Share

Chapter 1

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinig ng araw na siyang tumatama sa aking mukha. Kunot ang noong iminulat ang mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ko sa labas ng bahay. 

Nararamdaman ko ang muling pagsara ng talulap ng mga mata ko dahil sa antok. Siguro dahil naninibago ako sa lugar kaya hindi ako masyadong nakatulog. 

“Susundan mo ba si Lore sa trabaho niya? Aba'y hindi naman maghahanap roon ng iba ang asawa mo.” Iyon ang narinig kong sabi ni Aling Nina sa kausap niya. 

“Naninigurado lang Aling Nina, ang dinig ko kasi ay may bagong pasok doong binata na panay ang tingin sa asawa ko. Hindi naman ako magtatagal doon, maaga ang pasok ko.” 

Natigilan ako, bahagyang kumunot pa ang noo. Hindi iyon dahil sa sinabi ng kung sino kundi dahil sa familiar na boses nito. Iminulat ko ang mga mata at walang pagdadalawang isip na bumangon ngunit agarang natigilan din nang sumidhi ang sakit ng aking tiyan. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.

“Baby, huwag muna ngayon ha? I'm going to look who is it,” pakiusap ko sa anak ko. 

Napangiti ako ng biglang nawala ang pananakit no'n. Agad akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa labas ng bahay kung saan narinig ko ang mga boses. Ngunit nanlumo ako ng makitang walang tao roon maliban kay Aling Nina na nagdidilig na ngayon ng mga halaman gamit ang hose. Sa kabilang kamay ay may hawak na walis. 

Napatingin siya sa akin ng hindi inaasahan. “Gising kana pala, hija. Nakahanda na ang almusal mo roon sa kusina. Halika‘t sasamahan kita.” Lumapit siya sa akin at inalalayan ako patungo sa loob. 

Tumango ako at nilibot ng tingin ang buong paligid. Muli ko siyang tiningnan. “May narinig po akong kausap mo kanina sa labas, who is it?”

His voice really sound familiar to me. Sound like my husband. I want to added it but I stopped myself from doing it.  

Pagdating sa kusina ay pinaupo niya ako. Siya na rin ang nag-asikaso sa akin kahit na sinabi kong huwag na. Bigla ko tuloy naalala si Mommy. Bumuntonghininga ako at tiningnan lamang ang ginagawa niya. 

Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon. At sana ay nakita nila ang sulat ko, para kahit papaano ay maibsan ang pag-aalala nila. 

Pero sino ba ang niloloko ko? Alam kong kahit anong isulat ko doon ay mag-aalala pa rin sila gayon pang alam nila na buntis ako. 

And I know that what I did was a impulsive decision. Pero masisisi ba nila ako? I'm desperate to find my husband. Ayokong manatili sa kwarto ko na wala akong ginagawa para hanapin siya. 

Naglagay si Aling Nina ng tubig sa harap ko saka naupo sa gilid ko. Aling Nina was looking at me intently while smiling.  “Iyon ba? Ah, si Tame iyon. Aba'y ang lalaking iyon ayaw talagang humiwalay sa asawa.” 

Maliit akong ngumiti nang marinig ang salitang huli niyang sinabi. Kumirot ang puso ko kasabay ng pagtango ko. Nagsimula akong kumain habang siya ay nasa tabi ko lang. 

“Huwag kang masyadong lalayo. Kapag hindi mo alam ang daad pabalik ay magtanong-tanong ka na lamang,” wika niya nang magpaalam akong aalis muna para maglakad-lakad. 

Ngunit ang totoo ay sisimulan ko ang paghahanap sa asawa ko. Ayokong magsayang ng oras at manatili na lamang doon sa bahay. Kaya nga ako pumayag na sumama dito dahil para hanapin ang asawa ko.

Tumango ako at umalis na. Habang naglalakad ay luminga-linga ako sa paligid. Maraming magagandang mga kabahayan ang nakikita ko. 

May mga batang naglalaro sa harap ng kanilang tahanan. May mga ginang na nag-uusap na halos ingudngod ang mukha sa kaharap na animo'y hindi naririnig ng kausap niya ang sasabihin. Umiiling-iling na nagpatuloy ako. 

“Bago ba iyan? Ngayon ko lang nakita iyan dito.” Rinig kong wika ng kung sino. 

Marami ang nakatingin sa akin ngunit hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin. Hanggang sa napadpad ako sa paaralan.  Hindi ko alam kung bakit kusang naglakad ang paa ko patungo sa gate. Ngumiti ako sa guard na nandoon, mukha pa siyang bata. 

“Pwede po ba akong pumasok?” I softly asked while looking at him. 

Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya kasabay ng pagbukas niya ng gate. Hinayaan niya akong makapasok at maglibot sa buong lugar. 

May pasok pa ang estudyante kaya naglakad ako upang tingnan ang bawat classroom. Napapangiti ako kapag nakikita pokus ang kanilang paningin sa harap kung nasaan ang guro. They'll recite if its needed or if the teacher will pointed one of them. Hindi mo makikitang may nag-uusap sa kanila. 

