Share

Chapter 4

Chapter 4

Expect the unexpected ika nga kung ano iyong hindi mo inaasahan magugulat ka na lang sa lakas ng impact ng pagtama nito sa ‘yo.

Ang hirap pa lang lumayo lalo pa kung labag sa loob mo.

“Hey, Earth to Misha?” 

Napabalik ako sa ulirat ng pitikin ako sa noo ni Lily. Dejavu? Parang dati lang iniisip ko kung anong gagawin sa pagbubuntis ko. Ngayon parang gusto ko na lang maiyak.

I sighed. “I'm fine, Lily.” walang lakas na ani ko sa kanya bago isinubsob ang sarili.

“Luh? Hindi ko naman tinatanong kung okay ka lang. Tinatanong ko lang kung may assignment ka na ba sa Math?” Nakapamaywang niyang harumintado.

“Wala pa.” Tinatamad kong sagot.

Nanlaki ang mga mata niya tila ba nakakita ng multo. “Wait! Ilabas mo! Nasaan siya, ilabas mo!” Kunyari ay nagdidiliryo niyang saad habang inaalog alog ako.

Hinawi ko ang kamay niyang nakakapit sa balikat ko. “Oa mo.”

“Anong Oa? Sino ba namang hindi mafi-freak out, si Misha Ivonne walang assignment?” Inirapan ko lang siya sa sinabi niya at saka bumalik sa pagkakaubob.

“The oh-so-called miss prim and proper, the almost perfect in school, walang assignment? God magugunaw na ba ang mundo!” Nakahawak sa ulo niyang saad habang naghihisterikal na sumisigaw. Baliw.

“You really has a vivid imagination Lily.” naiinis kong saway sa kanya ‘tsaka tumayo.

“Saan ka pupunta tapos na lunch break a?” nagtatakhang pigil niya sa’kin. Dahilan nang pagkapukaw ng atensyon ng iba naming kaklase.

“Tara, cut tayo.” Napaismid ako ng halos sabay sabay silang magsinghapan.

Ganon na ba talaga ‘ko kabait at grabe ang reaksyon nila?

Gulat pa rin si Lily ng hilahin ko siya patayo.

Nalabag ko na rin naman ang unang rules ni Daddy e, i got pregnant. Why not lubos lubosin na diba? Para naman kung itakwil niya ‘ko na-experience ko ang mga karaniwang ginagawa ng normal na estudyante. No books, no study, sa mga oras na’to ay gusto ko lang magliwaliw.

Dire-diretso kaming pumunta ni Lily sa gate. At gaya ng inaasahan ay hinarang kami ng guard.

“Seryoso ka ba Bes? May guard oh.”

“Don’t worry, I got this.”

Kinindatan ko siya bago hinila palapit sa guard.

“Oras pa ng klase, saan kayo pupunta?” tanong nito pagkalapit namin.

“Look! Manong si Superdog!” Turo ko sa langit at dahil isa’t kalahati siyang tonta sinunod niya ako.

Bago pa man siya makalingon muli ay itinulak ko na siya. “Lily, run!” I screamed at her on top of my lungs.

Mabilis kaming tumakbo ni Lily palabas ng gate. Hinihingal kaming pumasok sa isang cafe. Pagkaupo ay tiningnan ko siya, masama ang tingin sa’kin. Nginisian ko siya matapos ay pareho kaming natawa.

Masasabi kong ito na ang pinakamalaking katangahan na nagawa ko. Pero kahit na gano’n I felt joy tumataas pa nga iyong mga balahibo ko.

“Misha. What happend? Alam kong may nangyari sa ’yo, you can tell me.” Seryosong panimula ni Lily matapos niyang um-order.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “I made a wonderful mistake, Lily.” hindi ko alam kung ngingiti ba ako o maiiyak sa aaminin ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Senyales na makikinig siya kahit pa gaano kasama iyong nagawa ko.

Nag-ipon muna ako ng lakas at saka binanggit ang mga katagang gusto kong siya ang unang makaalam.

“Lily I'm three and a half weeks pregnant,” Umaalingaw-ngaw ang tunog ng nahulog niyang tinidor. “Isang kasalanan na hindi ko pagsisisihan.” nakangiting sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko.

“Seriously! With whom?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

S******p muna ako sa gatas na in-order ko “Tyler Montero, I guess.”

Pinitik ko ang noo niya ng taasan niya lang ako ng kilay. Hindi naniniwala ang gaga.

“Pero anong plano mo? Balak mo bang sabihin kila tito?” tanong niya sa pagitan ng paginom sa kape.

