin na nga yan! pataxi taxi pa wala naman palang pambayad! sana, nagjeep ka na lang!" saka inagaw ng driver ang pera, at mabilis siyang iniwan.Hindi na niya iyon inintindi. Muli niyang pinindot ang door bell nina Brent."Breeent!!!! Breeeeent!!! lumabas ka, mag usap tayo!," sigaw niya sa labas ng bahay.Isang babae ang nagmamadaling lumabas, binuksan nito ang gate."Sino ka bang eskandalosa ka?" sita nito sa kanya."A--andiyan po ba si Brent? Gu--gusto ko po sa-na siyang makausap," nauutal niyang tanong."Eh sino ka ba para hanapin ang anak ko, ha?" nakataas ang kilay ng babae, saka siya tiningnan, mula ulo, hanggang paa."A-ako po ang girlfriend niya," sagot niya."Girlfriend?" muli siyang inuri ng babae mula ulo hanggang paa ulit, saka lumigid pa ito sa kanyang likod, "ikaw ba yun? yung malanding si Jillian? my God hija, wag kang maooffend, pero napaka ordinaryo naman ng hitsura mo, tapos malandi ka?""Hindi po yan totoo!" bigla siyang umiyak, "magpapaliwanag po ako, Breeent!!" papasok sana siya sa loob ng harangin ng ina nito at ibalandra sa labas. Napaupo siya sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya."Wag kang makatuntong tuntong sa pamamahay ko! pwede kitang patayin sa loob kasi tress passing ka!" bulyaw nito sa kanya."Hayaan niyo po kaming makapag usap ng anak niyo, magpapaliwanag lang po ako sa kanya," pakiusap niya sa babae."Wala ka ng dapat pang ipaliwanag! alam na namin kung sino ka! Hindi k pa nagtino na shinota ka ng anak ko, talagang malakas pa ang loob mo na manlalaki! Noong ipakita niya sa akin ang picture mo, hinayaan ko na lang siya, baka kako, hindi ka lang photogenic. Pero ngayong nakita na kita, aba, hindi ka naman pala talaga maganda! ang baduy pa ng suot mo. Mukha kang magtitinda ng isda sa palengke!""Pakiusap po, please, hayaan niyo pong makausap ko ang anak niyo," tumayo siya saka lumuhod sa harapan ng babae, "nakikiusap po ako sa inyo.""Umalis ka na! tama si Alicia, hindi ka nababagay sa anak ko!""A--Alicia? si--Alicia Buena?" sinisiguro niya kung ito ang best friend niya. Kasabay ng pagiging magboyfriend nila ni Brent, ang pagiging matalik na magkaibigan nila ni Alicia. Nakasabay lang nila itong kumain, tapos naging close na sila. Araw araw silang magkasama. Sinusundo siya nito sa opisina. 3rd wheel sa date nila ni Brent na hindi niya nilalagyan ng malisya. Si Brent na nga ang naiinis kapag kasama nila ito. Ito rin ang nagbigay ng idea kung paano ibibigay ang sarili sa lalaki."Oo, family friend namin sila. Noong una, hindi naman ako naniniwala sa kanya, pero kagabi lang, nakita ko, kung paano ka pumasok sa unit ng iba, kasunod ang lalaki mo! o talagang bayarang babae ka? yun talaga ang trabaho mo? huh.. buti na lang talaga, buti na lang at hiniwalayan ka na ng anak ko! manang mana ka sa nanay mo! p****k!"Isinara na ng ina ni Brent ang gate at dire diretso na itong bumalik sa loob ng bahay. Naiwan siya sa labas na nawiwindang sa nalaman. Si Alicia, na pinagkatiwalaan niya sa loob ng dalawang taon, sinasabihan niya ng mga problema. Kinuwentuhan niya ng buong buhay niya. Yun pala, isa itong hunyango na nag anyong tao saka nagiging ahas.Ngayon, alam na niya kung bakit sinisiraan ni Alicia si Brent sa kanya. Marahil, may gusto ito sa lalaki. Maganda si Alicia, morena beauty ito. magkasing taas lang sila, 5'5. Ngunit si Alicia ay sosyal manamit, halatang may kaya sa buhay. Hindi tulad niya na sa ukay ukay nabili ng damit, at kung ano yung mura, yun ang