Share

Chapter 5

Muntikan na siyang matapilok kung hindi lang naging mabilis si Alex sa paghawak sa braso niya. Napamura siya. Inis siyang bumaling kay Robert na nagkamot ng batok at hilaw na natawa. "Sorry," anito.

Umirap si Jenica at tumayo nang maayos. She's not some kind of weak woman pero pagdating kay Alex ay nawawala siya sa usual self niya. Nawawalan siya ng poise. Kunot noo siyang lumayo kay Alex at umiwas ng tingin.

"Bro! This is Laurel, my date!" pakilala ni Robert sa kaniya at hinila siya palapit rito.

Jenica pursed her lips in annoyance and looked at Alex who was frowning at her. "Date?" tanong nito at ngumisi.

Masama ang kutob niya. Umikhim siya at bumulong kay Robert. "I want to go back."

Pero bago pa man makakibo ang lalaki ay may humawak sa palapulsuhan niya at hinila siya palayo kay Robert. Nanlaki ang mga mata ni Jenica at napatingala sa asawa na masama ang timpla ng mukha. "This is your date?" ani Alex at nagbaba ng tingin sa kaniya. "An unusual woman who lacks self disciple?"

"Bro, respito naman. Date ko 'yan. Keep your hands off my woman," ani Robert at hinawakan ang kabilang kamay ni Jenica sabay hila.

"This woman?" Alex snickered ang pulled her back. He gently pinched her cheeks and whispered at her ear. "So you're now devoting yourself to your cousin-in-law? Wife, should I be happy?"

Nandilim ang mukha ni Jenica. "Why? You're engaged. May rason ba para maging faithful pa rin ako sa 'yo? Hindi ako martir kung 'yan ang iniisip mo," bulong niya pabalik at ngumisi rito.

Naningkit ang mga mata ni Alex. "So you're doing this in the hard way, huh?" Kinabig siya nito at hinalikan ang mga labi niya.

"Bro! Anong ginagawa mo!" sigaw ni Robert at pinaghiwalay silang dalawa. "Nababaliw ka ba? May fiancee ka na!"

"This is out of your concern. Get lost!" sita ni Alex at tinulak si Robert palayo. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa isang secret door.

"Alexander Fuego!" sigaw ni Robert. "She's my woman!"

Alex chuckled and shut the door behind him.

Binalot ng katahimikan ang dalawa as they looked at each other. Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Explain yourself."

Jenica smirked. "Why should I?"

Nandilim ang mukha ni Alex at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Don't forget that you're my wife, Jenica."

Marahas niyang tinabig ang mga kamay nito at lumayo sa lalaki. She sneered. "What a shameless man you are, Mr. Fuego. One woman is not enough for you so you are finding another despite having a wife?" Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Akala ko katawan mo lang ang may sakit, I didn't know your illness has gotten into your head."

"Don't accuse me without looking at what you've done, Jenica. You abandoned your husband when he needed you most."

Natahimik siya saglit sa sinabi nito at napaiwas ng tingin. Silence hovered above them for a moment before Jenica cleared her throat. "I have my reasons."

"I also have mine," ani Alex. Kumuyom ang kamao nito. "Limang taon na ang lumipas nang iniwan mo ako, Jenica. That night was the last treatment session before I'll finally get rid of my illness. I thought you'll be by my side when I wake up only to find out that you ran away. You think marrying me is a child's play that you made fun of me by doing that?"

Huminga siya nang malalim at hindi nagtangkang salubungin ang mga mata ni Alex. Alam niyang puno iyon ng pang-aakusa sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtakas. Naging isang linya ang mga labi niya. "I wanted freedom," ang tanging nasagot niya.

Alex snickered. Pinasadahan nito ng kamay ang buhok at tumingin nang mariin kay Jenica. "You think I'll believe that excuse?"

"If you believe it or not, it doesn't concern me." Tiningnan niya ang kabuuan nito sa gilid ng mga mata. "I see that you're well enough to taunt and threaten me. Since engagament mo 'to, it's not good to let others see we're alone in this room."

"You really love to lie. Do you think I'm naive to believe your words?"

Tumingin siya kay Alex at ngumisi. Sukat noon ay marahas na bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Gia kasama ang ilang lalaki at babae na kaedad lang ni Robert. Nakita pa niya ang huli na nasa likuran ni Gia. Masama ang tingin nito kay Alexander. Tumaas ang kilay ni Jenica. There must be a good show to watch.

