Share

Chapter 3

Marahan niyang hinagod ang likod ni Alex at umakyat ang kamay niya sa likod ng ulo nito. Naglakbay ang mga paningin niya sa direksyon ni Gia na may ngiti sa mga mata.

"You b*tch!" gigil na sigaw ng babae at sumugod.

Iniinis lang niya si Gia pero para yatang nagustuhan ni Alex ang ginawa niya at mas lumalim ang halik nito sa kaniya. She pushed him gently but he caught her hand, intertwined their fingers, and pinned her naughty palm above her head.

Naramdaman niya ang pagkurba ng mga labi ni Alex. Naningkit ang mga mata ni Jenica. She clung onto him and switched places with him. Siya ang nasa itaas habang nasa ilalim niya ang lalaki.

Nilayo niya ang mga labi mula rito at ngumisi. "You underestimated me," bulong niya rito at pinasadahan ng daliri ang makinis na pisngi ng asawa.

Alex's gaze on her was gentle as he played with her hair.

Nahinto si Jenica sa ginagawa nang may naramdaman siyang pagkilos sa gilid. 'Swissh!'

Hinuli niya ang nakataas na kamay ni Gia at ngiting bumaling sa babae. "You can't afford to hurt me," aniya at pinaningkitan ito ng mga mata.

"Y-You, b*tch!" sigaw nito at marahas na binawi ang palapulsuhan. Bumaling si Gia kay Alex. "Honey, sinabi ni Kuya na may babae ka. I didn't believe him but seeing this ugly woman... what do you mean by this?!"

Honey?

Tumaas ang kilay ni Jenica at tumingin kay Alex. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at pinigilan ang sariling matawa. Naalala niyang ayaw nitong gumamit ng matatamis na tawagan dahil nasasagwaan ito, pero pagdating kay Gia ay ayos lang? Napaka-ipokrito naman yata ng asawa niya?

She patted Alex's chest and smiled seductively at him. "I really like your face, handsome. Too bad..." Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi nito. "Hindi ako pumapatol sa may jowa." At mahinhin siyang tumawa bago umalis sa pagkakadagan niya rito.

"Where are you going?" tanong ni Alex nang makitang inaayos niya ang sarili. He used his arm to propped himself up and stared at her.

Tumaas ang kilay niya at ngiting bumaling dito. "Gonna leave. Nandito na ang jowa mo kaya hindi na ako kailangan. Don't worry, I'll visit you again soon."

At habang nag-uusap sina Jenica at Alex, nagbukas-sara ang kamao ni Gia. Hindi niya matanggap na mas maganda pa ang estrangherong babae kaysa sa kaniya. Mas lalong nagngingit ang kalooban niya nang hindi siya pinansin ni Alex. Nakatuon ang lahat ng atensyon nito kay Jenica.

"Sl*t!" sigaw niya at dinuro si Jenica. "How dare you seduce my man!"

Tinaas ni Jenica ang palad at bumaling kay Gia. "Did no one tell you it's not good for a woman to cuss?" Saka siya humakbang palampas dito. "Ahyaa... hindi ko alam na walang class ang fiancee ni Mr. Fuego. Tsk tsk." Umiling-iling pa siya.

Dumilim ang paningin ni Gia. Mabilis niyang nilabas ang maliliit na karayom at pinalipad tungo kay Jenica.

Tumaas ang kilay ng huli at kumibot ang sulok ng mga labi. She side stepped and all small and sharp needles fell on the floor. Umiling si Jenica at bumaling kay Gia. "Patingin ka sa doktor, Miss. Mukhang malabo ang mga mata mo."

"W-What?"

"Anduling mo kasing tumira," sabi ni Jenica saka pinulot ang isang karayom. Kung hindi lang nasanay ang mga mata niya sa paghanap ng mga bagay ay baka hindi niya makikita ang karayom sa liit nito. "Mmm... this needle is good," aniya at binulsa ang karayom.

Sumulyap pa siya nang makahulugan kay Gia bago tuluyang lumabas ng silid.

Dinukot niya ang karayom mula sa bulsa at pinasadahan ng tingin. Sa nakalipas na taon ay marami na siyang nakita at nabistong hidden weapon pero ngayon lang siya nakakita ng hidden weapon na karayom.

Nilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang assistant niya sa ibang bansa. "Investigate this thing for me," aniya at pinatay ang tawag. She captured a picture before putting away the needle. Saka niya sinend sa assistant ang picture.

Hindi nagtagal ay may natanggap siyang tawag. "The needle carries poison. The degree of lethality is unknown and it can only be use once. When exposed in the air, the poison losses its lethality and will immediately rot. The only record of this poisonous needle is found in a private island near Mindoro. It was used to assassinate a small government official."

"Only record?" Kumunot ang noo niya. Dinukot niya ulit ang karayom mula sa bulsa pero natigilan siya nang wala siyang makapa.

"Yes, Agent X. Only one record found because even without air, these needles will rot inside the victim's body. And the autopsy can't detect any metal components on the corpses. I'm afraid, these poisonous needles are not made of metals but other materials that the human body can absorb."