I nodded. “Humahanap lang ako ng tyempo.” sagot ko na nagpangiti sa kanya.

“By the way alam na ba ni Tyler ‘to? He needs to know.” Napabuntong hininga ako sa tanong niya.

Dalawang beses akong umiling. “Nope. Wala ng dahilan pa para malaman niya.”

“No matter what your decision is, I'll support you. Nandito lang ako, always.” malawak ang ngiting ani niya habang nakatingin sa’kin.

I hugged her tight. She's really the best.

“Ivhone!”

“Stop, please!”

“Talk to me.”

“Why are you ignoring me?”

Humigpit ang pagkakapit ko kay lily. “Lily, mauna ka na.”

“You sure?” nagaalala niyang konsulta na kaagad ko namang tinanguan.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Alam kong nakasunod pa rin siya. Napatigil ako ng pigilan niya ‘ko sa braso.

“What's wrong?” kaagad na tanong niya ng mahila ako.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Gusto kong iparating na galit na galit ako sa kanya, but I ended up looking away. “There's nothing wrong.” nagmamatigas kong sagot. Hindi ko kayang tagalan ang nagsusumamo niyang mga mata.

“Why do you keep ignoring me?” he asked softly at kaunti na lang ay bibigay na ako.

“Bakit kaylangan bang may dahilan?”

Natigilan siya sa sinabi ko.“Ivhon—”

Naputol ang dapat ay sasabihin niya ng sumingit si Kim ang girlfriend niya. Nagsisimula na ring magkumpulan ang mga estudyante rito sa soccer field.

“Tyler we need to talk.” mahinhin nitong ani at saka hinawakan ang kamay ni Tyler na nakahawak sa’kin.

“Later Kim.”

Para matapos na ay ako na ang naglakas loob na tanggalin iyon sa pagkakahawak sa akin, bago nagsimulang maglakad.

“It’s important.”

“I said later!” Napalingon ako pabalik ng sumigaw si Tyler, at saka napababa sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa uniform ni Tyler.

“Please?”

Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng tumango si Tyler. He gently hold her hand as if it was some sort of precious gem.

Nakakatawa lang na ako iyong kaninang hinahabol niya tapos ako rin pala ‘yong maiiwan.

Tiningnan ko ang paalis nilang pigura. Why? Nakatingin sa’kin si Tyler ng may puno ng pagmamakaawa, pleading me to wait for him.

Why? Bakit ka tumitingin sa akin ng ganyan pero siya iyong inuna mo. This day is so fucked up.

Sabihin niyo nga may mas isasakit pa ba?

I'm totally worn-out the next day. Pero kahit gano’n ay pinilit ko pa ring pumasok.

“Hoy balita ko buntis daw si Kim, may nakarinig daw na junior nung naguusap sila ni Tyler.”

Natigilan ako sa narinig, kaagad nanikip ang dibdib ko. Napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. I should've been expected this.

“Talaga bakit parang ambilis naman nung isang linggo lang ‘yon dumating ah.”

“Gaga nung nakaraang buwan padaw ‘yon nandito. Nung isang linggo lang pumasok, balita ko nga sa condo daw ni Tyler nakatira.”

Napalingon ako sa dalawang section B na naguusap ng dumaan kami sa gate.

Hindi ko mapigilang magngitngit sa galit, dinala-dala niya pa ‘ko ro’n hayop siya.

“Are you okay?” Ngumiti lang ako kay lily ‘tsaka pinagpatuloy ang pagkain ng strawberry.

“Hays, ‘wag mo ng pakaisipin ‘yang lalaking ‘yan ‘di niya deserve ang magandang gaya natin. Nood nalang tayo movie.” Natawa ako sa sinabi niya halata talaga ang gigil mukhang mas galit pa yata ang babaeng ito kaysa sa’kin.

“Sure. Kailangan ko rin ng diversion ngayon.”

Mabilis niya akong hinila ng nakababa kami sa taxi na sinakyan namin papunta rito sa mall. Hindi naman siya mukhang excited ‘no.

“Hey, dahan dahan naman.”

“Ay! Sorry nakalimutan ko,” Nag peace sign pa siya tsaka hinipo ang tyan ko. “Sorry baby, bad talaga si Ninang.” Parang tangang kausap niya sa tiyan ko. Desisyon talaga ang babaeng ito kahit kailan.

Nagtingin tingin ako ng magandang movie pero wala ‘kong magustuhan.

“Bes ito oh,” Turo niya sa isang horror movie.

Binatukan ko siya. “Gaga ka gusto mo bang mapaanak ako ng wala sa oras?” bulong ko sa kanya.

