Share

Chapter 4

"Mrs. Fuego, malalim ang sugat sa giliran ni Mr. Fuego. Mabuti na lang at hindi natamaan ang vital organ niya kaya wala sa kritikal ang kalagayan ng asawa niyo. Pero maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya kailangang manatili sa ospital nang ilang araw," sabi ng doktor.

Kunot-noong tumango si Jenica at bumaling sa nakasarang OR. She pursed her lips and paced back and forth again. Tinawagan na niya ang assistant ni Alex at paparating na raw ito.

Tumingin siya sa dalawang bodyguard na tahimik sa may tabi at kumunot ang noo niya. Bigla na lang sumipot ang dalawa habang buhat-buhat niya ang asawa palabas ng club. Dead on arrival naman ang dalawang bodyguard na nag-escort kay Dante Antonete kanina. Sila ang dalawang bangkay na nakahandusay sa loob ng VIP room pagbalik niya.

"Isang sneak attack," bulong niya at nahulog na naman sa malalim na pag-iisip.

"Miss Laurel!" hingal na tawag ni Renato, personal assistant ni Alex. "Sorry late ako. Sobrang traffic sa highway. Kumusta si Mr. Fuego?"

"Kakatapos lang ng operation at ililipat na siya sa private room for observation." She glanced at the two silent men. "Kilala mo sila?" tanong niya at tinuro ang dalawang bodyguard.

Tumingin si Renato sa tinuro niya at nangunot ang noo nito. "Antonete Private Security."

"Antonete?" aniya at tumaas ang kilay. Tauhan ang dalawa ni Gia? Bakit nagpunta sa club ang dalawang tauhan kung wala na si Gia roon?

Lumapit siya sa dalawa. "Hey. Inutusan ba kayo ni Gia Antonete para bantayan si Alex?" tanong niya.

Yumukod ang dalawang bodyguard. "Yes, Maam."

Mas lalong naningkit ang mga mata ni Jenica. May mali pero hindi niya mapunto. Umikhim siya. "May iba pa ba siyang utos sa inyo?"

"Wala, Maam. Nais lang ni Young Miss na bantayan si Mr. Fuego."

Jenica sneered. Bantayan si Alex? Baka gusto nitong malaman kung may babae bang umaali-aligid sa asawa niya. Umirap siya. Lapitin talaga ng bubuyog ang lalaking 'yon!

Matapos mailipat sa private room si Alex ay nagpaalam na si Jenica kay Renato. "I guess he'll be okay. Tawagan mo rin ang kamag-anak niya and inform them."

Nagdalawang-isip ang assistant. Maya-maya pa'y may inabot itong sobre. "Mrs. Fuego, I know it's not appropriate for me to give you this. Pero baka kailangan mo ito."

Kumibot ang sulok ng mga labi niya nang tawagin siyang Mrs. Fuego ni Renato. Nonetheless, tinanggap ni Jenica ang sobre at nakita niyang isa iyong invitation sa gaganaping engagement party nina Alexander Fuego at Gia Antonete.

A flash of disdain appeared in her eyes before she smiled at him. "Thanks," aniya saka naglakad paalis ng ospital.

Sumakay siya ng taxi pabalik sa hotel na tutuluyan at tinawagan ang assistant sa ibang bansa. "Give me the complete details of the guests and the organizers of this engagement party."

Gusto niyang bigyan ng surpresa ang dalawang walang hiya. Isang hambog at isang manyak. She sneered.

Tumawag din siya sa bahay at nagtanong sa ginang kung anong kalagayan ni Sham. Positibo ang sagot ng matanda. Nakahinga siya nang maluwag.

Wala pang resulta sa investigation ukol sa Antonete Enterprise pero may nakuha naman siyang detalye ukol kay Gia mula sa assistant.

Pangalawang anak ng mag-asawang Antonete at childhood friend ni Alexander Fuego. Lumipad sa States at doon nag-aral. Sumali sa Hollywood at naging sensational artist. Three years ago ay bumalik sa bansa dahil pinauwi ng lola nito.

Sa bansa na rin umusbong ang karera nito sa pagkanta. A few months ago, may meet and greet na naganap sa capital at doon nagkita ulit sina Alex at Gia. At kaninang umaga lang ay naglabas ng statement si Gia na engage na siya sa CEO ng Fuego Empire. Walang denial sa part ni Alex kaya naging sensational news ang statement ni Gia.

Naningkit ang mga mata ni Jenica. Ang ganda naman ng timing ng pagbalik niya sa bansa. Tumawa siya.

'Gia Antonete, isn't it? You tried to kill me, then let's see if you can climb onto my husband's bed,' aniya sa isipan at ngiting tinanaw ang nagniningning na lungsod.

Ilang araw ang lumipas at binalita sa national news ang kasalukuyang nagaganap sa engagement party. Dumating ang ilang kilalang mga persona sa showbiz at business world. Nakita pa ni Jenica ang ilan sa mga international stars na dumalo.

Nakasuot siya ng magarang damit at mamahaling mga alahas. She looked different from her image before. Noon kasi ay hindi siya nagbibihis nang maayos at simpleng pambahay lang ang lagi niyang suot. Kahit na dalhin siya ni Alex sa mga boutique ay hindi siya pumipili ng dress.

A rare soft smile appeared on her lips.

"Miss, are you alone?" biglang tanong ng lalaking lumapit sa kaniya.

Tumingin si Jenica sa bagong dating at bahagyang naningkit ang mga mata niya. Hindi ba ito ang pinsan ni Alex na hambog? Naalala pa niya kung paano ito pumorma sa kaniya nang bumisita ito minsan sa bahay ni Alex.

Pumaling sa gilid ang ulo niya. Mukhang hindi siya nakilala ng lalaki. Ngumiti si Jenica at nilahad ang kamay. "I'm Laurel," aniya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki sa ginawa niya at ngumiti ito nang pagkalaki-laki. "Robert Fuego, Miss." At kumindat pa ang walang-hiya.

Tumaas ang gilid ng mga labi niya nang maramdamang pinisil ni Robert ang palad niya. Pasimple niyang binawi ang kamay. "So... you're one of the relatives?" tanong niya at sumimsim ng wine.

"Kinda," ngiting sambit nito saka nagkamot ng batok. "I'm Alexander's cousin. Do you want to meet him?"

"Why you ask?"

Hilaw na ngumiti si Robert. "I don't have a date tonight. If you don't mind, I'll introduce you as my date to that cousin of mine."

'The same playboy Robert, I see,' aniya sa isipan. Jenica smirked. "Sure. Why not?"

Dinala siya ni Robert sa second floor. Lihim naman niyang nilibot ang tingin at napansing ginastusan talaga ng dalawang angkan ang engagement party. Too bad, it'll be a waste later.

Nandilim ang paningin niya nang maramdaman ang kamay ni Robert sa baywang niya. She side stepped and smiled at him. "There are eyes staring at us. I don't want a scandal."

Natawa si Robert at tinaas ang dalawang kamay sa eri. "Okay, got it."

Hindi nagtagal ay sabay silang pumasok sa loob ng men's dressing room. Tumaas ang kilay ni Jenica at sumulyap kay Robert pero wala itong pake sa tingin ng ilang hotel crew na napapatingin sa gawi niya. Why not? It's strange to see a woman entering the men's room, pero mukhang walang sense of shame ang lalaking katabi niya.

Umirap siya.

"Bro! I brought a girl tonight. Mas maganda pa sa fiancee mo!" sigaw ni Robert at hinila siya palapit sa nakatalikod na lalaki.

Napasinghap si Jenica sa gulat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status