Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
view more023. Halos sumabog sa init ang mukha ni Louise habang nakatanaw siya sa bintana. Hindi niya maintidihan kung bakit bigla na lamang dumagsa ang mga media sa labas ng kompanya niya.Wala namang nangyayaring masama sa kompanya sa ngayon. Naagapan ng partnership niya kay Johan ang pagbagsak nito. At bukod pa ron ay marami ring mga malalaking negosyante na nag-offer sa kaniya ng partnership.Sa ngayon ay unti unti ng nakakabawi ang kompanya at nagsisimula na ulit itong mamayagpag katulad ng dati. Kaya hindi niya lubos maunawaan kung anong pakay sa kaniya ng mga media at bakit parang ang babangis ng mga ito. Tiningnan niya ang sekretarya para tanungin kung may nangyayari ba sa kompanya na hindi niya nalalalaman pero umiling lang ang babae tanda na malinis na tumatakbo ang lahat."Have you reminded the HR department like I told you yesterday, Maricel?" Tanong niya tsaka umupo na. Kasama niyang pumasok sa opisina ang pinsan niyang si Jack dahil may kakausapin itong kliyente mamaya. Hindi s
022. Mabilis ang mga hakbang ni Johan papasok sa villa. Pagkarating sa living room ay una niyang nadatnan ang kapatid niyang si Rohan na nagbabasa ng libro sa sofa."Where's that fool?" Tanong niya pero sinulyapan lang siya ni Rohan at itinuro ang hinahanap na ngayon ay pabalik na sa sala. "What's up, Johan!"Pagkalapit ay inabot nito sa kaniya ang isang baso ng alak pero tinapik lang ni Johan ang kamay nito at mabilis na sinukmuraan.Napaubo si Arthur at nakabaluktot na bumagsak sa sofa habang nabasag naman ang bumagsak na baso at bote ng alak. "Alam mo bang muntikan ng mapahamak ang kambal dahil sa ginawa mo? Why did you have to bring them sa opisina ko?!" Umalingawngaw ang boses ni Johan. Tatayo na sana si Rohan para hindi madamay sa dalawa pero natigilan siya dahil sa sinabi ni Arthur."Naniniwala ka na bang anak mo sila?" "Anong ibig sabihin nito? May anak ka?" Tanong ni Rohan kay Johan."They're just kids. Why would I take their words seriously?""Pero bakit parang nagpapaka
021.The twins stealthy run from the garden to the living room and into their room. Nakahawak sa dibdib niya sa Louven sa kaba dahil muntikan na nilang makasalubong si Jack sa may hagdan habang papunta sa kwarto. Tuwang tuwa naman si Lucas habang nagtatalon sa kama."See! See! Did you see him, Louven?! I told you he really looked like us! He's our father!" Sigaw ni Lucas."What if magalit si mommy? Kapag nalaman niyang tumakas tayo kanina?" Seryosong tanong ni Louven sa kakambal.Bumaba si Lucas mula sa kama at hinawakan sa balikat si Louven."We'll keep it as a secret, okay? Promise me you won't tell anyone?" "I don't think so, Lucas. I'm sure mommy will find it out soon. And you aren't even sure if he really is our daddy. It's just your speculations." "So, you don't believe me?""It doesn't matter whether I believe you or not. The truth is still between Johan and mommy."Napahawak sa baba niya si Lucas as if nagkaroon ng insights sa sinabi ng kakambal."Kung siya talaga ang daddy
020.Nakahawak sa ulo niya si Johan habang nakasandal sa kaniyang swivel chair. Pumipintig ito sa galit dahil sa kapalpakan ng mga empleyado niya.Kanina lang ay karating sa kaniya ang nangyaring anumalya sa financial records ng kompanya. Dagdag pa ang chismis na umiikot dahil sa biglaang pagsuspende niya kay Jacob sa project."Magpapatawag po ba kayo ng meeting, Boss Johan?" Tanong sa kaniya ni Mr. L."No need, tukuyin niyo kung sino ang nagnanakaw sa kompanya. Asikasuhin niyo kaagad pagdating ni Rohan mamaya. Tell me immediately kapag nahanap niyo!" "Masusunod po." Ilang minuto pagkaalis ni Mr. L ay siya namang pagbukas ng pinto. Dumako ang tingin doon ni Johan at kumunot ang noo niya dahil walang pumasok."Who's there?!" Galit niyang sigaw. Walang sumagot pero naririnig niya ang bulungan ng maliliit na boses. He thought that it was only one of his employees' kid dahil pinapayagan naman niya ang mga ito na magdala ng anak sa kompanya.Maya maya pa ay nakarinig na siya ng hagikgi
019.Hindi muna lumabas ng kotse si Louise. Nanatali muna siya sa tapat ng mansion para magmuni-muni. What happened earlier in the conference room was one of her most unexpected moment alongside his meeting with Johan. Hindi niya inaasahan na muling makikita ang dating nobyo at makakasama pa niya sa iisang project. How could she possibly survive that? Dalawang lalaki na pareho niyang iniiwasan ay miyembro ng proyektong binuo ng ama niya with Johan.Louise might not have been fully healed based on her reaction. Bakit niya kailangang tumakbo? Why does she need to walk away from him, as if saying that she's still affected?She shed tears noong nahuli niya ang boyfriend and best friend doing a very delicious miracle. She was totally devastated at that time and her actions, in an attempt to heal herself from the pain led her to met Johan.That one unexpected night when she saw him bath on his own blood. Gasping for breath, crawling and crying for help. She could have run away. Turn her bac
