Share

Special Chapter 2.6: Y

“You didn't tell me you’re coming, kuya?” pagbungad ni Helliot nang pumasok si Yhler sa loob ng bar at ito ay pasalampak na naupo sa couch.

Umaga pa kaya naman wala pang customer at sila-sila lamang ang nasa loob. Nagsilbi na kasing kanilang tambayan ang bar ng mga Montagne mula pa noong unang mabuo ang kanilang banda.

“I think I'm sick,” panimula ni Yhler.

Naging dahilan naman iyon para makuha ang atensyon ni Helliot at Thunder. Siya namang pag-ubo ni Dee sapagkat nabulunan sa iniinom nitong coke in can.

Napatakip sa kaniyang bibig si Thunder at saka ito umamba nang yakap kay Yhler. Bago pa man dumikit ang katawan nito sa kaniya ay naigilid na niya ang katawan kaya naman natumba lamang si Thunder sa sofa.

“Don’t tell me mamamatay ka na? Cancer ba? Malala na ba? Stage ano na? Kailangan na ba naming pag-ipunan ang burol mo?”

Napangiwi at napaayos nang upo si Yhler habang nakatingin dito.

Si Benedict na ang nagpatigil sa pagsasalita ni Thunder gamit ang unan na ibinato nito sa lal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status