Share

Chapter 6

Humakbang si Dante palapit sa kaniya. Jenica's lips curved into a smile and sipped some wine while staring at the dark expression of the man.

"It's your scheme," sabi ni Dante nang tumayo ito sa harap niya.

Binaba niya ang wineglass sa mesa at sinalubong ang matalim na titig ni Dante. "What are you saying? I don't understand."

"What the hell, woman!" impit nitong bulong at nilapit ang mukha sa tainga niya. "Wait and I'll rip that smile from your lips!" babala nito bago naglakad palayo.

Pinilig ni Jenica ang ulo sa kanan at kumurba na naman ang mga labi. Ang assistant niya ang inatasan niyang mag-hack sa security system ng hotel upang mailagay ang mga hubad na pictures ni Gia. Good luck sa security ng hotel sa pag-trace ng device na ginamit.

Hindi nagtagal ay muling bumalik ang ama ni Gia sa stage. "Everyone, we found out the culprit. We'll impose proper discipline and ask every media to properly choose what content you'll publish later."

Natahimik ang mga bisita sa babala ni Mr. Antonete. Marahan na namang natawa si Jenica. Alam niyang ganito ang kahihinatnan. Fuego alone had the power to threaten the media, and now that Antonete's having connection with the powerful clan, madali na lang sa kanilang i-control ang media. Of course, not every media platform could stop the spread, right?

Tulad na lang ng social media.

Kanina pa na-publish ng assistant niya ang content ng projector images sa social media at inaasahan niyang magiging trending mamaya ang nasabing post, lalo pa't isang sikat na personalidad si Gia. She's also thankful that Gia's an influencer or else hindi madali ang pagkalat ng post na iyon.

"What the! It's all over the socMed!" bulong ng babaeng nakaupo sa tapat ng table niya habang nakatingin sa cellphone.

"Sinong nagpakalat sa pictures? They will not end well."

"Tingnan mo, nasa socMed ang photos ni Miss Gia. Tsk, tsk. Sira na ang pangalan niya. Sayang naman. Ang ganda pa naman ni Miss Gia."

"Paano na 'yan? Half of her fans believe what is written in social media!"

Nagkagulo ang buong hall while Jenica was having her time watching the good show. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya at sinagot niya ang tawag ng assistant.

"Agent J, someone tried to trace the IP address but I blocked that person. I'm afraid, some professionals are with you right now."

Jenica pursed her lips and looked around. "Roger that." Saka binaba ang cellphone.

Professional?

Hindi basta-basta ang kakayahan ng assistant niya sa pag-hack ng security protocols pero nag-alala ito sa kakayahan ng taong nais mag-counterattack. Ibig sabihin lang no'n ay meron sa loob ng hall, o sa likod ng Fuego at Antonete, na kayang makipagsabayan sa skills niya pagdating sa hacking.

Naging isang linya ang mga labi niya. Sino naman ang taong iyon?

Kumurap si Jenica nang magtama ang tingin nila ni Alex. The man was staring at her the whole time at ngayon lang niya napansin. She secretly scolded herself. Tinagurian siyang top agent sa organization pero ni hindi niya napansin na may nakatitig sa kaniya at asawa pa niya mismo?

Or maybe in her subconscious mind, she felt safe with Alex that's why her body neglected his gaze knowing that he would threaten her at all?

Hindi ito maganda.

Jenica moved and tried to walk out of the hall pero mas mabilis sa kaniya si Alex. Nahuli nito ang palapulsuhan niya nang malapit na siya sa nakasarang malalaking pinto.

Nilapit ni Alex ang bibig sa tainga niya. "Where are you going?" bulong nito.

"Get your hands off," she warned and slapped his hand away.

Pero hindi sinasadyang natabig niya ang sugat sa tagiliran ni Alex. Ngumiwi ang lalaki at biglang namutla. Pinagpawisan ito nang malagkit.

Nanlaki ang mga mata ni Jenica. "Anong problema?" tanong niya at mabilis na hinawakan ang braso nito at inalayan itong tumayo.

Ngayon lang niya napagtantong kaka-discharge lang nito sa ospital at hindi pa tuluyang gumagaling ang sugat. She forgot that detail because Alex seemed strong for a person who almost lost his life a week ago.

Bigla na lang may tumabig sa kamay niya at tinulak siya pasalampak sa sahig. She went out of balance but immediately grab the table and stood straight, staring sharply at the woman who pushed her.

Gia was glaring at her with killing intent. She raised a brow.

Akala niya ay mag-e-eskandalo na naman si Gia sa harap ng madla pero bumaling ito kay Alex. "Honey, I'm sorry. I let her hurt you. Kakalabas mo lang ng ospital pero may mga babae talagang hindi mapirmi at gustong magpapansin sa 'yo. Look, you're pale. It's my fault for being too kind to her. I thought she know her limits but I didn't expect na sasaktan ka niya."