Naningkit ang mga mata ni Jenica. Kaya pala wala siyang makapa sa bulsa matapos niyang i-expose sa hangin ang karayom.

Hinilot niya ang sentido. "This matter is also one of my missions?"

"Yes." Umikhim ang kausap sa kabilang linya. "The organization wants you to investigate the ongoing illegal transaction between a local private entity and Jared's group. As well as to find out who made these poison needles."

"Roger that." Huminga siya nang malalim. "I still have one request. I want to know who Gia Antonete is and investigate the Antonete Enterprise behind her."

"I'll look into it, Agent J."

Binaba niya ang tawag at napatingin sa nagniningning na siyudad sa hindi kalayuan. Umihip ang hangin habang tahimik siyang nakatayo sa rooftop ng hotel na tutuluyan niya ngayong gabi.

Hindi lang Jenica Laural ang katauhan niya. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa rin siyang miyembro ng International Crime Operatives na nakabase sa Europa. At ang priority misyon niya sa bansa ay alamin ang transaksyon ginagawa ng grupo ni Jared, ang numero unong kalaban ng organisasyon.

At para maprotektahan si Shamrock, titira na muna siya sa hotel hangga't hindi pa natatapos ang misyon.

Marahan niyang tinampal ang noo. Oo nga pala. Hindi niya nagawa ang plano niya sa gabing iyon -- ang kausapin si Alex tungkol sa existence ng anak nilang si Shamrock. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang numero ng huli.

"Alex, si Jenica 'to," aniya nang may sumagot sa tawag.

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago niya narinig ang boses ni Alex. "Iniwan mo na naman ako. Jenica, do you think I'm easy to fool?"

Nahimigan niya ang galit sa tono ng boses nito at napairap siya. "Bakit kasalanan ko pa? Hindi ako ang may engagement sa iba."

"You..."

"Tinawagan kita dahil may sasabihin ako. Kung ayaw mong makinig, it's not my loss."

"Where are you?" tanong nito.

Ngumisi siya. "Nandiyan pa ba si Gia?"

"No. She left after you."

"Alright. Hintayin mo lang ako riyan."

Kaya bumiyahe siya pabalik sa bar na ilang metro lang ang layo mula sa hotel na tinutuluyan niya. Pero nagulat siya nang pagdating niya sa VIP room ay may nakahandusay na katawan sa sahig.

Pagtingin niya sa gilid ay nakita niya si Alex na pinaliligiran ng dalawang naka-maskarang lalaki na may kani-kaniyang hawak na patalim. Napatingin sa kaniya ang tatlo.

Nanlaki ang mga mata ni Alex. "Jenica run!"

"Oh. Someone wanted you dead?" aniya at tumaas ang kilay.

Sa pagkakaalam niya ay walang nagtangka sa buhay ni Alex nang naghihingalo ito five years ago. Pero ngayon na nasa maayos na itong kalagayan ay may nagpadala ng assassin para patayin ang asawa niya? How absurd!

"Bro, ikaw na sa babae. Ako na kay Fuego!" sambit ng isa sa mga assassin.

Mabilis na kumilos ang lalaking pandak at sumugod sa kaniya. Naningkit ang mga mata ni Jenica at nanlamig ang kalamnan ni Alex. "I said run!" sigaw nito at mabilis na umilag sa atake ng kaharap na assassin. "Are you listening, wife? Get out!" ulit nito.

Dahil isang VIP room kaya walang nakakaalam na may krimeng nagaganap sa loob. Kung tatakbo si Jenica palabas ay tiyak na makakatakas siya. Ang problema, hindi lang siya si Jenica Laurel.

Kumurba ang gilid ng mga labi niya at tumakbo patungo sa assassin. Nakita pa niya kung paano rumehistro ang gulat at pagkamangha sa mga mata nito. Right. Sino bang tatakbo tungo sa assassin? Well, siya lang.

Inilabas niya ang maliit na dagger mula sa braso at winasiwas. Umilag siya sa patalim at lumundag paikot sa likod nito. Mabilis niyang sinaksak at hiniwa ang balat nito sa leeg. Bumulwak ang dugo sa sahig.

"Bro!" tawag ng assassin sa likuran niya at sumugod sa gawi niya. Malamig niyang tiningnan ang papalapit na lalaki at walang balak na umilag.

May plano na siya pero bago pa man niya magawa iyon ay tumayo sa harap niya si Alex at tinulak siya palayo. Nanlaki ang mga mata ni Jenica. "No!" sigaw niya.

'Splat'

Dumiin ang patalim sa giliran ni Alex at tumulo ang dugo nito sa sahig.

Nahigit ni Jenica ang hininga nang makitang napaluhod ang asawa sa harap ng assassin. Tinaas ng huli ang patalim at akmang tutuluyan ang buhay ni Alex nang tumakbo siya palapit dito at binato ang dagger sa leeg ng assassin. Natumba ito nang nakadilat pa rin ang mga mata sa gulat.

"Alex... Alex! Gising! Gumising ka!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status