"You!" sigaw ni Gia at tinuro siya. "What on earth are you doing with my fiance?"

Pumilig sa kaliwa ang ulo niya at ngumisi sa bagong dating. "Me?" Tinuro pa niya ang sarili at marahang natawa. "Why don't you ask your beloved fiance, huh?"

Humakbang siya palampas kay Gia pero mabilis na humarang ang mga kasama nito sa daanan niya. Naningkit ang mga mata ni Jenica. "Get lost!" aniya.

"Ang kapal naman ng mukha mo na i-seduce si Kuya Alex!" ani ng babaeng nakas-eyeglass. Masama ang tingin nito sa kaniya.

"Yes! That's right! Kahit na anong gawin mo, you will never set a foot in Fuego's mansion. A b*tch like you doesn't deserve cousin Alex!" sabi naman ng kasama nito.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Jenica. "Fuego's mansion, isn't it?" She glanced at Gia who was shooting glares at her. Marahan na naman siyang natawa. "I won't accept it even if you beg in front of me."

"You!"

Narinig niya ang pagsinghap ng ilan sa mga ito pero nakalabas na siya sa silid na iyon nang walang ekspresyon sa mukha. Isa lang naman ang rason kung bakit nagpunta siya sa engagaement party na iyon --- to shame Antonete and Fuego's family.

Five years ago, hindi lang siya disappointed kay Alexander. Simula nang malaman ng mga kamag-anak nito na makakalakad na si Alex pagkatapos ng huling treatment session ay maraming mga naglalakihang pamilya ang nagpupunta sa mansion ng mga Fuego para i-congratulate ang kasalukuyang ginang ng Fuego, na lola ni Alexander.

Siyempre, hindi lahat ng miyembro ng naglalakihang pamilya ang kayang tumayo sa harapan ni Alex kaya hindi sila nagpupunta sa bahay na tinutuluyan nilang mag-asawa. Pero palaging nagpapadala ng mga babae ang lola ni Alex sa bahay upang kamustahin ang lalaki.

Alex didn't let her go and stand in front of those women. Ito mismo ang tumatanggap ng bisita at kailanman ay hindi siya nakalabas ng kanilang kuwarto hanggang magsilayasan ang mga babaeng gustong makaakyat sa kama ng asawa niya.

It was one of their disagreements but Alex promised her that he won't entertain those bugs.

Kaya laking gulat at disappointment ang naramdaman niya nang malamang magpapakasal ang asawa kay Gia Antonete. He certainly broke his promise to her pero hindi niya kayang akusahan ang asawa sa ginawa nito lalo pa't siya ang unang umabandona sa kanilang dalawa.

Nonetheless, hindi niya hahayaang maging masaya ang dalawang naglalakihang pamilya. She might seem petty but it was the only thing she believes she could do to stop this engagement.

"Haah! Anong klaseng babae ba 'yan? Miss Gia is this kind of woman?"

"Bilis, bilis! Take a picture!"

"Hindi ko alam na ganyang klase ng babae si Miss GIa. Idol ko pa naman siya."

Rinig ni Jenica ang bulungan ng mga bisita habang marahan siyang sumisimsim ng wine. Nakabukas ang projector na sana ay ipapakita ang pictures ng couple pero laking gulat ng lahat na pictures ni Gia na nakahubo't hubad ang inilabas ng malaking projector.

"Anong hinihintay niyo! Take it down!" galit na sigaw ng ginang ng Fuego.

Gia's face paled habang hindi maiguhit ang mukha ng mag-asawang Antonete. Maging ang mga pinsan ni Alex ay napanganga sa nakita.

"Everyone, it's all a misunderstanding," paunang sambit ng ama ni Gia. "Someone framed my daughter. Wait for a second and we'll figure it out!"

Napuno na naman ng bulungan ang venue. Bigla ay naramdaman ni Jenica ang mainit na titig sa mukha niya. She looked around and her eyes met the vicious look of Dante Antonete. Mukhang nakilala siya ng lalaki. A smirk appeared on her lips as she make a toast with him. Sumama ang timpla ng mukha nito.

Marahan siyang natawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status