Ramdam ni Jenica ang malisosyong mga tingin na ipinukol ng mga bisita sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at iniwas ang tingin. Gia said those words para maging masama ang tingin ng mga tao sa kaniya. Hah. What a b*tch. She'll make sure that Gia will pay for this debt sooner!

"Ikaw na naman?!" sigaw ng isa sa mga pinsan ni Alex. Jenica look at the girl who's wearing eyeglass. Ito 'yong babaeng kasama ni Gia na pumasok sa loob ng male dressing room kanina na nagsalita nang masama sa kaniya. "You desperate loser! Ayaw ni Kuya Alex sa 'yo pero palagi ka lang sunod nang sunod sa kaniya para magpapansin. Seriously? May ibang single diyan na pwede mong landiin. Wag ang Kuya Alex ko!"

"Ang ganda pa naman sana niya pero malandi. Tsk, tsk. Engagement party ito ni Mr. Fuego pero hindi na nahiya," rinig niyang bulong ng mga bisita.

"SInabi mo pa. Hindi na talaga mapirmi ang kati ng ilan," sulsol pa ng isa.

At marami pang mga masasamang salita ang binabato sa kaniya. Nandilim ang mukha ni Jenica lalo pa't nakita niya si Robert sa likod ng mga bisita na kakaiba ang tingin sa kaniya.

Her lips pursed. Nakawala si Gia sa mga mapanghusgang tingin ng mga bisita at siya ngayon ang binabato ng mga batikos. Good. Very good. Isusulat niya sa listahan ang pagmamahiya nito sa kaniya.

Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan siya ni Alex. "If you're bold enough, then stay!"

Sukat noon ay bumukas ang dalawang naglalakihang pintuan. Nag-unahan ang mga bisita sa paglabas ng hall habang naiwan sa loob ang mga miyembro ng Fuego at Antonete, maging si Jenica ay nanatiling tahimik na nakatayo sa gilid.

"Alexander, what's this? Who plotted against our family?!" galit na sigaw ng ginang ng Fuego. Wala itong pakialam kay Jenica na tahimik lang sa tabi.

"Grandma, I'll look into it," sabi ni Alex at sinenyasan ang pinsan nitong dalhin sa hotel room ang ginang.

Lumapit ang ama ni Gia kay Alex. "Thank you for pardoning my daughter's ignorance, Mr. Fuego. I'll remember this favor." At yumukod pa si Mr. Antonete sa harap ng lalaki.

Alex sneered. "Teach your daughter to behave or I'll make sure she'll go home crying in your arms, Mr. Antonete."

"Yes, yes..."

Isa-isang umalis ng hall ang mga miyembro ng pamilya Fuego at Antonete, lalo pa't nakita ng mga ito ang madilim na mukha ni Alex. Gia hesitated for a moment pero hinila na ito palayo ng sariling ama.

"So... you found the suspect?" tanong niya.

Naningkit ang mga mata ni Alex. "That hotel crew's just a scapegoat. Someone is behind all of this."

Her lips twitch at what he said. Surely, iba talaga ang utak nito. She could calculate anyone, but not her husband.

May narinig siyang yabag sa likuran. Nilingon niya ang taong papalapit at nakita ang madilim na mukha ni Dante. Tumaas ang kilay niya. Hindi pa niya nalilimutang binantaan siya nito kanina.

"Mr. Fuego, you are still with this woman," sabi ni Dante at tumayo sa tapat niya.

"You haven't learnt your lesson, Antonete?" tanong ni Alex at hinawakan ang kamay ni Jenica.

Mabilis niyang tinabig ang kamay nito habang naningkit naman ang mga mata ni Dante. "You should not associate yourself with this kind of woman, Mr. Fuego."

"Oh?" Tumaas ang kilay ni Jenica at bumaling sa lalaki. "What kind of woman am I?" tanong niya at ngumisi nang malapad.

Nang inabot ulit ni Alex ang kamay niya ay hindi siya nagpatumpik-tumpik at hinayaan ang asawang hawakan ang kamay niya. Nakita iyon ni Dante kaya mas lalong dumilim ang mukha nito. "Mr. Fuego, my sister is more decent than this woman who's flirting with you and your cousin Robert! You should choose your woman according to your status."

Tumawa si Jenica. "Decent? You mean si Gia?" She chuckled and slapped Alex's hand away. "If I was not mistaken... her naked body was seen by everyone inside the hall." Bumuntong-hinga siya. "Such a pity for a beautiful face like hers... kaso pinagpiyestahan na ng mga lalaki ang katawan. Your sister's not pure and decent anymore. You think so, Mr. Fuego?" tanong niya at nakangiting bumaling kay Alex.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
sayo
nice nicee
goodnovel comment avatar
Aurora Agno ALmid
update plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status