Share

CHAPTER 3

Seira Anthonette P.O.V.

Sinarado ko ang libro ko sa accounting nang makita ang wall clock, oras na para pumunta kala Jairus. Inayos ko ang kama ko at ang gamit ko ay ibinalik ko sa aking bag. Humarap ako sa vanity mirror ko at magsuklay ng buhok. Kinuha ko rin ang paborito kong perfume para magpisik sa katawan ng pabango.

"Solo na ulit kita," bulong ko habang tinatanggal ang hikaw ko.

Lumabas na ako ng bahay at nakita kong wala na ang kotse ng magulang ni Jairus. Pumasok ako sa bahay nila ng walang kahirap-hirap dahil bukas ito, nilo-lock lang ni Jairus ang gate kapag umalis na ako. Malaki ang bahay nila pero wala silang kasambahay, palagi ring busy ang magulang ni Jairus kaya halos lahat ng atensyon niya nasa akin at sa barkada.

Nakita ko si Jairus na nakatayo sa tapat ng refrigerator, madilim na sa sala at tanging ilaw sa kusina ang bukas. Nakita ko siyang namamapak ng Nutella. Lumapit ako.

"Oh, nandito ka na pala. Ime-message sana kita para papuntahin. Gusto mo?" tanong niya at inangat ang nutella.

"Pahingi!" inagaw ko sa kaniya ang kutsara sa kamay niya saka kinain ang naroon.

"Mahilig ka talaga sa sweets, 'no?" aniya.

"Oo, prone ako ng diabetes," ani ko at mahinang tumawa.

Napatitig naman ako sa mukha ni Jairus. Hindi siya kumibo at nakatitig lang sa labi ko.

"Bakit?" tanong ko.

Binitawan niya ang nutella. Tinuro niya ang labi ko. Pinunasan ko iyon.

"Parang bata!" aniya.

"Saan ba kasi?" ani ko at muling pinunasan ito.

Nilapit ni Jairus ang mukha niya sa akin. Bigla niyang nilapat ang labi niya niya sa gilid ng labi ko. Ramdam ko ang mainit niyang dila dito. Gumitna ang labi niya sa labi ko at s******p ang ibabang labi ko. Kusang pumikit ang mga mata ko sa ginawa niya.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Tila ba may kiliti sa aking tiyan habang patuloy siya sa paghalik sa akin. Kinagat nito ang ibabang labi ko, nabitawan ko tuloy ang kutsara na hawak ko. Napahawak ako sa batok niya habang sinisiil niya ako ng halik. Lumilibot naman ang mainit niyang palad patungo sa dibdib ko. Bumaba ang kaniyang kamay sa akong pang-upo at marahas niya akong inangat. Napakapit ako sa leeg niya at naramdaman kong inupo niya ako sa lamesa na katabi namin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tila ba hinahanap-hanap na ng katawan ko ang sarap na naibibigay niya mula noong aksidente namin itong nasimulang gawin. He's my first, I am also his first.

Five months ago, bakasyon noon. We we're watching a movie with s*x scenes. It was so intimate, we felt hot while drinking beer. He suddenly touched me and I liked it. I love his touches. Binigay ko ang sarili ko sa kaniya, not just because of pleasure but because of love... I love him for five years. Since we're in highschool. I love him. And I will do everything for him.

"I will admit that you're the sexiest person I've ever seen," bulong ni Jairus.

Hinawakan niya ang hita. Napangiti naman ako sa compliment na ibinigay niya sa akin. Akmang hahalikan niya akong muli pero tumunog ang kaniyang cellphone.

"Sino 'yon?" tanong ko.

Sinilip niya ang screen ng cellphone niyang nakapatong sa side table. Umiling siya.

"Si Vinalyn, sabi niya good night. Sabi ko kasi matutulog na ako," aniya at hinawakan ang pisngi ko.

Akmang hahalikan niya ako pero umiwas ako.

"Paano kapag nalaman na niya 'to?" tanong ko.

