Share

Kabanata 05

05.

Makalipas ang limang taon.

Naging masaya ang buhay ni Louise sa Australia. Pagkatapos malaman ng mag-ama na buntis siya ay labis na nadismaya ang mga ito.

At dahil bago palang naipakilala si Louise sa mga business partners nila ay nagdesisyon si Damian na ilayo ang anak sa Pilipinas para makaiwas sa issue.

Medyo nasaktan naman si Louise sa desisyon ng ama. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nito kayang ipaglaban sa ibang tao.

Ngunit nagbago ang paniniwalang iyon ni Louise nang maranasan niya ang maging magulang. Naunawaan niya ang ama nang lumagay siya sa sapatos nito.

"Where are we going, mommy?" Bibong tanong ng batang si Louven sa ina.

Isang oras na silang nakarating sa airport ng Pilipinas. Ang problema lamang ngayon ay na-stuck sila sa traffic dahil sa kaunting aksidente sa kalsada. Mabuti nalang at hindi nagrereklamo ang kambal sa kabila ng maalinsangang simoy ng hangin. Dagdag mo pa ang maruming usok dahilan kung bakit panay kamot sa leeg ang kambal.

Oo, kambal ang naging bunga nang pagsisiping nila ng estrangherong 'yun. Isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang bumalik sa Pilipinas ay dahil sa pagkakahawig ng kambal sa lalaking iyon.

Kapag tinititigan niya ang mga ito ay palaging sumasagi sa isip niya ang imahe ng lalaki na mahimbing na natutulog sa kama. Kaya pinangako niya sa sarili na iiwasan niyang magtagpo ang landas ang mag-aama.

But only this time that she will break her promise.

Her grandfather Gideon Sullivan was diagnosed with leukemia and eventually died because of a heart attack. Now, her father Damian Sullivan is critical in the hospital due to a tragic accident.

Sa kadahilanang wala ng ibang magma-manage ng kompanya dahil may sari-sariling inaasikasong negosyo ang dalawa pang anak ni Gideon na sina Amelia at Charles Sullivan. Maging ang mga pinsan niyang sina Jack at Jelo ay mayroon na ring sariling negosyong hinahawakan.

Kaya ngayon sa kaniya mapupunta ang pangangalaga sa kompanya na naiwan ng lolo niya.

Hinamplos ni Louise ang mukha ni Louven. Samantalang si Lucas naman na kakambal nito ay abala sa pagbabasa ng libro at mukhang walang pakialam.

"We're going to your grandpa. Diba gusto niyong makita si Grandpa?"

"Really, mommy?!" Tuwang tuwang lumundag lundag upuan si Louven.

Maya maya pa ay umusad na rin sa wakas ang trapiko. Nakahingang malalim si Louise dahil nag-aalala talaga siya kalusugan ni Lucas dahil may hika ito.

"Are you okay, Lucas?" Tanong niya rito nang makarating sila sa mansion. Kapansin pansin kasing hindi umiimik ang bata at ayaw rin nitong magpatulong sa mga gamit niya.

"I'm fine." Sagot nito tsaka kinuha ang bag niya na naglalaman ng mga libro.

"I'll help you."

"You don't have to." Walang pakialam nitong sabi sa kaniya at masungit siyang iniwan. Sumunod na ito sa mayordoma papasok sa loob.

Napabuntong hininga nalang si Louise tsaka pumasok na rin para makapagpahinga si Louven. Nakatulog na rin kasi ito sa balikat niya dahil sa mahabang biyahe. Napagod din siya ng husto. Mula sa trabahong iniwan niya sa Australia, ngayon ay sasabak naman siya sa pag-aasikaso sa burol ng lolo niya.

Hindi sa mansion ibuburol si Gideon. Kabilin bilinan kasi nito na kapag namatay siya ay sa bahay ng yumao niyang asawa na si Aurora siya ibuburol. At dahil naroon ang karamihan sa mga katulong para mag-asikaso, tanging ang mayordoma lamang ang naiwan sa mansion, dalawang katulong at apat na bodyguards.

Dahil mamayang gabi pa sila pupunta sa bahay ng lola niyang si Aurora kaya hinayaan muna niya makapagpahinga ang kambal.

