Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah
“Rain, tama na ’to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa.”Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain.“Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla.” Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon.Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya.“Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?” Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. “Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!” Tumalim
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinig ng araw na siyang tumatama sa aking mukha. Kunot ang noong iminulat ang mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ko sa labas ng bahay. Nararamdaman ko ang muling pagsara ng talulap ng mga mata ko dahil sa antok. Siguro dahil naninibago ako sa lugar kaya hindi ako masyadong nakatulog. “Susundan mo ba si Lore sa trabaho niya? Aba'y hindi naman maghahanap roon ng iba ang asawa mo.” Iyon ang narinig kong sabi ni Aling Nina sa kausap niya. “Naninigurado lang Aling Nina, ang dinig ko kasi ay may bagong pasok doong binata na panay ang tingin sa asawa ko. Hindi naman ako magtatagal doon, maaga ang pasok ko.” Natigilan ako, bahagyang kumunot pa ang noo. Hindi iyon dahil sa sinabi ng kung sino kundi dahil sa familiar na boses nito. Iminulat ko ang mga mata at walang pagdadalawang isip na bumangon ngunit agarang natigilan din nang sumidhi ang sakit ng aking tiyan. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.“Baby, huwag muna ngayon ha? I'm going to look who i
Hilam ng luha ang aking mga mata nang yakapin ako ni Aling Nina pagkatapos kong sabihin iyon sa kanila. Yakap na may pag-uunawa at kailangang-kailangan ko sa oras na iyon. Yakap na siyang naging dahilan upang mapakalma ako ng bahagya. Grace wiped my tears and tried to give me a wry smile. Ngunit hindi ko nagawang sagutin iyon ng isang ngiti rin. Dahil sa sitwasyon ko ngayon mukhang impossibleng magawa ko pa iyon. Muling nag-replay sa utak ko ang nangyari kanina. Buong-buo, bawat detalye ay malinaw sa alaala ko.Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tanggapin ang lahat. Hindi ko kayang tanggapin na makikita ko siyang may ibang kayakap. Dalawang buwan lang akong nahuli ngunit may kapalit agad ako. Dalawang buwan kong tiniis ang sakit at paghihirap nang pagkawala niya tapos ito lang pala ang madadatnan ko. Winasak niya ako sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko hangad na masaktan ng ganito. Pinilit ko namang maging okay sa kabila ng lahat ngunit lahat humatong sa hindi
Maaga akong nagising kinabukasan. Inaasahan ko na rin ito. Pagmulat pa lamang ng mga mata ko ay sinalubong ako ng matinding kirot sa puso. Kirot na lagi kong nararamdaman... na nakasanayan ko nang maramdaman. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang mahigpit kong pagyakap sa aking unan. Mariing kinagat ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala. Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Ghon kahapon. Kahit anong pilit kong kalimutan lahat ayaw ng utak ko. Sa bawat pagkalma ko iyon ang pumapasok sa isip ko. Parang isa iyong sirang plaka na siyang naging dahilan para lalo akong saktan ng sobra. Bakit gano'n no? Ginusto ko lang naman na maging masaya, ang makasama ang taong minahal ko at mamahalin ako ng higit pa pero habang pilit kong tinutupad iyon lalong humihirap ang lahat. Hindi pala madaling mangyari ang gusto ko. Kasi habang pilit mo iyong mangyari ay siya namang sakit ang gustong ipalalasap sa'yo. Napakadaya. Hindi naman ako humangad nang sobra. Sa katuna
Hindi ko nagawang magsalita nang pagsabihan ako ni Aling Nina. Halos ayaw kong lubayan ng tingin si Ghon na hindi umalis pagkatapos akong ibuko kay Aling Nina. Mahigpit kong hinawakan ang isang piraso ng sitaw na nakalagay sa gilid ko. Panandalian umalis si Aling Nina upang kumuha ng tanghalia namin. Sa inis ko kay Ghon ay hinampas ko sa kanya ang sitaw na iyon. Mukhang nagulat din siya.“Umalis ka dito,” may diin na wika ko. Huwag niya akong inisin gayong mainit pa ang ulo ko sa kanya. “That's hurt, miss.” Nakangiwi na siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya samantalang noong isang araw ay halos ayaw niyang magtagal doon sa hospital, atat na atat na umuwi na sa sinasabi nitong asawa nito. Mariin kong pinikit ang mga mata at tumayo sa kinauupuan. Akma akong aalis nang hawakan ni Ghon ang aking kamay na naging sanhi upang mapakislop ako. Dumaloy sa buong katawan ko ang boltaheng nanggaling dito. Lalo tuloy akong nainis. “Saan ka pupunta? Ang sabi ni Aling Nina
Tahamik kaming nasa hapag ni Ghon. Ilang minuto nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas si Aling Nina at nakita kami roon. Mukhang alam niyang nagkasagutan kami ni Ghon dahil sa luhang nakikita sa mga mata ko. Niyaya niya si Ghon para mag-agahan na hindi naman tinanggihan nito. Ayoko sanang sumabay ngunit hinila na ako ni Aling Nina. Nasasaktan ako kapag nakikita si Ghon. “Hindi pwedeng hindi, Rain. Baka nagugutom na ang baby mo, bawal kang magutom.” Humugot ako ng malalim na hininga at nagsandok ng kanin para lagyan ang plato ni Ghon. Kusang kumilos ang katawan ko kaya mukhang nagulat ito, kahit ako ay natigilan din. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa hiyang naramdaman. Nasanay akong ako lagi ang gumagawa no'n sa kanya. Every time we eat together, ako ang nag-aasikaso sa kanya. Nakatingin lang naman si Aling Nina at Grace sa aming dalawa. “Thank you! You don't need to do that.” Napangiwi ako. Kung pwede ko lang na pigilan ang sarili ko eh 'di sana ginawa ko na.
Bumalik ako sa palengke na may malapad na ngiti sa labi. Ghon, didn't pushed me away when I kiss him. That's a progress right? Alam kong nagulat siya sa biglaang paghalik ko ngunit nakakatuwang isipin na kahit ilang ulit niyang sabihin sa akin na si Lore ang mahal niya ay sa kabila no'n ay hindi niya ako tinulak. Pinilit pa niya akong doon na lamang kumain ngunit hindi na ako pumayag dahil kailangan kong dalhan si Aling Nina ng tanghalian. Okay na din naman sa akin na hinayaan niya akong halikan siya. “Sasabay na lang ako kay Aling Nina. Kumain kana.” Pagkatapos no'n ay umalis na ako.Kinaumagahan ay nakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang masigurong maayos ang aking itsura ay lumabas ako ng kwarto. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang puntahan si Ghon. Tulad ng sinabi ko kahapon ay guguluhin ko siya ngayon araw. Sisimulan kong ipaalala sa kanya ang mga nawalang alaala. Isinantabi ko muna ang mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayokong maalala ang sa