“Ah, oo nga ‘no bawal.”

Ang totoo ay ayaw ko lang talaga ng horror. Bukod sa puro lang naman gulatan ay ayoko talaga sa lahat ay ‘yong mga tangang bida.

“Ito na lang.” Pakita naman niya sa isang romance erotica.

“Eh, ayoko niyan. At saka SPG ‘yan oh, bawal pa satin ‘yan.”

“Ulol ka disi-otso na us hindi na tayo under age. Nakagawa ka na nga ng bata.” Inis niyang reklamo kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

“Basta, ayoko niyan.”

Inirapan niya ako. “Oo na nga sige na. Ito na lang mas okay ‘to healthy pa kay baby.” tiningnan ko ang isang Disney movie na itinuro niya.

“Sige ‘yan na lang tutal isip bata ka naman.” pisil ko sa labi niya ng ngumuso siya.

Siya na ang pinapila ko para bumili ng ticket. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang dalawang taong papasok sa loob ng sinehan. What a small world.

“Tara na?”

Pumasok na kami sa loob ng sinehan at kung minamalas ka nga naman sa lapit na lang nila, ang may bakante. Latest lang daw kasi ang movie na’to kaya naman maraming nanonood.

No choice, kundi ang umupo na lang do’n sayang iyong binayad ni Lily. Mukhang napansin naman ni Lily ang tinitingnan ko kaya siya na ang umupo sa tabi niya.

“Babe sabi nila healthy daw sa baby ang mga pang batang movies lalo na ‘yong musically. Dapat habang baby pa nakakarinig na sila ng music.” Dinig ko pang sabi ng bruhilda.

Fetus can't hear unless the auditory system develops. Hindi sila nakakarinig unless nabuo na iyong utak and certain pathways na hindi pa mangyayari ng dalawang linggo lang, boba. Hays bakit ba ako nakikisawsaw sa kanilang dalawa.

Pinilit kong i-focus ang sarili sa panonood pero hindi ko magawa dahil sa isang pares ng mga matang kanina pa ako pinagmamasdan.

Problema niya?

Natapos na lang ang movie, eh wala naman akong naintindihan paano napakaingay ni Lily. Nakikisabay pa sa kanta.

“Tara uwi na tayo?” tanong ni Lily. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ni Tyler pero hindi ko na siya pinagaksayahan pa ng oras.

Hinatid ako ni Lily pauwi tumanggi pa nga ako kaso mapilit ang bruha.

Pagkapasok na pagkapasok ko bumungad kaagad sakin ang malakas na sampal ni daddy.

Agad dumalo si Mommy sa’kin. “Ano ba Mario!” sigaw nito.

“Explain this.” Naibsan ang pagtataka ko ng ibato nito ang isang brown envelope.

Kahit hindi ko buksan alam ko na ang laman no’n. Iyon ‘yong ultrasound na binigay ng Ob ko.

“Misha, sabihin mong hindi sa iyo iyan.” nanggagalaiting ani ni Dad.

“Iyan ba ang itinuro ko sa’yo? I thought you're decent pareho lang kayo ni mommy mo!”

Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Mom’s not at fault. Hindi niya ginusto iyon.

“Abort that child.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinawi ko ang mga kamay ni mom ‘tsaka hinarap si dad.

“Say whatever you want, pero wag na wag niyo ‘kong diktahan na ipalaglag ang anak ko! Tama na ang pagpapahirap niyo sa’kin ng labing walong taon alam ko naman na ayaw niyo sakin, na mahina ako, kasi babae ako hindi ba iyon ang paniniwala mo!” Napabaling ang tingin ko pakanan ng sampalin niya ako. “Hindi. Hindi ko gagawin dahil mahal ko ang anak ko hindi gaya mo!”

“Bukas na bukas din ay lumayas ka na rito!”

Kahit pa anong talas ng tingin niya ay sinabayan ko tutal ay magkaugali naman kami. Hindi na, hindi ko na hahayaang kontrolin niya pa ako.

“Mario stop. Anak umakyat ka na kakausapin ko lang ang daddy mo.”

Padabog akong umakyat sa kwarto ko.

Kailan nga ba niya ‘ko itinuring na anak. Mom was raped years ago at ipinanganak ako pero kahit gano’n ay lumabas pa rin na siya ang tatay ko sa DNA test. Pero bakit hindi pa rin niya ako matanggap? Kaya nga ginagawa ko ang lahat para matanggap niya ‘ko.

I sacrificed my happiness for him to accept me, pero hindi pa iyon sapat at kahit kailan ay hindi ako magiging sapat sa kahit kanino. I hated my life, more than anyone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status