"Wala namang makakaalam. Tayong dalawa lang ang may alam na mayroong nangyayare sa atin. Besides, wala akong balak na sabihin sa iba. We're best buddies, 'di ba? Seira?"

Itinaas niya ang kaniyang pinky finger.

"Best buddies," ani ko at pinulupot ang pinky finger ko sa kaniyang daliri.

Ngumiti siya sabay halik sa akin.

"Gusto mo, dito ka na matulog?"

"Uuwi si Mama ng alas-sais," ani ko at umiling.

"Mag-alarm ka ng five," aniya.

"Ayoko, natatakot ako baka maabutan ako ni Mama," ani ko.

"Sige... Mabilis lang 'to," aniya.

*******************

Pareho kaming hingal na hingal. Napahiga ako ng tuwid sa kaniyang kama habang nakatitig sa kisame nito. Naramdaman ko ang kamay niyang yumapos sa akin.

"Dito ka na matulog," pagpupumilit na naman ni Jairus.

"Hindi nga pwede---"

Hindi ko inaasahang yakapin niya ako. Napasubsob ako sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang natural niyang amoy pawis, ang bango niya. Wala siyang bad odor.

"Uuwi rin ako, ha?" ani ko.

"Oo, payakap muna."

Pumikit ako at dinama ang mainit na yakap ni Jairus.

Hinayaan ko siyang yakapin ako. Kahit sa ganitong paraan lang, pakiramdam ko may relasyon kami, pakiramdam ko mahal niya rin ako, kahit sa totoo lang. Parang ako lang naman yung nag-a-assume. Mahal na mahal ko siya pero ayoko pa rin umamin.

Takot akong mawala si Jairus sa buhay ko. Hindi ko kakayanin. Siya lang ang lalakeng minahal ko, sa kaniya lang ako nagkagusto mula nang bata pa lang kami. Hindi ako nagkagusto o na-attract sa iba. Sa kaniya lang.

*****************

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Jairus. Muli ay masaya na naman siyang nagku-kwento ng kung ano-ano. Minsan daig niya pa ang babae sa dami niyang chismis na nasasagap.

"So, next year sa birthday mo. Balak mo na ba mag-celebrate?" tanong niya.

"Ano na naman bang topic 'yan? Hindi nga kaya ni Mama. Ayaw ko na rin maghanda o mag-abala pa. Ang dami niyang gastos, lalo na sa tuition ko," ani ko.

"Tsk, ipaghahanda kita," aniya.

Napatingin ako sa kaniya, hindi ko mapagtanto kung seryoso ba siyang ipaghahanda ako o binibiro niya lang talaga ako.

"Nandito na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko.

Naglakad na kami papasok nang campus, bigla naming nakasalubong si Raiko. Agad siyang tumakbo papalapit kay Jairus at inakbayan ito.

"Pare, pakita ko sa 'yo bagong design ng motor ko," ani Raiko.

"G*go ka! Pinabaklas mo na naman ba!?" ani Jairus.

Wala naman akong alam sa mga motor kaya na-out of place lang ako. Hinayaan ko na silang mauna maglakad, lumiko ako patungo sa comfort room. Pagpasok ko roon ay hindi ko inaasahang makita ang babaeng pinagseselosan ko.

"Seira!" masiglang bati ni Vinalyn.

"O-Oh, Vinalyn," pilit akong ngumiti.

"Hindi nagre-reply si Jairus sa akin, kasama mo ba siya?" tanong niya.

"Oo, sabay kaming pumasok."

"Oo nga, sabi nga ng iba. They always saw the both of you hanging out together. Talaga bang magkaibigan lang kayo ni Jairus?"

Napaawang ang labi ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng angkinin si Jairus. Hindi ko siya pagmamay-ari.

"O-Oo, kaibigan lang..."

"Mabuti naman, may balak na kasi ako." Tinapik niya ang balikat ko. Bigla siyang lumabas ng comfort room.

Anong balak?

Lumakas ang tibok ng puso ko, tila ba nagkaroon ako ng masamang kutob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status