018.Nagising kinabukasan si Louise at ang una nitong nakita ay si Stephen na nakatulog na sa kaniyang tabi. "Ang kambal!" Bulalas niya habang balisa at hindi mapakali. Napalikwas naman ng bangon ang lalaki at kinusot kusot nito ang mga mata pagkatapos ay sinuot ang kaniyang salamin. Nang makilala ang nasa harapan ay mabilis niya itong kinabig para yakapin ng mahigpit."Nasaan ang kambal, Stephen? Please gusto kong makita ang kambal!" Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Stephen pero hindi siya binibitawan ng lalaki. Hindi siya mapakali. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng kambal.Kumunot ang noo ng lalaki dahil sa pagtataka. Hindi nito maintindihan kung bakit ganun na lamang ang takot ni Louise."Nasa bahay ang kambal. Nakatulog na kaya inuwi ko muna para makapagpahinga ng maayos. Magdamag ka nilang binantayan dahil alalang alala ang dalawa sayo. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" Hinawakan sa mukha ni Stephen si Louise upang suriin ang pakiramdam ni
017.Johan's POV Malapit na ako sa villa ang matunugan kong parang may sumusunod sa akin. Kanina ko pa ito napapansin simula nang umalis ako sa opisina. Nang tingnan ko ulit ito sa side view mirror ay dun ko na nakompirma ang dalawang itim na kotseng dumidikit sa kotse ko mula sa likuran. I also saw the same car na nakasunod sa kotse ni Stephen nang pumunta ito sa ospital kanina.Binagalan ko ang pagpapatakbo para hindi ako masundan ng mga ito sa villa. Maya maya ay maririnig ang galit na boses ng isang lalaki at kasunod nun ay ang biglang pagdikit ng kotse sa akin kaya napalingon ako sa aking kanan. Bumaba ang bintana nito at doon tumambad sa akin ang isang lalaki na may krus na peklat sa mukha. Nakangisi ito ng malawak habang nakatingin sa akin, may binibigkas ito sa hangin sa hindi ko maintidihan.Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking iyon dahil isa siya sa mga assassin na binayaran para patayin ako limang taon na ang nakararaan. Laking pasasalamat ko nalang d
016."Po?" "Nevermind, let's go." Hindi na inabala pa ni Georgette ang amo. Sumunod nalang siya rito hanggang sa kwarto ni Louise."She's fine now though we still have to do some tests to make sure that her head doesn't have that much damage than we thought." Anas ng doctor na kausap ngayon ni Stephen.Nang makita nito si Johan ay nagkaintindihan naman agad sila sa pamamagitan ng tingin.Umiiyak si Louven na nakayakap sa walang malay na ina. Tahimik naman sa tabi si Lucas habang sinusundan nito ng tingin si Johan."Thank god! Hindi ganun kalala." Laking pasasalamat ni Georgette nang makita ang kaibigan. Nakahinga na siya ng maluwag at nakangiting nilapitan si Louise."Kailan po siya magigising, doc?" "Probably two days lang gising na siya. Nagkaroon ng kaunting sugat ang ulo niya dahil sa pagtama nito sa semento. But we already have our initial findings with regards to her condition. At ginagawa namin lahat ng makakaya namin para sa kaligtasan ng asawa mo, Mr. Monterey.""Thank you
015."Tumawag kayo ng ambulansya!"Rinig ko ang maingay na busina ng mga sasakyan sa paligid ko. May mga tao ring nagsisigawan at mababakas ang takot sa mga boses nila. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nang buksan ko ang mga mata ko ay wala akong makita dahil sa malapot na likidong tumutulo mula sa noo ko."Ah—" Napaungol ako sa sakit na nagmumula sa ulo ko.Maya maya ay may mga paang huminto sa harapan ko."Naririnig mo ba ako, miss?!"Tanong ng isang lalaki. Pinagpapawisan ang mukha nito at paulit ulit niyang kinakaway ang palad sa harapan ko."Ang kamb—" Nang akma akong kikilos para maaninaw ang paligid ko ay dun na ako napaungol ng malakas dahil sa matinding sakit na nagmumula sa iba't ibang parte ng katawan ko!"Wag kang kikilos, miss! Parating na ang ambulansya!"Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko ay nagmamaneho ako kanina tapos... Tama, may isang kotse na humarurot papunta sa direksyon ko kanina kaya ako naaksidente!Gaano na ako katagal na akong walang malay d
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.