binibili niya. Hindi niya akalaing itong nag iisang tao na naging kaibigan niya at pinagkakatiwalaan ng sobra ang siyang maninira sa kanya. Napaupo siya at napasandal sa gate nina Brent. Hindi niya akalaing sasapitin niya ang ganitong klase ng problema. Ito ang tanging nagbigay ng pansin sa kanya. Ang kaisa isang lalaking nanuyo sa kanya ng isang taon.Si Brent Cruz ay nakilala niya sa isang fast food noong minsang wala itong maupuan at tanging lamesa niya lang ang bakante ang isang upuan. Nakiusap ito na kung pwede ay makishare ng table, pumayag naman siya.Nakayuko siyang kumakain, dahil pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya. Napansin nitong may ketchup sa kanyang gilid ng labi, saka nito pinunasan ng tissue. Nginitian siya nito, at ang mala Bong Revilla na hitsura nito ang nagpaakit sa kanya. Doon sila madalas magkita, at nagkapalagayan ng loob, hanggang ang lalaki ay magsabi sa kanya ng damdamin. Noong una ay ayaw niya itong paniwalaan, dahil sino ba naman siya para magustuhan ng gwapong lalaki. Ang sabi nito, maganda naman daw siya, unique daw pati style niya, at doon na nag umpisa ang lahat.Ang kanyang luha ay patuloy na umaagos. Naghintay siya ng sampung minuto at nagbabakasakali na lalabasin siya ni Brent, subalit hindi ito nagpakita sa kanya. Naiinis siya sa sarili na kung hindi siya sana nagpauto kay Alicia ay okay pa sana sila ni Brent ngayon. Tumayo siya para silipin ang loob ng bahay nina Brent, walang bakas dito na may nais dumamay sa kanya sa labas.Saka niya naalala ang kanyang bag, cellphone at wallet, sa unit ng lalaking umangkin sa kanya. Nanlumo siya sa isiping iyon. Malayo pa naman ang bahay nila, malayo din ang hotel na yun. Kailangan niyang maglakad. Hindi niya malaman, kung babalik siya sa hotel, ooh uuwi siya ng bahay.Nadagdagan ang kanyang frustration. Ayaw niyang sisihin ang Diyos sa kanyang kamalasan, walang ibang maaaring sisihin kundi siya. Nag umpisa na siyang maglakad, pabalik kung saan siya nanggaling. Nakakasagi na siya ng mga by standers dahil hindi niya maisuot ang salamin, hilam pa ng luha ang kanyang mga mata."Ano ba miss? kung lasing ka, magpahinga ka," sita sa kanya ng mga nasasagi niya."Pasensiya na po kayo," hingi niya ng tawad sa mga ito.Ipinagpatuloy niya ang paglalakad, para maabutan man lang niya ang lalaki doon. Baka mamaya, umalis na ito, at mawala ang kanyang mga gamit.Mckenzie Sandoval, a well known Multi- Billionaire, was in trouble right now. Ang hinihintay niyang si Tamara, ay tumawag sa kanya, bandang alas otso ng gabi, na hindi daw ito makakarating sa hotel. Naghanda pa naman siya ng marriage proposal para sa babae, na wala ng ginawa kundi magtravel, para sa singing career nito. Naiinis siya, kaya uminom siya ng uminom. Nagtira lang siya ng panlakad niya pauwi sa kanyang unit. Ang akala niyang si Tamara na nakahiga sa kanyang kama, ay ibang babae pala. Hindi niya akalaing makikipagsex siya basta sa isang taong hindi bayaran. Paglabas niya ng banyo, gutay gutay na ang cheque na ginawa niya para dito, at nakita niya ang mantsa ng dugo mula sa kabirhenan ng babae. Kaya pala napansin niya kagabi na nahihirapan siyang angkinin ito, at bahagya pang napaigik habang ginagawa niya ang kanyang kamunduhan. Dahil si Tamara ay ilang ulit na niyang naangkin. Napansin niya ang gamit ng babae sa side table. Ang bag, cellphone at wallet nito. Pati na ang ka