At dahil marami pa siyang oras para maghintay, nagpahatid muna siya sa kompanya. Dahil sa sobrang daming dapat asikasuhin rito. Ayon sa mayordoma ay medyo napabayaan ng mag-ama ang pamamahala sa kompanya dahil sa malubhang karamdaman ng lolo niya.

Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ni Louise. Ayaw kasi ng ama niyang mag-alala pa siya at mas mabuti umano kung ibubuhos na lamang niya ang buong oras para pag-aalaga sa kambal.

Isang bagay na hindi kailanman nagawa ni Damian sa anak niyang si Louise.

"You'll be appointed as the new CEO of the company. Ayon iyon sa nakasulat sa policy ng kompanya." Seryosong nakatingin kay Louise ang abogado ng kompanya.

Ibig sabihin, kapag bumaba sa posisyon ang nakatalagang CEO ay hahalili ang anak nito. Dahil sa pagkawala ni Gideon ay pansamantalang humalili si Damian. Ngayon namang wala sa kapangyarihan si Damian, hahalili ang anak nito bilang CEO at iyon ay walang iba kundi si Louise.

In-explain din sa kaniya ng abogado ang lahat ng kailangan niyang malaman. Mayroon naman siyang natutunan sa mga tinuro noon sa kaniya ng ama kaya sigurado siyang maiaahon niya ang kompanya.

"Hindi pwedeng bumagsak ang kompanya. Hindi maaari." Nasapo niya ang sarili niyang buhok kasabay ng pagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"I'm sure you can make it prosper again. Trust yourself, Ms. Sullivan."

"Thank you, Mr. Nevarez. Let's call it a day."

Matapos nilang magkamay ng abogado ay umalis na rin ito. Naiwan siyang naghihintay sa secretary para sa hinihingi niyang pending schedules.

"Good afternoon po, Ms. Louise." Maligayang bati sa kaniya ng secretary na si Maricel. "Narito na po ang iniuutos niyo. Meron pa po ba kayong ipag-uutos?"

Kaswal na nginitian ni Louise ang babae tsaka tumango.

"Yes, um. Can you make me a coffee?" Medyo nag-alalangan pa si Louise na sabihin iyon dahil hindi naman siya sanay mag-utos sa ibang tao.

"Wag po kayong mahiyang mag-utos, Ms. Louise. Empleyado po ako ng kompanya kaya karapatan niyo po bilang amo na utusan ako."

Natawa na lamang si Louise sa tinuran ni Maricel. Medyo may pagkadaldal pala talaga itong secretary ng lolo niya. Halata rin sa mukha ng babae na masiyahin itong tao.

"Ok, sige na. My coffee, please."

"Copy po."

Habang wala si Maricel ay inabala ni Louise ang sarili niya sa pagbabasa ng mga documents at kung ano-anu ang mga nakapaloob sa mga ito. Doon niya nalaman na maraming mahahalagang meetings ang hindi nadaluhan ng kaniyang ama dahil sa pag-aasikaso kay Gideon.

Dahil sa kapabayaan sa kompanya ay maraming business partners nila ang isa isang nag-atrasan dahil sa takot na mahila sa pagbagsak ng Sullivan Empire. Mas lalo pang sumakit ang ulo ni Louise nang mabasa niya ang listahan ng mga rejected proposals.

Napahawak nalang sa sentido niya si Louise nang mapagtanto kung gaano karaming trabaho ang naghihintay sa kaniya.

Nang dumating ang sekretarya niya dala ang kape ay kaagad niya itong kinausap.

"Set me an appointment with Mr. Gomez para sa naudlot na project proposal."

"Rejected na rin po 'yan, Ms. Louise. Kanina lang po nagpadala ng notice ang kompanya ni Mr. Gomez."

"What?!"

"Sorry po." Nakayukong sagot ng sekretarya.

"No, it's okay, nagulat lang ako."

Muling binasa ni Louise ang listahan at dumako at mga mata niya sa isang pamilyar na pangalan.

"Johan Montavo." Bigkas niya sa pangalan.

"Ah, si Mr. Montavo nalang po ang hindi pa kumakalas sa ugnayan sa kompanya, Ms. Louise. Kung gusto niyo po ay magpapa-appoint ako ng meeting sa kaniya."

"Yes, please do that."

Nakahingang malalim si Louise dahil doon. Pero ang iniisip niya ang pangalan ng lalaki. Sigurado kasi siyang narinig na niya ito noon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status