May mga magulang din naman ang nandoon sa mga upuang sa gilid kaya hindi ako nahihiyang maglibot. Ngumingiti ako sa mga taong makatagpo ng mga mata ko. And they'll smiled back. 

Humawak ako sa aking tiyan. “Kapag lumabas kana at lumaki ay mag-aaral ka din, anak. I'm so excited to see you grown then your father will ferch you.” Nakangiting bumaling ako sa isang classroom ngunit agad ding natigilan.

My heart thundered dangerously loud. Para akong kinakapos ng hininga dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. I can't stop myself from stepping back. 

My smile while ago slowly faded and my excited face replace by a shock. Umawang ang labi ko dahil sa aking nakita. Ilang ulit pa akong kumurap upang makasiguro. I tried to pinch myself and its hurt me. I'm not dreaming... I'm not hallucinating like I always do. 

“Ghon...” hindi ko na naitago at napigilan ang panunubig ng aking mga mata habang nakatingin sa kanya.

Nagtuturo siya sa mga bata. Seryoso ang kanyang mukha ngunit may ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Hanggang sa unti-unting kumunot ang kanyang noo na para bang may kakaibang naramdaman. Then his eyes looked at the outside where I was standing. Lalo akong naluha nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. 

I shook my head, trying to convince myself that this is not just a dream anymore. My husband...my Ghon is really here. Gusto kong takbuhin ang pagitan namin, hagkan at yakapin siya ng mahigpit. Nang tumabingi ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin ay napatakip ako ng bibig. 

Nakangiting naglakad siya palabas hanggang sa tumigil siya sa harap ng pintuan. Hindi ko maiwasang mapaiyak. Nakatingin siya sa akin, nakikita ko ang saya sa kanyang mukha. Ang emosiyon niyang iyon na namimiss ko nang sobra. 

“Love?” he called then tilled his head. 

Ang boses niyang dalawang buwan ko nang hindi naririnig. Nakita ko ang mabilis niyang paghakbang patungo sa puwesto ko kaya humakbang ako. I walked towards him while my tears flowing at my cheeks. 

“Ghon, honey...” I sobbed while half running. 

Nang malapit na siya ay tumigil ako para hintayin ang mainit niyang yakap. I also closed my eyes so that I can feel his embrace. Pero ilang minuto na ang hinintay ko at hindi ko naramdaman ang yakap niya. 

I slowly opened my eyes but I didn't find him in front of me. Then I heard his voice behind me. His sweet and tinder voice kapag naglalambing. 

“Lore ko, you took so long.” 

Mabilis akong napalingon. Hindi ko maiwasang mapahawak sa pader nang manghina ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay may pumipiga sa puso ko at sobrang napakasakit no'n. 

Sobrang sakit. It really hurts and the pain is suffocating my heart while looking at him hugging with a another girl. Pakiramdam ko ay naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon. I can't even handle my emotion. I felt my head spinning then my eyes get blurred. 

“Ghon..” I weakly called him. Bigla pa akong nawalan ng balanse mabuti na lang at nakahawak ako sa gilid. 

As I called his name, nakita kong natigilan siya. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumingon sa akin. I saw how his forehead furrowed when he looked at me. But before I open my mouth again ay dumilim na ang paningin ko kasabay nang pagbitaw ko sa hawakan at tuluyang nawalan ng balanse. 

Isang mainit at pamilyar na init ang bumalot sa aking katawan upang hindi ako tuluyang bumagsak. Gustuhin ko mang imulat ang mga mata nang marinig ang boses niya ay kadiliman na ang siyang sumalubong sa akin. 

Nang magising ako ay nakarinig agad ako ng mahihinang boses sa gilid ko. I adjusted my vision then looked at my side. 

Nakita ko si Aling Nina at ang anak niyang si Grace na nag-uusap, pinipigilang huwag makagawa ng ingay para magising ako. Napalabi ako at nilibot ang paningin. 

“Ate Rain!” Grace voice echoed as I tried to sit. 

Lumapit silang dalawa at inalalayan ako sa pag-upo. Hindi ko maiwasang ilibot muli ang paningin sa paligid. Umaasang makikita ko siya roon. Ngunit nang maalala ang nangyari kanina ay para akong binuhasan ng tubig. Hanggang sa naramdaman ko pagkirot ng puso ko, para itong sinaksak ng punyal sa sobrang sakit. I feel like my heard broke into pieces. 

“I s-saw him. I saw my Ghon. I saw my h-husband, Aling Nina,” umiiyak na wika ko. 

Akala ko wala nang mas sasakit pa nang mawala siya sa akin. Pero mas sobra pa palang sakit itong naramdaman ko ngayon dahil sa nakita at nalaman ko. 

I suffered too much because of his disappearance but here he is in the island living happily with his new girl. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status