"Shiiit! shiiit!!" pinupukpok niya ng mga kamay ang manibela, "all my life, hindi pa ako nakulong! peste!"Nakaupo lang ang babaeng kasama, saka tahimik na nakayuko. Hindi niya mawari, kung wala ba talaga itong pakialam sa kanya, o sadyang nagbibingi bingihan na lang ito. Inis na inis siya sa ginawa ng babaeng ito. Sa buong buhay niya, hindi pa siya naireklamo ng ganito! sobrang kahihiyan ang ginawa ni Jillian sa kanya.Kaya siguro ito iniwan ng boyfriend nito, kasi narealize ng lalaki na bobo ito. Pati pagtingin sa numero, bobo din. May mga babae pa palang nag iexist na ganito! pati hitsura nito, akala mo kakagaling lang sa bundok at bagong baba sa kapatagan na natututo pa lamang magbihis.'Kailan pa naging compatible ang floral na palda sa checkered na polo? ang buhok, parang matigas na alambre. Maputi nga ito, pero ang oily ng mukha, matigyawat pa ang noo.' bulong niya sa sarili. Bigla siyang kunilabutan, 'at ito ang nakasex ko kagabi? inang kupu!!'"Waaaaah!!" umatungal ito na par
"Maaaaa!!" sigaw niya habang itinatayo ang ina na ibinalibag ng kanyang step dad."At bumalik ka pa talagang peste ka dito ha?" sigaw nito sa kanya."Pa-papa tama na po.. maawa po kayo kay mama," hawak niya ang kanyang ina sa braso."Bitawan mo yang mama mo, kung ayaw mong ikaw ang samain saking peste ka!" bulyaw pa nito ,"lumayas ka sa pamamahay ko!""Hindi ako aalis dito, hanggang hindi ko kasama ang mama ko!" sagot niya sa lalaki."Aba't mayabang ka na nga palang talaga?" ngumisi pa ito, "Kung barilin kaya kita ngayon?" kinuha nito ang baril nito saka itinutok sa kanilang mag ina."Umalis ka na, Jillian!" utos ng mama niya sa kanya."Pa-paano po kayo?" nag aalala niyang tanong sa ina."Ako na ang bahala sa sarili ko! wag mo na akong alalahanin!""Pe--pero...""At anong pinagbubulungan niyong dalawa dyan ha? hindi ka aalis Jillian ha?" nanlalaki na ang mata nito at sinisipat na siya ng baril."Anak! umalis ka na, sige naaaa!!" pakiusap ng kanyang ina sa kanya na itinutulak siya pala
"Ano ka ba naman Jillian!" bulyaw ng kanyang supervisor habang hawak ang isang folder, "bakit halu-halo itong ginawa mo dito? sana, isinegregate mo muna bago mo ifinolder! wala ka talagang silbi!""Sorry po sir.. Madami po kasing nagpapagawa ng files sakin," nakayuko niyang sabi."At bakit ikaw ang gagawa ng mga files? may ipinapatapos ako sayo hindi ba? kayo, kaninong files ang ginagawa nito?!" Mataas ang tono nito at inilibot ang paningin, "wala bang sasagot sa inyo ha? hindi niyo ba kayang gawin ang mga trabaho nyo?"Wala ni isa man ang nagsalita. Waring ayaw madamay sa galit ng kanilang bisor."Sir, akin po yan.." maarteng sabi ni Arcelli, "kasi naman po, kahapon pa yan, hindi niya natapos.""Sayo ba to?" malambing na tanong ng bisor, oh, sige na, "saka bumulong sa babae, "kita ulit tayo mamaya.""Ano pong gagawin ko ngayon sir?" tanong niya."Malamang, uulitin mo to! alangang ako ang gumawa niyan! All of you, back to work!" ibinagsak nito ang folders sa harapan niya, "tapusin mo
Nagpatawag si Mckenzie ng biglaang meeting. Iyon ay pagkaalis ni Jillian. Nagulat ang mga naroroon sa angking kagwapuhan ni Mr. Sandoval, ang apo ni Madam Lishou na pinakamayamng babae sa mundo. Nasa kanyang tabi ang kanyang secretary at personal assistant na si Elmer. Hindi siya madalas magpakita sa mga empleyado niya, dahil iniingatan niya ang kanyang privacy. Madalas lang siyang naattend pag may big event like anniversary o may bisita. Nais na niyang putulin ang pang aapi ng mga taong ito kay Jillian na wala namang ibang ginawa, kundi ang sumunod. "Kumpleto na ba ang lahat?" tanong niya habang nakatayo sa kanilang mini stage na ginawa para lamang sa mga ganoong anunsiyo. "Opo, kumpleto na," sagot ni Ben. "May pabonus ata." Nagpalakpakan at nagbulungan ang mga taong iyon. Napangisi lamang siya. 'Ganito pala kakakapal ang mukha ng mga tauhan niya. Ang tatamad magtrabaho, pero gusto ng bonus. Itong supervisor nila, ang laki ng tiyan, wala atang masyadong ginagawa.' "Gusto ko lang
Dumating si Jillian sa opisina, pagkalipas ng isang linggong bakasyon. Naipagawa na niya ang kanyang salamin. Masaya siyang pumasok sa building at binati ang mga naroroon. Nakapagpahinga talaga siya ng maayos. Pagpasok niya sa opisina, napansin niya ang kanyang lamesa. Malinis iyon, may bagong computer, bago ang upuan, at lumaki ang kanyang table. Nakasalansan ng maganda ang kanyang mga office works."Hi Jillian, bati ng ilan niyang kasamahan sa kanya. Iyong mga yun ay ang kanyang mga nakakausap sa opisina."Hi.. kumusta kayo? saan nanggaling ang table ko?" tanong niya."Naku, ipinaalis ni sir yung dati mong table, kasi ang pangit na daw, marami na daw tali, delikado daw kasi yun during working hours.""Sir Ben?" tanong niya."Wala na si sir, terminated na.""Oo, dahil sayo," si Arcelli iyon."Anong dahil sakin, kakapasok ko lang?" nagtataka niyang itinuro ang sarili niya."Basta, dahil sayo yun. Saka bilisan mo nga dyan, ang dami pang gagawin o? magpiprint ka pa." sabat naman ni Euni
"Miss Purisima, hindi ka ba tinuruan ng proper attire na pang opisina? ano yang suot mo? Mix and march ka ba kay mcdo? ang buhok mo, kelan ka ba huling nagsuklay, ha?" sita sa kanya ni Miss Coleen, ang bago niyang bisor. Isang linggo pa lang simula noong makaencounter niya ito, maraami agad itong puna sa kanya. Kesyo hindi daw ata siya naliligo, hindi niya ata nilalabhan ang kanyang mga isinusuot.Dahil ipinanganak siyang mahaba ang pasensiya, hindi niya na lang ito pinapansin, lahat ng masasakit na salita nito ay labas lang ng labas sa kabilang tainga niya."Hoy, kinakausap ka ni Miss Coleen, nakakahiya ka talaga" sulsol dito nina Arcelli, "Wala ka bang bibig?""Para talagang abnormal tong si Jillian," sabi pa ni Eunice, "hoy, kinakausap ka.""Nagti--tipid po kasi ako ma'am. Gusto ko pong magmasteral.""Wala akong paki sa kung ano ang gusto mo! yung gusto ko ang gawin mo!""Yaaaan.. sabi na sayo, wag kang masyadong mapapel. Buti nga sayo," magkasabay siyang iniwan nina Arcelli at Eun
Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng babae sa harapan niya. Hindi maaari. Hindi siya papayag ng ganoon na lang."Si--sigurado ka ba?" nauutal siya magsalita dahil sa labis na shock."Oo, galing na ko sa doctor kanina. Hindi ko rin akalaing mangyayari sa akin ito. Paano ako?" nangingilid ang luha nito.."Baka naman hindi sakin yan. Baka may iba pa, bukod sakin?" hindi niya alam kung patanong iyon o para saan ang sinabi niyang iyon, basta ang alam niya, hindi pa siya handa. Paano na ang mahal niyang si Danica? baka magalit sa kanya yun."Hindi ako kaladkaring babae, Mac, o kung Mac nga yang pangalan mo!" wika nito sa kanya. "Hindi naman ako mag isang gumawa nito, magkasama tayo hindi ba?" "hindi nga ako sigurado kung sa akin yan. Saka, may mahal na akong iba, ano ang sasabihin ko kay Danica kapag nalaman niyang magkakaanak ako sayo?" hindi na rfin niya malaman kung ano ang gagawin niya. "Kasalanan naman niya yun hindi ba? hindi ka niya sinipot. Kung dumating siya, hindi sana ako